Share

Chapter 130

Author: Luffytaro
last update Last Updated: 2025-04-17 16:55:31

AGAD SIYANG naglakad patungo sa pinto nang marinig niya ang sinabi ni Lawrence. Hindi niya na sasayangin ang pagkakataong iyon para makalabas sa silid na iyon. Kung hindi pa siya aalis ay baka mapuyat lang siya at ayaw niya naman iyon.

Walang imik siyang lumabas ng silid nito at bumaba. Nang marinig ni Manang Selya ang kanyang mga yapak pababa ng hagdan ay agad itong tumakbo upang salubungin siya. “Kamusta na si sir Lawrence hija? Tulog na ba siya?” nag-aalala pa ring tanong nito sa kaniya.

Isang buntong-hininga ang pinakawalan niya. “Hindi pa po.” magalang niyang sagot dito.

“Pero kamusta na siya? Mataas pa rin ba ang lagnat niya?” muling tanong nito na para bang hindi pa rin mapakali.

“Medyo gumaganda na po ang pakiramdam niya.” sabi niya. “Nagagawa na nga niya akong awayin na naman.” dagdag pa niya at pagkasabi lang niya ng salitang iyon ay ito naman ang nagpakawala ng mahabang buntong hininga.

“Alam kong galit na galit siya sayo at kung ano ang mga sinasabi niya sayo. Sinubukan ko
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • ARRANGED MARRIAGE WITH THE HEARTLESS BILLIONAIRE   BOOK2: Chapter 73

    NAALIMPUNGATAN si Miri dahil sa isang malamig na bagay na dumampi sa kanyang mukha. Idagdag pa ang matinding sakit ng ulo niya ng magising siya. Hirap na hirap niyang iminulat ang kanyang mga mata. Namumungay pa ang kanyang mga mata na pinalis ang malamig na bagay na patuloy na dumadampi sa kanyang noo dahil giniginaw din siya. “Ang ginaw…” wala sa sarili niyang sabi. Narinig niya ang isang buntong hininga mula sa tabi niya. “Hayaan mong punasan na muna kita.” sabi ng isang pamilyar na tinig sa tabi niya.Nahihirapan siyang tiningnan ito. “Bakit? Bakit mo ako pupunasan?” naguguluhang tanong niya rito.“Nilalagnat ka.” sagot nito sa kaniya. “Pagkatapos mong umiyak ay bigla ka na lang nakatulog at nilagnat.” Dahil dito ay hindi siya umimik. Hindi niya akalain na lalagnatin siya dahil lang sa simple niyang pag-iyak. “Wait lang, huwag ka munang magkumot ng sobra pupunasan pa kita.” muling sabi nito sa kaniya.Sa halip ay sinubukan niyang bumangon ngunit mabilis siya nitong pinigilan.

  • ARRANGED MARRIAGE WITH THE HEARTLESS BILLIONAIRE   BOOK2: Chapter 72

    “HINDI ba at binalaan na kita? Bakit hindi ka nakinig sa akin?” malamig na tanong nito sa kaniya.“Pwede ba River. Stop ordering me around okay? Ngayon at nakuha niyo na ang gusto niyo, we can now cut ties completely. Ayoko ng bumalik pa sa pamilyang nagtulak sa akin sa impyerno dahilan para magkandaleche-leche ang buhay ko.” walang prenong sabi niya rito. Punong-puno na siya sa totoo lang.“How can you say that Miri? Kapatid kita so how can I cut ties with you?” “Why not? Katulad nga ng sabi ko ay tapos na ang obligasyon ko. Naibalik na sa inyo ang dapat na ibalik sa inyo. Isa pa, buo na ang desisyon kong huwag ng bumalik pa sa bahay at kahit na wala na akong matirhan pa ay hinding-hindi na ako magmamakaawa pa sa inyo na tulungan ako.” “Miri, ano bang kalokohan yang sinasabi mo?” “Ipapadala ko na lang sayo ang mga dokumento kaya huwag mo na akong tawagan pa. Ayoko ng makipag-usap sayo at ikaw na lang din ang magsabi kay Dad ng sinabi ko sayo.” sabi niya at mabilis na ibinaba ang n

