Share

3.

Penulis: Batino
last update Terakhir Diperbarui: 2025-07-05 09:38:43

"Stop." Mabilis ngunit malamig ang utos ni Dark sa kanyang driver. Hindi siya kailanman sumisigaw, pero sapat ang bigat ng kanyang tinig para huminto ang mundo.

Tahimik na tumigil ang sasakyan, kahit pa ilang ulit na itong bumusina sa dalawang babaeng tila wala sa wisyo sa gitna ng kalsada, kalsada kung saan patungong Vellamonte.

"Susme! Roxane, lagot na tayo! Baka ang pamilya Vellamonte na ang may-ari ng sasakyang ‘yan o ang anak ng Vellamonte na galing sa America!" bulong ni Lyka, halos hindi na makahinga sa kaba habang hawak-hawak ang braso ng kaibigan.

Sa kabila ng lahat, walang bahid ng takot sa mukha ni Roxane.

"Relax ka lang, Lyka. Hindi naman tayo kriminal. Naglalakad lang tayo... sa maling lugar. At maling oras. At maling direksyon. Pero ‘di ibig sabihin kakasuhan tayo agad, ‘no?" aniya habang kinakalma ang sarili sa pamamagitan ng pag-aayos ng kanyang gulo-gulong buhok gawa ng biglaang pagkasubsob nito sa kalsada kanina habang naghaharutan sila patungong Vellamonte Palace.

"Ha?! Relax daw? Girl, ang tingin niya sa atin parang... parang traffic violation in human form!" pabulong na sigaw ni Lyka, habang pasimpleng tumatalon palayo sa gitna ng kalsada.

Bumukas ang pinto ng sasakyan. Mula rito ay bumaba ang isang lalaking matikas, naka-itim na suit, malinis ang hiwa ng buhok, at mukhang may permanenteng kasamang classical music sa likod ng utak.

Tiningnan nito ang dalawa, seryoso ang mukha.

"Ladies..." aniya, walang kaemosyon-emosyong mukha, pero may pigil na pagkairita sa tono, "You are blocking the road. I advise you to move to the sidewalk... unless you'd prefer to be escorted by traffic enforcers."

"Ay. Escorted talaga? Sosyal!" bulong ni Roxane, saka ngumiti sa lalaki, tantiya niya ay bodyguard lang ito ng kung sino mang taong nasa loob ng magarbong sasakyan.

"Noted po, Sir." sagot naman ni Roxane. Binigyan pa niya ito ng bahagyang bow, parang nasa Korean drama.

Napangiti si Dark habang mula sa loob ng sasakyan ay tahimik niyang pinagmamasdan ang kapilyahan ni Roxane sa kanyang bodyguard.

Ngunit sa likod ng malamig niyang anyo, may bahagyang aliw na sumilay sa kanyang mga mata. May kung anong nakakatuwang bagay sa kaswal na kumpiyansa ng dalaga—na para bang walang takot, walang alinlangan, at tila ba sanay makipagbiruan kahit kanino, kahit pa siguro sa kanya.

Tahimik lang si Dark sa kanyang sasakyan, patuloy na pinagmamasdan ang dalagang nagbigay sa kanya ng atensiyon.

Hindi siya nagsalita, ngunit sa loob ng kanyang isipan, malinaw ang isang bagay: Hindi ordinaryo ang babaeng ito at tila may nabubuong pagtingin sa kanyang puso.

"Siya na kaya? Siya na kaya ang babaeng matagal ko nang hinahanap… ang babaeng itinadhana para tumupad sa kasunduan namin ng Mama ko?!"

Natigil ang pag-iisip ni Dark nang biglang lumabas ang kanyang Mama mula sa sasakyang nasa likuran niya. Nakalimutan na niyang kasama pala niya ang kanyang mga magulang at nasa hulihan sila ng kanyang sasakyan.

Dahil sa labis na nasiyahan si Dark sa eksenang nagaganap sa babaeng kausap ng kanyang bodyguard, hindi na niya namalayang nasa harapan na ng sasakyan niya ang kanyang Mama kasama na ang bodyguard at ang babaeng nagustuhan niya bigla.

