Share

Book 4-33 Liham ni Roffana

Author: Batino
last update Last Updated: 2025-10-28 01:10:30

Tahimik ang gabi. Sa bawat ihip ng hangin, parang may dalang tinig na pamilyar — malambing pero malungkot. Nasa loob ako ng maliit kong kwarto, nakaupo sa tabi ng mesa. Sa harap ko, nakapatong pa rin ang sobre na iniwan ni Roffana. Ilang oras na itong nando’n, pero hindi ko pa rin magawang buksan.

Parang may mabigat na bato sa dibdib ko. Sa tuwing tinitingnan ko ‘yung papel, naiisip ko siya — ‘yung paraan ng pagngiti niya tuwing nahihiya, ‘yung boses niyang laging may halong galit kapag tinutukso ko. At ngayon, tanging liham na lang niya ang natira sa akin.

Huminga ako nang malalim. Unti-unti kong pinunit ang sobre, nanginginig ang mga kamay ko. At sa sandaling bumukas iyon, isang pirasong papel ang bumungad — puno ng sulat-kamay niya, medyo nagmamadali, may bahid ng luha sa gilid.

“Ninong,”

nagsimula ang unang linya,

“kung binabasa mo ‘to, siguro wala na ako diyan. Hindi ko alam kung saan ako patutungo, pero alam kong kailangan kong lumayo.”

Napalunok ako, at pinilit kong itulo
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • ANG KATULONG NA PINIKOT NG BILYONARYO   Book 4-34

    “Magpakasal na tayo, Roffana…” mahina kong saad, halos hindi lumalabas sa bibig ko ang mga salita. Pero sa bawat tunog na lumalabas, ramdam ko ang panginginig ng puso ko—hindi sa takot, kundi sa kaba ng pag-asang baka muli niyang tanggihan. Tahimik ang paligid. Ang alon ng dagat ang tanging saksi sa pagitan naming dalawa. Ang malamig na hangin ay tila nagdadala ng mga salitang hirap kong bigkasin. Nakatingin lang siya sa akin, ang mga mata niyang dati’y puno ng tawa, ngayon ay may halong gulat at takot. “A-ano? Gerry…” halos pabulong niyang sabi, habang unti-unting tumalikod at itinakip ang mga kamay sa labi niya. “Alam mo namang bawal ‘yan! Paano natin haharapin ang pamilya ko? Alam mong tutol sila sa atin mula pa noon!” Lumitaw ang sakit sa dibdib ko na kanina ko pa pilit nilulunok. “Hindi ko na kayang itago ‘to, Roffana,” sagot ko, halos pumutok ang bawat salita sa damdamin. “Araw-araw tayong nagtatago, araw-araw akong nabubuhay sa takot na baka may makakita sa atin, baka malama

  • ANG KATULONG NA PINIKOT NG BILYONARYO   Book 4-33 Liham ni Roffana

    Tahimik ang gabi. Sa bawat ihip ng hangin, parang may dalang tinig na pamilyar — malambing pero malungkot. Nasa loob ako ng maliit kong kwarto, nakaupo sa tabi ng mesa. Sa harap ko, nakapatong pa rin ang sobre na iniwan ni Roffana. Ilang oras na itong nando’n, pero hindi ko pa rin magawang buksan. Parang may mabigat na bato sa dibdib ko. Sa tuwing tinitingnan ko ‘yung papel, naiisip ko siya — ‘yung paraan ng pagngiti niya tuwing nahihiya, ‘yung boses niyang laging may halong galit kapag tinutukso ko. At ngayon, tanging liham na lang niya ang natira sa akin. Huminga ako nang malalim. Unti-unti kong pinunit ang sobre, nanginginig ang mga kamay ko. At sa sandaling bumukas iyon, isang pirasong papel ang bumungad — puno ng sulat-kamay niya, medyo nagmamadali, may bahid ng luha sa gilid. “Ninong,” nagsimula ang unang linya, “kung binabasa mo ‘to, siguro wala na ako diyan. Hindi ko alam kung saan ako patutungo, pero alam kong kailangan kong lumayo.” Napalunok ako, at pinilit kong itulo

