Payapa ang isip at damadamin, kausap ni Senyor Gaspar si Nadine sa telepono. Masaya siyang nagbibigay ng payo sa babae at mga kasama nito, na nakikinig sa kanya sa pamamagitan ng loudspeaker ng phone.
Nagdadabog na biglang pumasok ang stressed na si Amanda.
Ilang oras na lang at magsisimula na ang kasal, ngunit wala pa ang bride.
“Ano ba namang babae ‘yon,” ang sabi, kasabay sa pagbagsak ng katawan paupo sa kama, “napaka-inconsiderate!”
Hinihintay niyang magbigay ng komento ang Senyor, ngunit nagpatuloy lang ito sa pakikipag-usap sa phone.
Napatingin ang babae sa asawa. Sumama ang loob, inisip na hindi siya pinapansin nito, at mas binibigyang halaga ang kausap sa telepono.
“Sino na naman ba ‘yang kausap mo?“ Ang tanong na paangil.
“Si Nadine. Makakasama na raw nila sa kanilang tropa si Marcel.” Sagot ni Senyor Gaspar, na halata ang saya sa ki
Tahimik ang paligid. Namamahinga at natutulog na sa kanilang mga hotel room ang mga bisita ng hotel. May iilan na naglalanguyan sa pool, na hindi ganap na naiilawan. At hindi makikilalang ganap ang sino mang naglalakad sa palibot kung hindi lalapitan at ang mukha ay pagmamasdan. May isa na naglilibot, nakikiramdam sa paligid. Ninamnam ang kasiyahan ng paglalakad nang malaya. Si Moira. “Sayang hindi ko nakita ang kasal ni Victor at ng nurse na ‘yon,” inilibot niya ang tingin sa paligid, “saan kaya dito ang suite na kinaroroonan nila,” naku-curious na tanong sa wala. Wala siyang tangkang manggulo. Kuryusidad lang ang nagtulak sa kanya upang habulin ang kasalan na hindi naman inabutan. “Gusto ko ring makita kung masaya ang magpakasal,” pakikipag-usap niya sa sarili, “nang sa gayon ay malaman ko kung ano ang dapat kong maramdaman sa oras ng kasal namin ng boyfriend kong German.” Salapi ang tanging dahilan kung
Nakahanda na ang lahat sa wedding reception ng kasalang Tony Sandoval at Sophie Samonte, na gaganapin sa ekslusibong hotel/resort/casino sa Metropolitan Manila. Halos magliyab sa liwanag ng hindi mabilang na ilaw ang kapaligiran. Nagpapaligsahan sa galing ng pagi-entertain ng mga bisita ang iba’t ibang entertainer na iba’t ibang talent ang ipinamamayagpag.May dalawang babaing maganda at kaakit-akit ang hubog ng katawan ang nasa swimming pool, naka- costume ng sirena, at nagpapamalas ng iba’t ibang tricks at husay sa paglangoy, habang umiindak ng ballet ang mga batang nakasuot ng ballet costume na nakapaligid sa kanila.Kagustuhan ni Senyor Gaspar Sandoval ang dagdag na entertainment ng mga sirena, dahil napag-alaman niyang paborito ng kanyang mamanugangin ang pelikulang “Ariel.”Milyones ang ginasta ng pamilya Sandoval sa marangyang kasalang Samonte-Sandoval.Ah, hindi niya panghihinayangan kahit bilyon pa ang magasta niya sa kasal n
Umuugong ang bulung-bulungan sa simbahang kinaroroonan ng pamilya Sandoval. Inip na sa paghihintay sa bride ang lahat ng naroon. May ibang nag-aalala. “Baka naaksidente na ang bride.” “Susmaryosep, wala naman sanang masamang nangyari sa babaing yun!” Hindi mapakali ang groom, panay ang punas nito ng panyo sa pinagpapawisang mukha. Ramdam ang pagkapahiya, dahil dalawang oras na ang nakalilipas sa takdang oras ng kasal, ay hindi pa rin dumarating ang kanyang pakakasalan. Biglang hinimatay ang mama ni Tony, matapos bulungan ng isa sa mga staff ng security force na siyang nagtsi-check sa pamamagitan ng pagtawag sa phone, kung saan na naroon ang babaing ikakasal. Nanlamig ang buong katawan ni Tony ng ibulong din sa kanya ng kanyang best man ang bagay na ibinulong ng security staff sa kanyang mama. Wari ay gustong magwala sa galit ang papa niya.“Hindi ko matatanggap ang kahihiyang ito!” sa pagitan ng nagngangal
