ALAM NIYANG sobra ang galit sa kaniya ng taong nasa harapan niya. Sagad hanggang sa mga buto niya at habang dumadaan ang araw ay patindi ng patindi pa ito. Pero ang totoo niyan ay hindi niya maiwasang masaktan kapag naririnig niya ang mga maparatang sa kanyang ina na wala naman silang ebidensya. Kahit na ayaw niya sanang makipag-argumento kay Lawrence ay wala na siyang magagawa pa lalo pa at ito mismo ang nag-umpisa dahil wala naman siyang ginagawang masama rito.“Kung ayaw mong marinig ang mga sinasabi ko, e di umalis ka na sa buhay namin!” seryosong sabi nito sa kaniya.“Ilang beses ko ng sinabi sayo…” huminga siya ng malalim at pagkatapos ay tumitig sa mga mata nito. “Sige. kung gusto mo talagang mawala ako sa buhay mo ay bayaran mo na lang ako. Gusto mo ba?” matapang na hamon niya rito.Ngumiti ng bahagya nang marinig nito ang sinabi at pagkatapos ay hinawakan nito ang baba niya at yumuko palapit sa kaniya. “Yan lang ang hinihintay kong sabihin mo. handa akong magbayad basta sigur
PINAGDIKIT NIYA LANG ang kanyang mga labi ngunit hindi siya sumunod sa utos nito. Naging matalim ang mga mata ni Lawrence at nagulat siya nang bigla na lamang itong yumuko at hinalikan siya sa kanyang mga labi. Hinawakan din nito ang kanyang mukha dahilan para hindi niya maigalaw ang kanyang ulo.Pinilit niyang makawala mula sa mga labi nito. Ang kanyang mga kamay ay ipinatong niya sa dibdib nito at itinulak ngunit sadyang malakas talaga ito at ayaw siya nitong pakawalan. Ipinasok nito ang dila sa kanyang bibig at ginalugad ang bawat parte nito.Marahan din nitong kiinagat-kagat ang kanyang mga labi hanggang sa biglang naging mariin ang halik nito at hindi nagtagal ay nalasahan na niya ang lasa ng dugo sa kanyang bibig na may kasamang hapdi. “Ahh…” ungol niya dahil sa sakit ngunit hindi ito tumigil. Kahit na anong tulak niya rito ay para itong walang pakialam sa kaniya. Hindi na niya naiwasan pang mangilid ang kanyang luha. Bakit nito ginagawa iyon sa kaniya? Parusa ba nito iyon kaya
NAKITA NIYA pa lang ang mga mata ni Lawrence ay alam niya na kaagad kung ano ang iniisip nito. “Narinig mo ba ang sinabi ko?” tanong nito sa kaniya.Tumango naman siya rito. “Oo.” sagot niya at dali-dali nang bumaba mula sa lababo pagkatapos ay pumunta na sa loob ng banyo upang maghugas na rin. Napabuntong-hininga siya pagkatapos nito.Ilang sandali pa nga ay narinig na niya ang pagbukas ng pinto tanda na lumabas na ito kasunod ng mga yabag nito. Huminga siya ng malalim. Ayaw na niyang may mamagitan pa sa kanilang dalawa kay ang-isip siya. Hindi siya pupunta sa opisina nito. Dali-dali siyang lumabas doon at naglakad pababa hanggang sa tuluyan na siyang makalabas pagkatapos ay sumakay ng taxi. Umuwi siya ng mansyon at hindi sinunod ang gusto nito.Habang nakasakay siya sa taxi ay nag-isip siya. Sinabi niya sa sarili niya na simula ngayon ay hinding-hindi na niya papayagan pa na maulit na may mangyari sa kanila. Kahit na gusto niya ito at may nararamdaman siya para rito ay kailangan niy
