Share

CHAPTER 3

I was so shocked and so mad at the same time, naisip ko anu ba ang pumasok sa kukuti nang babaeng ito at naisip nitong tumawid na hindi man lang lumilingon.

Nakakainis! nasa isip ko habang bumaba ako sa kotse ko to check if she was okay or what and to my dismay I saw her, nakahandusay sa harap mismo nang kotse ko pagkatapos napalingon ako sa likod ko sa hinintuan nang kotse ko mismo, well hindi na ako nagulat maingay at maraming naghihiyawan sa loob, obviously it's a bar at ang babaeng nasa harapan ko ngayon ay totally drunk and wasted.

"Miss pwede ba kung magpapakamatay ka huwag ka namang dumamay nang ibang tao, hassle ka masyado!" naiirita kong sabi sa babae na lasing na lasing.

Inangat niya ang ulo niya at tumayo nang dahan-dahan papalapit sa akin. She just look at me and smile in response then said.

"Hi pogi pashensya kana sha...pwede bang maki ride ha?" sabi nang babaeng lasing na lasing.

Hindi pa nga ako nakakasagot bigla niya nalang binuksan ang pintuan nang kotse ko sa tabi nang driver seat kaya dali-dali ko siyang pinigilan pero nabigo ako dahil nakaupo na siya doon, pilit ko siyang pinapalabas pero ayaw nya talaga.

"Hoy Miss don't you have someone with you?" I ask her "I don't know you and I can't let you stay inside my car." sabi ko sa kanya pero parang bingi lang ito habang nag uunat pa sa harap ko na parang walang pakialam sa mundo.

I keep on asking her but unfortunately, I got nothing in response.

As you can see Garisson...lasing nga dibah? What do you expect?  Saway ko sa sarili ko.

So eventually, I give up kaya pina andar ko nalang ang sasakyan ko pagkatapos tinanong ko na naman siya kahit alam kong lasing at walang matinong isasagot tinanong ko pa rin sya.

"Hoy Miss saan ka ba ha... nang maihatid nalang kita sa inyo?" tanong ko at tumingin siya sa akin yung tingin na nakakaloka na hindi mo maintindihan at biglang tumawa nang malakas, parang baliw.

"Shalhin mo ko sha langit!" humahalakhak niyang sagot.

"Seryoso ako saan ka nga?"

"Sha langit nga eh ang kulit!"

"Excuse me ako pa ngayon ang makulit? sorry po ha nagma-magandang loob lang po ako." Napaismid kong sagot.

Kung minamalas ka nga naman bakit ngayon pa...

After a while, since I can't have any good response from this drunk woman so I just focus myself sa pagmamaneho. Then decided to go straight ahead to my place. Napatingin ako sa direksyon nang babae, tulog na pala ito. I bring her home kahit naman inis ako kahit papaano nakokonsenya din naman akong iwan ito sa gitna nang daan dahil sigurado mapapahamak ito. To be honest I find this lasengira so sexy and daring, napakaikli pa nang damit parang labas na hita nitong mapuputi at ang dibdib nitong parang sasabog na sa laki.

Well, she got a perfect body physically at mestisa siya, maganda sana kaya lang hindi ko type kasi nga 100% totally opposite sa ideal woman ko.

Nang makarating ako sa condo ko akbay akbay ko siya nasa 3rd floor pa kasi ang unit ko kaya medyo tiis tiis lang ako sa bigat nang babaeng ito.

"Pwede ba huwag kang masyadong malikot kung hindi matutumba tayong dalawa". saad ko sa kanya

"Hmmmnn.." ang tanging sagot nang babae.

Nang makarating na kami sa unit ko agad kung kinuha ang susi ko sa bulsa ko. Binuksan ko ang pinto at agad na inilapag sa kama nang kwarto ko ang babae.

"Pwede bah huwag kang masyadong malikot matutumba tayo...." sabi ko pa pero wala na sabay kaming bumagsak sa kama I was on her top na hindi ko naman sinasadya at sya naman ay nasa ilalim ko nagulat ako nang bigla siyang dumilat at tinitigan ako and then pinulupot niya ang kamay niya sa leeg ko and she was about to kiss me.

Hindi na ako nakailag dahil masyadong mahigpit ang pagkapulupot nang mga kamay nya sa leeg ko at nanlaki ang mga mata ko when she kiss me, it was only a smuck but then it surprised me. For an instance na feel ko nag react ang body ko kaya habang nasa katinuan pa ako I tried to let go of her.

Syempre tao lang naman ako hindi ako bato...

Naitulak ko sya at mabuti nalang nakatulog din. I took a towel from my drawer at binasa iyun, I tried na punasan siya sa mukha lang ha wala na akong balak na punasan siya sa katawan niya, pagkatapos nun kinumutan ko na siya pinaandar ang aircon at lumabas nang kwarto, obviously I will sleep on my sofa tonight.