Dead on arrival ang kanyang ina, ayon sa deklarasyon ng mga doktor na sumuri dito kapagdakang idinating ito ng ospital.Madalian naman ang pagpapa- cremate sa labi ng mama niya, upang maiwasan ng kanyang ama ang mga darating at makikiramay (daw). Iniwasan ng kanyang ama ang mga tanong at pag-uusisa tungkol sa hindi natuloy na kasalan.Trauma sa kanilang mag-ama ang pangyayaring naganap.“Malalampasan din namin ito.” Parang dasal na naibulong ni Tony.Nakabukol pa rin sa kanyang puso ang kahihiyang ibinigay sa pamilya nila, ni Sophie Samonte. Ang mga panlalait, pag-alipusta sa kanya ng mga miron sa simbahang pagdarausan sana ng kasal nila.…Ang kamatayan ng kanyang ina.…Ang inakala ng lahat na dahilan ng pagtakas ng bride.“Kasalanan ko ba kung naging ganito kapangit ang pagmumukha ko?”Nagtititigan sila ng sarili niyang repleksyon sa salaming kanyang kaharap. Nagtatanong sa isa
Wanted: Sophie Samonte Hinihingal ang nagmamadaling si Ella ng pumasok sa loob ng bahay. Agad pinuntahan sa silid na kinaroroonan ang kaibigan.“Wanted ka, Sophie!”Kunot ang noong napatitig si Sophie sa mukha ng nag-aalalang kaharap. Inis. “Bakit ako magiging wanted,e, wala naman akong ginawang krimen?” ang tanong.“Nakapaskel sa mga pader at poste ang picture mo. Nakalagay wanted for estafa!”“What? Wala akong ini-estapang kahit sino!”Agad pumasok sa isip ni Sophie ang pangit na mukha ng lalaking tinakasan niya. Ang utang ng kanyang ama kay Senyor Gaspar Sandoval.“Si Tony. Ang mga Sandoval…”Mabilis nakabuo ng konklusiyon ang utak ni Ella mula sa mga salitang nasabi ng kaibigan.“Baka ginagantihan ka na ng mga Sandoval, dahil sa inabot nilang kahihiyan noong hindi mo siputin ang kasal mo k
Halos mahukay na ang baldosa sa pagpaparoo’t parito ni Don Genaro Samonte. Pilit niyang hinahanap sa kailaliman ng kanyang isip ang paraan kung paano makakasuhan ang mga Sandoval.“Wala tayo kahit na circumstantial evidence man lang. Wala rin tayong testigo. Paano tayo maghahain ng kaso?”“Puwede tayong kumuha ng false witness,” sagot ni Don Genaro sa abogadong hinarap, “magbabayad ako!”“Mas maganda ho sigurong magpa-imbestiga muna kayo. Huwag muna ninyong pairalin ang inyong galit. Matatalo tayo kung emosyon ang paiiralin natin at hindi ang katwiran.”Natigilan ang don. Simula nga ng mabalitaan at matiyak niyang nakapaskel sa kung saan-saang lugar ang larawan ng kanyang anak' na may babalang Wanted for estafa, at mag-viral pa sa social media ang ganoon ding larawan at impormasyon, ay hindi na niya nagawang mag-isip nang wasto. Pagkapoot at suklam ang naghari sa kany
“I’m so sorry kung naabala kita,” hinging paumanhin ni Ella, “hindi pala ikaw ‘yung Tony Sandoval na hinahanap ko. Mali ang impormasyong nakuha ko.” “Well, palagay ko’y may dahilan kaya ka nagkamali.” Tumawa si Ella, “talagang may dahilan” ang nasa isip niya. “Malay mo, baka ako ‘yung lalaking inilalaan ng tadhana para sa iyo, kaya kailangang magkakilala tayo.” pagbibiro ni Tony. “Bakit gusto mo na ba ako agad? Balak mo akong ligawan?”Ganting biro ng babae. “Sasagutin mo ba agad ako ng oo?”Nagkatitigan ang dalawa. Mata sa mata. Dikawasa’y sabay na humalakhak. Iyon ang unang pagkakataong nakarinig ng masayang halakhak ng babae si Tony na hindi ang kapangitan niya ang pinagtatawanan. Ang kaisa-isang pagkakataong hindi nilait ng magandang babae ang anyo niya. “Hindi ka ba naiilang sa pagmumukha ko?” hindi niya natiis na hindi itanong. Kumunot ang noo ng tinanong. “Bakit naman ako maiila
Malalim na ang gabi. Hindi magkandatutong isinuksok ni Ella ang susi sa seradura ng pinto. "Siguradong nag-aalala na si Sophie." Pakikipag-usap niya sa sarili. Malalaki ang mga hakbang na tinawid ang kabahayan at tuluy na kumatok sa kuwarto Nakalabi, nagmamaktol si Sophie, habang nakatingin kay Ella, na pinagbuksan niya ng pinto. Naiinis siya dahil madalas na niyang hindi nakakasabay sa hapunan ang kaibigan. Malungkot ang kumain nang nag-iisa. Agad ngumiti ang bagong dating, sabay sa paghalik sa pisngi ng kaibigan. “Ano'ng balita?” tanong agad. “Bakit ang tagal mong dumating? Kanina pa ‘ko hintay ng hintay sa ‘yo.” ganting tanong ni Sophie. Hindi agad nasagot ni Ella ang kaibigan. Nakatutok ang kanyang tingin sa maletang nasa ibabaw ng kama. “Aalis ka? Lilipat ka na ba? May nasabi ba akong mali? May nagawa ba akong masama sa iyo? Nagtatampo ka ba dahil hindi agad ako nakakauwi pag umaalis ako?” Mas