"HMMM..." tumatango-tango na usal ni Elijah habang marahang iniikot ang kanyang paningin sa loob ng apat na sulok na bahagi ng silid.
Isa iyong make-shift office na nasa ikalawang palapag ng lumang administrative building ng munisipyo ng San Guillermo. Ipinasadya iyon ni Mayor Aguilar para may magamit sila sa kanilang operasyon. Ang unang palapag ay gagawing bodega para sa mga relief goods na paparrating na rin sa umagang iyon.
May ilan na rin namang mga pribadong organisasyon ang nagpa-abot ng tulong pero dahil ang Sirens Alliance ay hindi lamang pagbibigay ng mga relief goods ang gagawin ay binigyan sila ng sariling lugar ng pamahalaan ng San Guillermo. Bukod kasi sa mga goods ay mayroon ding sariling medical team sina Elijah na parating na rin.
"So this is where we are going to stay while we are here in San Guillermo. " aniya bago tumingin kay Katrice na kararating lang kagabi. So, what do you think, Kat? " untag niya sa babaeng nagkibit lang ng balikat.
"This is nice. Mayroon tayong sariling lugar. Hindi natin kailangang makigulo sa mga organization na ipinapadala ng mga pulitiko." ani ni Katrice na biglang umasim ang mukha nang banggitin ang mga pulitiko. " Ugh, those dirty politicians... " naka-ismid na dugtong pa.
Mahinang natawa si Elijah bago napatingin sa bagong dating lang na si Gavin. Nauna na siya kanina na bumaba dahil may ilang staff ni Mayor Aguilar siyang kinausap para sa paparrating na medical team ng Sirens Alliance pati na rin ang mga relief goods.
"Hey, Gab..." bati niya sa kaibigan na medyo basa pa ang buhok. "Fresh na fresh ka but what's with the face?" nakangiting tanong niya na ang tinutukoy ay ang nakasimangot nitong anyo.
Umikot ang mga mata ni Gavin. "Hay naku, Dad called." hindi pa rin nawawala ang lukot sa mukha na sagot niya sa kaibigan bago iginala ang paningin sa paligid. "But nevermind him. Okay itong space na ibinigay nila sa atin, ha. In fairness naman kay–"
Napatigil sa pagsasalita si Gavin nang may biglang magsalita mula sa nakabukas na pinto ng opisinanila.
"Oh, so everyone is here." ani nitong may alanganing ngiti sa mga labi habang ang mga mata ay nakatutok sa nakatalikod na si Gavin. "Hello, Elijah. It's been a long while, huh." bati nito kay Elijah na bakas naman sa anyo ang pagkasorpresa.
Umangat ang kilay ni Elijah samantalang kumunot naman ang noo ni Gavin.
"Oh, hi, Victor." ganting bati ni Elijah bago gumuhit sa magkabilang sulok ng mga labi ang ngiti. "What are you doing here?" tanong niya bago sinulyapan si Gavin na ngayon ay nakapihit na paharap kay Victor.
"Who sent you here?" tanong ni Gavin na tiningnan pa mula ulo hanggang paa si Victor.
Yes, si Victor ang ex-boyfriend ni Gavin na sa kabilang bayan lang ng San Guillermo nakatira.
Nagkibit ng magkabilang balikat si Victor bago humakbang palapit sa tatlong babae na pare-parehong nakatutok ang mga mata sa kanya.
"Well, I guess, we'll be working together for I don't know how long– so, yeah..." aniya bago mahinang ipinagpag ang mga kamay. " It's nice to see you both." dugtong niya.
Umikot ang mga mata ni Gavin samantalang bakas naman sa anyo ni Elijah ang pagtataka. Wala kasing binanggit si Mayor Aguilar sa kanya na may iba pa silang makakasama sa misyong iyon bukod kay Grayson.
Napatigil sila sa pag-uusap nang mula sa nakabukas na pinto ay bumungad si Mayor Aguilar na may masiglang anyo. Nakasunod dito si Governor Hillary na kabaliktaran naman ng alkalde ang makikita sa mukha. Sa likod nito ay si Grayson na abala sa hawak nitong cellphone habang naglalakad.
Pasimple at mabilis na pinasadahan ni Elijah ng tingin ang lalaki. And as expected , neat look na naman ito. Maayos na nakahawi pagilid ang buhok nitong tila ilang beses pa munang dinaanan ng suklay bago nakontento. Puting polo shirt na naka-tuck in sa suot nitong gray na trouser pant at itim na hi-top sneakers. Hindi rin nakatakas sa mapanuri niyang mga mata na wala kahit isang gusot ang suot nito.
Isang palihim na ngiti ang sumilay sa mga labi ni Elijah. All in all, kabaliktaran si Grayson ng kapatid nito.
"Ehem..."
