Share

Chapter 9

Author: Luffytaro
last update Last Updated: 2025-02-25 13:58:02

IBUBUKA NA sana ni Asha ang kanyang bibig upang magsalita nang makarinig siya ng mahinang kumosyon mula sa baba. Rinig kasi ang tilian ng mga kababaihan kaya hindi niya maiwasang maki-usyoso. Nang makita niya ang eksena ay agad na nanlaki ang kanyang mga mata nang makita niya ang matangkad na pigura na papasok sa loob ng bar. “Lawrence…” mahinang bulong niya.

Sa likod nito ay nakasunod ang dalawa nitong kaibigan na sina Colt at Adam. dahil nga sa taglay na kagwapuhan ng mga ito ay halos magtilian ang mga babaeng nasa loob ng bar. Halos tumigil ang lahat sa pagsasayaw at tumitig lamang sa mga ito na para bang mga artista ang mga dumating.

Kahit na noong bata pa lang siya ay kilala na niya si Lawrence, hindi pa rin naiwasan ng puso niya ang pagtibok ng mabilis na para bang ngayon niya lang nakita ang kagwapuhan nito. “Crush mo rin ba ang mga iyon?” biglang tanong sa kaniya ni Lester na nasa tabi niya.

Nagulat siya dahil doon kaya dali-dali niyang binawi ang tingin. “Hindi no.” puno ng p
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Edith Angeles
Ganda sanang basahin kaso putol putol
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • ARRANGED MARRIAGE WITH THE HEARTLESS BILLIONAIRE   BOOK2: Chapter 63

    NANG magising si Miri kinabukasan ay wala na siyang katabi at mag-isa na lang siya na nakahiga sa kama. Sa totoo lang y kagabi, akala niya pagkatapos siya nitong pagurin ng husto ay aalis na ito sa kanyang tabi ngunit hindi niya akalain na pumasok ito sa banyo at naligo lang pagkatapos ay muling tumabi sa kaniya. Isang buntong hininga ang pinakawalan niya. Hindi niya maintindihan talaga ang sarili niya kung ano ba ang nakita niya kay dam para mainlove siya rito. Pagkabangon niya ay kaagad siyang dumiretso sa banyo para maligo at nang matapos siya ay bumaba na siya sa baba. Noong araw na iyon ay wala namang pasok si Adam sa opisina ngunit napansin niya kaagad na tila wala. Nang makita niya ang isang kasambahay ay hindi na niya napigilan pa ang sarili na magtanong dito. “Uhm, nasaan si Adam?” tanong niya rito.Nagulat naman ito sandali at pagkatapos ay sinagot din naman kaagad ang tanong niya. “Wala po siya Miss umalis. Sinamahan niya si Miss Yvonne.” sagot nito sa kaniya.“Yvonne?” a

  • ARRANGED MARRIAGE WITH THE HEARTLESS BILLIONAIRE   BOOK2: Chapter 62

    “WHAt the hell!” gulat na bulalas niya ngunit wala na siyang nagawa dahil tuluyan nang napunit ang damit niya. Tanging ang suot niyang bra na lang ang naiwan sa katawan niya upang takpan ang kanyang dibdib.Yumuko si Adam at hinalikan siya kaagad sa kanyang labi. Hindi pa man siya nakakabawi ay naramdaman na niya sa loob ng kanyang bibig ang dila nito na at ginagalugad ang kanyang bunganga. Wala na siyang nagawa pa kundi ang makipag-espadahan ng dila dito habang mariing nakapikit ang kanyang mga mata. Napalalim ng ginawa nitong paghalik sa kaniya. Ang kamay nito ay unti-unti nang bumaba sa kanyang katawan patungo sa ibat-ibang maseselan niyang parte. Humahaplos at bahagyang humihimas. Isang ung0l ang bigla na lang kumawala sa aking labi ng wala sa oras dahil sa kilabot na binubuhay nito sa kaloob-looban niya. Tama na gusto niyang maging baliw din ito sa kaniya ngunit hindi niya akalain na sa kama lang ito magiging possessive sa kaniya. Ilang sandali pa ay bumaba na ang mga labi ni A

  • ARRANGED MARRIAGE WITH THE HEARTLESS BILLIONAIRE   BOOK2: Chapter 61

    NAPAIKTAD si Miri nang bigla na lang kagatin ng marahan ni Adam ang kanyang tiyan. “Bakit ayaw mong sumagot?” Tumitig ito sa kanyang mga mata, may apoy pa rin ang mga mata. “Kung may gusto ko sa akin ay bakit mo pa kailangang pumunta sa ganung klaseng lugar?” tanong nito sa kaniya. Akala niya ay nakalimutan na nito iyon ngunit mukhang hindi pa rin pala. Bumilis ang tibok ng kanyang puso. Napalunok siya. Alam niya na kapag hindi niya ito sinagot ay siya lang din naman ang mahihirapan. Pumikit siya ng mariin. “Dahil, dahil… ayoko sa nararamdaman ko! Ayokong, ayokong kontrolin mo ako dahil lang sa kung ano ang nararamdaman ko.” sagot niya rito. Hindi niya sinabi ang lahat ngunit totoo pa rin naman iyon.Ayaw niyang mabaliw siya at lamunin ng nararamdaman niya dahil baka hindi na niya tuluyan pang makontrol ang sarili niya, natatakot siya. Natatakot siya sa totoo lang. Tumaas ang sulok ng labi nito. “Hindi pa ba kita nakokontrol?” balik nitong tanong sa kaniya.Natahimik siya sandali.

