Share

CHAPTER 4: WANTED:SOPHIE SAMONTE

Wanted: Sophie Samonte  

Hinihingal ang nagmamadaling si Ella ng pumasok sa loob ng bahay. Agad pinuntahan sa silid na kinaroroonan ang kaibigan.

“Wanted ka, Sophie!”

Kunot ang noong napatitig si Sophie sa mukha ng nag-aalalang kaharap. Inis.  

“Bakit ako magiging wanted,e, wala naman akong ginawang krimen?” ang tanong.

“Nakapaskel sa mga pader at poste ang picture mo. Nakalagay wanted for e****a!”

 “What? Wala akong ini-estapang kahit sino!”

Agad pumasok sa isip ni Sophie ang pangit na mukha ng lalaking tinakasan niya. Ang utang ng kanyang ama kay Senyor Gaspar Sandoval. 

“Si Tony. Ang mga Sandoval…”

Mabilis nakabuo ng konklusiyon ang utak ni Ella mula sa mga salitang nasabi ng kaibigan.

“Baka ginagantihan ka na ng mga Sandoval, dahil sa inabot nilang kahihiyan noong hindi mo siputin ang kasal mo kay Tony.” 

Nagsimulang umapoy ang galit sa dibdib ni Sophie

“Hindi ko naman ginustong mapahiya sila. Inilaban ko lang ang prinsipyo ko. Na hindi ako hayup na inihahanap ng breeder para maging palahian!”

Napakagat labi si Ella. Alam niya kung gaano nakakapang-insulto sa babaing katulad ni Sophie ang maging palahian lamang.

“Marami akong pangarap sa buhay, Ella. Marami akong gustong magawa!”

“Magagawa mo rin naman ang lahat ng gusto mong gawin kahit naging mag-asawa kayo ni Tony.”

“I need my freedom to be able to do what I want to do! E, kung ‘yun nga lang pagpapakasal sa kanya nawalan na ako ng kalayaang magsabi ng “ayoko” paano pa ako  magkakaroon  ng kalayaan kung mag-asawa na kami?”

Napalunok si Ella.

“Bigla na lang sabi ng papa ko,” pagpapatuloy ni Sophie, “ikakasal ako sa anak ng kaibigan niya. Nakahanda na ang lahat at ako na lamang na bride ang kailangang maghanda.”

“Bakit hindi ka tumanggi noon?”

“Nabigla ako. Samot saring bagay na ang pumasok sa isip ko. Hanggang sa parang namanhid na ang utak ko sa kaiisip,” malalim ang buntunghingang hinugot ni Sophie sa dibdib bago nagpatuloy, “tapos sabi ko sa sarili ko, “bahala na” tutal wala rin naman akong boyfriend.”

Handa na sana siyang isakripisyo ang sarili para sa pamilya.

“Pero nakaramdam ako ng takot nang lumaon. At tumindi nang tumindi ang takot kong iyon habang papalapit nang papalapit ang araw ng aming kasal. Ang daming tanong na nagsiksikan sa utak ko. Paano kung pervert ang magiging asawa ko? Kung maysakit siyang paraphilla?”

“Ano ‘yung paraphilla?” pagputol ni Ella sa pagsasalita ni Sophie.

“Isang mental disorder ‘yun, regarding sex. ‘yung nagi-enjoy ang isang tao sa pakikipag sex sa pamamagitan ng mga abnormal na paraan ng pakikipagtalik. Mga paraang hindi gagawin ng matinong tao.”

Nag-isip si Ella.

Nagpatuloy si Sophie.

“Paano kung kailan mag-asawa na kami ay saka naman dumating ang soulmate ko? Ang pag-ibig na pinapangarap ko?”

“E, di makipaghiwalay ka. Ipa-annul mo ang kasal n’yo! Kung hindi ka payagang makalaya, magtanan kayo ng soulmate mo. Sa Europe kayo tumira!” 

“Alam mong hindi ganoon kadali ‘yun!”

