DAHAN-DAHANG IMINULAT ni Asha ang kanyang mga mata na halos ayaw pang bumuka. Nang makita niya ang hindi pamilyar na kisame ay bigla siyang napahilot sa kanyang ulo ng wala sa oras. Anong nangyari? Nasaan siya? Sunod-sunod ang naging tanong niya sa kanyang isip hanggang sa luminaw na sa kanyang alaala ang mga nangyari kagabi.Pumunta siya ng bar nang bigla na lang siyang lapitan ni River at hinila patungo sa isang silid at doon niya rin nalaman na may inihalo pala ito sa kanyang inumin at pagkatapos… halos hindi na niya maalala pa ang mga sumunod na nangyari pagkatapos nun.Inilibot niya ang kaniyangg tingin sa buong silid ay mas lumakas pa ang paniniwala niya na hindi nga talaga iyon ang kwarto niya. Nang umikot siya sa kanyang likuran ay biglang bumilis ang tibok ng kanyang puso nang makita niya ang lalaking natutulog sa kanyang tabi. “La-lawrence…” mahinang usal niya sa pangalan nito kasabay nang pag-awang ng mga labi niya.Gulat na gulat siya nang makita niya ito doon at napansin
NAPAKAGAT-LABI si Asha nang marinig niya ang mga sinabi nito. Halos mag-init na rin ang sulok ng kanyang mga mata. “Bakit ba ganyan ka? Sa tingin mo ba kung alam ko yung ginagawa ko kagabi ay hihiliingin ko iyon sayo at pakikiusapan ka? Unang-una ay bakit ka kasi nagpunta? E di sana ay pinabayaan mo na lang ako doon.” may himig ng hinanakit na sambit niya. “O dahil ayaw mo na mabahiran ako ng iba dahil alam mong mapapahiya ako kung sakali? O dahil gusto mo na magkaroon lang ako ng utang na loob na naman sayo?” sunod-sunod na tanong niya rito.Kahit na may natitira pa siyang pagmamahal dito ay mas gugustuhin niya na lang na maputol ng tuluyan ang ugnayan nila dahil alam niya na unti-unti ay magagawa niya pa rin itong kalimutan. Pagod na siya. Pagod na siyang masaktan nito.Mas humigpit pa lalo ang kamay nitong nakahawak sa kanyang braso. “Bakit huh? Naiinis ka at nagsisi?” nagngangalit ang mga pangang tanong nito sa kaniya at halatang hindi nasisiyahan sa tinatakbo ng kanilang usapan.
HINAYAAN NI Asha na gawin ni Lawrence ang gusto nito sa kanyang katawan at hindi ibig sabihin nun ay dahil sa sumuko na siya ulit sa paglaban at babalik na sa dating siya na sumusunod sa lahat ng gusto nito ngunit ang totoo at pagod lang siyang manlaban dahil alam niya na wala siyang magagawa. Isa pa ay mas mabuting hayaan na lang ito dahil hindi na iyon mauulit pa.Pagkatapos ng mainit na sandaling namagitan sa kanila ni Lawrence ay dali-dali siyang tumayo at muling pinulot ang kanyang mga damit na nakakalat sa sahig pagkatapos ay pumasok sa banyo para magbihis. Pagkabihis niya ay agad siyang lumabas at tumakbo paalis doon. Habang naglalakad ay walang ibang pumasok sa isip niya na sana sa pagkakataong iyon ay tuluyan nang maputol ang kahit na anumang ugnayan nilang dalawa. Wala ng dahilan pa para magkita pa silang muli.Pagdating niya sa mansyon ay nakapagdesisyon na siya. Iyon na siguro ang tamang oras para lumipat na siya sa condo dahil kung mananatili pa siya doon at patuloy lang