“Miss... hindi mo ba kami kilala para harangan mo ang daanang ito?!” galit na wika ni Mrs. Vellamonte kay Roxane.

"Sino po ba kayo? Pasensiya na po, ngayon ko lang po kasi kayo nakita sa Highway ng Vellamonte Village," magalang na sabi ni Roxane, habang nakatingin ng diretso sa mataray na ginang na may halatang kapangyarihan.

(Nakakatawa ang babaeng ito!) bulong ng ilang matatandang nakapaligid, na agad napangiti ng pilit habang palihim na nagkakatinginan. Talaga bang hindi niya kilala ang angkan ng mga Vellamonte? Isang matapang na kabataan, huh! Halos lahat ay nakayuko na—tila ba hangin lang si Roxane sa gitna ng tensyon. Takot silang baka paalisin sila sa lupain ng makapangyarihang pamilya.

Bigla na lang siyang piningot ng ina niya, na halos lumipad sa pagmamadaling lapitan siya. Agad itong yumuko sa harapan ni Mrs. Vellamonte, pawisan at nanginginig ang tinig.

"Pasensiya na po talaga kayo, Madam Vella. Hindi po alam ng anak ko ang ginagawa niya," saad ng kanyang ina, pilit pinapakalma ang sitwasyon habang hawak-hawak ang braso ni Roxane.

Napasapo sa noo si Mrs. Vellamonte, halatang nainis ngunit pinigilang sumabog. Sa halip, tumango na lamang at isininyas na umalis na sila, bago pa tuluyang masira ang kanyang mood.

Natatawa naman si Dark sa anyo ni Roxane. Hindi niya napigilan ang mapangiting iling habang pinagmamasdan ang dalaga—nakasimangot pero walang laban sa kurot at pangaral ng ina nito. Parang eksena sa teleserye, pero sa harap niya mismo nagaganap.

Habang paalis na ang kanilang sasakyan, nanatili pa rin ang titig ni Dark kay Roxane. Parang may kung anong kuryenteng hindi niya maipaliwanag na humatak sa atensyon niya. Sa dinami-dami ng tao, bakit siya pa? Ang babaeng may tapang humarap kay Mrs. Vellamonte—ngunit ngayo’y parang batang napagalitan.

"Gusto ko siya. Gusto ko siyang makilala," sambit niya nang mahina ngunit buo ang loob.

Narinig iyon ng kanyang bodyguard, na saglit na napatingin sa rearview mirror, halos hindi makapaniwala sa narinig mula sa tahimik ngunit mapanuring si Dark.

"Kikidnapin ko ba siya, Señ? Dadalhin ko agad sa'yo, kahit nakapambahay pa 'yan! Sabihin mo lang, Señ, at isasako ko na!"

"Hayaan ka na naman! Inumpisahan mo na naman yang kapilyuhan mo. Sana ganyan ka rin dun sa babaeng kaharap mo kanina—nakaka-awa ka, sa isang babae lang, tiklop na tiklop ka! Para kang sininghot na tuta!" sabay tawa nito na ngayon lang nakita ng kanyang bodyguard.

Plak! Plak! Plak! Marahang pumalo ang palakpak ng kanyang bodyguard, na dati’y walang humpay ang tawa—ngunit bigla itong tumigil, lumalim ang kanyang mga mata, at napalitan ng matinding seryosong ekspresyon ang kanyang mukha.

At ibinaling na lang ang kanyang paningin sa bintana ng kanyang sasakyan; kitang-kita pa rin niya sa side mirror ang babaeng tumatak sa isip niya.