Emosyonal na si Sophie. Nangingilid na ang luha sa mga mata nito.

“Halos ibinenta na ang buong buhay ko sa mga Sandoval sa kasalang iyon, kasama pati kinabukasan ko. Pati buhay at kinabukasan ng mga magiging anak ko ay nakataya na rin sa kasal na iyon, Ella.”

“Bakit, sigurado ka bang magkakaanak ka? Malay mo baog ‘yong Tony Sandoval na ‘yon. Ni hindi ka nga sigurado, baka impotent ang taong ‘yon.”

Sarkastikong pagpapatawa ni Ella.

Pumatak na ang luha ni Sophie Samonte.

Habag na niyakap ni Ella ang kaibigan. Hinaplos-haplos ang likod nito. Tinapik-tapik.

“Huwag ka ng umiyak. Hindi na mangyayari ang mga kinatatakutan mo. Natakasan mo na lahat ‘yun.”

“Ang papa at mama ko ang inaalala ko. Ang kahihiyang ibinibigay ng mga Sandoval sa pamilya namin. At kahit anong laki ng sama ng loob ko sa kanila ay magulang ko pa rin sila… mahal na mahal ko sila.”

Nanghihina na si Sophie. Pakiramdam niya’y susuko na ang kanyang katawan. Mapapatid na ang huling hibla ng katinuan sa utak niya.

Kumalas sa pagkakayakap kay Sophie si Ella.

“Baka naman paraan lang ‘yun ng pamilya ni Tony para lumitaw ka,” ang sabi, “baka kung magpapakita ka sa kanila at magpapaliwanag ay baka maunawan ka nila. Baka mapatawad ka!”

Mariing napapikit si Sophie. Isinubsob ang mukha sa dalawang palad. Hindi mapigil ang sarili sa pag-iyak.

“Malabong mangyari ‘yun,” ang bulong, “baka kapag lumitaw ako ay lalo nilang ipagpilitang ipakasal ako sa pangit na ‘yun!” 

“Ano ba ang mas mahalaga sa iyo, ang hindi maging asawa ng pangit na iyon o masadlak sa walang katapusang kahihiyan ang pamilya mo?” 

Bumilis ang pintig ng puso ni Sophie Samonte.

“Noon, tinakasan ko siya, dahil hindi ko matanggap na para akong asong ipapa-breed sa kung sinong gusto nilang umasawa sa akin, “ mabigat ang malalim na buntunghiningang kumawala sa dibdib ni Sophie, bago nagpatuloy, “ngayon kapag naging mag-asawa kami ni Tony, hindi lang ang kapangitan niya ang pagtitiisan ko. Hindi lang ang prinsipyo ko’t pride ang lulunukin ko. Pagtitiisan ko na rin ang ano man ang paghihiganting gagawin niya sa akin.”

“Malay mo naman talaga lang inlab sa iyo ang anak ng mga Sandoval at ikaw talaga ang pangarap niyang maging asawa?”

Mabilis, malakas ang naging pag-iling ni Sophie.

“Hindi pag-ibig ang dahilan ng lahat, kundi paniningil ni Senyor “Gaspar sa utang ng pamilya namin sa kanya!”

Napasimangot si Ella.

“Noon pa natin alam ‘yun,” at sa mahinang tinig ay idinugtong, “na pambayad utang ka sa pagkakautang ng iyong pamilya. Ayaw mong maging pambayad utang, "puwes tiisin mo ang mga kahihiyang inaabot ng pamilya mo!” 

Mariing kinagat ni Sophie ang sariling labi upang mapigil ang sariling damdaming naghahangad sumigaw.

Unfair.

MASAKIT!

Napakasakit isiping isa ka lamang bagay na pang barter. Pampalit. Pambayad!

“Masyado ka kasing choosy. E, puwede ka namang pumikit kapag hahalikan ka ni Tony. Pumikit ka kapag nagla- lovemaking kayo para hindi mo makita ang pangit niyang mukha. Matutuwa pa ‘yun. Iisiping nagi-enjoy ka at nasasarapan kaya ka napapikit.”