NANG UMAGANG iyon ay napagdesisyunan niya na sunduin si Vienna. Tinawagan niya ito kanina bago siya maligo kaya nang matapos siyang maligo ay mabilis na siyang nagbihis. Pagkasakay niya sa kotse ay sinundan niya lang ang ibinigay na address nito at nang makarating siya doon ay nagulat siya nang mapagtanto na ang bahay pala iyon ni Luke. ang isa sa mga kaibigan ni Lawrence.“Kanina ka pa ba?” tanong nito nang lumabas ito mula sa loob.“Hindi naman.” sagot niya at pagkatapos ay hindi niya na napigilan pa na magtanong. “Uhm, dito ka ba nakatira?” tanong niya rito.Tumango ito sa kaniya. “Ah oo, kasambahay ako dito. Yung Tita ko kasi ay may utang sa kanila at ako ang itinalaga na magbayad.” sagot nito at pagkatapos ay isang buntong-hininga ang pinakawalan nito.Natahimik naman siya at tumitig lang dito na puno ng simpatya. Ayaw na niyang magtanong pa dahil baka ma-offend lang ito kaya tumahimik na lang siya. Tumingin ito sa kaniya na para bang naghihintay ng sasabihin niya na may nag-aala
ISANG LINGGO ang mabilis na lumipas. Nagtambak na siya ng kanyang mga groceries para hindi na siya palaging lumalabas. Isang linggo na nga rin siyang hindi ginugulo ni Lawrence at kahit na sinabi pa nito na titigil na ito sa panggugulo sa kaniya ay halos ayaw niya pa ring maniwala rito.Habang naghahanap siya sa loob ng ref kung ano ang pwede niyang mailuto ay bigla na lang tumunog ang kanyang cellphone. Akala niya ay si Lawrence na iyon at wala sana siyang balak na sagutin ito kaya nga lang ay si Don Lucio pala ang tumatawag sa kaniya kaya dali-dali niya iyong sinagot. “Kamusta po sir? Babalik na po ba kayo?” masayang tanong niya rito kaagad. Kung babalik na ito ng bansa ay sigurado siya na tuluyan nang magiging maayos ang lahat dahil nga ito ang batas ang ito ang nasusunod sa lahat. Panigurado na maging si Lawrence ay mapapabilis ang pagpunta sa Taiwan.“Baka dalawang buwan pa ako rito hija.” sagot nito sa kaniya. Sandali siyang natigilan ngunit naiintindihan niya naman ito. May sa
NAGLAKAD SIYA pabalik sa kama kung nasaan si Lawrence at umupo sa tabi nito. Kinuha niya ang kanin at bahagyang sinabawan. Sambakol ang kanyang mukha ng mga oras na iyon dahil sa sama ng loob niya. “Ayusin mo nga yang pagmumukha mo. hindi mo ikakamatay ang pagpapakain sa akin.” sabi nito sa kaniya.Hindi na lang niya ito pinansin at dali-daling sumandok ng kanina na may sabaw at itinapat ito sa bibig nito. “Ibuka mo na nga lang yang bibig mo.” sabi niya rito.Hindi naman siya nito pinansin sa halip ay tumitig ito sa kanyang mga mata. “Hindi ba at sinabi mo na dapat na nating tapusin ang kahit na anumang koneksyon natin sa isat-isa?” tanong nito sa kaniya.Habang nakatitig siya sa mga mata nito ay malinaw niyang nakikita na para bang iniisip nito na nag-aalala siya rito at talagang pinuntahan niya ito at papakainin pa ng kanin. Malamig ang mga mata niyang sumagot. “Hindi ba at sinabi ko na sayo na pinakiusapan ako ng DAddy mo?” may bahid na ng inis na sagot niya.“Kahit na papuntahin k
TAHIMIK ITO sa buong proseso hanggang sa bigla na lang muli itong nagsalita. “So, ano ang tungkol sa lalaking iyon?” hindi niya alam kung bakit na naman ito biglang nagtatanong sa kaniya ng tungkol sa mga taong malapit sa kaniya.“Ang pangalan niya ay Lester.” “Ang tarantadong iyon?” tanong nito.Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan niya nang marinig niya ang sinabi nito. Wala namang ginagawa si Lester dito ngunit kung magsalita ito rito ay wagas. “Alam mo, wala akong gusto sa kaniya kaya huwag na huwag mong subukan na galawin siya.” banta niya rito.“Talaga ba huh? E bakit napaka-protective mo sa kaniya?” tanong nito sa kaniya.“E ano namang masama doon?” balik niyang tanong dito.“Kung hindi mo naman pala siya gusto ay bakit hinahayaan mo pa siyang lumapit-lapit sayo? Hindi mo ba siya kayang iwasan man lang?” muling tanong nito.Agad na kumunot ang kanyang noo dahil sa sinabi nito. “Paano mo naman iyon nalaman? Huwag mong sabihin na nag-utos ka na naman ng isang tao par
