Share

IN-CHARGED

Author: Bryll McTerr
last update Last Updated: 2025-04-25 19:17:12

TAHIMIK NA NAKAMASID SA PALIGID NG saradong opisina ng Mayor ng San Guillermo si Elijah. Katabi niya ang kaibigang si Gaven na nagpasyang samahan siya nang malaman nitong sa San Guillermo siya pupunta. Kasalukuyan nilang hinihintay si Governor Hillary Lardizabal na ayon sa sekretarya ni Mayor Aguilar ay paparating na daw.

"Are you okay?" nag-aalalang tanong ni Gaven kay Elijah na kaagad namang tumango.

"Yeah, I'm fine, Gab." tugon ni Elijah kasabay ng pagsibol ng tipid na ngiti sa magkabilang sulok ng kanyang mga labi.

Elijah may look composed and calm on the surface but she's been tensed simula pa kaninang lumapag ang sinakyan nilang private charter plane sa paliparan ng Isabela. At dama iyon ni Gaven. Gusto man niyang tumutol sa pasya ng kaibigan na pumunta sa San Guillermo ay alam niyang wala din iyong silbi. Kilala niya si Elijah. Walang makakabago sa desisyon nito sa sandaling naka-focus na ito sa isang bagay at ang tangi na lamang magagawa ni Gaven ay suportahan ito.

Ilang sandali pa silang naghintay hanggang sa wakas ay bumukas ang nakasaradong pinto ng opisina ni Mayor Aguilar. Mula roon ay magkasunod na bumungad ang ilang opisyal ng bayan ng San Guillermo kasama si Mayor Aguilar na kasabay naman si Governor Hillary Lardizabal.

Kaagad sa tumayo sina Elijah at Gaven nang makita ang gobernadora kasabay ng paghugot ng malalim na buntong-hininga ng una.

"Miss Armani," kaagad na bungad ni Mayor Aguilar nang makita nito si Elijah. Bakas sa mukha ng matandang alkalde ang masiglang ngiti. "Miss Laurente, I'm so sorry for making you wait for us and taking for coming to our town. Mayroon lang kaming inasikaso kaya natagalan nang konti." turan nito bago inilahad ang kanang kamay na kaagad namang inabot ni Gaven.

"We understand, Mayor Aguilar." may tipid na ngiti sa mga labi na sabi ni Gaven.

"Good afternoon, Miss Laurente," bati ni Governor Lardizabal kay Gaven.

"Good afternoon din ho, Governor Lardizabal. " ganting-bati ni Gaven bago pasimpleng sinulyapan ang katabing si Elijah.

Bumaling ang mga mata ni Governor Lardizabal kay Elijah. "Miss Armani, fancy seeing you here." malamig ang tinig na aniya sa babae. Hindi rin niya itinago ang poot sa kislap ng kanyang mga mata bago nilingon si Mayor Aguilar." Leave us, please." aniya rito.

Kaagad na tumango si Mayor Aguilar. Sinenyasan niya ang kanyang mga kasama at nauna nang lumabas. "Excuse us, Miss Armani, Miss Laurente." ani ng Mayor.

Tumango si Elijah bago ibinaling kay Governor Lardizabal ang kanyang paningin.

"You can stay, Miss Laurente." ani ng gobernadora nang akmang lalabas din si Gaven.

Napatigil sa paghakbang si Gaven at wala sa loob na napatingin kay Elijah. Isang kiming ngiti lang naman ang ibinigay ni Elijah sa kaibigan na muling bumalik sa tabi niya.

Umiral ang sandaling katahimikan sa loob ng opisina ni Mayor Aguilar. Tila parerehong nakikiramdam sa isa't-isa sina Elijah at Governor Lardizabal. Nang hindi na makatiis ay isang mahinang tikhim ang pinakawalan ni Gaven na nagsisimula namang nang makaramdam ng pagkailang dahil sa nakakabinging katahimikan.

"Uhm—"

"So, Miss Armani, thank you for coming here in San Guillermo." ani ni Governor Lardizabal na ikinatigil ni Gaven sa akmang pagsalita. "As much as I don't want you here or near me again, I don't have a choice because my people need your help so maybe, you can take this as your personal redemption." pormal ang anyo na turan niya sa kaharap na babae.

Hindi rin nag-abala s Governor Lardizabal na itago ang kanyang pagkadisgusto sa ideya na mananatili si Elijah sa San Guillermo at wala siyang magagawa kundi hayaan ito.

Nagkatinginan sina Elijah at Gaven. Bakas sa anyo ng huli ang hindi rin maitagong kirot sa anyo dahil sa sinabi at ipinapakita sa kanya ni Governor Lardizabal. Pero sino ba siya para makaramdam ng sakit at sama ng loob? Tama naman ito. She can take this as her redemption pagkatapos ng ginawa niya sa pamilya nito.