MABILIS NA LUMIPAS ANG isang linggo. Kung dati ay pinapatulong siya ng matanda sa opisina ni Lawrence pagkatapos ng mga klase niya ay gumawa siya ng dahilan para hindi pumunta doon. Sinabi niya na marami siyang dapat gawin na ipapasa sa kanilang paaralan kahit na wala naman talaga para lang maiwasan niya si Lawrence. Kahit na hindi niya ito nakikita ng isang linggo ay alam niyang hindi pa rin nagbabago o ni nababawasan man lang ang kanyang nararamdaman.Nang araw na iyon ay araw na para sa pag-alis ni Don Lucio papuntang ibang bansa para magpagamot. Sa kabila ng pakiusap niya rito na isama siya nito ay hindi pa rin siya nitong isinama. Wala na siyang choice pa kundi ang makita si Lawrence. Tiyak na hindi niya ito maiiwasan.“Tatawag ako paminsan-minsan para hindi ka mag-alala sa akin hija.” sabi nito at nginitian siya. “Huwag kang mag-alala sa akin.” dagdag pa nitong sabi at hinaplos ang kanyang buhok.Nginitian niya lang din naman ito at tumango. Lumingon ito sa may pinto. “Gabi na a
SA TOTOO LANG ay wala sana siyang balak na kausapin ito at akmang lalampasan na lang niya ito nang bigla na lang itong nagsalita. “Narinig mo naman siguro ang sinabi ni DAddy na alagaan kita hindi ba?” tanong nito sa kaniya.“Oo.” kaagad niyang sagot dito at tuloy-tuloy na pumasok sa loob ng mansyon.Kaya lamang ay narinig niya ang mga yabag nitong nakasunod na sa kaniya. “Saan ko ba dapat simulan ang pag-aalaga sayo mahal na prinsesa?” may himig ng panunuya na tanong nito sa kaniya dahilan para mapatigil siya sa kanyang paglalakad at mapalingon dito.“Alam mo, kung ayaw mong gawin ang iniutos sayo ay huwag mong pilitin yang sarili mo dahil hindi naman kita inoobliga at higit sa lahat ay hindi ako magsusumbong.” sabi niya rito.“Talaga ba huh? Baka baliktarin mo na naman ako palibhasa ay alam mong palagi namang pinaniniwalaan ni DAddy ang mga sinasabi mo.” pahapyaw na pagpaparinig nito sa kaniya.“Lawrence, kung ako sayo ay bumalik ka na lang sa condo mo. okay lang ako.” sabi niya rit
HINDI SIYA NAGSALITA. Tahimik lang siyang nakinig dito kahit na nasasaktan siya. “Habang wala si DAddy dito ay sisiguruhin ko na walang araw na hindi ka makakaramdam ng paghihirap hanggang sa ikaw na mismo ang sumuko at ang magkusang umalis dito para magpakalo-layo.” makahulugang sabi nito sa kaniya.Halos mag-init ang sulok ng kanyang mga mata. “Hindi ka pa ba nakukuntento sa ginagawa mo?” mahina niyang tanong dito. Hindi niya alam kung saan nanggagaling ang pagbabanta nito sa kaniya pero hindi pa ba sapat para rito ang sakit na ibinibigay nito sa kaniya kapag nagkikita sila? Anong klaseng paghihirap pa ba ang gusto nito?Tumaas ang sulok ng labi nito bago sumagot. “Sa tingin mo ay makukuntento ako? Tyaka lang ako makukuntento kapag tuluyan ka ng nawala sa buhay ko.” sabi nito sa kaniya.Ang mga mata nito ay malamig na nakatitig sa kaniya. Kahit na palagi na lang itong ganun sa kaniya ay bakit ba hindi pa rin mawala-wala ang nararamdaman niya para rito? Tumitig siya sa mga mata nit
PAGKATAPOS NG LAHAT ay dali-dali niyang pinulot ang kanyang nagkalat na mga damit sa sahig at pagkatapos ay agad na dumiretso sa kanyang silid habang patuloy pa rin ang kanyang pag-iyak. Bugbog ang kanyang katawan dahil sa kanyang panlalaban at ang mga maririiing hawak ni Lawrence sa kaniya.Sa kanyang dibdib ay may mga mapupulang mga marka na iniwan ng labi ni Lawrence doon. Pagkasara niya ng pinto ng kanyang silid ay agad siyang napasandal dito at unti-unting napadausdos hanggang sa tuluyan na siyang napasalampak sa sahig.Kaalis lang ni Don Lucio pero ganito na ang inabot niya kay Lawrence. Paano na lang kaya sa mga susunod pang mga araw? Idagdag pa na patapos na ang pasok niya. Tiyak na wala siyang ligtas dito. Paniguradong ilang buwan din sa ibang bansa ang matanda pero ang buwan na iyon ay magiging isang taon para sa kaniya lalo pa at tiyak na puro hirap ang aabutin niya sa kamay ni Lawrence.Sa totoo lang, kahit na sobrang mahal na mahal pa niya si Lawrence ay hindi siya masaya