Joke ang mga sinabing iyon ni Ella. Nais niyang mapatawa ang kaibigan upang gumaan ang kalooban.

Nayanig ang balikat ni Sophie, hindi dahil sa pagpipigil na mapahalakhak, kundi dahil sa pagpipigil na mapahagulgol ng iyak.

“Hindi naman ‘yung kapangitan niya ang inaayawan ko,” sumisigok-sigok na pagpapaliwanag nito, “kung niligawan man lang sana niya ako. Kung ipinaramdam man lang sana niya na may halaga ako sa kanya,” suminga ito bago nagsaitang muli, “ni hindi nga niya ako kinausap man lang kahit minsan!”

Inabutan siya ng tissue ni Ella.

“Binale wala niya ako,” pagpapatuloy niya, “para lang akong Barbie doll na ireregalo sa kanya. Walang damdamin, walang isip at walang karapatang magdesisyon para sa sarili. So, ano ang magiging kalagayan ko sa mga Sandoval kung magiging asawa na niya ako?”

“Robot?”

“Manikang de susi!” malakas na tugon ni Sophie sa sariling tanong,

“walang karapatan, walang damdamin, walang sariling pag-iisip. ‘Yun ang kinatatakutan ko. Ang inaayawan ko!”

Noon lang lubusang naunawaan ni Ella ang katwiran ng kaibigan. Ang dahilan kung bakit pinili nito ang tumakas at magtago pati sa sariling pamilya.

“Hindi ko naman inasahang magiging ganito kakumplikado ang magiging resulta ng pagtakas na ginawa ko,” ng muling magsalita’y saad ni Sophie sa garalgal na tinig. 

 Napaisip si Ella.

Dahil sa pagtakas ni Sophie, nalagay sa malaking kahihiyan ang angkan ng mga Sandoval at naging dahilan ng kamatayan ng mama ni Tony. Ang simpleng pagrirebelde ng kanyang kaibigan ay nagbunga ng matinding kahihiyan at trahedya sa mga Sandoval.

Na nagresulta sa kumakalat ngayong panghihiya sa pamilya ng mga Samonte.

Natakot si Ella para sa kaligtasan ng mama ng kaibigan.

…sa karma.

“Wala namang sakit sa puso ang mama mo, ‘di ba?”

Umiling si Sophie.

“Malakas ang puso ni mama. Kaya niyang harapin lahat ‘yan.”

Nakahinga nang maluwag si Ella.

“Good.” 

Ilang sandaling namagitan ang katahimikan sa dalawa, bago iyon binasag ni Ella.

“Paano na,” tanong nito.

Pinunasan ni Sophie ang mukhang nabasa ng luha. Inayos ang sarili. Pinakalma.

“Wait and see muna tayo. Hindi ako dapat magpadalos-dalos.”

Tumindig ito. Inayos ang sarili sa harap ng dresser. Nagsimulang mag-make up.

“May pupuntahan ka?”

“Tinawagan ako ng inaplayan ko. For final interview na ako mamaya.”

Nag-alala si Ella.

“Baka may makakita sa iyo at mamukhaan na ikaw iyong nasa Wanted na ipinagkakalat ng mga Sandoval.”

“Parang sure na sure kang mga Sandoval nga ang may kagagawan ng mga kahayupang ‘yon, ah.”

“Hay, naku! One hundred percent na ‘yan!”

Kinuha ni Ella mga pang make up na ginagamit ng kaibigan.

“Kaya kong meykapan ang sarili ko, hoy,” pagpigil ni Sophie kay Ella.

“Pabayaan mo ako,” hindi nagpaawat ang babae, “iibahin natin ang mukha mo sa pamamagitan ng make up, upang walang makakilala sa iyo sa paglabas mo ng bahay.”

Ekspertong gumalaw ang mga kamay ng kanyang kaibigan. Animo painter itong ginawang canvass ang mukha niya.