Naghubad nalang ako nang pantalon, kurbata at polo at linagay ang mga iyon sa laundry basket, naghilamos nang mukha at saka humiga sa sofa. Pagod na pagod na ako ngayong araw pati gutom nakalimutan ko na, na wala na ang gana kung kumain. I look at the clock na nakasabit sa wall nang condo ko it almost past 12midnight na then I close my eyes to sleep.

******

Nagising ako nang umagang iyun nang marinig ko ang tunog nang alarm clock, nagulat tuloy ako at bigla akong nahulog sa kama ko.

"Aray ang sakit nang katawan ko...anu ba naman yan...sino ba ang naglagay nang alarm clock sa kwarto ko..." naiinis kong sabi.

Tiningnan ko yung alarm clock and I was shocked nang makita ang oras it's 4 am in the morning...

"Seryoso ba tong orasan na to ang aga ha..." nagtaka ako kasi late na akong gumigising probably mga 10 am na kaya nakapagtataka but then nagkibit balikat nalang ako. Then I stood up and I noticed I haven't yet changed my dress kaya hinubad ko nalang kasi pagnatutulog ako I preferred na topless ako and I only wearing my undies, mas comfortable ako sa ganun at binagsak ko lang ang damit ko sa sahig at bumalik nalang sa pagtulog since it's too early. When I started to close my eyes, I suddenly heard something.

Does it seem na parang may nag sho-shower sa banyo?

Hindi ko iyon pinansin, maybe I'm just being delusional.

Kwarto ko ito so paanong may ibang tao...right? sabi ko pa sa aking sarili, pero may bumukas nang pinto nang banyo pero hindi ko pa rin pinansin but a few minutes later.

Parang may mali na yata ah...nagtaka na ako.

Then I started to open my eyes, at laking gulat ko nang makita kong my lalaking nagbibihis sa harapan ko. I started to panic and I keep on shouting.

"WAAAHHH!...who are you?...Rapist!!" pagsisigaw ko, nakita kung nagsalubong ang mga kilay nang lalaki at tiningnan ako nang masama. I felt so nervous that moment bigla kung pinulupot ang kumot sa katawan ko when I realize that I'm only wearing my undies.

"Anung ginawa mo sa akin hah... isusumbong kita sa mga pulis...hayop ka...bastos! rapist..manyak ka!" naghihysterical na ako..

"What the fuck are you talking about?" sigaw nang lalaki sa akin na galit na galit.

Omg!!! siya pa itong galit... ang kapal nang mukha!

Napipi yata ako sa sigaw niya at nabingi nakakatakot yung itsura niya parang hindi na madrawing galit na galit.

"Hoy Miss, huwag mo nga akong pagbintangan nang kung anu-anu...after what I'd done to you last night!"....singhal ya sa akin.

"Se-See you really did something sa akin!" nauutal kong sabi. Kinapa ko ang sarili at wala naman akong naramdaman na masakit. Pero kahit na!

In my surprised tumawa lang siya, I wonder but then lumalakas ang heartbeat ko sa takot feeling ko nanginginig ako at dun ko rin lang napansin na hindi pala akin ang kwartong yun. Pinalibot ko ang mga mata ko sa aking paligid at nanlulumo ako.

Anu bang nangyari? para na akong iiyak.

"Why are you laughing and what am I doing here? Who are you?" tanong ko na parang naiiyak na.

"Obviously, you can't remember anything." sagot niya habang pailing iling pa nang ulo nito.

Kaasar siya in fairness and He doesn't even bothered na nadun ako habang nagbibihis  siya sa harapan ko na parang walang nangyayari. Then when his about to grab his shirt at sinuot ito ay napatingin siya sa akin.

"Accidentally, you almost bumped into my car and thankfully nakapreno kaagad ako kung hindi baka nasagasaan kita, so next time please don't get wasted if you can't handle yourself...okay?"

"Seriously? are you lecturing me?" I replied in annoyance at inirapan sya nang mata.

"What do you think?" sarcastic niyang sagot.

Aba naman antipatikong lalaking ito kung sumagot... napataas ako nang kilay while croosing my arms.

"Hoy Miss, huwag kang masyadong malisyosa ha in the first place hindi kita type.! Dinala kita rito dahil hindi ko alam kung saan ka nakatira..tinatanong naman kita hindi kana man sumasagot nang maayos eh kasi nga lasing na lasing ka..." sigaw nito.

"Pwede bah huwag mo akong sigawan hindi ako bingi! And you don't have the right to do that!"

"I don't have the right? As far as we both concern nasa condo kita, so I have all the rights." madiin nitong sabi "And besides, pinerwisyo mo na nga ako kung anu anu pang kadramahan ang ginagawa mo...kaya pwede kung ok kana siguro kailan mo nang umalis kasi busy akong tao at my pupuntahan pa akong importante hindi naman kita maiwan dito...eh malay ko ba baka magnanakaw ka..." dagdag pa nito.