HABANG KASAMA NIYA si Lester, kahit papano ay nakalimutan niya si Lawrence. Katatapos lang nilang manood ng sine ng mga oras na iyon at palabas na sila sa sinehan nang tanungin siya nito. “Saan mo susunod na gustong pumunta?” tanong nito sa kaniya.“Hindi ko alam. Parang gusto ko ng umuwi…” hindi niya namamalayang masabi rito.“Hindi ka ba nag-enjoy na kasama ako?” biglang tanong nito sa kaniya dahilan para mapalingon siya rito ng wala sa oras. Hindi niya sinasadya na sabihin iyon pero kasi, pakiramdam niya ay drain na drain na siya at ang tanging gusto na lamang niyang gawin ay ang mahiga sa kanyang kama.“Hindi naman sa ganun…” nahihiyang sagot niya rito.Ngumiti naman ito sa kaniya. “Di bale. Gabi na rin naman kaya mas mabuti pang umuwi na tayo para hindi mag-alala ang mga taong naghihintay sa atin lalong-lalo na sayo.” makahulugang sabi nito sa kaniya.Mabilis naman niyang sinagot ang sinabi nito. “Walang nag-aalala sa akin sa bahay.”“Talaga?” hindi naman makapaniwalang tanong ni
ILANG SANDALI ITONG hindi nagsalita at nakatitig lang sa kaniya hanggang sa muli na naman niyang ibinuka ang kanyang bibig. “Bakit kaya hindi ka na lang muna umuwi?” tanong niya rito. Mas makakabuti siguro para sa kanila kung uuwi na lang muna ito at magpapahinga.“Sige, kung yan ang gusto mo ay aalis na lang muna ako para hindi mo na ako makita pa.” sabi nito sa kaniya na walang emosyon ang mukha.Pagkatapos lang nitong sabihin ang mga salitang iyon ay dali-dali na siyang tumayo mula sa ibabaw niya at naglakad patungo sa pinto. Bago lumabas ay tumigil muna ito sandali, hindi ito lumingon sa kaniya ngunit hindi gumagalaw at nakabitin ang kamay sa ere upang buksan ang pinto hanggang sa tuluyang lumabas at nmaiwan siyang mag-isa sa loob ng silid.Ilang sandali siyang nakatulala hanggang sa dahan-dahang gumalaw ang kanyang mga kamay at inilagay iyon sa knaiyang kaliwang dibdib. Hindi niya alam ngunit sa sumunod na sandali ay bigla na lang dumaloy ang luha sa kanyang pisngi. Biglang bumal
KITANG KITA niya kung paano sumimangot si Lawrence. “Sino naman kaya yan?” tanong nito sa kaniya.Agad niya itong pinanlakihan ng kanyang mga mata. “Paano ko malalaman kung sino? Bitawan mo ako para malaman ko.” sabi niya rito ngunit hindi ito kaagad na pumayag.“Ako na ang magbubukas ng pinto para sayo.” sabi nito sa kaniya at pagkatapos lang nitong sabihin iyon ay kaagad na siya nitong binitawan at naglakad patungo sa pinto kaya lang ay muli itong tumigil at bumalik sa kaniya at hinawakan ng mahigpit ang kamay niya. Hinila siya nito patungo sa pinto at mukhang ayaw siya nitong bitawan.“Teka lang, bitawan mo na lang muna ako.” sabi niya rito ngunit parang wala itong naririnig at hinila pa rin siya nito hanggang sa pinto at pagkatapos ay binuksan ito.Nakita niya ang isang lalaki na nakatayo sa harap ng pinto. “Anong problema?” kaagad na tanong ni Lawrence dito na walang kapreno preno.“Napakaingay ninyo may natutulog na bata sa tabi ninyo. Pwede bang pakihinaan niyo naman ang mga bo