Napahanga siya ng matapos ang pag-aayos ni Ella sa kanyang mukha.

Hindi na niya makita ang tunay na mukha ni Sophie Samonte sa salaming kaharap niya.

“Amazing!”

“Tuturuan kita kung paano mo magagawa ang iba’t ibang transformation ng iyong mukha sa bawat pagme-make up mo. May mga pagkakataon na puwede kang gumamit ng prostethics sa pagpapatangos ng ilong, sa pagpapataba ng mukha,  kahit ang korte ng katawan mo ay magagawa nating baguhin.”

“You’re unbelievable, my friend. Thank you.”

Hinagkan ni Sophie ang pisngi ni Ella.  

“Kailangan ko nang magmadali. Ayokong ma-late for my interview. You know… first impression lasts.

“Anong kumpanya ang papasukan mo.”

“It’s not a company. It’s a family. They are looking for a private nurse.”

“Oh…” tumango-tango si Ella.

Naging board topnothcher si Sophie ng kumuha ito ng board exam para sa mga nurse. At lagi itong nasa dean’s list noong nag-aaral pa sila. Summa Cum Laude noong grumadweyt sila.

No wonder kung bakit hindi matanggap ng kanyang kaibigan ang maging isang Barbie doll lang ng isang male chauvinist.

“You’re a winner and will always be!”

Nagbeso-beso ang dalawa.

“Pray for me.”

“I will.”  

May kaunting agam-agam sa kayang dibdib, ngunit may saya ring inihatid ni Ella ang kaibigan hanggang sa gate ng kanilang bahay at makasakay ito sa kotseng naghihintay,  na nai-book na nila mula sa kumpanyang Grab.

“Mabuti na lamang at walang nakakaalam ng bahay naming ito,” naibulong niya sa sarili, “mabuti na lang din at natiyempong  bakasyon grande sa France sina daddy at mommy. At least magiging safe si Sophie at lagi ko siyang masasamahan dito.”

Ang rest house nila sa dulo ng Bulacan ang pinagtataguan nilang magkaibigan. Ang bahay na ipinagdaramot at hindi ipinaaalam ng kanyang mga magulang sa kahit kaninong kamag-anak o kaibigan. Ang kanilang sariling retreat house, kung saan nila ginaganap ang kanilang mga pagmumuni-muni at sariling paraan ng pakikipag-usap at pakikipag-isa sa universe.

Nakangiti sa isa’t isang nagkawayan ang dalawa ng magsimulang umandar ang sasakyan.

Nang biglang tumunog ang cellphone na nasa bulsa ng damit na suot ni Ella. 

Nagbi-video call ang mommy n’ya.

“Baka i-request na naman ni mommy na I tour ko siya sa bahay. Mahahalata niyang nasa Bulacan ako,” pag-aalala ni Ella, “baka usisain ako, bakit ako nandito.”

Ini off niya ang camera ng phone bago sinagot ang video call ng ina.

“Bakit off cam ka?” tanong agad ng mama niya.

“Ewan ko ba sa phone na ‘to. Nagluluko!”

“Baka naman ikaw ang nagluluko, ha?”

“Mommy ko! Ambait-bait ko, magluluko? Takot ko lang sa ‘yo!”

“Nagkaroon ng car accident si daddy mo. Nasa ospital siya ngayon, kaya magtatagal pa kami dito sa Paris.”

“Is he okay?” pag-aala ni Ella.

“He’s okay now. Konting sugat lang at bugbog ng katawan ang naging injury n'ya.”

“Thank you, Lord!”

“O, sige na. Gusto ko ng matulog. Ingat ka d'yan!”

“Sweet dreams. Sleep tight.”

“I love you, anak.”

“Love you, Mommy. Always stay safe.”

“You too!”

Iba’t ibang damdamin ang nadarama ni Ella, pagkatapos ng pag-uusap nilang mag-ina.

Nalulungkot, dahil naaksidente at naospital ang daddy niya.

