Nataranta ang mag-asawang Jose at Denang nang biglang dumating si Victor at Sophie.
“Bakit biglang sumulpot dito ang dalawang ‘yan, “tanong ni Denang, “grabe! Hayahay na ang buhay ko, e…”
“Salubungin mo na’t kunin mo ang mga dala nila.” Utos ni Jose sa asawa.
Takbo si Denang pasalubong sa dalawa, at kinuha ang mga backpack na dala ng mga ito.
“Hindi ka uuwi ng Maynila,” narinig niyang sigaw ni Victor, hindi ako papayag!”
“Wala kang karapatang pigilan ako.” Angil ni Sophie.
Naiwang nakatunganga sa likuran ng dalawang nagsasagutan si Denang, habang ang mga ito ay nagmamadali, waring nag-uunahang makapasok sa loob ng bahay.
“Nag-aaway sila, Jose.” Sabi ni Denang kay Jose nang madaanan niya ito.
“Huwag kang makialam. Hayaan mo sila.” Bilin ni Jose sa asawa.
Sumunod si Denang sa dalawa
Ang gusto lang ni Amanda ay matiyak na hindi mapapahamak ang kanyang anak. Hindi niya nais na mapahamak si Sophie. At lalong hindi siya kumakampi sa mga Sandoval.“Naging unfair nga siguro si Nurse Sophie sa kanila, naging makasarili at lahat-lahat na. Pero hindi ko pa rin sisisihing ganap si Nurse Sophie sa pagtakas na ginawa niya, dahil ang talagang dapat sisihin ay ang mga magulang niya. Sila ang makasarili na hindi inisip na may sariling isip at damdamin ang nag-iisang anak nila.”Sumila't sapul nang unang makilala niya ang nurse ay nakagaanan na niya ng loob ito. Naging malapit sila sa isa't isa, tulad ng pagkakalapit ng loob ng isang ina sa kanyang anak.“Pumirma ako sa dokumentong pinapirmahan sa akin ng parents ko, nang hindi ko na tiningnan man lang kung ano o para saan ‘yon, na nang lumaon ay natuklasan kong marriage license pala.”Natatandaan niyang kuwento ni Nurse Sophie Samonte.
Walang maipakitang ID sa Transportation Security Administration (TSA) si Sophie. Paulit-ulit niyang hinanap ang kanyang mga ID. Nahugot na niya ang lahat ng nga nakaipit na papel sa kanyang wallet, ngunit pa hindi pa rin niya makita ‘yon. Makailang ulit na rin niyang kinalkal ang lahat ng laman ng kanyang backpack, ngunit hindi pa rin niya makita ang kahit isa man lang sa kanyang identification card.“Nandito lang sa wallet ko ‘yon, e. Bakit nawala? Saan napunta ‘yon?” Nagkakandaiyak na pakikipag-usap niya sa sarili, habang patuloy ang paghahalungkat sa backpack.Nagsimula nang dumami ang tao sa airport checkpoint.Hindi pa rin makita ni Sophie ang kanyang mga ID. “Miss, kanina ka pa hanap ng hanap d’yan wala ka naman yatang hinahanap,” saad ng babaing nasa kanyang likuran, “baka naman puwedeng paunahin mo muna kami habang nagkakalikot ka sa bag mo. Sayang ang o
Lahat ng dahilan ay idnahilan na ni Tony sa ama upang makasama ito sa pag-uwi ng Maynila. Ngunit lahat ng mga ito ay nabigyang katwiran ni Senyor Gaspar upang iwan siya ng anak sa Palawan.“Talagang ako na lang mag-isa ang mag-aasikaso ng ating mga negosyo, gano’n ba, Papa?” Pagpapa-guilty ng anak sa ama.“Don’t be foolish, Tony, Puwede naman tayong mag-meeting online. Mag-zoom, mag G meet ,” pangangatwiran ng ama, “pati ang pakikipag-deal sa mga client natin can be done thru internet.”Ang gusto lang ni Tony ay mailayo ang ama kay Amanda. Hindi niya gustong mahulog nang todo-todo ang loob nito sa ina ng lalaking inaakala niyang karelasyon ng hinahanting nilang nars.“Baka lalo pang gumulo ang mga sitwasyon natin at ng mga Samonte kung…”Hindi pinatapos ng Senyor ang pagsasalita ng anak.“Don’t treat me like a stupid kid, Tony. I am not
CHAPTER 38 : BETRAYAL PART 2Nakalulunos ang eksenang pinanonood ni Don Generoso Samonte. Hindi niya matagalang tingnan ang asawang lumuluha ang walang talukap na mga mata, habang ginagamot ito ng mga doktor na dalubhasa sa third degree burn.Hindi rin nito magawang isigaw ang sakit na nararamdaman, dahil ni hindi maibuka ang mga labing magkadikit, at alam niyang higit na sakit ang nararamdaman ng asawa dahil sa halos napupunit ang mga laman niyon sa bawat pagnanais na isigaw ang sakit na nararamdaman. Sa kadahilanang hindi na flexible ang mga muscle ng mukhang niyon.Pumikit ang Don. Hindi niya gustong makita ang nakapanghihilakbot na mukha, na dating napakaganda at napakakinis. Wala na ang mahahaba, maiitim, natural na pilik na binagayan ang mga mapupungay na mga matang umaakit sa matitingnan. Wala na ang matangos, magandang hugis na ilong, butas na lamang ang naroon. Hindi na niya natagalan ang lahat ng kanyang nakikita. Nangingini