HABANG NASA KLASE siya bigla na lang akong nakatanggap ako ng tawag mula sa juristic person ng condo na may lumalabas na usok sa pintuan ng kwarto kaya naman dali-dali akong bumalik para tingnan ang kwarto dahil natatakot ako na may nangyaring masama.Pagdating ko, nadatnan ko si Lawrence na nakikipagtalo sa juristic person."Sabi ko nagluto ako at nakalimutan ko. Hindi ko sinasadyang masunog ang kusina.""Anong klaseng pagkain ang ginagawa mo na napakaraming usok?""O gusto mong magkaroon ng problema sa akin?" Pinandilatan ni Lawrence ito.Nang makita ko iyon ay dali-dali akong pumunta para pigilan siya. “Tumigil ka na.”Nang makita niya ang mukha ko ay agad na lumambot ang matigas na tingin ni Lawrence. Bago nagmamadaling humingi ng tawad sa legal officer ng condo."I have to apologize. Hindi na mauulit ang ganitong bagay.""nevermind "You're so beautiful, what can I give you?" That answer left me speechless. Dahil hindi ko akalain na mawawala sa isang kisap-mata ang mabangis na mo
‘Ikaw pa lang ang unang babaeng bibigyan ko nito.’ ang nakalagay sa card at isinulat niya.Naroon siya sa isang flower shop ng mga oras na iyon at bumili siya ng bulaklak para ibigay kay Asha at hindi niya alam kung ano ba ang dapat niyang isulat sa note dahil ang totoo ay iyon pa lang ang unang beses na bumili siya ng bulaklak para sa isang babae. Hindi niya alam kung magiging epektibo ba ang pagbibigay niya ng bulaklak kay Asha ngunit gusto niyang subukan at ipakita kay ASha na nagbago na talaga siya. Sa huli ay iyon na lang ang isinulat niya at wala na siyang maisip pa. Sana lang kapag nabasa nito iyon ay ngumiti na ito sa kaniya.Ilang sandali pa ay sumakay na siya sa kanyang kotse at pauwi na sa condo ni Asha ngunit bago pa man siya makarating doon ay dumaan na muna siya sa isang supermarket upang bumili ng ilang mga sangkap sa pagluluto. Ang totoo niyan ay ni minsan ay hindi pa niya nasusubukang magluto. Wala siyang alam tungkol sa pagluluto dahil nasanay siya na may nagluluto p
NAPATAAS ANG KILAY ni Luke nang tumingin ito sa kaniya. Nasa club sila ng mga oras na iyon. “Siguro naman ay pwede mo nang sabihin sa amin kung bakit mo na naman kami ipinatawag dito?” tanong nito sa kaniya habang nakakunot pa ang noo.“Oo nga.” segunda naman kaagad ni Colt at ni Adam na kasama din nila ng mga oras na iyon. “Halos isang oras na tayong magkakaharap diro pero hindi ka pa rin nagsasalita.” dagdag pa nitong sabi sa kaniya.Si Adam ay tahimik lang at nakatingin lang din sa kaniya marahil ay hinihintay din nito na magsalita siya. Napabuntong-hininga na lang siya tuloy ng wala sa oras. Ang totoo kasi kaya niya tinawag ang mga ito doon ay dahil sa may gusto siyang sabihin sa mga ito ngunit hindi niya alam kung paano siya magsisimula sa pagsasabi. Isa pa ay natatakot siya na baka mamaya ay tuksuhin lang siya ng mga ito kaya nagdadalawang isip din siya na magsalita. Napapikit siya ng mariin. Kung bakit kasi napakahirap manuyo ng babae.“Ano Lawrence? Wala ka pa rin bang balak n
ILANG SANDALI PA ay bigla nitong hinawakan ang kanyang braso at hinila siya paalis doon. Medyo madiin ang pagkakahawak nito sa kanyang kamay ngunit umarte siya na parang wala lang at hindi siya nasasaktan pero ang totoo ay nasasaktan na siya.“Bakit ka nakikipag yakapan sa kaniya huh?!” sigaw nito sa kaniya sa malalim na boses. Ang mga mata nito ay nag-aapoy habang nakatitig sa kaniya. Napapikit na lang siya at napabuntong-hininga.“Hindi ba pwedeng magyakapan ang magkaibigan?” walang emosyong tanong niya rito.“So ginawa mo iyon para lang galitin ako huh?!” galit na tanong nito sa kaniya.Napairap siya sa inis niya. Syempre mali ito at hindi iyon ang intensyon niya. “Ano bang sinasabi mo ah? Ganun na ba ako ka-desperada sa tingin mo?” muling tanong niya rito.“Talaga ba huh? Sinadya mong gawin iyon dahil gusto mo akong pagselosin!” sigaw nitong muli sa kaniya ngunit napapikit na lang siya ng mariin. Anong klaseng paliwanag pa ba ang gagawin niya para lang maniwala ito sa kaniya.Sa h