Natutuwa, dahil matatagalan bago makauwi ang mga magulang niya at hindi niya kakailanganing magpaliwanag ng tungkol sa sitwasyon ni Sophie.

Pero nakabaon ang feeling of guilt sa isip niya at damdamin, dahil parang mas binibigyan niya ng halaga ang friendship nila ni Sophie kaysa sa relasyon niya sa magulang niya.

“Oh my God! Ang hirap naman ng ganitong sitwasyon!”

…….

“Ha-ha ha!

Kilnk!

Malakas na halakhakan. Masayang pag-uumpugan ng mga kopa ng alak. Masayang nagdiriwang ang mag-amang Sandoval.

Magkatabi sila sa malaking sofa, sa kanilang marangyang living room. Magkaharap na nagkukuwentuhan, Pilit binubura ang hapdi ng damdaming idinulot ng kahihiyan at trahedyang naganap sa kasalang hindi nagkaroon ng katuparan.

“Ibang klase ka ring manghiya, e, ano, anak?” sarkastikong tanong ni Senyor Gaspar Sandoval kay Tony, “hindi lang sa buong Pinas mawawasak ang karangalan ni Sophie, kundi sa buong mundo!”

Hindi umimik ang anak. 

“Pero teka, sigurado ka ba talagang hindi mati-trace ang source ng mga ipinost mo sa social media? Delikado tayo kung…”

Nilunok ni Tony ang alak na nakababad sa bibig bago nagsalita.

“Kahit Pentagon pa ang mag-hack ng account na ‘yun, hinding-hindi nila mati-trace ‘yun.”

“Paano ba ang ginawa mo?”

“Secret.”

Matagal na napatitig sa mukha ni Tony si Senyor Gaspar.

Dikawasa’y biglang humalakhak.

“Gusto ko ‘yang ganyang attitude,” ang saad, “hindi mo talaga dapat ipaalam sa kahit kanino ang sikreto ng iyong trade. Malay mo malasing ako at maibulgar ko ang hindi ko dapat na ibulgar.”

Kinuha ni Tony ang wala ng lamang kopa ng alak na hawak ng ama, kasabay sa pagbibigay ng impormasyon.

“Balita ko’y magdedemanda daw ng libel ang mga Samonte. Miniting na daw ang mga abogado nila upang maghain na ng kaso laban sa atin.”

”Masasaid ang kanyang salapi at maibebenta niya ang kanyang kaluluwa sa demonyo, pero wala siyang maipapanalong kaso laban sa atin. Saan siya kukuha ng ebidensiya? Sino ang testigo niya?” Maku-quash lang lahat ang kasong ihahain niya, then, madi-dismiss. Tapos ang laban!”

“Sure ka ba na walang “kakanta” sa mga inupahan mong magdikit ng post sa mga pader at poste?”

“Sows! Naipabalik ko na sa malayong probinsiya nila ‘yung bulag na nagdikit ng mga iyon!”

“Bulag? Nakapagdikit sa pader ang bulag?”

“Bakit naman hindi, e may mga kamay naman ‘yun. Kakapain lang niya ‘yung marker na nakadikit sa harap ng mga papel, di maididikit na niya nang maayos ang dapat idikit!”

Paano nga naman tetestigo ang bulag na hindi nakikita ang mga ginawa niya at kung sino man na nagpagawa sa kanya?

Malakas na napahalakhak si Tony.

“Ang utak mo talaga, papa!”

“And take note, ako mismo ang nag-utos kay bulag na gawin iyon, para makatiyak na walang sasablay.”

“Kilala ka niya?”

“Hindi. Pero ako kilalang kilala ko siya. Alam ko ang lahat ng personal na impormasyon tungkol sa kanya, pero wala siyang alam na kahit ano tungkol sa akin.”

“Paano mo nagawa ‘yun?”

“Secret.” 

Napanganga si Tony sa sagot na iyon ng ama at biglang napahalakhak.

“Now you know the feeling,” nagtatawang wika ni Senyor Gaspar Sandoval, “by the way, kung sakali at lumitaw si Sophie, ano ang balak mo?”