Umaalimpuyo ang galit sa damdamin ni Sophie, habang tinititigan ang babae na minsan nang nagtraydor sa kanya.“Talagang ang ahas, libong ulit mang magpalit ng balat, ahas pa rin!” Nasabi ni Sophie na ang tinig ay pagitan ng nagngangalit na mga ngipin lumabas.Malakas na humalakhak si Ella. Umiinsulto. Nang-iinis.Umaakyat na ang dugo sa utak ng kanyang iniinis. Hindi matanggap na muli siyang napaikot at niloko ng mapagkunwaring kaibigan. Siya na kinikilalang matalino ay pinagmukhang tanga ng babaing hindi man lang pumangalawa sa kanya.“Matalino man ang matsing, napaglalalangan din, right, dear friend? And besides, matalino ka lang, pero mautak ako. Kaya lagi kitang nauutakan.” pang-aasar pa rin ni Ella na muling humalakhak. “I am right, right friend?” Sarkastikong tanong pa.“Hindi kita kaibigan! Wala akong kaibigang hudas!”“Ayan ka na naman, e,”
Pilit nilalabanan ni Sophie ang antok na nararamdaman.“Hindi ako puwedeng matulog. Kailangang gising ako sa oras na may papasok dito.”Kinukondisyon niya ang sariling utak. Inuutusan ang katawan na maging alerto."Hindi ako papayag na gigisingin ako sa sipa at tadyak. Sipain man nila ako o tadyakan, gusto ko ay gising ako. At least kahit paano ay makakalaban ako nang may dignidad. Hindi katulad nang kung tulog ako, magmumukha akong basahang sinisipa-sipa lang.Tumayo siyang muli, mula sa pagkakalupasay sa sahig. Inikut-ikot ng pabalik-balik ang ulo. Nag-shadow boxing. Tumalon nang tumalon. Sumipa nang sumipa. Front kick. Back kick. Side kick. Roundhouse kick at flying kick. Pinraktis ang mga karate punch na napag-aralan nila ni Ella noong college days nila. Mula sa simpleng jab, hanggang sa back fist at reverse punch.Hanggang sa sumuko ang katawan sa sobrang pagod, at hindi na kinaya ang hirap.
Naghihinala si Sophie na inuutakan na naman siya ni Ella, at pagkatapos ay muli siyang pagtatawanan.“Isa kang ahas, Ella. A scheming manipulator. Pero hindi mo na ako muling matutuklaw. I’ve learned my lesson. Hindi mo na ako mapapaikot pang muli!”Ihahanda niya ang sarili sa paglaban.“User ka, Ella at tatapatan ko ang pagiging user mo,” pakikipag-usap ni Sophie sa wala, “alam kong ginagamit mo lang ako for reasons na hindi ko pa lubos na alam. Okey lang. Gagamitin din kita para sa sarili kong pakinabang. Maggagamitan tayo, traydor kong kaibigan.”Ah, ang baliw niyang kaibigan, na may prinsipyong wala sa lugar. Hindi niya naiwasan ang matawa nang maalala kung bakit hindi nito tinanggap ang yellow belt na dapat sana’y siyang unang may kulay na sinturon nila, ay dahil ayaw nito sa kulay na sinisimbulo ng yellow sa pulitika. Pulitika rin ang dahilan kung bakit hindi nila sinipot an
Gulantang na nagising si Sophie sa mainit na sinag ng araw na nakadantay sa kanyang katawan. Pabiglang bumangon, iginala niya ang tingin sa paligid.Ang malaking telebisyon na nakakabit sa medyo mataas na bahagi ng dinding sa paanan ng kama ang unang napansin niya.Bigla ay naalala niyang pinalipat nga pala siya ng silid ni Senyor Gaspar, at doon siya dinala sa malaking silid na iyon na halos kasinlaki na ng isang simple, maayos na bahay.Ibinagsak agad niya ang katawan sa kama nang makaalis si Senyor Gaspar at mga tauhan ni Tony. Dahil sa sobrang pagod, stress, tensyon at kasabikan na rin na makapagpahinga sa maayos na kama ay ipinikit niya ang kanyang mga mata. Pinakiramdaman ang parang ulap sa lambot na higaan, at ang kasiyahang hatid niyon sa likod niyang nakalapat doon.Nakatulog siya nang hindi niya alam kung gaano katagal at nagising lang sa matinding init ng sikat ng araw.Tiningnan niya ang pinto ng