LOGINPAGLINGON niya sa likod niya ay nakita niyang nakatayo si Adam sa tabi ng pinto. Ang mga kamay nito ay nakahalukipkip at nakasandal sa hamba ng pinto. Mabilis siyang nag-iwas ng tingin. Napuno rin ng pagkataranta ang kanyang mukha dahil paano na lang kung narinig nito ang usapan nila ng kaibigan niya? “Si, si Vanessa…” halos mauutal-utal na sagot niya rito.Nagsalubong ang mga kilay nito. “Bakit ba parang gulat na gulat ka kung kaibigan mo lang naman pala ang kausap mo?” napalunok siya.“E panong hindi ako magugulat? Bigla ka na lang sumusulpot.” sagot niya rito kaagad.Narinig niya ang paghugot nito ng isang malalim na buntong hininga bago tuluyang humakbang at lumapit sa kaniya. Hindi siya gumalaw. Inilagay nito ang kamay sa noo niya. “Kamusta na ang pakiramdam mo?” tanong nito sa kaniya.Napayuko siya. Hindi niya talaga maintindihan ang sarili niya sa totoo lang. Kaagad na namang bumilis ang tibok ng puso niya. Parang gusto na niyang isipin na abnormal na siya. Hindi niya nagawan
NANLAKI ang mga mata ni Miri sa gulat dahil sa ginawa nito. Muling bumilis ang tibok ng kanyang puso dahil sa ginawa ni Adam. sa totoo lang ay hindi na niya maiwasan pang magtaka kung bakit ganun na lang ang mga kilos ni Adam nitong mga nakaraan. Para itong ibang tao. “Anong ginagawa mo?” hindi niya naiwasang itanong dito. Nagsalubong ang makakapal nitong kilay habang nakatingin sa kaniya. “Ano sa tingin mo? Hindi mo ba nakikita? Ang sabi mo ay hindi ka makatulog hindi ba?” tanong nito sa kaniya. “Ayaw mo ba?”“Uhm, hindi naman sa ganun pero baka mahawa ka ng lagnat.” sagot niya rito. Hindi naman maganda kung mahawa niya ito hindi ba? Baka mamaya ay sisihin pa siya nito kung sakali. Nakita niyang tumaas ang sulok ng mga labi ni Adam. “I'm stronger than you think. Ang pagyakap lang sa taong may sakit ay hindi ako madaling magkasakit. Don't worry.” paniniyak nito sa kaniya ngunit nagdadalawang isip pa rin siya noong mga oras na iyon. “Hindi ko sinabing nag-aalala ako.” sagot niya rit
SINULYAPAN niya si Adam na may hindi maipintang mukha habang nakatayo sa kanyang harapan. “Bakit hindi na lang ikaw mismo ang nagpaalis sa kaniya sa kwarto mo kaysa inutos mo pa sa kasambahay?” hindi niya napigilang itanong.Agad na umikot ang mga mata nito. “Kung ako ang umakyat doon, baka kung ano lang ang magawa ko sa kaniya.” sagot nito na hindi pa rin natatanggal ang matinding inis sa mukha.Hindi na lang siya umimik pa dahil alam niya kung gaano kainis ito sa babaeng iyon at talagang ayaw pa rin nitong sumuko. Desidido talaga itong akitin si Adam at sa totoo lang, maging siya ay naiinis na rin. Nang hindi siya sumagot ay muli siyang binalingan nito.“O gusto mo na pumunta ako doon sa kaniya?” tanong nito.Agad na umikot ang kanyang mga mata at sinamaan ito ng tingin. “Pwede ba Adam, magtigil ka nga. Sobrang sakit ng ulo ko sa totoo lang kaya wala akong lakas para makipag-away sayo.” Tumaas ang sulok ng labi nito habang nakatingin sa kaniya. “Talaga? Gusto mo bang tulungan kitan
