[Tyler pov]Gusto kong sapakin ang sarili ko. Ako ang matanda sa aming dalawa pero nakalimutan ko na pwedeng magbunga ang ginawa namin. Inosente ito at walang alam kaya dapat ay naisip ko na ang mga posibleng mangyari. Pero wala na akong magagawa... Hindi ko naman maitatanggi na masayang-masaya ako dahil magkakaanak na kami... Oo, sobrang saya ko ngayon, at nasasaktan din ako dahil baka hindi matanggap ni Maya ang kalagayan niya. Natatakot ako na baka dahil dito ay magalit siya sa akin, baka isipin niya na sinira ko ang pangarap niya."Dahil hindi ako naging maingat ay maa-apektuhan ang pangarap mo—""Ano ba ang sinasabi mo, Tyler?" Pinahid ni Maya ang luha at tumingin sa akin. Natigilan ako dahil may ngiti siya sa labi. "Bakit ka humihingi ng pasensya?" Kinuha ni Maya ang kamay ko at dinala sa tiyan niya. Biglang nag init ang sulok ng mata ko ng marinig ang sunod niyang sinabi."Hindi ako umiiyak dahil malungkot ako, Tyler... Umiiyak ako dahil masaya ako na dinadala ko ang anak natin
[Maya]MAS naging maasikaso at maalaga si Tyler simula ng magdalantao ako. Halos hindi na ito pumapasok para lang ibigay ang lahat ng gusto kong kainin o samahan ako sa pagpapacheck up ko. Kahit sa pagbabanyo ko nga ay nakaalalay siya sa takot na baka mawalan ako ng balanse at mapahamak kami ni baby.Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman kong saya simula ng malaman kong buntis ako sa magiging anak namin ni Tyler. Oo, marami pa akong pangarap, pero kaya kong isantabi ang mga iyon para sa magiging anak namin. Pinapangako ko na magiging mabuting ina din ako katulad ni nanay, at syempre ay magiging mabuting asawa din ako kay Tyler.Hinaplos ko ang may kalakihan ko ng tiyan habang hinihintay si Tyler dito sa parking lot ng Supermarket. Galing kami ng department store para mamili ng mga gamit ng anak namin na si Trevor— yes, lalaki ang magiging anak namin. Tuwang-tuwa nga si Tyler dahil nakalalaki daw siya agad sa panganay namin. Pitong buwan na akong buntis ngayon, kaunting panahon na lang
[Maya pov]"Maya!" Lumapit si Vanjie sa akin ng makita ako.Nagulat ako dahil ang laki ng ipinayat ni Vanjie kumpara no'ng huli ko siyang nakita. Nabigla ako ng lumuhod siya sa harapan ko."Vanjie, tumayo ka nga ri'yan." Hinila ko siya dahil naiilang ako sa ginagawa niya. Hindi naman ako Diyos para luhuran niya."M-Maya... alam kong hindi naman tayo matagal nagkasama, o naging sobrang malapit na magkaibigan... P-Pero kakapalan ko na ang mukha ko. P-Please, tulungan mo ako. K-Kailangan ko ng pera para ma-operahan ang kapatid ko... siya na lang ang nag iisang pamilya na mayro'n ako kaya hindi ko kayang malaaa siya sa akin... N-Nagmamakaawa ako sa'yo, Maya... T-Tulungan mo ako." Bakas ang labis na paghihinagpis sa mukha na pagmamakaawa ni Vanjie habang puno ng luha ang mukha nito."W-Wala na akong iba pang malalapitan, Maya. I-Ikaw na lang ang kaisa-isang taong naisip ko na makakatulong sa akin, kaya pasensya ka na kung nagpunta lang ako dito para humingi ng tulong sa'yo."Kahit anong hil
[Tyler]PAGKATAPOS ng meeting ko with board directors ay agad na tumayo ako para maghanda sa pag uwi. Ang lahat ay halatang nagtataka habang nakatingin sa akin dahil hindi sanay ang mga ito na ako ang mauunang tumatayo pagkatapos ng meeting namin, hindi lamang 'yon, nagtataka din ang mga ito dahil malaki ang ngiting nakapaskil sa labi ko simula pa ng makita ako ng mga ito. Hindi ko masisisi kung bakit may pagtataka sila, dati kasi ay hindi naman ako ganito, palagi akong seryoso noon sa pagharap sa kanila, ni ang pagngiti ay hindi ko magawa. Pero ngayon na maisip ko pa lang si Maya ay hindi ko makontrol ang sarili ko na sumaya at masabik na umuwi, lalo na ngayon na dinadala nito ang aming anak.Hindi naman lingid sa kaalaman ng mga ito na mayron akong asawa, kaya nga ang iba sa kanila ay mayrong mapanuksong ngiti sa labi. Simula nang makita at maging asawa ko si Maya ay naging ganito na ako araw-araw— palaging may ngiti sa labi at nagmamadaling umuwi nang bahay. Nasasabik palagi ang pus
