Share

ARMANI 1: FRACTURED HEART (ELIJAH)
ARMANI 1: FRACTURED HEART (ELIJAH)
Author: Bryll McTerr

DISASTER

Author: Bryll McTerr
last update Last Updated: 2025-04-23 16:55:40

ARAW NG LUNES AT UMUUGONG ang hangin na sinasabayan ng malakas na buhos ng ulan dahil sa bagyong Mario. Isa ang bayan ng San Guillermo sa malubhang tinamaan. Sabado pa lamang ay isinara na ang main road na papasok sa bayan kung saan madadaanan ang malaking tulay na nag-uugnay rito at sa katabing bayan. Buwan ng Hulyo kaya sunod-sunod ang pagpasok ng bagyo sa Pilipinas. At isa ang Isabela sa paboritong daanan ng mga bagyo.

Wala na ring supply ng kuryente sa lugar dahil sa mga nagtumbahang malalaking puno na tumama sa mga kable at may mga poste ring nagtumbahan dahil sa lakas ng hangin. Walang tigil ang pagbuhos ng malakas na ulan simula pa noong isang araw kaya malambot na rin ang lupa na naging dahilan para magkaroon ng kaliwa't-kanang pagguho ng lupa at baha na rin sa mababang bahagi ng bayan.

"Oh, this can't be happening..." sapo ang ulo na bulalas ni Governor Hillary Lardizabal habang ang mga mata ay nakatutok sa labas ng salaming bintana ng kanyang pribadong opisina sa unang palapag ng mansiyon.

Halos wala na siyang makita dahil na rin sa malakas na buhos ng ulan. Ala una pa lang ngunit tila alas singko na ng hapon kung pagbabasehan niya ang madilim na paligid. Tila mga laruang ihinahampas ng malakas na hangin ang sanga ng mga puno at nagkabali-bali.

"This is a disaster—"

"Indeed, Mom,"

Napalingon si Governor Hillary nang marinig niya ang pamilyar na tinig ng kanyang anak.

"And you have to help me with this.." aniya rito na hindi nag-abalang lumingon.

SIRENS ALLIANCE HEADQUARTERS

ORTIGAS, MANILA

Mula sa binabasang dokumento ay nag-angat ng paningin si Elijah nang makarinig siya ng tatlong mahihinang katok mula sa labas ng salaming pinto ng kanyang opisina.

Bilang founder ng Sirens Alliance, isang sorority na aktibo sa mga charity projects ay mayroon siyang sariling pribadong opisina. Hindi naman siya madalas na naroon. Limang beses sa isang buwan lamang siyang dumadalaw sa opisina dahil bukod sa Sirens Alliance ay siya rin ang CEO ng textile company ng pamilya, ang 5A Textiles. Isa ang textile sa mga kompanyang sakop Armani and Co.

Isang tipid na ngiti ang kaagad na sumilay sa mga labi ni Elijah nang makita niya si Katrice. Inangat niya ang kanang kamay at sinenyasan itong pumasok.

"Hey, Ellie," may malawak na ngiti sa mga labi na bungad ni Katrice nang tuluyan itong makapasok sa opisina ni Elijah.

"What's up?" magiliw na untag ni Elijah sa babae pagkatapos niyang bitawan ng hawak na mga papeles.

"I was actually on my way to Gaven's office when I noticed that your office is open," simulang paliwanag ni Katrice. " Mind if I take a seat?" tanong niyang ikinangiwi ni Elijah.

Si Gaven ang co-founder ni Elijah sa Sirens Alliance and she is also her bestfriend.

" Oh, yes, please. I'm so sorry, I forgot my manners. My mind is a little occupied," hinging-paumanhin niya habang itinuturo ang bakanteng upuan na nasa harap ng kanyang mahogany table. "Anyways, what was it again?" tanong niya na ang tinutukoy ay ang dahilan ng pagdaan ni Katrice sa kanyang opisina.

Itinaas ni Katrice ang hawak niyang folder na saka pa lamang napansin ni Elijah.

"I came to give this to Gaven sana but since you are already here," ani ni Katrice bago inabot ang hawak na folder kay Elijah. "let me give it to you directly then."

