TAHIMIK NA NAKAMASID SA PALIGID NG saradong opisina ng Mayor ng San Guillermo si Elijah. Katabi niya ang kaibigang si Gaven na nagpasyang samahan siya nang malaman nitong sa San Guillermo siya pupunta. Kasalukuyan nilang hinihintay si Governor Hillary Lardizabal na ayon sa sekretarya ni Mayor Aguilar ay paparating na daw. "Are you okay?" nag-aalalang tanong ni Gaven kay Elijah na kaagad namang tumango. "Yeah, I'm fine, Gab." tugon ni Elijah kasabay ng pagsibol ng tipid na ngiti sa magkabilang sulok ng kanyang mga labi. Elijah may look composed and calm on the surface but she's been tensed simula pa kaninang lumapag ang sinakyan nilang private charter plane sa paliparan ng Isabela. At dama iyon ni Gaven. Gusto man niyang tumutol sa pasya ng kaibigan na pumunta sa San Guillermo ay alam niyang wala din iyong silbi. Kilala niya si Elijah. Walang makakabago sa desisyon nito sa sandaling naka-focus na ito sa isang bagay at ang tangi na lamang magagawa ni Gaven ay suportahan ito.
Terakhir Diperbarui : 2025-04-25 Baca selengkapnya