Humugot ng malalim na buntong-hininga si Elijah. Itinaas niya ang kanyang noo at pormal na tinitigan si Governor Lardizabal.

"Okay." tugon ni Elijah. "So who's in-charged? Who are we going to cooperate with?" tanong niyang hindi nag-iwas ng paningin nang salubungin ng gobernadora ang kanyang mga mata.

Isang tabinging ngiti ang ibinigay ni Governor Lardizabal kay Elijah.

"My son..." maikling sagot ng gobernadora.

Elijah froze as she heard the governor. Sa likod ng kanyang isipan ay isang pangalan ang lumitaw.

Clayton...

ROUTE 69, isang kilalang pub house sa bayan n San Guillermo

"Whoa, the feeling is de javu..." ani ni Elijah sa kaibigang si Gaven na nakaupo naman sa kanyang tabi.

Naroon sila sa harap ng bar counter at parehong may hawak na basong puno ng malamig na beer.

Lumagok ng beer si Gaven mula sa sariling baso bago iginala ang paningin sa kanyang paligid.

"Same old Route 69 that we used to hang out with..." komento niya na tumatango-tango pa nang biglang may mahagip ang kanyang mga mata.

"Nothing's changed, huh." ani ni Elijah na sinabayan pa ng mapaklang ngiti.

"Oh, my God!" mahinang bulalas ni Gaven na natutop pa ang bibig pagkatapos ibaba ang hawak na basong nangangalahati na lamang ang laman na beer.

Kumunot ang noo ni Elijah dahil sa kakat'wang anyo ni Gaven.

"What?" nagtatakang untag niya sa kaibigan.

" Shit, he's here..."

Tumaas ang kilay ni Elijah. " Who? Victor?" tanong niyang ang tinutukoy ay ang ex-boyfriend ni Gaven na taga kabilang bayan.

Ngumuso si Gaven. "No, don't mention that name." bakas sa tinig ang pagka-inis na aniya kay Elijah. "And no, not him." dugtong niyang mas lalong nagpataas ng kilay ni Elijah.

"Then who?"

Ngumuso si Gaven sa lalaking nakatayo sa hindi kalayuan nila. Parehong nakatalikod sa isa't-isa ang dalawa kaya hindi ito nakikita ni Elijah.

"Clayton..." sagot ni Gaven na ang mga mata ay nakatutok sa lalaking nasa likuran ni Elijah. "Behind you." aniya pa.

Natigilan si Elijah kasabay ng pagkabog ng kanyang dibdib nang marinig niya ang pangalang binanggit ng kaibigan ngunit kaagad din siyang nakabawi.

"Clayton? So what?" aniya na tumawa pa nang mahina. "Gab, I'm a big girl already so it's okay. I can do this. Don't worry." dugtong niya na tinapik pa nang bahagya ang kamay ng kaibigan.

Umangat ang kilay ni Gaven. "Are you sure?" hindi kumbinsidong tanong niya sa kaharap.

Muling tumawa si Elijah bago tumango. "What? Why shouldn't I be? Come on, let's say hi. " sabi niya saka hinila si Gaven bago pa man ito makatanggi.

"Ellie, are you sure about this?" naiiling na untag ni Gaven habang nakasunod sa kaibigan.

Hindi sinagot ni Elijah si Gaven dahil naroon na sila sa tapat ng nakatalikod pa rin na lalaki. Kinalabit niya ito.

"Well, hey! Fancy bumping into you here." bati niya para lang matigilan nang matitigan ang lalaking dahan-dahang humarap sa kanya.

"Elijah Armani, what the hell are you doing here?" salubong ang kilay na turan ng lalaki. Tiim din ang anyo nito at ang mga matang kulay abo ay halos magliyab habang nakatitig kay Elijah.

Kumurap-kurap naman ang mga mata ni Elijah habang nakatitig sa kaharap. "W-What are you doing here?" naguguluhang tanong niya sa lalaki.

Umasim ang anyo ng lalaki. " You know who I am. Why would I answer that question?" Mas lalo pang nagbuhol ang mga kilay na tanong niya. "And why are you answering my question with a question?" paangil na dugtong niya.

Umangat ang kilay ni Elijah na hindi naman nagpasindak sa lalaki. Sinalubong niya ang mga titig nito at bahagyang nalukot ang kanyang ilong. "Well, you know who i am too. Why would I answer tha question either?" buwelta niya bago humalukipkip.

Nagpalipat-lipat namang ang mga mata ni Gaven sa dalawang tila nagtatagisan ng tingin.