  • ARRANGED MARRIAGE WITH THE HEARTLESS BILLIONAIRE   BOOK2: Chapter 71

    MAKALIPAS ang ilang minuto ay muling biglang nagsalita si Adam. “magbabakasyon ako sa Boracay at kailangan mong sumama sa akin.” Agad na nagsalubong ang kanyang mga kilay nang marinig niya ang sinabi nito. “At bakit ko naman kailangang sumama sayo?” puno ng pagtatakang tanong niya.Sinulyapan siya nito at puno ng pagdududa ang mga mata. “Malamang na kapag iniwan kita ay susubukan mong tumakas kaya wala akong pagpipilian kundi ang isama ka kahit na ayoko sana.” Naging malamig ang kanyang mga mata at halos hindi na niya malunok pa ang kanyang kinakain. “Kung labag din naman pala sa kalooban mo na isama ako e di iwan mo na lang ako dito. Magiging istorbo lang ako sayo doon tyaka kung natatakot ka na baka takasan kita e di pabantayan mo na lang ako sa mga tauhan mo. anong ginagawa nila e napakadami nila hindi ba?” medyo naiinis ng tanong ko sa kaniya.Isang buntong hininga lang ang pinakawalan niya. “Masyado silang busy kaya wala silang oras na bantayan ka.” hindi talaga ito nauubusan n

  • ARRANGED MARRIAGE WITH THE HEARTLESS BILLIONAIRE   BOOK2: Chapter 70

    NANG mawala sa paningin ni Miri si Yvonne ay nilingon niya ang lalaking nasa tabi niya. “Hindi ka ba natatakot na magsumbong siya sa iyong ama?” nagtatakang tanong niya rito.Nagbuga lang ito ng hangin. “Bakit naman sana ako matatakot? Nagsasabi lang naman ako ng totoo.” sagot nito sa kaniya. Napabuntong hininga na lang siya. “Mukhang napakalaki talaga ng galit mo sa kaniya ah.” muli niyang sabi at pasimpleng nagtatanong dahil gusto niyang malaman ang dahilan kung bakit ba tila galit na galt ito rito. Tumaas ang kilay nito sa kaniya. “At bakit naman sana hindi? Nakakairita siya. Wala na siyang ginawa kundi ang akitin ako at pati si Luke.” medyo iritadong sabi nito.Bago pa man niya maibukang muli ang kanyang bibig upang magtanong ay bigla na lang may tumunog at nanlaki ang kanyang mga mata nang marinig ang pamilyar na ringtone ng kanyang cellphone. Hindi siya pwedeng magkamali, cellphone niya yon at nang hanapin niya kung saan nagmumula ang tunog ay tila ba galing ito sa bulsa ng la

  • ARRANGED MARRIAGE WITH THE HEARTLESS BILLIONAIRE   BOOK2: Chapter 69

    KINAUMAGAHAN ay sinubukan ni Miri na hanapin ang kanyang cellphone ngunit kahit na anong hanap ang gawin niya ay hindi niya ito makita. Kahapon ay wala naman siyang ibang pinaglagyan kundi tanging sa bedside table lang naman pero wala ito doon. Halos maikot na niya ng ilang beses ang kanyang silid ngunit hindi niya talaga ito makita.“Nasan na kaya? Dito ko lang naman inilagay kahapon ah.” sabi niya at napakakunot ang noo. Ilang sandali pa ay nakarinig na siya ng ilang katok sa pinto. Napaayos siya ng kanyang sarili at tahimik na umupo sa kama. Bakas kasi mamaya ay si Adam na naman iyon. “Ah miss Mirabella, bumaba na raw kayo para mag-umagahan.” narinig niya ang tinig ng kasambahay sa labas ng pinto. Napabuntong hininga siya.Wala siyang balak na harapin ang lalaking iyon pagkatapos ng ginawa nito sa kaniya kahapon. “Paki sabi na lang po kay Adam na hindi ako nagugutom.” mabilis niyang sagot dito.“Pero miss, kung hindi daw kayo bababa ngayon ay baka si sir Adam mismo ang bumuhat sa

  • ARRANGED MARRIAGE WITH THE HEARTLESS BILLIONAIRE   BOOK2: Chapter 68

    MATIIM ang mga mata ni Adam na nakatingin sa kaniya naging dahilan para magsunod-sunod ang paglunok niya. “Ka-kailan ka pa nandiyan?” tanong niya rito habang mahigpit na nakahawak sa kanyang cellphone at umaasa na sana ay hindi nito narinig ang naging usapan nila ni Vanessa. Malamig ang mukha nito nang lumapit sa kaniya. Hinawakan nito ng mahigpit ang magkabila niyang mga braso. “Sino yung kausap mo?” tanong nito sa kaniya.“Ka-kaibigan ko.” nauutal na sagot niya rito.Para siya nitong kakainin habang nakatitig sa kanyang mga mata. “Anong pinag-usapan niyo?” mas humigpit ang pagkakahawak nito sa kanyang braso dahilan para mapakagat labi siya. Nasasaktan na siya sa totoo lang dahil napakahigpit ng hawak nito sa kaniya. Habang nakatingin ito sa kaniya ay parang may kung anong kumislap sa mga mata nito. Puno ito ng pag-aakusa, ibig bang sabihin ay alam nito kung ano ang pinag-usapan nila pero gusto pa rin nitong marinig na sabihin niya? “Tinatanong kita Mirabella.” nagtatagis ang mga

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status