Mag-log inALAM ni Candice na kaya nito sinasabi ang mga iyon sa kaniya ay dahil sa gusto siya nitong i-provoke. “May tiwala ako kay Luke.” sabi niya rito.“Sa tingin mo ba talaga ay may kakayahan siya?” bukod doon ay napatawa ito, tawa na hindi nakakaaya sa halip ay nakakagalit ng sobra. Habang nakatingin dito ay napuno ng poot ang kanyang mga mata. Sa itsura nito noong mga oras na iyon ay paano nito nagagawang sabihin iyon? Kung walang kakakayahan si Luke, sa tingin ba nito ay daranasin nitong makulong doon? Sana lang ay naroon si Luke para marinig ang mga salitang iyon dahil paniguradong hindi nito iyon palalampasin kung sakali man at kung may gawin man ito rito, hinding-hindi niya ito pipigilan dahil deserve nito iyon. “Mag-ingat ka sa mga sinasabi mo ngayon dahil baka nakakalimutan mo na, nasa teritoryo ka nila at kahit na isang pagkakamali mo lang, paniguradong tapos ang buhay mo.” babala niya na totoo naman.Tumawa itong muli. Humawak din ito sa bakal na nakapagitan sa kanilang dalawa at
AKALA niya ay ang mga normal lang na tauhan ni Luke ang mga naiwang kasama nila doon pero hindi niya akalaing naiwan din pala doon ang pinaka pinagkakatiwalaang tuahan ni Luke. naglakad lakad siya sa dalampasigan nang bigla na lang siya nitong lapitan. “Huwag sana kayo masyadong lumayo Miss Candice…” magalang na sabi nito sa kaniya.Sa halip ay hindi niya ito sinagot at nakatitig lang sa dagat. “Nandito ka pala, bakit parang hindi kita nakita nitong mga nakaraa?” tanong niya rito na medyo nagtataka. Araw-araw siya doon, araw araw din silang naglalakad-lakad ni Luke pero kahit anino nito ay hindi niya nakita.“Hindi niyo lang ako siguro ako napansin Miss Candice.” sagot nito sa kaniya.Isang ngiti ang sumilay sa mga labi niya. “Bakit parang napaka pormal mo naman yata sa akin ngayon? Pwede mo naman akong tawagain sa pangalan ko lang katulad noon.” “Mas pipiliin kong tawagin kayong Miss.” walang ekspresyon na sagot nito sa kaniya.Mas naging mapait ang mga ngiti ni Candice. Hindi bilan
HINDI nila namamalayan na isang oras na pala ang mabilis na lumipas. Habang nagkwekwentuhan silang dalawa ay umiinom sila ng wine at ang sabi nito ay hindi naman iyon nakakalasing pero habang tumatagal ay pakiramdam niya ay unti-unti siyang nalalasing. “Tama na… ayoko na…” sabi niya pagkalipas ng ilang sandali.Ngumiti ito sa kaniya at hinaplos ang pisngi niya. “Tama na nga. Namumula na ang mga pisngi mo…” bulong nito sa kaniya.Napatitig lang siya rito. “Pwede mo na bang ibigay sa akin ngayon ang cellphone ko? Gusto ko lang tawagan ang kapatid ko.” “Hindi pwede. Ako na lang ang bahalang magsabi sayo ng mga balitang makukuha ko.” Napasimangot na lang si Candice. Wala siyang magawa laban dito. Ni hindi man lang siya nito bigyan ng pagkakataon na makausap niya ang kapatid niya lalo na at baka nag-aalala na rin ito sa kaniya. Napa buntong hininga na lang siya sa inis niya. Pero kahit na mainis pa siya ay wala naman siyang magagawa.“Halika na nga lang rito.” sabi ni Luke at bigla siyan
MABILIS na napailing si Candice. “Of course not! Kailanman ay hindi ka nawala sa puso at isip ko.” sagot niya rito.“Then, kung ganun naman pala ay hindi mo kailangang isipin ang ibang tao. Ang importante ay ako at ikaw, tayong dalawa. Ang nararamdaman natin para sa isat-isa, naiintindihan mo ba?” Kung iisipin ay parang napakadali lang ng lahat pero para sa kaniya ay isa lang ang ikinakatakot niya, ang maging dahilan na naman ng sakt sa buhay ni Luke. ayaw niyang mangako. Ayaw niyang umasa ito dahil baka hindi niya iyon kayang tuparin na buong buhay niyang pagsisisihan. Hindi siya sumagot. “Fine. hindi kita pipilitin but please… hayaan mo akong tulungan ka okay? Hayaan mo akong samahan ka sa laban mong ito. Sasamahan kitang harapin ang lahat ng ito.” muli siya nitong hinalikan sa kanyang noo. ~~~~~NANG magising si Candice kinabukasan ay medyo wala siya sa mood. Matamlay din siya dahil hindi siya nakatulog ng maayos kagabi dahil na rin sa pag-aalala niya sa kapatid niya. Kahit na