Kumunot ang noo ni Elijah. Hinawi niya ang ilang hibla ng buhok na nakalawit sa kanyang kanang pisngi bago sumandal sa kanyang swivel chair.

"What is this?" tanong ni Elijah habang kinukuha ang folder sa kaharap.

"I was reviewing the assistance requests that landed to my table this day and that—" simulang paliwanag ni Katrice habang nakaturo sa hawak ni Elijah. " one got my attention." patuloy niya.

"Because?" untag ni Elijah.

" Simply because that one is especially addressed to you." sagot ni Katrice bago ngumiti.

Umangat ang kilay ni Elijah. Tumango-tango siya bago binuksan ang hawak na folder and she froze. Assistance request iyon mula sa bayan ng San Guillermo. Nakapaloob din doon ang ilang kalunos-lunos na larawan ng lugar dahil sa bagyong Mario.

"So, are we giving them assistance or what?"

Dinig ni Elijah na tanong ni Katrice ngunit malabo ang naging rehistro niyon sa kanyang pandinig. She was dumbfounded as she was still looking into the pictures right in front of her.

And some almost black and white memories come rushing through her vague mind.

BRENTSTONE ACADEMY, SIX YEARS AGO

PAGKATAPOS iparada ang dala niyang bagong-bagong Bently Continentel GT, courtesy of her high and mighty brother named Gabriel Armani, of course ay tila reynang iginala ni Elijah ang kanyang paningin sa kanyang paligid.

"Hmm, at least, Brentsone didn't disappoint me." mahinang usal ni Elijah habang hinahawi ang ilang hibla ng buhok na tumatabing sa kanyang mga mata. " They really leave up to their reputation, huh." dugtong pa niya bago dumukwang para kunin ang dala niyang Givenchy nano antigona bag.

Brentstone University, isa sa pinakakilalang university sa Pilipinas. Prestigious and expensive. Doon lang naman nagtapos ang kilalang mayayaman sa bansa pati na rin ang kasalukuyang Presidente. May sariling shopping mall sa loob mismo ng campus, mayroong high end restaurants, sariling chapel, sariling olympic-sized na pool at sariling dormitory kung saan mananatili si Elijah sa buong panahon ng pananatili niya sa university.

And yes, bago pa man magsimula ang klase ay naihanda na rin ni Cameron ang kanyang dorm. Wala na siyang kailangang dalhin dahil naayos na ng kapatid niya ang lahat.

"Hi, Elijah Armani, right?"

Napatigil sa paglalakad si Elijah nang marinig niya ang tinig na iyon ng isang babae mula sa kanyang likuran. Lumingon siya kasabay ng bahagyang pag-angat ng kilay.

"Excuse me but do I know you?" kunot ang noo na untag ni Elijah sa babaeng nakatayo, hindi kalayuan mula sa kanya.

Kaagad na pinasadahan ni Elijah ng tingin ang babae. Hmm, small frame, morena, bilugang mga mata, itim na itim na buhok at may matamis na mga ngiti. Well, all in all, she looks good. Hindi rin nakaligtas sa kanyang pagsusuri ang suot nitong relo. Unang sulyap pa lang ay alam niyang legit iyon. The girl screams money. Sabagay, hindi naman ito makakapasok sa Brentstone kung walang pera.

Umiling ang babae. "No, certainly not but I know you. I saw your billboard along Edsa." nakangiting tugon nito bago humakbang palapit kay Elijah. "I'm Gaven Laurente, by the way."

Sandaling natigilan si Elijah. Napaisip siya kung anong billboard ang sinasabi niya. At tila nahulaan ni Gaven ang laman ng isip niya.

"That one in Shaw, y'know. The Elijah Armani in white satin dress."

"Uh-huh..." Napapatango-tango na usal ni Elijah nang maalala ang tinutukoy ni Gaven.

Ang tinutukoy nitong billboard ay iyong nasa kuhang larawan sa Andava Beach Club. Pinakiusapan siya ng girlfriend ni Cameron na i-endorso ang bagong bukas na beach club ng pamilya nito.