Isang mahinang tikhim mula kay Grayson ang nagpawala ng mga ngiti ni Elijah. Nakagat niya ang pang-ibabang labi nang makita niyang kunot-noong nakatingin sa kanya ang lalaki. Bakas din sa anyo nito na tila hindi ito natutuwa sa ginawa niyang pagsuri rito. Palihim tuloy na umismid si Elijah.
"OA naman sa kasungitan 'to." pabulong na usal niya bago ibinaling ang mga mata kay Mayor Aguilar na nakatayo sa gitna.
Itinuon na ni Elijah ang kanyang buong pansin kay Mayor Aguilar na nagsisimula naman nang magsalita.
Nakangiting tiningnan ni Mayor Aguilar ang bawat isa na nasa kanyang harapan bago mahinang tumikhim.
"Ehem... Good morning everyone." panimulang bati ni Mayor Aguilar na hindi pa rin nabubura ang ngiti sa mga labi. " On behalf of my people, I would like to extend my gratitude to all of you for being here. Thank you so much... It's a little late for us to start our day so I think, it's better to get started. Governor Lardizabal?" baling niya sa gobernadora na tumango lamang bago huamakbang patungo sa harapan.
Kagaya ni Mayor Aguilar ay isa-isa ring tiningnan ni Governor Hilary ang kanyang mga kaharap bago seryosong nagsimulang magsalita.
"Good morning. Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa," simula ni Governor Hillary na hindi maitago ang lungkot sa tinig. "The super typhoon Mario destroyed a lot of properties her in San Guillermo kaya kailangan talaga namin ng tulong mulasa iba't-ibang sangay ng ahensiya, mapa-government man o pribadong tulong. Maraming pananim ang nasira, mga bahay at iba pang ari-arian na nalubog sa baha at higit sa lahat ay may mga buhay na nawala." mahabang turan ng gobernadora na bahagyang umulap ang mga mata kasabay ng pagpiyok ng kanyang tinig kaya sandali siyang tumigil sa pagsasalita.
Maagap namang nag-abot ng tissue ang isang staff nito na nasa tabi lamang ng gobernadora na maagap namang tumanggi.
"Salamat but I'm fine, Mely," may tipid na ngiti sa mga labi na sabi ni Governor Hillary.
"Marunong naman pala siyang ngumiti." mahinang bulong ni Katrice na hindi nakatakas sa pandinig ni Elijah.
"Shshh..." saway ni Elijah sa babae kasabay ng pasimpleng pandidilat ng kanyang mga mata.
Ngumuso si Katrice. "Eh, kasi naman–"
"Quiet..." pabulong na sabi ni Elijah.
Sumunod naman si Katrice at hindi na muling nagsalita ngunit nagpahabol pa ng pasimpleng pagnguso.
"This will take so much effort s from us para matulungan ang lahat ng mga nangangailanan nating kababayan at bilang gobernadora, tungkulin kong masiguro na ang lahat ay maaabot ng tulong. We are going to work all in para mas mapabilis ang muling pagbangon ng bayan ng San Guillermo. Magsimula na tayo para makarami na." patuloy ni Governor Hillary.
Tumango-tango si Elijah at tumalikod na dahil eksaktong natapos sa pagsasalita si Governor Hillary ay tumunog naman ang cellphone niya. Ngunit napatigil siya sa akmang paghakbang nang tawagin siya ng gobernadora.
"Ah, Miss Armani,"
Pinindot muna ni Elijah ang answer button sa screen ng kanyang cellphone bago lumingon.
"Yes, Governor?" magalang na untag niya.
" Coordinate with my son." turan ni Governor Hillary bago tumingin sa gawi ni Grayson. "Gray, mag-usap kayo ni Miss Armni. I have to go. May meeting pa ako sa kabilang bayan." bilin niya sa anak.
Bagot na bumuga ng hangin si Grayson bago nagsalita.
"Alright... alright." sagot ni Gray na tinapunan ng malamig na tingin si Elijah. " You aren't giving me any choice, are you?" aniya sa ina na tinapik lang ang kanyang balikat bago tuluyang umalis.
"Get to work, son..."
"Hmmm..." paungol na sagot ni Gray.
Nang tuluyang mawala si Governor Hillary sa paningin ng lahat ay saka pa lamang ibinalik ni Elijah ang kanyang atensiyon sa hawak na cellphone.
"Hello, Paul... Nasaan na kayo?"
ALAS SIYETE ng umaga at ika-tatlong araw na nina Elijah sa San Guillermo.
Dala ang kanyang maliit na backpack ay nagmamadaling lumabas si Elijah sa lumang administration building ng munisipyo ng San Guillermo. Sinuklay-suklay lamang niya ng mga daliri ang mamasa-masa pang buhok habang inaayos naman ang pagkaka-sukbit ng bag sa kanyang magkabilang balikat. Plano nilang pumunta ngayon sa baryo ng Estrella para magmedical mission at mamahagi ng mga pangunahing pangangailangan ng mga tao.