  • ANG KATULONG NA PINIKOT NG BILYONARYO   Book 4-32

    POV ni Gerry: Pagkababa namin ng bus mula sa field trip, halos lahat ng estudyante ay nagsisigawan sa tuwa, pagod pero masaya. May mga nag-aasaran, may mga nagkukuwentuhan pa tungkol sa mga nangyari sa biyahe — mga tawa, mga hiyawan, parang isang maingay na piyesta ng kabataan. Ako lang yata ang tahimik. Hindi ko alam kung bakit, pero mula pa kaninang nasa bus kami, may kung anong kaba na hindi maalis sa dibdib ko. Parang may kulang, parang may mali. Pagdating namin sa campus, agad akong napatingin sa gate. Sanay kasi akong nakikita ro’n si Roffana — minsan nakasandal sa pader, minsan nakaupo sa bench, nakangiti habang inaabot sa akin ang tinapay o mainit na kape. ‘Yung simpleng ngiti niya, sapat na para maibsan lahat ng pagod ko. Pero ngayong gabi, ibang-iba. Wala siya. Pinilit kong ngumiti. “Baka maaga lang umuwi,” sabi ko sa sarili ko habang inaayos ang bag. Pero habang unti-unting nagsisi-uwian ang lahat, habang nauubos na ang ingay sa paligid, unti-unti ring lumalalim ‘yung ka

  • ANG KATULONG NA PINIKOT NG BILYONARYO   Book 4-31

    Tahimik si Roffana habang naglalakad sa pasilyo ng Manila University. Ramdam niya ang kakaibang hangin sa paligid—mga matang nakasunod sa bawat kilos niya, mga bulungan na pilit niyang binabalewala kahit sa bawat hakbang ay parang pinupunit ang lakas ng loob niya. “Siya nga ‘yun, ‘yung babae sa video…” “Grabe, ang kapal! May Ninong daw ‘yun ah!” “Eh halikan pa more! Haha!” Napatigil si Roffana. Nanlalamig ang kanyang mga palad, mabilis ang tibok ng puso. Video? Anong video ang sinasabi nila? Hindi pa man niya nalalaman ang buong pangyayari, bigla siyang ipinatawag ng principal. Habang naglalakad patungo sa opisina, tila bawat hakbang niya ay papalapit sa bangungot na hindi niya kayang takasan. Pagdating niya, sinalubong siya ng malamig na titig ng principal. “Miss Roffana,” panimula nito, mabigat ang boses. “May natanggap kaming video clip. I want you to explain this.” Dahan-dahan nitong inikot ang laptop. At sa sandaling iyon, parang gumuho ang mundo ni Roffana. Doon sa screen

  • ANG KATULONG NA PINIKOT NG BILYONARYO   Book 4-30

    Simula nang malaman ni Roffana ang tungkol sa kanyang pagbubuntis, halos hindi na siya sumipot kay Max. Hindi niya na rin binubuksan ang mga mensahe nito sa messenger — puro tanong, puro paratang. Sa bawat vibration ng cellphone niya, para siyang natataranta. Kaya madalas ay naka-silent na lang ang phone, nakatago sa bag na parang ayaw na niyang mapansin ng mundo. “Roffana! Sagutin mo naman ako!” Nanginginig ang kamay niya habang binabasa ang isa sa mga mensahe ni Max. “Ginagawa mo na naman akong tanga. Akala mo makakatakas ka sa’kin?” Pinunasan niya ang mga luha at ibinulsa ang telepono. Hindi niya na gustong makipag-ayos o makipag-away pa. Si Max — isang kaklaseng naging mapilit at madaldal, pero kailanman ay hindi naging parte ng mundong gusto niyang panindigan. Ang tanging dahilan kung bakit nakatira siya ngayon sa boarding house ay dahil kay Ninong Gerry — siya ang naghanap ng lugar, nagbayad ng renta, at sinigurong ligtas si Roffana habang nag-aaral sa Maynila. Ngunit

  • ANG KATULONG NA PINIKOT NG BILYONARYO   Book 4-29 Volcano Marvol

    Pagkasarado ng pinto, napaupo si Roffana sa malamig na sahig. Nanginginig ang kanyang mga daliri habang pinipigil ang pag-iyak na matagal na niyang nilulunok. “Hayop ka, Max…” mahinang bulong niya, puno ng poot at pagod. “Hindi mo alam kung gaano mo akong winasak.” Ngunit sa gitna ng galit, may gumuguhit na kakaibang kaba sa kanyang dibdib—parang may lihim na kumakapit sa loob niya. Ilang araw na rin siyang balisa, nahihilo, at madalas masuka. Akala niya’y stress lang dulot ng nangyari, pero ngayong tahimik na ang paligid, naririnig niya ang malakas na tibok ng puso niya—tila may gustong sabihin. Lumipas ang mga oras. Gabi na nang hindi na niya mapigilan ang kutob. Isinukbit niya ang kanyang lumang jacket, nagtakip ng sumbrero, at lumabas ng boarding house. Malamig ang hangin habang naglalakad siya sa makitid na kalsada patungong kabilang bayan. Bawat yapak niya ay mabigat, parang kinukundena ng budhi. Pagdating sa botika, halos hindi siya makatingin sa cashier. “Isa pong pregna

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status