ホーム / Romance / ANG KATULONG NA PINIKOT NG BILYONARYO / Book 1- 200 -Ang katuloy -Bago ang Aftermath

共有

Book 1- 200 -Ang katuloy -Bago ang Aftermath

作者: Batino
last update 最終更新日: 2025-12-19 16:53:26

Nagising si Lyka sa tunog ng makina.

Hindi niya alam kung ilang oras na siyang nakahiga roon—ang tanging alam niya’y masakit ang ulo niya at mabigat ang dibdib, parang may kulang na hangin sa bawat paghinga. Maputi ang paligid. Amoy gamot. Amoy ospital.

“Miss… naririnig mo ba ako?”

Napalingon siya. Isang nurse ang nakayuko sa tabi niya. Bago pa siya makapagsalita, isang tanong ang agad na bumagsak sa kanya.

“Ano po ang pangalan ninyo?”

Nanlaki ang mata ni Lyka.

Bumuka ang bibig niya—ngunit walang lumabas. Walang pangalan. Walang alaala. Walang kahit anong mahawakan sa isip niya.

Hindi nagtagal, dinala siya sa kabilang silid.

Doon niya nakita si Drick.

Nakahiga rin ito, may benda ang ulo at braso. Maputla, pero buhay. Sa sandaling nagtagpo ang kanilang mga mata, may kakaibang bagay na bumalot sa kanila—parang pamilyar, pero hindi nila alam kung bakit.

“Kil… kilala mo ba ako?” mahinang tanong ni Drick.

Umiling si Lyka. Nanginginig ang labi. “Hindi… pero pakiramdam ko… hindi k
この本を無料で読み続ける
コードをスキャンしてアプリをダウンロード
ロックされたチャプター

最新チャプター

  • ANG KATULONG NA PINIKOT NG BILYONARYO   Book 1-225 POV: LYKA

    Niyakap ko si Drick nang mas mahigpit, halos mawalan ako ng hininga habang nagtatagpo ang aming mga labi. Parang huminto ang mundo—tanging tibok ng puso ko at ang init ng katawan niya ang naririnig at nararamdaman ko. Grabe… bakit ganito? Para akong lulutang at malulunod sa iisang sandali, sabay. Mag-asawa na kami, kaya bakit ganito pa rin ang tama? Bakit parang ngayon ko lang ulit naramdaman ang ganitong kilig—yung tipong nanginginig ang tuhod ko at nanlalambot ang mga daliri ko? Bulong-bulong ko iyon sa isip habang dahan-dahang bumababa ang halik niya, mula sa labi ko pababa sa leeg, nag-iiwan ng init na gumuguhit sa balat ko. Napapikit ako, kusa akong napayakap sa kanya nang mas mahigpit, parang takot akong bumitaw at mawala ang sandaling ito. May hiya, may takot, pero mas nangingibabaw ang lambing—yung pakiramdam na pinipili ako, hinahawakan ako nang may pag-iingat at pagnanasa. Sa bawat haplos, mas lalo kong nararamdaman kung gaano kami kalapit, kung paanong sa gitna ng lahat,

  • ANG KATULONG NA PINIKOT NG BILYONARYO   Book 1-224

    “Sandali—” hingal na hingal si Lyka habang mahigpit na yakap ang bag na naglalaman ng mga gamit ng kambal. Ang mga gamit na 'yon ay kasamang itinapon ng mga kasamahan nila sa trabaho, dahil kahit papaano naawa sila ng kaunti sa kambal. Nanginginig ang mga tuhod niya, ngunit pinilit niyang tumakbo nang marinig ang malakas na clang ng nagsasarang gate. “Lyka, huwag kang lilingon!” mariing utos ni Drick, mas hinigpitan ang pagkakakarga kina Clairox at Roxiel na muling umiyak, tila ramdam ang panganib. Tumunog ang alarma. Umiilaw ang pulang ilaw sa itaas ng gate. “Isa… dalawa… tatlo…” pabulong ngunit nanginginig ang tinig ni Lyka habang pilit niyang isinisiksik ang sarili sa papaliit na pagitan ng gate. Kumayod ang balat niya sa malamig na bakal, ngunit hindi niya inalintana ang sakit. Sa isang huling pilit—nakalusot siya. “Takbo!” sigaw ni Drick. Walang lingon-lingon, nagtakbuhan sila palayo sa QUMAN Hospital, hingal, pawis, at takot ang tanging baon. Humahabol ang tunog ng