"How dare you to insult me like that...sa tingin mo bah mukha akong magnanakaw, excuse me don't worry I'll pay you sa tulong mo sa akin just name the price, you stupid!" sigaw ko sa kanya.Nainis talaga ako sa sinabi niya akalain mo bang pagbintangan akong magnanakaw sa ganda kung ito.

Grabe na to sarap batukan nang taong to kapal as in!

"Eh bakit hindi eh lasengera ka nga eh tingnan mo nga yan ang sarili mo napakasuplada mo pa simpleng thank you hindi mo pa nga magawa ang lakas pa nang loob mong manigaw remember, you were here in my place at if I didn't help you last night siguro na gang rape ka na!" hirit pa nito.

Natameme naman ako sa statement yang iyon kaya hindi na ako nagsalita nang napaisip din naman ako unfortunately tama siya, I didn't feel something different naman sa body ko kaya napayuko nalang ako bigla akong nakaramdam nang hiya sa lalaking ito, tuloy tuloy lang sya sa pag aayos nang sarili nya nang mapansin yang hindi na ako nagresponse sa mga sinabi nya at nagsalita na naman ito.

"Hoy Miss, natameme kana dyan, lalabas na ako at ikaw ayusin mo yan ang sarili mo...iiwan kita dito sandali para makapagbihis ka at makapag ayos my towel dyan sa drawer sa loob nang banyo kung gusto mong gumamit nang isa..doon lang ako sa librabry at sana sa pagbalik ko dito eh nakauwi kana sa inyo huwag munang asahan na ihahatid pa kita ha?" litanya nya sa akin.

"Don't worry aalis talaga ako at sa ugali mong yan bakit paba ako mag e-expect suplado na nga antipatiko pa!" I murmured sa sobrang inis.

"What did you say?"

"Wala!"

"Anung wala eh narinig ko yun!"

"Eh yun naman pala eh kung narinig mo bakit mo pa tinatanong?"paismid kung sabi.

Naku matatamaan na ito sa akin..

He looked at me na magkasalubong yung mga kilay at dismayado...napailing sya nang ulo...sabay sabing...

"Bahala ka basta bilisan muna at inuubos mo oras ko miss sakit katalaga sa ulo..kawawa boyfriend mo sa iyo..!"

"Would you just shut up at lumabas ka na if you really want me to leave so soon...alangan naman magbibihis ako sa harapan mo...at isa pa wala akong boyfriend noh for your information!"

"Talaga? No wonder..." nakangising sagot niya.

"Are you insulting me?"

"Nope, why would you feel that way eh it's obvious naman!"

Ang h*******k , parang gusto kong manapak nang tao ngayon. Naku jusko pahabain niyo pa yung pasensya ko.

I look at him at kung nakakamatay lang yung tingin ko siguro kanina pa sya namatay. Gwapo sana pero sobrang matabil yung dila. Tumalikod nalang ako at nagsimulang pulutan ang mga damit kung nasa sahig. Hindi ko na siya pinansin.

Naramdaman ko siyang binuksan ang pintuan at bago niya pa isara ang pinto ay may sinabi na naman ito.

"And one thing, I'm not trying to be rude pero please lang pwede paki bilisan mo, I still have an important appointment today... I can't go if you're still here." sabay sara nang pinto.

Napamura ako nang wala sa oras sa kanya sabay lock nang pinto at pumunta nang bathroom. Feeling ko umaapoy ako sa galit at umuusok ang ilong ko sa sobrang panggigigil sa lalaking iyon.

Humanda sya sa akin my araw din sya...

Pagkatapos kung maghilamos at magmumug, kumuha ako nang tuwalya sa drawer niya at pagkatapos sinuot yung damit ko kagabi at hinanap ang mga sapatos ko. Lalabas na sana ako nang pinto nang makaisip ako nang bright idea.

A few moments later...

"What the heck is these all about?!" sigaw nang mokong na iyon.

Tawa ako nang tawa habang tumatakbo papuntang elevator at nagsisigaw siya sa galit dahil sa nadatnan niya sa kwarto niya. I know it's bad but he deserves it dahil antipatiko siya. Ikinalat ko lang naman ang laman nang bottled shampoo niya sa kama niya sa carpeted floor niya kasabay nang mga perfumes nya at lotion niya ganun din ang mga gamit nya ikinalat ko dun para ngang dinaanan nang bagyo ang kwarto niya.

Nakaganti din ako sa pinagsasabi nya sa akin pero huwag nyo namang sabihing wala akong utang na loob nag thank you din naman ako, nagsulat ako nang note dun sa wall nang kwarto niya actually ganito ko isinulat ....

THANK YOU SO MUCH MR. SUNGIT! BWAAAAHAAAAAAAA!

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status