"Kailan ko kaya siya makikilala?" saad ng kanyang isip. Napapikit siya ng marahan, iniisip ang magandang mukha ng babaeng nagbigay sa kanya ng tinatawag na pag-asa, pag-asang mabilis niyang mahahanap ang babaeng pakakasalan niya sa loob lamang ng dalawang linggo.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Komen (6)
goodnovel comment avatar
Rod
Maganda Ang kwento
goodnovel comment avatar
dominick
Hahahahahh nice ang banding nila
goodnovel comment avatar
sesiom33
Ang ganda talaga
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • ANG KATULONG NA PINIKOT NG BILYONARYO   Book 1-246

    Sa isipan ni Drick, unti-unting bumibigat ang katotohanang kahit anong pilit at kahit anong sakripisyo pa ang gawin niya, maaaring hindi na niya muling makita ang anak nila ni Lyka—ang munting sanggol na ngayon ay kilala na bilang Aleah Integrio. Sa bawat bayang puntahan niya, sa bawat pantalan na tanungin niya, iisa lamang ang sagot na paulit-ulit niyang naririnig: “Dinala na po sa Amerika ang bata.” “Sa USA na po siya lumaki.” “Pag-aari na po siya ng pamilyang Integrio.” Parang paulit-ulit na hinihiwa ang kanyang dibdib sa bawat salitang iyon. Nang tuluyan niyang matuklasan ang buong katotohanan—na dinala si Aleah sa USA upang ipagkasundo sa pamilyang Wulkman—parang gumuho ang mundo niya. Isang sanggol. Isang inosenteng bata. Ipinagpalit sa isang kasunduang hindi man lang nito naintindihan. Sa mga gabing nag-iisa siya sa mumurahing silid sa mga pantalan, hawak ang lumang panyo ni Lyka at ang munting kumot na minsang binalot kay Aleah, paulit-ulit niyang tinatanon

  • ANG KATULONG NA PINIKOT NG BILYONARYO   Book 1-245 Aleah Villar

    Makalipas pa ang ilang taon, tuluyan nang lumaki sina Roxiel at Clairox na may sapat nang kaalaman sa mundo. Hindi kailanman nagkulang si Lyka sa pag-aaruga sa kambal. Sa edad na sampu, sanay na silang gumawa ng halos lahat ng gawain sa isla. Si Roxiel ay likas na maliksi—ang bawat galaw ay tila isang batang sundalo na sinanay sa disiplina at bilis. Samantalang si Clairox naman ay tahimik at mapagmatyag; kapag ayaw niyang magpakita, para siyang aninong bigla na lamang nawawala sa paningin. Isang hapon, habang naglalaro sila sa tabing-ilog, may napansin silang maliit na bangkang palutang-lutang, unti-unting tinatangay ng mahinang agos. “MAMA!” malakas na sigaw ni Roxiel, sabay takbong nilapitan ang bangka. Paglapit niya, nanlaki ang mga mata niya sa nakita. May isang lalaking nakahandusay sa loob ng bangka—duguan ang balikat, basang-basa ang damit, at walang malay. “Papa…” mahinang bulong niya, saka biglang napasigaw, “PAPA!” Si Drick nga ang nasa bangkang pandagat. Agad

  • ANG KATULONG NA PINIKOT NG BILYONARYO   Book 1-244 Isla Molave

    “Mama!” sabay na sigaw nina Roxiel at Clairox habang humahagibis ang kanilang maliliit na paa sa buhanginan. Limang taong gulang na ang kambal. Payat ang kanilang mga braso at binti, bakas ang hirap ng buhay sa isla. Mula nang dalhin sila roon ng barko ni Don Integrio, doon na sila lumaki—sa Isla Molave, malayo sa sibilisasyon. Ang suot nila’y mga lumang damit na paulit-ulit nang tinahi ni Lyka, at kung minsan, kapag wala nang masuot, mga dahong pinagdikit-dikit na lamang. “Mama! Mama!” hingal na hingal na tawag ni Roxiel. “May nakita kaming puno ng niyog sa banda ro’n!” dagdag ni Clairox, kumikinang ang mga mata sa tuwa. Agad na iniwan ni Lyka ang hinahawakan niyang lambat at mabilis na lumapit sa mga anak. Lumuhod siya at mahigpit silang niyakap, wari’y takot na takot pa ring mawala ang mga ito sa kanyang paningin. “Talaga ba?” mahinang tanong niya, pilit na ngumingiti kahit punô ng pag-aalala ang dibdib. “Ingat kayo sa paglalakad, ha? Huwag lalayo nang hindi ako kasama.”