ILANG SEGUNDO ang lumipas bago ito sumagot sa kaniya. “Oo.” sagot nito sa kaniya. “Hindi ako masaya sa pagbabago mo.”“Anong ibig mong sabihin? Na kasalanan ko pa samantalang ikaw naman itong napakasama ang ugali.” sabi niya at napairap pa.“Tama na nga huwag na nating pag-usapan ang tungkol doon.” sabi nito at pagkatapos ay yumuko. “Pero alam ko naman na ako dahilan kung bakit ka umalis pero nang malaman kong umalis ka nga talaga parang…” tumigil ito sa pagsasalita at hindi na ito itinuloy pa ang sasabihin.Gusto niya mang malaman kung ano pa sana ang gusto nitong sabihin ngunit yaw niya namang magtanong. Ginamit niya ang isa niyang kamay upang itulak ito at mabuti na lang sa oras na iyon ay mabilis siyang binitawan ni Lawrence. Agad siyang lumayo dito pagkatapos.“Kung hindi ba dahil sa utos ni DAddy ay gagawin mo ba ito?” tanong na naman nito sa kaniya kahit na nasagot niya na iyon kanina sa pagkakaalala niya.“Diba sinagot ko na yan kanina? Pero sige, sasagutin ko ulit.” tumitig s
ILANG SANDALI ITONG hindi nagsalita at nakatitig lang sa kaniya hanggang sa muli na naman niyang ibinuka ang kanyang bibig. “Bakit kaya hindi ka na lang muna umuwi?” tanong niya rito. Mas makakabuti siguro para sa kanila kung uuwi na lang muna ito at magpapahinga.“Sige, kung yan ang gusto mo ay aalis na lang muna ako para hindi mo na ako makita pa.” sabi nito sa kaniya na walang emosyon ang mukha.Pagkatapos lang nitong sabihin ang mga salitang iyon ay dali-dali na siyang tumayo mula sa ibabaw niya at naglakad patungo sa pinto. Bago lumabas ay tumigil muna ito sandali, hindi ito lumingon sa kaniya ngunit hindi gumagalaw at nakabitin ang kamay sa ere upang buksan ang pinto hanggang sa tuluyang lumabas at nmaiwan siyang mag-isa sa loob ng silid.Ilang sandali siyang nakatulala hanggang sa dahan-dahang gumalaw ang kanyang mga kamay at inilagay iyon sa knaiyang kaliwang dibdib. Hindi niya alam ngunit sa sumunod na sandali ay bigla na lang dumaloy ang luha sa kanyang pisngi. Biglang bumal
KITANG KITA niya kung paano sumimangot si Lawrence. “Sino naman kaya yan?” tanong nito sa kaniya.Agad niya itong pinanlakihan ng kanyang mga mata. “Paano ko malalaman kung sino? Bitawan mo ako para malaman ko.” sabi niya rito ngunit hindi ito kaagad na pumayag.“Ako na ang magbubukas ng pinto para sayo.” sabi nito sa kaniya at pagkatapos lang nitong sabihin iyon ay kaagad na siya nitong binitawan at naglakad patungo sa pinto kaya lang ay muli itong tumigil at bumalik sa kaniya at hinawakan ng mahigpit ang kamay niya. Hinila siya nito patungo sa pinto at mukhang ayaw siya nitong bitawan.“Teka lang, bitawan mo na lang muna ako.” sabi niya rito ngunit parang wala itong naririnig at hinila pa rin siya nito hanggang sa pinto at pagkatapos ay binuksan ito.Nakita niya ang isang lalaki na nakatayo sa harap ng pinto. “Anong problema?” kaagad na tanong ni Lawrence dito na walang kapreno preno.“Napakaingay ninyo may natutulog na bata sa tabi ninyo. Pwede bang pakihinaan niyo naman ang mga bo
