Share

Chapter 0002

Tatlong taon ang ipinangako nito ngunit ngayon ay bumalik na ang pinakamamahal nitong babae na sa loob ng dalawang taon nila bilang mag- asawa ay nananatili pa rin pala ito sa puso nito at iyon na ang tamang oras para bumitaw siya sa pagsasama nilang dalawa.

Yumuko siya at pagkatapos ay inabot ang divorce agreement na inilapag niya sa lamesa ng ilang sandali. Hindi pa niya natatapos ang kaniyang kinakain ngunit nawalan na siya ng gana dahil sa mga sinabi nito sa kaniya at plano na sana niyang bumalik sa kaniyang silid nang bigla na lamang hilahin ni Lucas ang kamay niya upang pigilan siya sa kaniyang pag- alis.

Bahagyang may tono ng pagkainis ang boses nito nang pahintuin siya nito.

“Hindi pa ako tapos sa sinasabi ko.” galit na sabi nito sa kaniya. “Kapag nagsabi ka kay Lolo na gusto mo ng makipaghiwalay ay tatanungin niya talaga ang dahilan sigurado ako. Nung nagpakasal ka sakin, di ba sabi mo ay may napupusuan ka sa loob ng maraming taon? Ngayong pinalaya na kita ay hanapin mo na lang ang taong iyon at hanapin mo ang sarili mong kaligayahan. Sabihin mo na na- realize mo na hindi mo pala ako mahal at mahal mo pa rin ang taong iyon, sa ganitong klase ng sagot ay baka sakaling makumbinse mo siya na payagan na tayong maghiwalay.” mahabang sabi nito sa kaniya.

Tumango siya rito bilang sagot. “Oo, sasabihin ko sa kaniya ang eksaktong mga sinabi mo.” pagkatapos niyang sabihin iyon ay kaagad niyang hinila ang kaniyang kamay mula rito at hindi na siya makapaghintay na makabalik sa kaniyang silid.

Kung mananatili pa siya doon ay baka masabi niya rito ang mga iniisip niya na ayaw niyang makipaghiwalay rito na sa kalaunan ay baka pagsisihan pa niya ngunit bigla nitong inabot ang isa niyang kamay at iniunat iyon. Pilit nitong binubuksan ang nakasara niyang palad.

Bigla siyang na kinabahan ng mga oras na iyon at bahagya pang nanlaki ang mga mata dahil sa ginawa nito kaya mabilis siyang umatras at lumayo rito dahil sa takot na baka makita nito ang nasa kamay niya.

Nakita niya ang paglambot ng ekspresyon nito dahil sa naging reaksiyon niya.

“Bakit ganyan ang mukha mo? Hindi ka ba komportable na lumalapit ako sayo?” tanong nito sa kaniya.

“Hindi.” mabilis na tugon niya at mas inilayo pa ang sarili rito.

“Dalawang taon na tayong kasal at nakatira sa iisang bubong sa tingin mo hindi ko alam na nagsisinungaling ka?” tanong nito na ikinalingon niya rito.

Taimtim itong nakatitig sa kaniya. Nag- iwas siya ng tingin at pagkatapos ay napabuntung- hininga.

“Wala naman.” maikling sagot niya rito.

“Magpahinga ka na muna.” sumusukong sabi nito sa kaniya at pagkatapos ay napansin niya na bigla na lamang itong napasulyap sa nakasara pa ring kamay niya. “Ano yang nasa kamay mo at sobra yatang higpit ng hawak mo?” mahinang tanong nito sa kaniya na bahagya pang nakakunot ang noo.

Dahil sa magkahalong kaba at frustration ay mabilis niyang itinapon iyon sa basurahan na tila ba isang mainit na pagkain at napaso siya pagkatapos ay pilit na ngumiti.

“Wala naman. Isang basura lang, nakalimutan ko pala na hawak- hawak ko pa rin at nakalimutan kong itapon.” sagot niya rito.

Nang mga oras na iyon ay hindi niya alam kung gaano kasakit ang nararamdaman niya sa kaniyang dibdib. Pakiramdam nga niya ay tila ba inilabas iyon at inilagay sa sangkalan at hinati sa dalawa at nai- imagine niya pa na tumutulo ang dugo mula rito at ang bawat hati nito ay mas pinino pa lalo.

Ang kaniyang puso ay punong- puno ng paghihirap ng mga oras na iyon.

‘Lucas Montenegro…’ bulong niya mula sa knaiyang puso. ‘Paano maghihiwalay ang dalawang mag- asawa na maayos naman ang pagsasama dahil lang sa itinakda nilang paghihiwalay nila noong una pa lamang?’ 

Nang magpakasal siya rito ay gumawa siya ng isang padalos- dalos na desisyon at sumugal siya sa ginawa niya ngunit ngayon na kailangan na nilang maghiwalay ay sobrang pagdadalamhati at sakit ang nararamdaman niya.

‘Napaka- b*bo mo Annie umasa ka na mamahalin ka niya pero ayan tuloy ang napala mo.’ pagalit niya sa kaniyang sarili.

Bigla siyang nakaramdam ng pagkahilo at tila ba nasusuka siya ay agad siyang nilapitan ni Lucas at walang pasabing binuhat siya nito. Dala ng pagkagulat sa ginawa nito ay hindi siya nakapag- react kaagad ngunit makalipas lamang ang ilang sandali ay nakabawi rin siya.

“Bitiwan mo ako. Marunong akong pumunta sa silid ko mag- isa.” sabi niya rito na hinaluan ng galit at inis ang kaniyang tinig ngunit sa halip na ibaba siya nito ay inasar .

“Hindi ka na nga halos makagalaw pero nanlalaban ka pa rin. Manahimik ka nalang at hayaan mo akong buhatin ka dahil wala ka rin namang magagawa.” banayad na sabi nito gamit ang kaakit- akit na tinig nito.

Ang tinig nito ang lagi niyang naririnig sa loob ng dalawang taon at aaminin niya na tila ba isang musika iyon sa kaniyang pandinig ngunit ngayon ay bigla na lamang itong nakipaghiwalay sa kaniya. Napakurap siya dahil sa kaniyang mga naiisip at hindi niya inasahan na tumulo ang kaniyang mga luha na kanina pa niya pilit na pinipigilan.

“Rereglahin lang siguro ako…” sagot niya rito.

Narinig niya ang mahinang pagtawa ni Lucas. 

“Hindi ka na maliit na bata pero umiiyak ka pa rin dahil sa iyong regla. Tumahan ka na at tatawag ako mamaya ng doktor na susuri sayo.” sabi nito sa kaniya.

Mabilis naman niyang pinunasan ang luha sa kaniyang mga mata at umirap rito.

“Hindi ako umiyak!” matigas na sabi niya.

Siya ay isang lula at hindi niya alam kung ano ang iniiyak niya.

“Okay, okay kung hindi ka umiyak e di hindi ka umiyak.” pagsang- ayon na lamang nito sa kaniya. Nakalipas ang ilang sandali nang bigla na lamang na naman itong nagtanong sa kaniya. “Pwede mo bang sabihin sa akin kung sino siya?” 

Nalito si Annie dahil hindi niya alam kung sino ang tinutukoy nito.

“Siya?” wala sa sariling napatanong siya.

“Diba sabi mo ay may lalaking minahal mo sa loob ng ilang taon? Na- curious lang ako sino ang maswerteng bumihag ng puso mo?” tanong sa kaniya ni Lucas.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status