  • ANG KATULONG NA PINIKOT NG BILYONARYO   Book 1-223 Lyka Agustin

    “Ilang oras na ang lumipas… bakit wala pa ring balita sa mga tauhan natin, asawa ko?” Basag ang boses ni Roxane habang mahigpit na nakahawak sa gilid ng kama. Pawis na pawis ang noo niya, at kahit pilit niyang magpakatatag, hindi maitago ang takot sa mga mata. Bawat segundo ay tila humahaba, bawat katahimikan ay parang nagbabadyang sakuna. Hinaplos ni Dark ang kanyang pisngi, pilit na ipinapasa ang lakas na siya mismo’y unti-unti nang nauubos. “Lalabas muna ako, mahal kong asawa. Titingnan ko ang lagay sa labas. Hahanapin ko mismo ang sagot,” mariing sabi niya, bakas ang determinasyon sa tinig. Tumayo siya at hinarap ang mga tauhan. Ang mga mata niya’y malamig, mabigat—iyong uri ng tingin na hindi maaaring suwayin. “Mga tauhan,” mariin niyang utos, “wag na wag ninyong iiwan ang Madam ninyo rito kahit sandali. Maliwanag ba?!” “YES, SIR!” sabay-sabay na sagot ng tatlong lalaki, tuwid ang tindig at handang ialay ang buhay kung kinakailangan. Naiwan sa silid si Roxane, ang m

  • ANG KATULONG NA PINIKOT NG BILYONARYO   Book 1-222

    “Saan ka pupunta, babae ka! Diba sinabi ko sa’yo na hindi ka pwedeng lumabas ng hospital?!” sigaw ng dalawang babae habang mariin nang hinawakan ang magkabilang braso ni Lyka. Walang paki kung nasasaktan siya, basta’t masunod ang utos. Napalingon si Lyka, nanlalabo ang mata sa gulat. “Ano bang problema niyo?! Bakit niyo ba ginagawa sa akin ito?!” singhal niya pabalik, sinusubukang bawiin ang sarili niyang lakas, pero tila mas malakas ang kapit ng dalawa kaysa sa boses niya. “Utos ito ni Aling Poring at ni Korason. Hindi namin sila pwedeng suwayin!” sagot ng isa, sabay kaladkad sa kanya papunta sa exit ng hospital. Hindi sa main door — kundi sa service exit, don sa likod, kung saan walang CCTV na umaabot, at ang mga nurse ay abala sa emergency ward. Habang hinihila siya, sumasabit ang paa niya sa sahig, ang tsinelas niya halos matanggal na. Ang ingay ng pagkaladkad, at ang sigaw ng protesta niya, pilit nilang tinatabunan sa pamamagitan ng pagmamadali. “Bitawan niyo ako! Ano ba,

  • ANG KATULONG NA PINIKOT NG BILYONARYO   Book 1-221 -Euna De Perfume

    Parang may kumalabit sa alaala ni Carolina nang sumuot sa ilong niya ang amoy ng silid. Hindi ito basta pabango lang—may bigat, may memorya. Isang halimuyak na matagal na niyang ibinaon, pero hindi kailanman nakalimutan. Citrus sa una… tapos jasmine… at may sandalwood sa dulo. Eksaktong-eksakto sa pabango ng taong matagal na niyang hinahanap. Humakbang siya palapit sa kama, at dahan-dahang hinaplos ang kumot na parang may sagot itong itatago. Biglang bumilis ang tibok ng puso niya. Hindi siya puwedeng magkamali… pamilyar ito. Masyadong pamilyar. “Sigurado ka bang ikaw ang naglinis sa silid na ito?!” Matalim pero kontrolado ang boses ni Carolina habang nakatingin kay Aling Poring—ang matandang katiwala na halos yumuko na sa bigat ng tensyon. Napatda ang matanda. “O-opo, Madam Carolina… ako po…” nanginginig ang sagot nito, ramdam ang kaba sa bawat salita. “At anong pabango ang in-spray mo rito kanina?” dagdag ni Carolina, bahagyang naningkit ang mga mata. Hindi galit

  • ANG KATULONG NA PINIKOT NG BILYONARYO   Book 1-220

    “Ma’am Lyka?!” Parang binuhusan ng malamig na tubig ang tauhan ng Villamonte nang makilala niya ang babaeng muntik na niyang mabangga. Nanlaki ang mga mata niya, at nanigas ang buong katawan sa gulat. Shit… siya ‘yon! Mabilis siyang napalingon sa direksiyong tinakbuhan ni Lyka—wala na ito sa paningin. Humahalo ang kaba at pagkalito sa dibdib niya. Hahabulin ko ba siya? O ipapaalam ko muna sa kanila? Nasaan na ba ang earpiece ko?! Kinapkapan niya ang tainga at bulsa, ngunit wala—parang naglaho. “Shit! Nalaglag pa ata!” tarantang bulong niya sa sarili, bakas ang pagkainis at panic sa mukha. Habang abala siya sa paghahanap, muntik na naman siyang mabangga—ngayong pagkakataon ay dalawang babaeng hingal na hingal na tumatakbo palabas ng Quma Hospital. Napaatras siya ng bahagya, ngunit hindi na niya pinansin. Mas mabigat ang impormasyong hawak niya kaysa sa anumang banggaan. Mabilis siyang umayos ng sarili at deretsong nagtungo sa VIP Room ng mag-asawang Villamonte. Sa bawat hakban

続きを読む
無料で面白い小説を探して読んでみましょう
GoodNovel アプリで人気小説に無料で!お好きな本をダウンロードして、いつでもどこでも読みましょう!
アプリで無料で本を読む
コードをスキャンしてアプリで読む
DMCA.com Protection Status