CHAPTER 114 : TO FORGIVE IS TO FORGET
Gumala ang tingin ni Ella sa paligid ng restaurant na kanyang pinasok. Iyon ang lugar na pinili ni Victor upang makipagkita sa kanya.
Hindi niya gusto ang pakikipagtagpong iyon sa lalaking pakakasalan ng kanyang kaibigan. Ngunit curious siya sa sasabihin nito na hindi magawang sabihin sa telepono.
Natanaw niya ang sulok na kinaroroonan ni Victor. Nakangiting kumaway ito sa kanya.
Umakyat ang kanyang dugo sa ulo.
Gustong sumabog ni Ella sa galit.
Nagmamadali siyang lumapit kay Victor, sa paghahangad na matapos na agad ang magiging pag-uusap nila.
“Ano’ng gusto mong orderin?” Tanong nito sa kanya nang makalapit siya.
“Wala,” sagot niya na nanggigigil sa inis, “sabihin mo na, ano man ang sasabihin mo at nang makaalis na agad ako,” angil niyang inis na inis.
“Init naman ng ulo!” Komento ni Victor.
Hindi nagugustuhan ni Moira ang mga pangyayaring nagaganap. Ilang araw na siyang naghihintay sa tawag ni Victor, ngunit hanggang sa mga oras na iyon ay hindi pa rin ito nagpaparamdam.“Walanghiya kang Victor ka. Gagawin kong impiyerno ang buhay n’yo ng magiging asawa mo kapag hindi mo naipaatras ang demanda sa akin ni Ella at ng mga barkada niya!”Nag-iisip na nagpalakad-lakad siya sa piitang kanyang kinakukulungan.“Buwisit naman kasi ang mga nagbigay ng stag party na 'yon,e,” gigil na naisip niya, “hindi man lang ako winarningan na asawa pala ni Tony Sandoval ang best friend ng pakakasalan ni Victor.”Kilala niya ang pangalang Tony Sandoval, bilang anak ng isa sa pinakamayamang tao sa buong Asia na si Senyor Gaspar Sandoval. Maraming koneksyon ang taong 'yon. Powerful!Sabi nga ng mga kakilala niya, wala sa matinong pag-iisip ang sino man, na magtatangkang kalabanin ang sino ma
Inip na si Moira. Kinakabahan at nagdududa na rin. Nabubuo na sa kanyang utak ang hinalang niloko lang siya ni Atty. Jasmine Martin, upang mapapirma sa blankong dokumento.Kumakalat na ang takot sa buo niyang pagkatao. Nakakaramdam ng kawalang pag-asa.“Hindi ko dapat pinaniwalaan ang abogagang ‘yon,”naibulong ni Moira nang may pagsisisi, “hindi ko dapat pinirmahan ang blankong papel na ‘yon. Para ko na ring inihulog ang sarili ko sa impiyerno kapag nagkataon.”Umaga pa niya pinirmahan ang blank document na pinapirmahan sa kanya ng abogada, at sinabi nito na agad aasikasuhin ang pagpapalaya sa kanya, pagkatapos niyang mapirmahan ang pinapipirmahan sa kanya.“Tatakas ako, oras na hindi nila ako pinalaya,” pagpaplano nya, “gagantihan ko ang lintik na abogadang ‘yon once na makalabas ako piitang ito. Pagsisisihan niyang niloko niya si Moira Corpuz.”Halo-halong damdamin ang umiiko
Payapa ang isip at damadamin, kausap ni Senyor Gaspar si Nadine sa telepono. Masaya siyang nagbibigay ng payo sa babae at mga kasama nito, na nakikinig sa kanya sa pamamagitan ng loudspeaker ng phone.Nagdadabog na biglang pumasok ang stressed na si Amanda.Ilang oras na lang at magsisimula na ang kasal, ngunit wala pa ang bride.“Ano ba namang babae ‘yon,” ang sabi, kasabay sa pagbagsak ng katawan paupo sa kama, “napaka-inconsiderate!”Hinihintay niyang magbigay ng komento ang Senyor, ngunit nagpatuloy lang ito sa pakikipag-usap sa phone.Napatingin ang babae sa asawa. Sumama ang loob, inisip na hindi siya pinapansin nito, at mas binibigyang halaga ang kausap sa telepono.“Sino na naman ba ‘yang kausap mo?“ Ang tanong na paangil.“Si Nadine. Makakasama na raw nila sa kanilang tropa si Marcel.” Sagot ni Senyor Gaspar, na halata ang saya sa ki
Tahimik ang paligid. Namamahinga at natutulog na sa kanilang mga hotel room ang mga bisita ng hotel. May iilan na naglalanguyan sa pool, na hindi ganap na naiilawan. At hindi makikilalang ganap ang sino mang naglalakad sa palibot kung hindi lalapitan at ang mukha ay pagmamasdan. May isa na naglilibot, nakikiramdam sa paligid. Ninamnam ang kasiyahan ng paglalakad nang malaya. Si Moira. “Sayang hindi ko nakita ang kasal ni Victor at ng nurse na ‘yon,” inilibot niya ang tingin sa paligid, “saan kaya dito ang suite na kinaroroonan nila,” naku-curious na tanong sa wala. Wala siyang tangkang manggulo. Kuryusidad lang ang nagtulak sa kanya upang habulin ang kasalan na hindi naman inabutan. “Gusto ko ring makita kung masaya ang magpakasal,” pakikipag-usap niya sa sarili, “nang sa gayon ay malaman ko kung ano ang dapat kong maramdaman sa oras ng kasal namin ng boyfriend kong German.” Salapi ang tanging dahilan kung