HABANG NASA KLASE siya bigla na lang akong nakatanggap ako ng tawag mula sa juristic person ng condo na may lumalabas na usok sa pintuan ng kwarto kaya naman dali-dali akong bumalik para tingnan ang kwarto dahil natatakot ako na may nangyaring masama.Pagdating ko, nadatnan ko si Lawrence na nakikipagtalo sa juristic person."Sabi ko nagluto ako at nakalimutan ko. Hindi ko sinasadyang masunog ang kusina.""Anong klaseng pagkain ang ginagawa mo na napakaraming usok?""O gusto mong magkaroon ng problema sa akin?" Pinandilatan ni Lawrence ito.Nang makita ko iyon ay dali-dali akong pumunta para pigilan siya. “Tumigil ka na.”Nang makita niya ang mukha ko ay agad na lumambot ang matigas na tingin ni Lawrence. Bago nagmamadaling humingi ng tawad sa legal officer ng condo."I have to apologize. Hindi na mauulit ang ganitong bagay.""nevermind "You're so beautiful, what can I give you?" That answer left me speechless. Dahil hindi ko akalain na mawawala sa isang kisap-mata ang mabangis na mo
‘Ikaw pa lang ang unang babaeng bibigyan ko nito.’ ang nakalagay sa card at isinulat niya.Naroon siya sa isang flower shop ng mga oras na iyon at bumili siya ng bulaklak para ibigay kay Asha at hindi niya alam kung ano ba ang dapat niyang isulat sa note dahil ang totoo ay iyon pa lang ang unang beses na bumili siya ng bulaklak para sa isang babae. Hindi niya alam kung magiging epektibo ba ang pagbibigay niya ng bulaklak kay Asha ngunit gusto niyang subukan at ipakita kay ASha na nagbago na talaga siya. Sa huli ay iyon na lang ang isinulat niya at wala na siyang maisip pa. Sana lang kapag nabasa nito iyon ay ngumiti na ito sa kaniya.Ilang sandali pa ay sumakay na siya sa kanyang kotse at pauwi na sa condo ni Asha ngunit bago pa man siya makarating doon ay dumaan na muna siya sa isang supermarket upang bumili ng ilang mga sangkap sa pagluluto. Ang totoo niyan ay ni minsan ay hindi pa niya nasusubukang magluto. Wala siyang alam tungkol sa pagluluto dahil nasanay siya na may nagluluto p
NAPATAAS ANG KILAY ni Luke nang tumingin ito sa kaniya. Nasa club sila ng mga oras na iyon. “Siguro naman ay pwede mo nang sabihin sa amin kung bakit mo na naman kami ipinatawag dito?” tanong nito sa kaniya habang nakakunot pa ang noo.“Oo nga.” segunda naman kaagad ni Colt at ni Adam na kasama din nila ng mga oras na iyon. “Halos isang oras na tayong magkakaharap diro pero hindi ka pa rin nagsasalita.” dagdag pa nitong sabi sa kaniya.Si Adam ay tahimik lang at nakatingin lang din sa kaniya marahil ay hinihintay din nito na magsalita siya. Napabuntong-hininga na lang siya tuloy ng wala sa oras. Ang totoo kasi kaya niya tinawag ang mga ito doon ay dahil sa may gusto siyang sabihin sa mga ito ngunit hindi niya alam kung paano siya magsisimula sa pagsasabi. Isa pa ay natatakot siya na baka mamaya ay tuksuhin lang siya ng mga ito kaya nagdadalawang isip din siya na magsalita. Napapikit siya ng mariin. Kung bakit kasi napakahirap manuyo ng babae.“Ano Lawrence? Wala ka pa rin bang balak n
ILANG SANDALI PA ay bigla nitong hinawakan ang kanyang braso at hinila siya paalis doon. Medyo madiin ang pagkakahawak nito sa kanyang kamay ngunit umarte siya na parang wala lang at hindi siya nasasaktan pero ang totoo ay nasasaktan na siya.“Bakit ka nakikipag yakapan sa kaniya huh?!” sigaw nito sa kaniya sa malalim na boses. Ang mga mata nito ay nag-aapoy habang nakatitig sa kaniya. Napapikit na lang siya at napabuntong-hininga.“Hindi ba pwedeng magyakapan ang magkaibigan?” walang emosyong tanong niya rito.“So ginawa mo iyon para lang galitin ako huh?!” galit na tanong nito sa kaniya.Napairap siya sa inis niya. Syempre mali ito at hindi iyon ang intensyon niya. “Ano bang sinasabi mo ah? Ganun na ba ako ka-desperada sa tingin mo?” muling tanong niya rito.“Talaga ba huh? Sinadya mong gawin iyon dahil gusto mo akong pagselosin!” sigaw nitong muli sa kaniya ngunit napapikit na lang siya ng mariin. Anong klaseng paliwanag pa ba ang gagawin niya para lang maniwala ito sa kaniya.Sa h