Kinapa-kapa ni Elijah ang likurang bulsa ng suot niyang pantalon para masigurong naroon ang kanyang cellphone nang mahagip ng kanyang paningin si Grayson. Naalala niya bigla ang plano niyang kausapin ang lalaki.
Patakbong hinabol ni Elijah si Grayson at nang maabutan niya ito ay bahagya pa siyang hiningal.
"Hey," tawag na bati niya sa lalaking tila wala namang narinig.
Tuloy lang sa paglalakad si Grayson kaya bahagyang naningkit ang mga mata ni Elijah.
Binilisan niya ang kanyang paglalakad para makasabay siya sa lalaking tila hindi siya nakikita.
"You cannot seriously ignore me, you know," turan ni Elijah bago mabilis na humarang sa daanan ni Grayson. " What I mean is, we are both adults naman na, right? So can we be, at least a little civil to each other? Kahit konti lang. " patuloy niya habang pilit na hinuhuli ng paningin ang mga mata ng kaharap.
Sandaling nagkislutan ang magkabilang panga ni Grayson bago tila bored na bored na tinitigan si Elijah pagkatapos niyang saglit na tumingin sa paligid.
"No one—especially not me is ignoring you, Elijah. It's just in your head. I'm just simply not interested in talking to my father's mistress so if you'll excuse me... " malamig ang tinig na ani ni Grayson bago tinangkang lagpasan ang babae ngunit mabilis uli itong humarang.
Kumuyom ang mga palad ni Grayson samantalang sandali namang umulap ang mga mata ni Elijah nang marinig niya ang sinabi ng lalaki.
Ouch! That hurts pero alam naman ni Elijah na wala siyang karapatang magalit kay Grayson. Tama naman ito. Sino nga namang anak ang gugustuhing makausap ang babaeng naging dahilan ng tuluyang pagkasira ng pamilya nito? Well, definitely not Grayson.
Mahinang tumikhim si Elijah para alisin ang tila bara sa kanyang lalamunan. Isang pilit na ngiti rin ang ibinigay niya sa kaharap.
"Look, I know that you and me— in this," ani ni Elijah sa bahagyang nanginginig na tinig kaya sandali siyang tumigil sa pagsasalita para humugot ng malalim na buntong-hininga. "is a little weird but your mother asked me to come. Her office asked us to come, okay. We are here to lend help and now that we are in this together— maybe, just a little bit of your professionalism would be fine para magawa natin nang maayos ang lahat. Mas maayos na trabaho, mas mabilis na matatapos and so I can go back to Manila—away from your sight. " mahabang turan niya kay Grayson.
Isang pagak na tawa ang pinakawalan ni Grayson. " "What? Professionalism? Really? " nanunuyang sabi niya kay Elijah.
Of all people, ito pa ang ganang mag-demand ng professionalism. Wow, ha!
"Grayson—"
"It's Gray!" pagalit na putol ni Grayson sa iba pang sasabihin ni Elijah. Pahiklas din niyang hinila ang braso ng babae at mahigpit iyong hinawakan. "Sigurado ka ba sa sinasabi mo, Elijah Armani? Well, siguro ay magkaiba tayo ng definition ng salitang "professionalism" because when you decided to sleep with my father— I'm pretty sure that you know nothing about that thing." puno ng pang-uuyam at poot sa tinig na dugtong niya.
Namutla si Elijah dahil sa mga salitang binitawan ni Grayson. Wala sa loob na nasapo niya ang kanyang dibdib dahil tila iyon pinilas kaya damang-damang niya ang kirot. Napakagat-labi siya at ikinurap-kurap ang mga mata para mapigilan ang mga luhang tila nais kumawala sa magkabilang sulok ng kanyang mga mata. Hindi niya alintana ang mahigpit na pagkakahawak ng lalaki sa kanyang isang braso.
Muling humugot ng malalim na buntong-hininga si Elijah na tila ba sa pamamagitan niyon ay mapapakalma niya ang sarili.
"Look, if you don't want me here, I will leave kapag natapos na ang lahat ng mga kailangan kong gawin." kontrolado at mahina ang tinig na sabi ni Elijah. " I'm not asking for much. Just a simple hello will do. " dugtong niyang muling ikinurap ang mga mata.
Umangat ang kilay ni Grayson. "Hello—"
"Pero kung hindi mo talaga kayang gawin ay ayos lang. Mauna na ako sa'yo." putol ni Elijah sa iba pang sasabihin ni Grayson bago paatras na tumalikod pagkatapos niyang sapilitang hilahin ang brasomg hawak nito.
Nagmamadali ang mga hakbang na naglakad palayo si Elijah. Ayaw na niyang madagdagan ang mga masasakit na salitang narinig niya mula kay Grayson. Alam naman niyang deserve niya ang lahat ng mga salitang 'yon. Wala iyon kumpara sa sakit na idinulot niya sa pamilya nito pero hindi pa rin niya maiwasang hindi makaramdam ng kirot.
"Oh, God, I'm so sorry..." impit ang tinig na usal ni Elijah.