  • ANG KATULONG NA PINIKOT NG BILYONARYO   Book 1-243 D'Bridge

    Nagpatuloy ang paglalakad ni Drick sa makipot na kalsada ng D’Bridge, bitbit ang mabigat na sako sa kanyang balikat. Sa bayan na ito, kilala siya bilang si Bryan—isang tahimik na kargador sa pantalan, walang pamilya, walang nakaraan, walang tanong. Sa bawat hakbang, kasabay ng bigat ng kargamento ang bigat ng kanyang konsensya. Sa pantalan, abala ang mga tao. May mga barkong dumarating at umaalis, may sigawan ng mga tindero, may halakhakan ng mga mandaragat. Ngunit para kay Drick, tila napakalayo ng lahat. Para siyang multo sa gitna ng mga buhay—naroroon, ngunit walang tunay na umiiral. “Hoy, Bryan! Dito muna!” sigaw ng matandang tagapangasiwa. Tumigil siya at agad lumapit, ibinaba ang sako sa tabi ng mga kahon ng isda. “Dalhin mo ’to sa bodega sa dulo. Bilisan mo, parating na ang susunod na kargamento,” utos nito. “Opo,” maikli niyang sagot. Muli niyang inangat ang sako. Kumirot ang balikat at likod niya, ngunit hindi siya umimik. Mas sanay na siya sa sakit—pero mas mas

  • ANG KATULONG NA PINIKOT NG BILYONARYO   Chapter 242

    “Mga anak…” mahinang bulong ni Lyka sa magkapatid na kambal. Mahimbing na ang tulog ng mga ito, tinangay na ng matinding pagod matapos ang mahabang paglalakad sa buhanginan upang marating lamang ang kakahuyan sa isla na kanilang napadpadan. Madungis na ang mga bata—punô ng alikabok at putik—gayundin siya. Gusot ang buhok, nangingitim ang mga kamay at paa, bakas sa buong katawan ang hirap at takot na kanilang pinagdaanan. Dahan-dahan niyang hinaplos ang noo ng isa, saka napabuntong-hininga. “Nasaan na kaya ang ama ninyo… at ang bunso ninyong kapatid?” pabulong niyang tanong, nanginginig ang tinig. Nasa gilid sila ng lumang barkong sumadsad sa pampang. Tahimik ang paligid, tanging hampas ng alon at huni ng hangin ang maririnig. At sa gitna ng dilim, pinilit ni Lyka na pigilan ang pagluha, ayaw niyang magising ang kanyang mga anak—kahit ang puso niya’y halos durog na sa pag-aalala. Kailangan ko pang ilayo ang barko mula sa dagat para hindi ito muling tangayin ng alon… at para

  • ANG KATULONG NA PINIKOT NG BILYONARYO   Book 1-241

    “N-nagawa ko…” bulong ni Drick nang maramdaman niya ang malamig na hanging bumaba mula sa ibabaw papasok sa underground. “Nabuksan ko na… makakaalis na ako.” Napahinto siya sandali, saka napayuko. “Pero paano ang anak namin? Nasaan ko siya hahanapin?” Gumapang siya palabas sa makitid na lagusang gawa sa lupa. Ang sahig ay basa at may halong putik, at ang ilang bahagi ay may mga tapakang semento na unti-unting lumulubog sa bawat hakbang niya. Kahit pilitin niyang dahan-dahanin ang paglakad, patuloy pa rin siyang nababaon. Sa huli, nagpasya na lamang siyang bilisan ang galaw, umaasang makalalabas na siya bago pa siya tuluyang maipit. Pag-ahon niya, tumambad sa kanya ang isang maliit na bahay-kubo. “Ang bahay na ’to…” bulong niya. “Ito ang kubo ng mag-inang tumulong sa akin.” Madilim pa ang paligid; madaling-araw pa lamang. Habang pinagmamasdan niya ang paligid, hindi niya napansin ang isang bagay sa kanyang daraanan. Bigla siyang napatapilok. “Aaah!” sigaw niya. Pagtingin ni

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status