Nakahanda na ang lahat sa wedding reception ng kasalang Tony Sandoval at Sophie Samonte, na gaganapin sa ekslusibong hotel/resort/casino sa Metropolitan Manila. Halos magliyab sa liwanag ng hindi mabilang na ilaw ang kapaligiran. Nagpapaligsahan sa galing ng pagi-entertain ng mga bisita ang iba’t ibang entertainer na iba’t ibang talent ang ipinamamayagpag.May dalawang babaing maganda at kaakit-akit ang hubog ng katawan ang nasa swimming pool, naka- costume ng sirena, at nagpapamalas ng iba’t ibang tricks at husay sa paglangoy, habang umiindak ng ballet ang mga batang nakasuot ng ballet costume na nakapaligid sa kanila.Kagustuhan ni Senyor Gaspar Sandoval ang dagdag na entertainment ng mga sirena, dahil napag-alaman niyang paborito ng kanyang mamanugangin ang pelikulang “Ariel.”Milyones ang ginasta ng pamilya Sandoval sa marangyang kasalang Samonte-Sandoval.Ah, hindi niya panghihinayangan kahit bilyon pa ang magasta niya sa kasal n
Umuugong ang bulung-bulungan sa simbahang kinaroroonan ng pamilya Sandoval. Inip na sa paghihintay sa bride ang lahat ng naroon. May ibang nag-aalala. “Baka naaksidente na ang bride.” “Susmaryosep, wala naman sanang masamang nangyari sa babaing yun!” Hindi mapakali ang groom, panay ang punas nito ng panyo sa pinagpapawisang mukha. Ramdam ang pagkapahiya, dahil dalawang oras na ang nakalilipas sa takdang oras ng kasal, ay hindi pa rin dumarating ang kanyang pakakasalan. Biglang hinimatay ang mama ni Tony, matapos bulungan ng isa sa mga staff ng security force na siyang nagtsi-check sa pamamagitan ng pagtawag sa phone, kung saan na naroon ang babaing ikakasal. Nanlamig ang buong katawan ni Tony ng ibulong din sa kanya ng kanyang best man ang bagay na ibinulong ng security staff sa kanyang mama. Wari ay gustong magwala sa galit ang papa niya.“Hindi ko matatanggap ang kahihiyang ito!” sa pagitan ng nagngangal
Dead on arrival ang kanyang ina, ayon sa deklarasyon ng mga doktor na sumuri dito kapagdakang idinating ito ng ospital.Madalian naman ang pagpapa- cremate sa labi ng mama niya, upang maiwasan ng kanyang ama ang mga darating at makikiramay (daw). Iniwasan ng kanyang ama ang mga tanong at pag-uusisa tungkol sa hindi natuloy na kasalan.Trauma sa kanilang mag-ama ang pangyayaring naganap.“Malalampasan din namin ito.” Parang dasal na naibulong ni Tony.Nakabukol pa rin sa kanyang puso ang kahihiyang ibinigay sa pamilya nila, ni Sophie Samonte. Ang mga panlalait, pag-alipusta sa kanya ng mga miron sa simbahang pagdarausan sana ng kasal nila.…Ang kamatayan ng kanyang ina.…Ang inakala ng lahat na dahilan ng pagtakas ng bride.“Kasalanan ko ba kung naging ganito kapangit ang pagmumukha ko?”Nagtititigan sila ng sarili niyang repleksyon sa salaming kanyang kaharap. Nagtatanong sa isa
Wanted: Sophie Samonte Hinihingal ang nagmamadaling si Ella ng pumasok sa loob ng bahay. Agad pinuntahan sa silid na kinaroroonan ang kaibigan.“Wanted ka, Sophie!”Kunot ang noong napatitig si Sophie sa mukha ng nag-aalalang kaharap. Inis. “Bakit ako magiging wanted,e, wala naman akong ginawang krimen?” ang tanong.“Nakapaskel sa mga pader at poste ang picture mo. Nakalagay wanted for estafa!”“What? Wala akong ini-estapang kahit sino!”Agad pumasok sa isip ni Sophie ang pangit na mukha ng lalaking tinakasan niya. Ang utang ng kanyang ama kay Senyor Gaspar Sandoval.“Si Tony. Ang mga Sandoval…”Mabilis nakabuo ng konklusiyon ang utak ni Ella mula sa mga salitang nasabi ng kaibigan.“Baka ginagantihan ka na ng mga Sandoval, dahil sa inabot nilang kahihiyan noong hindi mo siputin ang kasal mo k