Share

9.

Author: Batino
last update Last Updated: 2025-07-08 14:15:24

Ngayon, habang pinagmamasdan niya ang repleksyon ng amo at ni Roxane sa rearview mirror, alam niyang may mas malalim na dahilan si DN — at hindi iyon basta maid lang.

Sumagot si Dark, kunot-noong seryoso, pero may bahid ng kaplastikan sa boses,

"I-ikot mo. Uuwi na tayo. May nakalimutan akong kunin."

Palusot. Halatang palusot niya.

Kunot-noo rin si Roxane.

"Ang gulo ng utak ni sir! Kanina galit, ngayon biglang uwi? Ang bilis ng mood swing. Baka may kabit siyang naiwan sa ilalim ng kama!"

Pero hindi na siya nagreklamo.

“Okay lang… at least pauwi na kami. Sana walang part two ng drama.”

Tahimik siyang napatingin sa bintana habang naglalakbay ang isip.

"Wala na sigurong trabaho pagkatapos nito. Gusto ko na lang mahiga buong araw. Pagod na pagod ang katawan ko kahit wala pa akong ginagawang trabaho. Pakiramdam ko kasi parang dinaanan ng tren ang katawan ko — at hindi 'yung tren ng MRT ha, kundi 'yung tren ni Dark kagabi!"

Napasinghap siya sa kanyang isipin.

“Hala! Ano ba 'yan,
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • ANG KATULONG NA PINIKOT NG BILYONARYO   21.

    “Hoy, Maxine... ano na?! Sabihin mo na kung sino at paano mo nalaman ang salitang 'yon?! Dahil kahit ako—kahit ako na rin—walang alam sa bagay na ‘yon!” ("Habang si Carrissa nakikinig sa isang tabi na walang nakakakita.) Napakapit si Roxane sa baywang, nanginginig sa halong kaba at inis habang tinititigan si Maxine na parang gustong hukayin ang buong pagkatao nito. Pero ang hindi niya alam… may isang pares ng mata ang tahimik na nanonood mula sa likuran ng pinto. Si Dark. Tahimik niyang hinawakan ang doorknob. Bubuksan niya na sana ito kanina pa nang biglang umalingawngaw ang sigaw ni Roxane. Napatigil siya—hindi dahil sa takot o kaba—kundi dahil sa mga salitang lumabas sa bibig ni Maxine. "Hindi ba talaga maalala ni Miss Hermenez ang namagitan sa amin sa elevator nung gabing 'yon?" Parang tinamaan ng kuryente si Dark. Napapikit siya. Dahan-dahang bumalik sa kanya ang eksaktong eksena. FLASHBACK Isang gabi na puno ng tensyon, ang elevator ay tila naging mundo nila.

  • ANG KATULONG NA PINIKOT NG BILYONARYO   20.

    "Paano mo nasasabi sa akin ang bagay na 'yan, Dark?! Hindi mo ba kilala ang pamilya ko?! Isa akong sikat na modelo, at hindi lang basta modelo—" Pssssst... Pigil na sitsit ni Dark kay Carrissa. "Hindi mo na kailangang ipaalala sa akin kung sino ka at kung ano ang katayuan mo sa industriya. Wala akong pakialam. Ang gusto ko lang, umalis ka na sa bahay namin... dahil kahit kailan, hindi ako papayag na makasal ako sa isang taong hindi ko naman mahal. At lalong ayoko sa babaeng—" Natigil ang pagsasalita ni Dark nang bigla na namang nawalan ng balanse si Roxane sa pagkakatayo sa pinto, habang nakasilip ito. Ang mga mata ni Dark ay mabilis na bumaling kay Roxane, at ang kanyang mga labi ay napaatras, tila nahirapan sa mga salitang hindi na niya kayang ipagpatuloy. "Pasensya na... hindi ko sinasadyang makinig sa pinag-uusapan ninyo..." Nahihiyang sabi ni Roxane, ang kanyang mga kamay ay mahigpit na nakahawak sa gilid ng pinto, parang gusto niyang maglaho sa kakatwang sitwasyon. "Aalis po

  • ANG KATULONG NA PINIKOT NG BILYONARYO   19.