[MAYA POV]PAGOD na pagod na ako. Gusto ko ng sumuko dahil sa ginagawang pagpapahirap sa akin ni Suzy, pero sa tuwing maiisip ko ang anak ko ay lumalakas ako at pilit na lumalaban kahit pa pakiramdam ko ay bibigay na ako.Tama, si Suzy ang nagpapahirap sa akin. Tauhan niya ang dumakip sa akin at dinala ako sa lugar na hindi ko alam. Simula ng magising ako ay wala na itong ginawa kundi saktan ako. Sobrang sakit na ng katawan ko at nanghihina na din ako. Sa tuwing sisipain niya ako at susuntukin ay agad kong niyayakap ang tiyan ko para protekhan ito mula sa kanya. Hindi ko hahayaan na maging ang aking anak na nasa aking sinapupunan ay madamay at masaktan. Hangga’t kaya ko ay poprotektahan ko ang anak namin ni Tyler.‘Tyler, pakiusap ‘iligtas mo kami’ Piping bulong nang puso ko habang tinatanggap ang pananakit sa akin."Ang tibay mo din, Maya, no? Hanggang ngayon ay buhay ka pa rin?" Sinabunutan ni Suzy ang buhok kong nanlalagkit na dahil sa dugong natuyo galing sa ulo ko na puro sugat ga
"PUNYÈTA KA, Fiona!!!"Napatigil ako sa pagwawalis ng marinig ko ang galit na sigaw ni kuya Gordon habang papalit sa akin."Nasaan ang pera, ha? Hindi ba't sinabi ko sa'yo na sa akin mo ibibigay ang kita mo sa pagtitinda?" Agad nitong hinawakan ang maliit kong braso ng mahigpit kaya napangiwi ako sa sakit."Kuya Gordon, noong nakaraang buwan pa kasi ang utang natin sa tindahan ni aling Nena kaya binayad ko muna—" Pinigil ko ang sarili na huwag maiyak ng makatikim ako ng sampal mula sa kanya."Tanģ ina ka at sumasagot ka pa! Hindi ikaw ang masusunod ditong panget ka! Naiintindihan mo? Ako ang dapat sinusunod mo sa pamamahay na ito!" Nanlilisik ang mata na bulyaw nito."Hoy, Gordon, bitiwan mo nga ang pinsan mo!" Dahan-dahan na lumapit sa amin si lola Felly gamit ang kahoy na tungkod na napulot ko lamang sa tabi-tabi no'ng nakaraang linggo. "Bakit ba hindi ka magtrabaho ng sa gano'n ay hindi ka umaasa sa amin ng pinsan mo? Tigilan mo na ang kasusugal mo dahil bukod sa wala ka namang napa
[Maya/Fiona pov]"Ah, gano'n ba..." Ngumiti ako sa kanya. "Ang buti mo naman na kaibigan kasi inaalala mo pa rin siya hanggang ngayon." Nakakabilib ang katulad niya, hindi nakakalimot kahit na nasa kabilang buhay na ang kaibigan nito.Mas lalo itong naiyak sa sinabi ko. Gusto ko tuloy magsisi dahil pakiramdam ko ay ako ang dahilan kung bakit lalo itong umiyak."Ka-boses mo talaga si Maya..." Matagal-tagal itong nanatili sa aking harapan habang umiiyak. Ramdam ko talaga na nasasaktan siya."Death anniversary niya ngayon." Pagkaraan ay sabi nito. "M-Mabuti siyang tao. Dahil sa kanya ay buhay ang kapatid ko... P-Pero kapalit naman noon ay nawala siya at hindi na kailanman babalik pa!" Napakamot na lang ako sa ulo dahil lalong lumakas ang pag iyak niya. Napapatingin na tuloy ang mga tao sa pwesto namin. Baka mamaya ay isipin ng iba na sinasaktan o pinipilit kong bumili ang babaeng ito. Ganito pa naman ang tingin madalas ng grupo nila Eloy, katulad ko ay nagbebenta din sila Eloy ng sampag
[Maya/Fiona]Tatlong araw na simula ng alukin ako ng trabaho ng tatlong babae na nakilala ko lamang sa labas ng simbahan. Hindi ko gustong iwan si lola Felly mag isa dito sa bahay kaya naman nagpasya akong huwag tanggapin ang alok ng mga ito. Alam ko kasi na pababayaan lang ni kuya Gordon si lola. Hindi ako nag aalala dahil sa katandaan ni lola, nag aalala ako dahil baka atakihin ito ng asthma ng wala ako. Paano kung wala si kuya Gordon kapag nangyari 'yon?Pagkatapos kong ibenta ang lahat ng mineral water at sampong kahon ng sigarilyo sa gilid ng bangketa ay nagligpit na ako at naghanda para umuwi. Isa ito sa mga sideline ko, kailangan ko talaga ng dagdag kita dahil malilintikan ako kay kuya Gordon kapag wala akong naibigay sa kanya. Ayoko naman na kunin niya ang budget sa pangkain namin ni lola kaya marami akong sidelines na ginagawa. Saka ayokong masaktan, kotang-kota na ako sa pananakit ng pinsan ko. Gusto kong matulog sa loob ng isang buwan ng walang pasa sa pangit kong mukha. Pa