AWTOMATIKO NAMANG napalingon si Lester sa kaniya nang makita nito na si Lawrence ang nasa harap ng kotse. Sa ilang beses na nag-krus ang landas ng mga ito ay alam niya na kilala na nito ito. “Mukhang may problema, ayusin kaya muna ninyo?” mahinang tanong niya rito.Umiling naman siya. “Naayos na namin at wala na kaming dapat pang pag-usapan.” sabi niya rito.“Galit ba siya na sinundo kita?” muling tanong nito sa kaniya dahilan para mapatitig siya rito ng ilang segundo at hindi makapagsalita. Paano niya ba sasagutin ang tanong nito e siya naman mismo ang nagpasundo dahil gusto niyang ipakita kay Lawrence na nagbago na siya.Hindi pa man niya naibubuka ang kanyang bibig upang sumagot dito nang magulantang siya dahil bigla na lang kumalabog ang hood ng sasakyan na gawa ni Lawrence. Kahit na nasa loob na sila ng kotse ay malakas pa rin ang tunog kaya nagulat pa rin siya. Puno ng paghingi ng paumanhin ang kanyang mga mata nang tumingin siya rito. “Pasensya na kung ganito na naman ang nangy
NAKITA NIYA kung paano nagtagis ang mga bagang nito dahil sa sinabi niya. “Hindi ba at sinabi ko na sayo na ako ang maghahatid sayo hindi ba? Hindi mo ba naiintindihan iyon?” tanong nito sa kaniya na nanlalaki ang mga mata dahil sa galit ngunit wala siyang pakialam. Kahit na gaano ito kagalit ng mga oras na iyon ay hindi man lang siya nakaramdam ng takot.“Bingi ka ba? Hindi ba at ilang beses ko na ring sinabi sayo na kay Lester nga ako sasakay.” inis na rin niyang sabi rito.“Asha ano ba!” malakas na sigaw nito sa kaniya at kumulo na marahil ang dugo nito dahil sa matinding galit ngunit hindi siya natinag at nanatili lang sa kanyang kinatatayuan.“Umalis ka na diyan.” walang emosyong sabi niya rito.Ngunit hindi niya akalain na magmamatigas ito sa kaniya. “Hindi. Hindi ako aalis dito hanggat hindi sinasabi na sa akin ka magpapahatid at hindi sa lalaking iyon.” pagmamatigas pa rin nito.Sa puntong iyon ay halos sumabog na siya sa sobrang galit. “Ano ba Lawrence! Kailangan ko pa bang u
NATAHIMK SANDALI si Lawrence bago siya nito tuluyang pinakawalan. Nasa pinto na ito ng kanyang kwarto at pagkatapos ay lumabas na ito at dahil doon ay nakahinga siya ng maluwag dahil akala niya ay aalis na rin ito sa wakas dahil sa nagkausap naman na sila ng maayos kaya nga lang ay nang sundan niya ito ng tingin ay nakita niya kung paano ito naglakad papunta sa may sofa at umupo doon tanda na mukhang walang balak itong umuwi katulad ng iniisip niya.Agad na napakunot ang kanyang noo. “Anong ginagawa mo pa diyan? Hindi ka pa ba aalis?”“Gabi na. Delikado na ang magmaneho ngayon.” sabi nito ngunit alam niyang palusot lang nito iyon. Wala na lang siya nagawa kundi ang magpakawala ng isang mahabang buntong hininga.“E di sumakay ka na lang ng taxi o kaya e magpasundo ka.” suhestiyon niya naman dito.“Ayoko. Hindi ako mahilig magpa-drive.” walang emosyong sagot nito sa kaniya.“E anong ginagawa ng mga tauhan mo? Napakarami nila, siguro naman ay may pinagkakatiwalaan ka sa mga iyon.” sabi n