    "Uhmm... hindi magandang biro 'yan, Mr. Dark. Kahit papaano, ako pa rin ang future wife mo, at hindi ang katulong na 'yon!" Gigil sa galit na sabi ni Carrissa, habang namumula ang pisngi niya—hindi lang sa inis kundi sa kahihiyan. Mahigpit ang kapit niya sa mamahaling clutch bag na hawak niya, tila gusto nitong ibato sa lalaking kaharap. Kumunot muli ang noo ni Dark. Matalim ang tingin, malamig na parang yelo ang boses nang magsalita ito. "Wag mo akong sabihan kung ayaw mong mapahiya ulit sa ibang tao," aniya na may halong babala. Lumikha ng tensyon ang katahimikan matapos niyon—tahimik pero nakakabingi. Tumalikod bigla si Dark. May biglang pagbabago sa tono ng boses niya, banayad pero bawat salita ay parang patalim na humihiwa sa pride ni Carrissa. "Umalis ka na sa aking silid. Panira ka ng moment." Napapikit si Carrissa sa sakit ng mga salitang iyon. Nagngingitngit siya sa galit, pero hindi na siya muling nagsalita. Tahimik pero mariing tumalikod si Carrissa, at may diin ang ba

  • ANG KATULONG NA PINIKOT NG BILYONARYO   18.

    Sa gulat ni Roxane. “Hallah! Si Sir, nananaginip na naman!” bulong ni Roxane habang sumisilip mula sa gilid ng kama. “Grabe, ang intense… parang teleseryeng may theme song ng Aegis.” Nanlaki ang mata niya. “Ang hot naman ng babae sa panaginip ni Sir. Pak! Mukhang may abs pa ‘yun, parang ako lang pero reverse. Kung makareact si Sir, akala mo iniwan sa altar!” Habang nagsasalita, hindi pa rin gumagalaw si Sir Dark. Nakapikit, pawisan, at tila may sariling mundo. “Wag mo akong iiwan...” bulong nito habang marahang nanginginig ang labi. Napaatras si Roxane. “Naku po, Lord, baka multo 'yung kausap nito!” Pero dahil trained maid siya (at konting curious), lumapit siya at hinawakan ang braso ng amo. “Sir... gising na po kayo. Alas siete na. May meeting po kayo—at amoy panaginip na kayo.” Bigla siyang hinila ni Dark! “AAAHHHHHHH!!!” sigaw niya habang diretso siyang bumagsak sa ibabaw ni Sir. Dumiretso ang ulo niya sa dibdib nito. Tulog pa rin si Sir?! OMG! Napakapit siya sa beds

  • ANG KATULONG NA PINIKOT NG BILYONARYO   17.

    Pasado alas sais ng umaga nang matapos ang ginagawa ng mag-ina. Maingat nilang hinihiwalay ang mga puti sa dikulor na damit—ayaw kasing magmansya. Maselan kasi ang may-ari ng labahang nakuha ni Aleng Beth. Sanay na sanay na si Aleng Beth sa ganitong gawain, lalo na kapag may kinalaman sa pagkakaperahan. Ayaw niyang may masabi ang mga customer sa kanya—kaya doble ang ingat niya sa bawat piraso ng labahin. Habang inaayos ang huling sako ng labada, hindi na nakatiis si Aleng Beth na lingunin ang anak na halos hindi pa nakakatulog. "Anak… alas sais na. Wala ka pang maayos na tulog." May pag-aalalang bumakas sa kanyang mukha. "Sigurado ka bang ayos lang sa’yo na pumasok kang puyat?" Napatingin si Roxane sa ina, sabay ngiti kahit bakas ang pagod sa kanyang mga mata. "Jusko naman, Inay... parang hindi niyo po ako kilala." Sabay kambyo ng tono na parang may pa-swagger pa. "Hindi pa po ba kayo nasasanay sa ’kin? Malakas pa ’to sa kalabaw, ’noh!" Sabay tikwas ng balikat at akmang pag

  • ANG KATULONG NA PINIKOT NG BILYONARYO   16.

    Malalim na ang gabi ngunit hindi pa rin dalawin ng antok si Roxane. Tahimik lang siyang nakahiga sa kaniyang higaan, ngunit gising na gising ang isipan niya. Patuloy sa pag-ikot ang mga salitang iniwan sa kanya ni Dark kanina. Hindi niya maintindihan kung bakit tila may bigat ang mga sinabi nito. "Kilala ako ng Mama mo..." Paulit-ulit na bumabalik ang katagang iyon sa kanyang isip. At habang pinagmamasdan niya ang kisame ng kanilang maliit na silid, napalunok siya ng bahagya. Hindi pa rin siya makapaniwala. Hindi pa naman niya nadatnan ang kanyang ina na gising kanina—mahimbing na itong natutulog nang ihatid siya ng kanyang boss. Natural lang naman siguro iyon, lalo na’t palaging pagod si Inay sa maghapong paglalaba. Wala na rin kasing ibang tumutulong sa kanya ngayon, kaya’t ramdam niya ang bigat ng responsibilidad na pasan nito. Hindi rin naman makakatulong si Itay, dahil may karamdaman siyang kailangang seryosohing gamutin—pati na rin ang bunso nilang kapatid na laging

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status