Share

HE CAN'T BE

Author: Bryll McTerr
last update Last Updated: 2025-05-28 19:33:59

DAHIL HINDI PA tuluyang nakakabawi ang Isabela sa pananalanta ng bagyong Mario bago pumasok si bagyong Nina ay dumoble ang pinsalang naiwan sa probinsiya ng Isabela. Malaki ang naging epekto ng pagkakalbo ng Sierra Madre sa mga bayang sakop ng probinsiya.

Napuno ang mga evacuation center dahil sa muling pagtaas ng tubig nang umapaw ang mga ilog. Marami ring buhay ang nawala dahil sa landslide. Laman ng mga balita ang Isabela at nangangailangan ng dagdag na tulong ang probinsiya na isinailalim sa state of the calamity.

"Good work everyone..." ani ni Grayson sa mga kasama habang nakaupo sa pinaka-kabisera ng mesa.

Naroon sila sa nagsisilbi nilang conference room at pinag-uusapan ang mga dapat pang gawin para mas mapadali ang pag-abot ng tulong sa mga mamamayan ng Isabela.

"Mas malaki ang pinsalang iniwan ng bagyong Nina sa Isabela ngayon pero makakabangon tayo. That, I will make sure. " patuloy ni Grayson na ang mga mata ay nakatuon sa malaking TV screen na nasa dingding.

Mino-moni
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • ARMANI 1: FRACTURED HEART (ELIJAH)   WHY?

    "YOU ARE COMING HOME?" Sandaling nakinig si Grayson sa sinasabi ng nasa kabilang linya. It was Tatia, ang girlfriend niya. Isang fashion designer ang babae na nakabase sa America. Isang taon na silang magkarelasyon at pareho namang pabor ang mga pamilya nila sa kanilang dalawa. Sa katunayan ay kasundong-kasundo ng Mommy niya ang babae. "Yes, sweetheart. I was supposed to surprise you but I changed my mind." nakabungingis na sabi ni Tatia. Napangiti si Grayson. Kahit malayo ang nobya ay malinaw niyang nakikita sa kanyang isipan ang nangingislap nitong mga mata at malawak na ngiti habang nilalaro ang sariling buhok. "Oh, thank goodness!" bulalas ni Grayson. "Finally, naisipan mo ring ako naman ang dalawin dito sa Pilipinas. " dugtong niya habang ang isang kamay ay nakapaloob sa bulsa ng suot niyang pantalon. "Oh, of course. Namiss kita, eh." masiglang sagot ni Tatia kay Grayson. "Saka miss ko na din ang luto ni Tita Hillary." Umikot ang mga mata ni Grayson. " Mukhang hindi naman

  • ARMANI 1: FRACTURED HEART (ELIJAH)   HATE ME

    ROUTE 69 Masayang nag-uusap sina Elijah at Gaven kasama si Victor at Katrice. Naroon din ang ilan pang staff ng Sirens Alliance maging ang ibang kasama sa medical team. Biyernes ng gabi at maganda ang panahon. Malamlam ang liwanag ng buwan sa labas at unti-unti na ring bumabalik sa dati ang buhay ng mga tao sa San Guillermo. Mahigit isang linggo na din ang nagdaan simula nang tuluyang lumabas ng Pilipinas ang panghuling bagyo. "I want a whole bottle of whiskey." ani ni Katrice na bakas sa anyo ang labis na pananabik na muling masayaran n alak ang kanyang lalamunan. Isang linggo din silang naging aligaga sa pamimigay ng mga relief goods at medical mission. Ito ang unang beses na lumabas sila pagkatapos ng bagyo para mag-hang out na magkakasama. "How about a Bloody Mary?" ani naman ni Gaven na nakakapit sa braso ni Elijah. "Oh, I need food." turan ni Elijah sabay hawak sa kumakalam niyang tiyan. "Great idea." sang-ayon ni Victor. "I'm hungry too." dugtong niya bago

  • ARMANI 1: FRACTURED HEART (ELIJAH)   LOST AGAIN

    "CARE FOR A BOTTLE OF BEER?" It was Diego. Sandaling kumot ang noo ni Grayson pagkuwa'y isang malalim na buntong-hinga ang kanyang pinkawalan. "Yeah, sure..." walang emosyon na sabi niya bago inabot ang beer na hawa ni Diego. Isang nakakabinging katahimikan ang sandaling dumaan sa pagitan ng dalawang lalaki. Pareho silang nakikiramdam sa isa't-isa habang tinutungga ang laman ng hawak bote ng beer. Alas nuebe na ng gabi at tahimik na ang buong paligid. Bumalik na rin ang supply ng kuryente kaya may mga ilaw na ulit ang kalsada. Sa awa ng Diyos ay tatlong araw na ring maganda ang sikat ng araw. Sana nga ay magtuloy-tuloy na. Kasalukuyang nasa harapan ng lumang administration building sina Grayson at Diego. Nakaupo sila sa upuang gawa sa makapal na tabla na nasa ilalim ng malaking punong akasya. "It has been what?" simula ni Diego habang nakatanaw sa madilim na kalangitang natatanglawan ng malamlam na ilaw mula sa nagkikislapang mga bituin. "Seven yeras—ahh, eight, I supp