SANDALI itong naging tahimik at nakatingin lang sa kaniya. “Ganun mo na ba talaga siya kakilala?” hindi niya alam kung bakit pero pakiramdam niya ay may bahid ng pait ang bawat salita nito.Nag-iwas siya ng tingin. “Magkasama na kami noon pa, noong iwan kita at—” bigla siyang napatikom ng kanyang bibig dahil pakiramdam niya ay hindi tama ang nasabi niya. Na napasobra ang mga sinabi niya. “Gusto mo bang balikan siya? Gusto mo bang bumalik sa kaniya?” tanong nito sa kaniya pagkalipas ng ilang sandali.“Hindi ko gustong bumalik sa kaniya, gusto ko lang na iligtas ang kapatid ko.” “Bakit ba ayaw mong maniwala sa akin na tutulungan kitang iligtas ang kapatid mo? Hindi ko siya pababayaan.” muling sabi nito sa kaniya.“Huwag mo akong paasahin Luke. Alam kong wala kang ibang gustong mangyari kundi ang makaganti sa akin, ang pahirapan ako kaya imposible ang sinasabi mo.” “Candice, maniwala ka sa akin. I am telling you the truth…” Hindi siya sumagot. Alam nito kung anong nararamdaman niya k
PAGKATAPOS nilang mag-usap na tatlo ay lumabas na rina ng dalawa. Naiwan siya sa loob ng silid at tahimik na umupo sa gilid ng kama. Pinagmasdan niya ang mukha ni Candice habang mahimbing na natutulog. Kahit ilang taon na ang umipas simula noong tailuran siya nito ay hindi na niya nagawa pang magmahal ng iba. Wala ng ibang babae pa ang nagpatibok ng puso niya at ngayong alam na niya ang totoo at alam na niya ng dahilan nito kung bakit nito ginawa iyon ay hindi na siya papayag pa na muli itong lumayo at mawala sa tabi niya. Hindi na siya papayag pa. Hinawakan niya ang kamay nito. “Huwag mo na ako ulit iiwan okay?” mahina niyang bulong bago siya yumuko at hinalikan ang noo nito. Wala siyang balak na gisingin ito dahil gusto niyang makapagpahinga ito ngunit huli na ang lahat dahil unti-unti na nitong iminulat ang mga mata. “Nagising ba kita?” tanong niya. Hindi ito sumagot at nakatitig lang sa kaniya ang inaantok pa nitong mga mata. Hinaplos niya ang ulo nito. “Gutom ka na ba? Gusto m
DUMIRETSO KAAGAD si Lawrence sa pangalawang palapag ng club pagdating niya. Wala kasi siyang nakita na kahit anino ni Asha sa baba. Pagpasok pa lang niya doon ay mabilis na ang tibok ng kanyang puso. Isa pa ay binayaran niya ang isa sa mga waiter para lang malaman niya kung nasaan ang boss ng mga i
Hello po, alam kong nag-aabang pa rin kayo sa pagpapatuloy ng story ni Miri at Adam at opo, itutuloy ko pa rin po siya pero po sa ngayon sa isangvstory po muna ako mag-focus. Ang story po ni Sevi Alvaro, ang panganay na anak ni Asha at Lawrence. Baka gusto niyo pong basahin^^ FATED TO BE MINE po a
MATIIM ang mga mata ni Adam na nakatingin sa kaniya naging dahilan para magsunod-sunod ang paglunok niya. “Ka-kailan ka pa nandiyan?” tanong niya rito habang mahigpit na nakahawak sa kanyang cellphone at umaasa na sana ay hindi nito narinig ang naging usapan nila ni Vanessa. Malamig ang mukha nito
KINAUMAGAHAN ay sinubukan ni Miri na hanapin ang kanyang cellphone ngunit kahit na anong hanap ang gawin niya ay hindi niya ito makita. Kahapon ay wala naman siyang ibang pinaglagyan kundi tanging sa bedside table lang naman pero wala ito doon. Halos maikot na niya ng ilang beses ang kanyang silid