"AND WHILE YOUR IDEALS and test scores might have gotten you here, that will not be enough to keep you here in Brentstone-- and yes, not even your money. " seryoso at walang kangiti-ngiting turan ng administrator ng Brentstone University na nakatayo sa gitna ng stage na nasa malawak na auditorium. "So I'm expecting you all to do your best and let's see each other in the finish line." dugtong nito bago tinanguan ang isa sa mga instructor na naroon din sa stage.

"Whoa, she's warm, huh." nakangiting usal ni Elijah habang ang mga mata ay nakatutok sa stage.

Sumagot si Gavin na nakaupo lang sa likurang bahagi ni Elijah. "She can't be. She's the admin." turan niyang may tipid na ngiti sa mga labi.

Bahagyang lumingon si Elijah at nang makita si Gavin ay nagkibit siya ng magkabilang balikat.

"So what? Well, as long as I can still have my sex life, fine with me." aniyang na umani ng sipol mula sa lalaking katabi ni Gavin.

"Indeed..." tumatango na sang-ayon ng lalaki. "Clayton, by the way. Clayton Lardizabal." mabilis na pagpapakilala nito.

Lumawak ang pagkakangiti ni Elijah. "Elijah Armani." tipid na tugon niya bago inabot ang kanang kamay kay Clayton.

"Elijah..." nakangiti at titig na sambit ni Clayton.

"ELLIE, HEY... Are you with me?" naguguluhang tawag ni Katrice kay Elijah nang mapansin niyang nakatulala lang ang babae. "Earth to Elijah, please. Ellie..." aniya pa bago ipinitik ang mga daliri sa mismong tapat ng mukha ng babae.

Mula sa matagal-tagal ding pagkakatulala dahil ilang alala na tila bahang rumagasa sa kanyang isipan ay biglang napapitlag si Elijah.

"W-What?" tila wala sa sariling usal niya na ikinurap-kurap pa ang mga mata. "May sinasabi ka ba, Kat?" tanong niya kay Katrice na bakas pa rin sa anyo ang pagkalito.

Palihim na humugot ng malalim na buntong-hininga si Elijah bago niya ipinilig ang kanyang ulo. No, hangga't maaari ay ayaw na niyang maalala ang kanyang nakaraan. Pero kaya nga ba niyang takasan ang lahat? Hanggang kailan siya magkukunwari na nakalimutan na niya ang lahat?

At paano niya kakalimutan ang lahat kung tila naman tuksong hinahabol siya ng kanyang nakaraan.

"I was asking kung magbibigay ba tayo ng assistance sa San Guillermo." turan ni Katrice na ang mga mata ay nakatutok na sa mga larawang nakalatag sa mahogany table ni Elijah. "Kawawa naman sila. Grabe ang pinsalang iniwan ng bagyo sa bayan nila. Look at these innocent kids..." mahina ang tinig na aniya na tila sarili lamang ang kausap.

Napatitig si Elijah sa larawang tinutukoy ni Katrice at tama nito. Tila kinurot nang pinong-pino ang puso niya habang nakatitig sa larawan kung saan makikita ang mga batang nag-iiyakan at nagsisiksikan sa evacuation center. At hindi niya kayang matulog sa gabi knowing na alam niyang may nangangailangan ng tulong niya pero dahil sa kanyang personal na problema ay isasawalang-bahala niya iyon.

"Yes, we are." Elijah answered in her firm voice.

Kaagad namang nagliwanag ang anyo ni Katrice. " Oh, shoot! Sige, makikipag-coordinate na ako sa Mayor ng San Guillermo." bakas ang saya sa tinig na aniya bago tumayo. "Aasikasuhin ko na kaagad ito." paalam niya kay Elijah na tumango lang bilang tugon.

Malapit na sa salaming pinto si Katrice nang bigla itong tawagin ni Elijah.

"Katrice,"

Tumigil sa paghakbang si Katrice at lumingon. "Yes?" nakangiting usal niya habang kipkip sa dibdib ang dalang folder.

"I'll personality go to San Guillermo."