"Okay, wait..." sabad ni Gaven sa dalawa. "Who are you? How do you know each other? And why do you look so much like Clayton?" nagtatakang tanong niya habang ang mga mata ay palipat-lipat pa rin sa dalawa.

Tinapunan ng lalaki ng tila bored na tingin si Gaven bago sumagot. "Maybe because I'm his brother." aniya bago ibinalik ang paningin kay Elijah na nakahalukipkip pa rin. " And who is she?" tanong niya rito.

"Well, even though we have never been formally met—"

" I think you've met enough of my family already," sabad ng lalaki na sandaling sumulyap kay Gaven bago muling tumingin kay Elijah. "Right, Elijah?" untag niya sa babae.

Mapaklang ngumiti si Elijah bago tumingin kay Gaven. "This is Grayson. Clayton's brother." aniya sa kaibigan na napatango-tango naman bilang sagot.

Dumilim ang anyo ng lalaking tinawag ni Elijah na Grayson.

"Don't you ever say that name." pagalit na ani ni Grayson na kumuyom pa ang mga palad.

Naguluhan naman si Elijah. "Excuse me, what?" untag niya sa kaharap.

" Hearing you say that name makes me want to puke so no—I'm Gray. Not Grayson. " puno ng pagkadisgusto sa anyo na turan ni Grayson. "Now, excuse me. I'll make a call to my great mother." dugtong niya saka tumalikod.

Naiwan naman si Elijah na nakatulala habang si Gaven ay nakangiwi.

"Bitch, huh..." usal ni Gaven na ang mga mata ay nakasunod sa papalayong si Gryson.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • ARMANI 1: FRACTURED HEART (ELIJAH)   THE SOONER, THE BETTER

    MALALIM NA ANG GABI ngunit nanatiling gising si Grayson. Kasalukuyan siyang nasa maliit na veranda ng kuwarto nila ni Tatia habang hawak sa kamay ang nakalatang beer. 'I'm getting married... 'Tila sirang plaka na paulit-ulit na umi-echo sa isipan ni Grayson ang mga salitang iyon ni Elijah. Tatlong salita ngunit tila katumbas niyon ang buong buhay niya. Masakit. Sobrang sakit. Parang nadurog ang buo niyang pagkatao. Shit, ganoon din ba ang naramdaman ni Elijah nang malaman nitong ikakasal na sila ni Tatia? Umiyak din ba ito kagaya niya? Because damn yes, lalaki siya pero hindi niya napigilan ang pagtulo ng kanyang luha nang tuluyang mag-sink in sa kanyang isipan ang sinabi ng babae. Damn but who would have thought that he'll fell for Elijah this much? And that her marriage will be the death of him. Hindi niya kaya. Pero ano ang karapatan niyang masaktan? Siya ang pumili ng sitwasyon niya ngayon. He chose Tatia over Elijah. Isang walang buhay na ngiti ang sumilay sa mga labi ni G

  • ARMANI 1: FRACTURED HEART (ELIJAH)   WHETHER YOU ACCEPT OR NOT

    "COME AGAIN, CLAYTON LARDIZABAL?" Humugot ng malalim na buntong-hininga si Clayton habang hinihilot ang sariling sentido. Kahit kailan talaga ay napaka-OA ng Nanay niya pagdating sa kanya. Na para bang palagi siyang gagawa ng mali. Well, sabagay. nakakabigla naman talaga ang sinabi niya. "I'm getting married, mother..." tila walang anumang ulit niya bago umayos ng sandal sa kinauupuan mahogany chair na nasa tapat ng workig table ng kanyang ina. Kasalukuyan silang nasa office ng kanyang ina sa kanilang mansiyon sa San Guellirmo. Kahapon pa lang ay ipinaalam na niya rito na may importante silang pag-uusapan. Noong una ay ayaw pa sana siyang pagbigyan ng kanyang ina dahil may meeting daw ito sa isang kaalyado nito sa politika. Nang sabihin niyang tungkol kay Grayson ang pag-uusapan nila ay wala itong nagawa kundi i-cancel ang meeting nito sa kung sino mang kaalyado. Wala sa loob na kumuyom ang magkabilang palad ni Clayton. Kung minsan ay gusto na nyang magtampo sa ina. anak