  • ARMANI 1: FRACTURED HEART (ELIJAH)   NOT AGAIN

    KANINA PA HINDI MAIPINTA ang anyo ni Grayson habang pasulyap-sulyap sa nagtatawanang sina Elijah at Diego. Inis na inis siya tuwing nakikita niyang pahampas-hampas pa ang babae sa kasama nito. "Are you okay?" tanong ni Gaven kay Grayson. Hindi nakatakas sa kanyang matalas na pakiramdam ang pag-aalburuto ng katabi niya bulkan. Nalukot ang ilong ni Grayson bago padabog na binitawan ang hawak na de lata. Kasalukuyan silang nasa ground floor ng lumang administration building na ginawa nilang bodega. "Yes..." padarag na sagot ni Grayson bago tinapunan ng tingin ang dalawang magkatabing nagre-repak ng mga relief goods na ipapamigay nila bukas. "Kailangan bang naghaharutan habang nagre-repak?" lukot pa rin ang ilong nasabi niya bago tumayo. "What?" nagku-kunwaring walang naiintindihan na untag ni Gaven. Pasimple niyang sinulyapan si Elijah na tinutulungan ni Diego sa paglalagay ng mga de lata sa cloth bag. "Nothing..." tugon ni Grayson bago walang lingon-likod na iniwan si Gaven.

  • ARMANI 1: FRACTURED HEART (ELIJAH)   HE CAN'T BE

    DAHIL HINDI PA tuluyang nakakabawi ang Isabela sa pananalanta ng bagyong Mario bago pumasok si bagyong Nina ay dumoble ang pinsalang naiwan sa probinsiya ng Isabela. Malaki ang naging epekto ng pagkakalbo ng Sierra Madre sa mga bayang sakop ng probinsiya. Napuno ang mga evacuation center dahil sa muling pagtaas ng tubig nang umapaw ang mga ilog. Marami ring buhay ang nawala dahil sa landslide. Laman ng mga balita ang Isabela at nangangailangan ng dagdag na tulong ang probinsiya na isinailalim sa state of the calamity. "Good work everyone..." ani ni Grayson sa mga kasama habang nakaupo sa pinaka-kabisera ng mesa. Naroon sila sa nagsisilbi nilang conference room at pinag-uusapan ang mga dapat pang gawin para mas mapadali ang pag-abot ng tulong sa mga mamamayan ng Isabela. "Mas malaki ang pinsalang iniwan ng bagyong Nina sa Isabela ngayon pero makakabangon tayo. That, I will make sure. " patuloy ni Grayson na ang mga mata ay nakatuon sa malaking TV screen na nasa dingding. Mino-moni

  • ARMANI 1: FRACTURED HEART (ELIJAH)   BE CAREFUL

    ALAS TRES pasado ng madaling-araw nang magising si Elijah dahil sa mga komusyon sa labas ng tinutulugan nila ni Gaven. Katabi lamang niyon ang nagsisilbi nilang tila living room kaya dinig na dinig sa loob ang ingay. "What's going on?" bakas ang pagtataka sa tinig na tanong ni Elijah sa kaibigang kagaya niya ay nagising na rin pala. Malakas pa rin ang buhos ng ulan sa labas at maging ang hangin ay nakikipagkompitensiya sa kulog at kidlat. Kagabi pa nawalan ng kuryente sa buong San Guillermo pero dahil nagpalagay ng generator si Mayor Alvarez sa lumang administration building ay mayroon silang power supply. "Emergency yata." sagot ni Gaven bago bumangon mula sa kamang nakalatag lamang sa sahig. Bumangon na rin si Elijah at kaagad na dinampot ang makapal na robang nakasabit sa isang tabi. Mabilis niya iyong isinuot at kaagad na lumabas kasunod si Gaven. "I'm so sorry for the noise." ani ni Grayson nang mapansin niya si Elijah na nakatayo sa bungad ng pinto. Tumigil sa ginagawang p

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status