NAKITA niyang natigilan si Adam habang nakatingin sa kaniya. Isang buntong hininga ang pinakawalan nito bago sumagot. “Itatapon ko lang ang laman nito.” tukoy nito sa palangganang hawak. “Babalik din ako kaagad. Kahit na ganun ang sinabi nito sa kaniya ay parang nagdadalawang isip pa rin si Miri sa sagot nito. “Sigurado ka ba?” ulit niya na parang batang pinapangakuan.Nagsalubong ang mga kilay nito habang nakatingin sa kaniya. “Tumigil ka nga sa kagaganyan mo okay? Masyado kang pabebe.” medyo naiinis na sabi nito sa kaniya.Wala siyang ideya kung ano ang itsura niya ng mga oras na iyon kaya tanging ang mapakagat labi na lang ang nagawa niya. Hindi niya pa rin pala nabibitawan ang damit nito at nananatiling nasa harap pa rin niya ito. “Huwag mong kagatin yang labi mo.” saway nito sa kaniya.Dahil dito ay napanguso siya ng wala sa oras. “Lahat na lang ba ng gagawin ko ay bawal?” tanong niya rito. Napabuga na lang ito ng marahas. Ano na naman kayang problema? Tanong ni Miri sa kanyang
Hello po, alam kong nag-aabang pa rin kayo sa pagpapatuloy ng story ni Miri at Adam at opo, itutuloy ko pa rin po siya pero po sa ngayon sa isangvstory po muna ako mag-focus. Ang story po ni Sevi Alvaro, ang panganay na anak ni Asha at Lawrence. Baka gusto niyo pong basahin^^ FATED TO BE MINE po ang Title. Salamt po sa pag unawa. ~Luffytaro
NAALIMPUNGATAN si Miri dahil sa isang malamig na bagay na dumampi sa kanyang mukha. Idagdag pa ang matinding sakit ng ulo niya ng magising siya. Hirap na hirap niyang iminulat ang kanyang mga mata. Namumungay pa ang kanyang mga mata na pinalis ang malamig na bagay na patuloy na dumadampi sa kanyang noo dahil giniginaw din siya. “Ang ginaw…” wala sa sarili niyang sabi. Narinig niya ang isang buntong hininga mula sa tabi niya. “Hayaan mong punasan na muna kita.” sabi ng isang pamilyar na tinig sa tabi niya.Nahihirapan siyang tiningnan ito. “Bakit? Bakit mo ako pupunasan?” naguguluhang tanong niya rito.“Nilalagnat ka.” sagot nito sa kaniya. “Pagkatapos mong umiyak ay bigla ka na lang nakatulog at nilagnat.” Dahil dito ay hindi siya umimik. Hindi niya akalain na lalagnatin siya dahil lang sa simple niyang pag-iyak. “Wait lang, huwag ka munang magkumot ng sobra pupunasan pa kita.” muling sabi nito sa kaniya.Sa halip ay sinubukan niyang bumangon ngunit mabilis siya nitong pinigilan.
NAPAIRAP NA LANG siya ng wala sa oras dahil sa sinabi nito sa kaniya. Ano bang nangyayari rito at bumabanat ito ng ganun? Hindi kaya dahil sa epekto lang din ng alak na ininom nito? “Tigilan mo nga ako. Tyaka huwag ka ngang ngingiti-ngiti sa akin ng ganyan. Nakakairita sa totoo lang.” inis na inis
DAHIL SA NAGING sagot niya ay bigla na lang itong tumayo mula sa kinauupuan nito at naglakad palapit sa kaniya. Huminto ito sa harapan niya at tinitigan siya gamit ang malalamig nitong mga mata. “Baka nakakalimutan mo na, naging masaya ka noong mga panahong iyon at higit sa lahat ay nagustuhan mo r
NANG UMAGANG iyon ay napagdesisyunan niya na sunduin si Vienna. Tinawagan niya ito kanina bago siya maligo kaya nang matapos siyang maligo ay mabilis na siyang nagbihis. Pagkasakay niya sa kotse ay sinundan niya lang ang ibinigay na address nito at nang makarating siya doon ay nagulat siya nang map
DUMIRETSO KAAGAD si Lawrence sa pangalawang palapag ng club pagdating niya. Wala kasi siyang nakita na kahit anino ni Asha sa baba. Pagpasok pa lang niya doon ay mabilis na ang tibok ng kanyang puso. Isa pa ay binayaran niya ang isa sa mga waiter para lang malaman niya kung nasaan ang boss ng mga i