  • ARRANGED MARRIAGE WITH THE HEARTLESS BILLIONAIRE   BOOK2: Chapter 60

    NATAHIMIK siya sandali. Dahil na rin sa sobrang saya niya na inisin ito ay halos nakalimutan na niya ang tungkol sa bagay na iyon. “Sa tingin mo ba ay matutuwa ang iyong ama kapag napabalita na ang nag-iisa niyang anak na babae ay pumupunta sa ganitong klaseng lugar?” muli niyang narinig ang tinig ni Adam.“Wala siyang pakialam sa akin. Tyaka pwede bang huwag mo na siyang isali sa usapan?” sabi niya na may halong hinanakit ang tinig. Kapag naalala niya ang kanyang ama ay mas lalo lang sumasama ang loob niya. Kung hindi dahil sa kaniya ay wala sana siya sa sitwasyong katulad nito. “Wala siyang pakialam sayo? E bakit mo pa ginagawa ang lahat ng ito?” tanong nitong muli sa kaniya. Natahimik na lang siya. Isang mahabang buntong hininga ang muli nitong pinakawalan. “Gusto mo bang subukan kung may pakialam siya sayo o wala?” tanong nito sa kaniya na para bang may naisip ng plano ngunit mabilis siyang umiling.“Ayoko.” “Kung ganun naman pala ay huwag na huwag ka ng babalik pa sa ganitong

  • ARRANGED MARRIAGE WITH THE HEARTLESS BILLIONAIRE   BOOK2: Chapter 59

    BIGLANG tumunog ang cellphone ni Miri dahilan para tumingin siya rito, nakita niya ang ilang chat ni Adam sa kaniya na naging dahilan ng pagbilis ng tibok ng puso niya. “Layuan mo ang lalaking katabi mo ngayon din Mirabella.” “Kapag hindi ka pa lumayo sa lalaking yan at baka kung ano ang gawin ko sa kaniya.” Nang mabasa niya ang mga iyon ay dali-dali siyang lumayo rito. Ilang sandali pa ay naramdaman niya nang may tao sa likod niya kaya nang lingunin niya ito ay nakita niyang si Adam na ito. Mabilis nitong hinawakan ang braso niya at pagkatapos ay biglang hinila patungo sa tabi nito. Ang mga mata nito ay tumingin sa kaniya habang nag-aapoy sa galit. “Anong pumasok sa kokote mo at nagpunta ka sa ganitong klaseng lugar?” salubong ang makakapal na kilay na tanong ni Adam sa kaniya. Napalunok lang siya at sinubukang pakalmahin ang sarili niya. “Na-bobored kasi ako sa bahay.”Nagtagis ang mga bagang nito. “Sapat na ba iyong dahilan mo para pumunta sa gantong klaseng lugar?” tanong pa r

  • ARRANGED MARRIAGE WITH THE HEARTLESS BILLIONAIRE   BOOK2: Chapter 58

    NAPABUNTONG-hininga na lang si Vanessa dahil sa sinabi ni Miri. napasulyap ito sa cellphone na nasa ibabaw ng mesa na kanina pa tunog ng tunog. “Bakit hindi mo sagutin yang cellphone mo? Kanina pa tunog ng tunog.” sabi nito sa kaniya.Ngumiti lang siya rito at umiling. “Para ano? Para sermonan lang niya ako?” balik niyang tanong sa kaibigan.Isang mahabang buntong hininga ang pinakawalan nitong muli. “Hindi talaga kita maintindihan Miri. masyado mong ipinapahamak ang sarili mo.” napailing na lang ito.Alam kasi nito na magagalit na naman si Adam sa kaniya kapag nalaman nito ang ginawa niya. Ginagawa niya lang naman iyon para malaman nito na kahit may nararamdaman siya para rito ay hinding-hindi siya magpapakontrol. Gagawin pa rin niya ang lahat ng gusto niya. Ilang sandali pa ay tuluyan nang nagsilapitan ang mga lalaking binayaran niya sa kanilang mesa. Sinubukan siyang kausapin ng isa ngunit mabilis siyang tumanggi. “Gusto mo bang dalhin kami sa ibang lugar Miss?” tanong nito sa ka

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status