Natigilan si Katrice. Bumakas sa kislap ng kanyang mga mata ang ilang katanungan ngunit nagpasya siyang huwag nang magtanong.

"Okay, ma'am." may tipid na ngiti sa mga labi na sabi ni Katrice bago tuluyang lumabas ng opisina ni Elijah.

Naiwan naman si Elijah na nakatitig sa kawalan. Iniisip niya kung tama ba ang pasya niyang pumunta sa San Guillermo.

It's been what?

Seven years?..

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • ARMANI 1: FRACTURED HEART (ELIJAH)   SAY HI

    MABILIS NA IPINARADA ni Grayson ang dala niyang sasakyan sa harap ng malaking gate. Hindi na siya nag-abalang ipasok pa sa loob ang kotse dahil aalis din naman agad siya kaagad. Pagkatapos patayin ang makina ay binuksan na niya ang pinto at bumaba. Habang naglalakad palapit sa gate na kulay itim ang pintura ay sinulyapan pa muna niya ang suot niyang relong-pambisig. Pasado alas diyes na ng umaga. Pinindot ni Grayson ang doorbell at ilang sandali pa ay bumukas ang maliit na bahagi na kasya lamang ang kalahati ng mukha ng tao mula sa loob. Mula roon ay sumilip ang guwardiya na ilang taon na ring nagsisilbi sa pamilya nila. Ang tanda niya ay nasa highschool pa lamang siya ay nagta-trabaho na sa kanila ang maandang lalaki. "Sir Grayson, kayo ho pala." nakangiting bati ni Mang Leo. "Bubuksan ko ho ba ang malaking gate?" tanong ng matanda sa binatang amo. Nakangiting umiling si Grayson. "Huwag na ho, Mang Leo. Aalis din naman ako kaagad." tugon niya bago kaagad na pumasok nang buksan n

  • ARMANI 1: FRACTURED HEART (ELIJAH)   LEAVING AGAIN

    "OH, WOW... GOOD MORNING TOO." turan ni Tatia habang ang magkabilang kamay ay nakahawak sa mga balikat ni Grayson. Nakapatong si Grayson sa nobya at tanging ang kulay abong kumot lamang ang nakatakip sa parehong hubad nilang katawan. "Mmmm..." mahinang tugon ni Grayson habang inaabala ang sarili sa paghalik sa leeg ni Tatia. "Babe..." paungol na usal ni Tatia na bahagya pang napaliyad dahil sa sensasyong unti-unting pinupukaw ng mga halik ni Grayson sa kanyang katawan. "Mmmm... I've missed you so much." ani ni Grayson na sandali pa munang tumigil sa ginawa. Bahagyang inilayo ni Grayson ng sarili sa katawan ng nobya at masuyong tinitigan ang magandang mukha ni Tatia. "I love you, babe..." turan ni Grayson kay Tatia. Ngumiti si Tatia. Ikinawit niya ang mga braso sa leeg ng lalaki. Mabilis niyang ginawaran ng halik sa labi si Grayson bago tumugon. "I love you more, babe..." Isang malawak na ngiti ang sumilay sa magkabilang sulok ng mga labi ni Grayson bago niya muling isinubsob

  • ARMANI 1: FRACTURED HEART (ELIJAH)   DIG IN AND BITE

    "STOP IT, ELIJAH..." ani ni Elijah sa kanyang sarili. Pinagdaopinagdaop niya ang mga palad at kinuskos iyon nang kinuskos hanggang sa maramdaman niya ang init. "Shake it off." dugtong niya bago tinapik-tapik sa magkabilang pisngi gamit ang mga palad na pinainit niya. It has been sixteen years pero sariwa pa rin sa kanyang isipan ang nangyari noon. Her father's death is haunting her for years at kahit na ano ang gawin niyang pilit na makalimutan ay ayaw siyang tigilan ng madilim at mapait na alaalang iyon. Ilang taon na ba siyang binabagabag ng bangungunot ng nakaraan? She lost count already. Basta ang tanda niya ay nagsimula iyon nang minsan makapanood siya ng balita tungkol sa lalaking nagpakamatay nang dahil sa asawa nitong sumama sa ibang lalaki. It was the same reason why her dad took his own life. Magkaiba lang paraan ng pagkitil ng buhay. Umunat mula sa pagkakaupo sa higaan si Elijah bago niya sinulyapan ang maliit na relong nakapatong sa isang malaking plastic tupperwar

