Share

Chapter 27.2

Napalunok siya nang hindi sinasadyang mapatitig siya sa mga abs nito at kahit sino naman sigurong babae ang makakakita doon ay maglalaway. Bukod na nga sa gwapo na ito ay napakaganda pa ng pangangatawan nito kaya kung sakali man ay sino ba naman ang tatanggi sa katulad nito?

Habang iniisip niya iyon ay hindi niya maiwasang hindi mamula ang mukha, kung ano-ano ang naiisip niya. Pakiramdam niya ng mga oras na iyon ay wala na yatang hangin sa paligid niya at init na init siya. Kasalanan ito ni Lucas dahil inutusan siya nitong hubaran ito.

“Sa ganyang galaw mo ay baka madaling araw na ako makakaligo.” sabi ni Lucas na ikinagitla niya.

Upang pagtakpan ang kanyang pagkapahiya ay mabilis siyang napabuntung-hininga. “Bakit ba kasi napaka-perfect ng katawan mo? Hindi ko tuloy maiwasang hindi tingnan.” bulong niya sa kanyang isip.

“Will I take that as a compliment Mrs.Montenegro?” biglang tanong nito pagkatapos ay sumandal sa dingding ng banyo.

Bigla siyang nagulat dahil sa naging tanong nito?
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status