  • ARMANI 1: FRACTURED HEART (ELIJAH)   I'M GETTING MARRIED

    "HEY, YOU'LL BE OKAY... " masuyo ang tinig na sabi ni Grayson kay Tatia na nakaupo sa hospital bed nito. Hinahaplos-haplos din niya ang buhok nitong panipis na nang panipis. Isinugod niya ang babae sa hospital kagabi dahil namimilipit ito sa sakit. Ayon sa doctor ni Tatia ay masyadong aggressive ang sakit nito kaya mas mabilis kesa sa inaasahan ang pagkalat ng cancer cells sa katawan ng babae. Tipid na ngumiti si Tatia. Alam naman niyang hindi na siya magtatagal. Ayaw mang iparinig ni Grayson sa kanya kapag kausap nito ang doctor niya ngunit dama iyon. Tanggap naman na niya ngunit minsan ay hindi pa rin niya maiwasang itanong sa Panginoon kung bakit siya pa? Marami pa siyang gustong gawin. Bakit binigyan siya nito ng sakit na wala nang lunans nang matuklasan niya? Kung sana ay nalaman niya kaagad. Kung sana ay hindi niya ipinagsawalang-bahala ang mga indikasyon. Baka sakali may lunas pa. Baka sakali kakayanin pa niya kahit tatlong taon. Baka kaya pa niyang bigyan ng anak si Gra

  • ARMANI 1: FRACTURED HEART (ELIJAH)   MARRIAGE

    ST. LUKE'S MEDICAL CENTER, QUEZON CITYDala ang basket na may lamang iba't-ibang prutas ay tuloy-tuloy na naglakad si Elijah patungo sa naghihintay na elevator. May ilan na ring nakapila sa labas niyon kaya nakisabay na siya. Mahinang napabuga ng hangin si Elijah. Ang lakas ng kabog ng dibdib niya. Hiindi niya alam kung bakit pero pakiramdam niya ay parang ang sakip ng paligid para sa kanya. It has been three days simula nang isugod nila sa hospital ang Lolo niya dahil sa hypertension. It was his fourth attack at ang sabi ng doctor nito ay ingatan na nila ang susunod pang atake dahil hindi na kayanin ng katawan ng lolo nila. Humigpit ang pagkakahawak ni Elijah sa bitbit niyang basket. Kasalanan niya kung bakit muling inatake ang lolo niya. "Miss, sasabay ka ba?" tanong ng isang babae na nasa loob na ng elevetor. Sandaling natigilan si Elijah. Ipinilig niya ang ulo pagkuwa'y tumango. Mabilis siyang humakbang papasok sa elevator at piniling pum'westo sa pinakagilid. "Ano'ng floor

  • ARMANI 1: FRACTURED HEART (ELIJAH)   STUPID

    "SIT DOWN, ELIJAH." Tatlong salita mula sa Lolo niya. Simpleng mensahe pero sapat na para mapalunok ng laway si Elijah. Pormal ang anyo nito maging ang tinig. At ang mga mata nitong normal nang mapanuri ay nakatutok lamang sa bawat galaw niya habang ito ay nakaupo sa solong sofa na nasa pinakagitna. Tahimik at dahan-dahang humakbang si Elijah patungo sa naghihintay na lounge. Pinili niyang umupo sa tapat ng Lolo niya habang tatlo niyang nakatatandang kapatid ay pare-parehong nakatayo at si Cameron ay nasa wheelchair. Walang kibo ngunit dama niya ang galit ng mga ito. "L-Lolo..." bahagyang pumiyok ang tinig na usal ni Elijah nang makaupo.Napahawak siya sa laylayan ng suot niyang bubble skirt at nilaro-laro iyon na tila ba sa pamamagitan niyon ay mababawasan ang kabang nararamdaman niya. "Why?" Napayuko si Elijah. Unti-unting namuo ang mga luha sa gilid ng kanyang mga mata. Dama niya ang ngitngit ng Lolo niya. Simpleng "why" pero naroon ang bigat. "I-I'm so sorry, Lolo." mahina

  • ARMANI 1: FRACTURED HEART (ELIJAH)   WHAT HAVE YOU DONE?

    DAHAN-DAHANG BUMUKAS ang malaking gate na nasa harapan ng nakahintong kotse ng Kuya ni Elijah. at tuluyan iyong bumukas ay bumungad sa kanila ang mansyon ng kanilang Lolo Samuel na matayog na nakatayo sa gitna ng malawak na solar.Kaagad na nakaramdam ng panlalamig si Elijah. Hindi pa siya handang harapin ang Lolo niya. And judging by the cars that were parked around the driveway, she was sure as hell na naroon din ang iba pa niyang nakatatandang kapatid. Oh, dear Lord. Kung p'wede lang siyang tumakbo palayo. Pero hanggang kailan niya tatakasan ang problema? Sa isiping iyon ay naphugot na lamang ng malalim na buntong-hininga si Elijah. It's now or never. Kailangan niyang harapin ang sitwasyon niya ngayon. Siya naman ang may gawa nito kaya kailangan niyang panindigan. Dahan-dahang umusad papasok sa malawak na solar ang sasakyan ng Kuya niya kaya wala sa loob na napakapit sa gilid ng bintana si Elijah. 'Oh, help me, Lord... ' piping dalangin niya habang papasok sila sa loob ng teri

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status