AWTOMATIKO NAMANG napalingon si Lester sa kaniya nang makita nito na si Lawrence ang nasa harap ng kotse. Sa ilang beses na nag-krus ang landas ng mga ito ay alam niya na kilala na nito ito. “Mukhang may problema, ayusin kaya muna ninyo?” mahinang tanong niya rito.Umiling naman siya. “Naayos na namin at wala na kaming dapat pang pag-usapan.” sabi niya rito.“Galit ba siya na sinundo kita?” muling tanong nito sa kaniya dahilan para mapatitig siya rito ng ilang segundo at hindi makapagsalita. Paano niya ba sasagutin ang tanong nito e siya naman mismo ang nagpasundo dahil gusto niyang ipakita kay Lawrence na nagbago na siya.Hindi pa man niya naibubuka ang kanyang bibig upang sumagot dito nang magulantang siya dahil bigla na lang kumalabog ang hood ng sasakyan na gawa ni Lawrence. Kahit na nasa loob na sila ng kotse ay malakas pa rin ang tunog kaya nagulat pa rin siya. Puno ng paghingi ng paumanhin ang kanyang mga mata nang tumingin siya rito. “Pasensya na kung ganito na naman ang nangy
NAKITA NIYA kung paano nagtagis ang mga bagang nito dahil sa sinabi niya. “Hindi ba at sinabi ko na sayo na ako ang maghahatid sayo hindi ba? Hindi mo ba naiintindihan iyon?” tanong nito sa kaniya na nanlalaki ang mga mata dahil sa galit ngunit wala siyang pakialam. Kahit na gaano ito kagalit ng mga oras na iyon ay hindi man lang siya nakaramdam ng takot.“Bingi ka ba? Hindi ba at ilang beses ko na ring sinabi sayo na kay Lester nga ako sasakay.” inis na rin niyang sabi rito.“Asha ano ba!” malakas na sigaw nito sa kaniya at kumulo na marahil ang dugo nito dahil sa matinding galit ngunit hindi siya natinag at nanatili lang sa kanyang kinatatayuan.“Umalis ka na diyan.” walang emosyong sabi niya rito.Ngunit hindi niya akalain na magmamatigas ito sa kaniya. “Hindi. Hindi ako aalis dito hanggat hindi sinasabi na sa akin ka magpapahatid at hindi sa lalaking iyon.” pagmamatigas pa rin nito.Sa puntong iyon ay halos sumabog na siya sa sobrang galit. “Ano ba Lawrence! Kailangan ko pa bang u
NATAHIMK SANDALI si Lawrence bago siya nito tuluyang pinakawalan. Nasa pinto na ito ng kanyang kwarto at pagkatapos ay lumabas na ito at dahil doon ay nakahinga siya ng maluwag dahil akala niya ay aalis na rin ito sa wakas dahil sa nagkausap naman na sila ng maayos kaya nga lang ay nang sundan niya ito ng tingin ay nakita niya kung paano ito naglakad papunta sa may sofa at umupo doon tanda na mukhang walang balak itong umuwi katulad ng iniisip niya.Agad na napakunot ang kanyang noo. “Anong ginagawa mo pa diyan? Hindi ka pa ba aalis?”“Gabi na. Delikado na ang magmaneho ngayon.” sabi nito ngunit alam niyang palusot lang nito iyon. Wala na lang siya nagawa kundi ang magpakawala ng isang mahabang buntong hininga.“E di sumakay ka na lang ng taxi o kaya e magpasundo ka.” suhestiyon niya naman dito.“Ayoko. Hindi ako mahilig magpa-drive.” walang emosyong sagot nito sa kaniya.“E anong ginagawa ng mga tauhan mo? Napakarami nila, siguro naman ay may pinagkakatiwalaan ka sa mga iyon.” sabi n