Tumindig ang anak at ilang hakbang na lumayo sa ama, bago sinagot ang tanong nito.

“Pakakasalan ko siya.”

Saglit na napaisip ang Senyor bago muling nagtanong, kasabay sa pagtayo mula sa kinauupuan.

“And then?” 

“Ipaparamdam ko sa kanya kung gaano lang siya ”kaliit” kung gaano siya kawalang kuwenta! I will treat her like a very cheap prostitute. I will spit on her face the very first night of our honeymoon. I will do to her all the sexual perversions she can never imagine and I will force her to do the same to me hanggang sa maramdaman niyang wala siyang ipinagkaiba sa hayup!”

Ramdam ng ama  ang hindi kayang sukating poot at suklam na nararamdaman ng anak sa sa bawat salitang binibitawan nito.

Malalim na napabuntunghinga si Senyor Gaspar. Tumindig ito at humakbang. Tumigil sa harap ng anak. Ipinatong ang kaliwang kamay niya sa kanang balikat ng anak.

“Nagsisimula pa lamang tayo sa paghihiganti, Tony,” ang sabi,  Patikim pa lamang ang mga kahihiyang tinatanggap nila sa ngayon.” 

“Habang buhay nilang mararamdaman ang paghihiganti ko, papa. Habang buhay silang magdurusa!

 BOTTOM'S UP!

Maraming ulilt na nagpaulit-ulit ang bottom’s up na pag-inom ng alak ng mag-ama.

“Alam mo, magagawa ko pa siguro silang patawarin,” sa pagitan ng pag-inom ay pagbibigay alam ng ama, “kung hindi namatay ang mama mo.”

“Mas magandang paghihiganti kung mamamatay din ang mama ni Sophie.”

Nag-isip si Senyor Gaspar. Nagpalakad-lakad habang bumubuntot sa bawat hakbang niya si Tony.

“Paano natin magagawa ‘yon ng hindi tayo magiging kriminal?” ang tanong ng ama kasabay sa pagharap sa anak na nasa likuran niya.

“May mga henchmen ka naman, ah! Mga sundalong magagaling sa paghawak ng baril at mga asintado.”

Gumulong ang mahinang halakhak sa lalamunan ng ama.

“Criminal minded ka talaga.” ang sabi.

“Mana lang sa ‘yo!”

“Woy! Wala akong ipinapatay na kahit sino. Madalas akong magbanta kapag galit na galit ako, pero hanggang salita lang ‘yon!”

“There’s always the first time.” 

Bulol na ang pagsasalita ng mag-ama. Halos hindi na maunawaan ang mga salitang lumalabas sa bibig nila, dahil sa labis na kalasingan.

Nagtatawang inakbayan ng Senyor si Tony.

“Ibang kak-kaklasee na tshalaga ang p-panahon ngay-yon (hik) , ano? anak na ang nag-tsu-turo sya ama,” hindi maidiretso ng Senyor ang sinasabi.  

Magkasabay na humalakhak ang mag-ama.

Naninigas na ang kanilang mga dila. Wala ng pakiramdam ang mga kamay nila. Manhid na rin ang mga utak, na sa wari nila’y namamaga na.

KRASSS!  KLLIIINNKK!

Bumagsak ang mga basong hawak ng mag-ama. Umiikot na ang tingin nila sa paligid. Dikawasa’y dumilim ang lahat.

BLACKOUT!

Magkasabay na bumagsak sa sofa ang dalawa. Magkadikit na napahiga.

Payapa ang ekspresyon ng kanilang mga mukha na tila ba burado na ang lahat ng kanilang mga problema at ang kasiyahan sa kanilang pag-iinuman ay nasa mga ngiting nasa sulok ng kanilang mga labi.

Todo-todong pagdurusa ang nakaplano sa utak nila, para sa pamilya ni Sophie.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
humanda kana sophie sa paghhiganti ng mag amang sandoval
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status