  • ARMANI 1: FRACTURED HEART (ELIJAH)   I CAN'T DO THIS ANYMORE

    MALALIM NA ANG GABI AT TAHIMIK na ang lahat ng naiwang tao sa lumang administration building kung saan pansamantalang tumutuloy sina Elijah. Ilang araw na lang at babalik na rin ang grupo nila sa Manila dahil sa wakas ay patapos na rin ang operasyon nila sa San Guillermo. Nagpapahinga na ang lahat dahil sa maghanapong naging abala sila sa pamimigay ng relief goods sa huling baryo ng San Guillermo na hindi pa nila naabutan ng tulong. Puspusan din ang ginawang medical mission dahil sa dami ng nagkakasakit sa evacuation area. Sa silid na ginagamit ni Elijah, walang tigil ang biling ng kanyang ulo habang panaka-nakang umuungot habang mahimbing na natutulog. Maya-maya pa ay may dumaloy sa kanyang pisngi ang isang butil ng luha. Mag-isa lamang siya dahil muling lumuwas ng Manila si Gaven. Mayroong importanteng meeting ang babae na kailangang daluhan. "No... no, please. Don't!" halos pabulong na usal ni Elijah habang patuloy pa rin sa pagbiling ang ulo. Mahigpit ding nakakapit sa kulay a

  • ARMANI 1: FRACTURED HEART (ELIJAH)   WHY?

    "YOU ARE COMING HOME?" Sandaling nakinig si Grayson sa sinasabi ng nasa kabilang linya. It was Tatia, ang girlfriend niya. Isang fashion designer ang babae na nakabase sa America. Isang taon na silang magkarelasyon at pareho namang pabor ang mga pamilya nila sa kanilang dalawa. Sa katunayan ay kasundong-kasundo ng Mommy niya ang babae. "Yes, sweetheart. I was supposed to surprise you but I changed my mind." nakabungingis na sabi ni Tatia. Napangiti si Grayson. Kahit malayo ang nobya ay malinaw niyang nakikita sa kanyang isipan ang nangingislap nitong mga mata at malawak na ngiti habang nilalaro ang sariling buhok. "Oh, thank goodness!" bulalas ni Grayson. "Finally, naisipan mo ring ako naman ang dalawin dito sa Pilipinas. " dugtong niya habang ang isang kamay ay nakapaloob sa bulsa ng suot niyang pantalon. "Oh, of course. Namiss kita, eh." masiglang sagot ni Tatia kay Grayson. "Saka miss ko na din ang luto ni Tita Hillary." Umikot ang mga mata ni Grayson. " Mukhang hindi naman

  • ARMANI 1: FRACTURED HEART (ELIJAH)   HATE ME

    ROUTE 69 Masayang nag-uusap sina Elijah at Gaven kasama si Victor at Katrice. Naroon din ang ilan pang staff ng Sirens Alliance maging ang ibang kasama sa medical team. Biyernes ng gabi at maganda ang panahon. Malamlam ang liwanag ng buwan sa labas at unti-unti na ring bumabalik sa dati ang buhay ng mga tao sa San Guillermo. Mahigit isang linggo na din ang nagdaan simula nang tuluyang lumabas ng Pilipinas ang panghuling bagyo. "I want a whole bottle of whiskey." ani ni Katrice na bakas sa anyo ang labis na pananabik na muling masayaran n alak ang kanyang lalamunan. Isang linggo din silang naging aligaga sa pamimigay ng mga relief goods at medical mission. Ito ang unang beses na lumabas sila pagkatapos ng bagyo para mag-hang out na magkakasama. "How about a Bloody Mary?" ani naman ni Gaven na nakakapit sa braso ni Elijah. "Oh, I need food." turan ni Elijah sabay hawak sa kumakalam niyang tiyan. "Great idea." sang-ayon ni Victor. "I'm hungry too." dugtong niya bago

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status