Bumukas ang pinto ng kuwarto kung saan nakakulong si Ambria, bumungad sa kanya ang isang maganda at sexy na babae at pumasok din si Mike.
“Hi.” Nakangiting bati nito sa kanya. Ibinaba naman ni Mike ang mga bitbit niyang paper bags sa sahig. “Sino kayo? Anong kailangan niyo sa akin?” “I’m Lexy, Vito’s friend. Ibinilin ka niya sa akin kaya ako na ang bahala sa’yo.” Bumaling si Lexy kay Mike. “Ikaw na ang bahala sa kanya. Siguraduhin mong maganda siya mamayang gabi.” Bilin ni Mike sa kanya. “Okay, ako na ang bahala. Basta ba babayaran mo ako sa napagusapan na halaga.” “No problem.” Lumabas si Mike at nilocked ni Lexy ang pinto. Naupo siya sa gilid ng kama. “May dala akong mga damit kaya maligo—” “Ayoko.” Pagmamatigas ni Ambria sa kanya. Ngumiti si Lexy para makuha ang loob ni Ambria dahil yun ang usapan nila ni Mike. "Sabi ni Mike, tatlong araw ka na daw dito. Dapat siguro maligo ka na at magpalit ng damit.” Marahan na sabi Lexy sa kanya. “Masamang tao ka rin ba? Kasi kung hindi please tulungan mo akong makatakas dito. Bata pa ako at marami pa akong pangarap. Kailangan kong umalis dahil nag-aaral pa ako…maaawa ka sa akin…itakas mo ako dito…” pagmamaka-awa ni Ambria sa kanya. Suminghot ito at nagpunas ng luha. Napasinghap at buntong hininga si Lexy. “Sorry ha, I’m just like you. Striving to live each day. Tauhan din ako ni Vito pero iba ang trabaho ko. I’m a fashion designer, slash assistant, slash utusan ni Vito. At kapag pinalaya kita paniguradong hindi niya ako bubuhayin kahit kaibigan pa niya ako. But don’t worry looking at you…hmmm…” Sinuyod niya ng tingin si Ambria. “I think kaunting ligo at touch up lang maglalaway na si Vito sayo. But I’ve heard sixteen years old ka pa lang daw?” Tumango si Ambria sa kanya. Mukha lang siyang nasa legal age dahil maaga siyang nagdalaga. Sa edad kinse ay nagdevelop na agad ang boobs niya at balakang makurba din ang katawan niya. Kaya hindi aakalain na minor pa siya. “Are you still a virgin?” “Bakit mo tinatanong yan? Natural ang bata ko pa kaya.” Sagot ni Ambria sa kanya. “Oh, sorry…huwag kang magalit sa akin. Andito ako para mapadali ang buhay mo dito at gusto kong makita kung paano mabaliw sa isang babae ang kaibigan namin.” Nakangising sabi nito sa kanya. “Anong ibig mong sabihin?” hindi maunawaan na tanong ni Ambria.” “Sa dami ng babaeng idi-nate ni Vito, wala siyang inalok ng kasal. Pero ikaw na anak ng kaaway niya. Gusto niyang pakasalan. Ang weird diba? Ano kayang meron sa’yo?” nagtatakang napahawak si Lexy sa kanyang baba at sinuyod ng tingin si Ambria. “Gusto niya akong paghigantihan kaya gusto niya kaming magpakasal. Hindi pa siya nakuntento sa pagpatay niya sa daddy ko at pati ako gusto niyang gawing empyerno ang buhay. Walang ibang dahilan.” Wika ni Ambria sa kanya. Tumayo si Lexy at umikot upang tumanaw sa bintana ng kuwarto na may grills. “Alam mo ang isa sa kahinaan ng lalaki? Yun ay tayong mga babae. Kapag nahuli mo ang malambot na puso ni Vito. Mapapasunod mo siya kahit sa anong gusto mo. Ibibigay niya sayo ang lahat at gagawin ka niyang reyna ng kanyang palasyo. Pero kapag mas pina-iral mo ang katigasan ng ulo mo. Mag magiging miserable ang buhay mo dito habang kasama siya Ambria.” Nilingon niya si Ambria na nakatingin lang sa kanya. “Pareho kayo ng sinasabi ng lalaking yun kanina. At ano ang gusto niyong mangyari? Pumayag akong magpakasal sa lalaking pumatay sa daddy ko? Mas gugustuhin ko pang patayin na lamang niya ako. Dahil kahit kailan hindi ko siya mamahalin gaya ng akala niyo. Alam ko rin na hindi rin niya ako mamahalin dahil malaki ang galit niya sa akin. Pareho lang kaming magiging miserable ang buhay.” Paliwanag ni Ambria sa kanya. Bumalik ulit ang tingin ni Lexy sa labas ng bintana. “Kung alam mo lang ang pinagdaanan ni Vito. Maiintindihan mo siya kung bakit nagawa niya yun. He lost everyone that he love including the girl that he wanted to marry—” “Hindi ako naniniwala sa sinasabi niyo. Kilala ko ang dad ko. Hindi niya yun magagawa sa kahit na sino.” Seryosong lumingon si Lexy sa kanya. “Pareho kayong nabubulag sa galit niyo sa isa’t-isa. Ngunit hindi mo alam kung gaano kasama ang yung ama, Ambria. Lumaki ka sa europe hindi ba? Kaya paano mo nalaman na mabuti ang yung ama?” Natigilan si Ambria sa sinabi nito. “Maniwala ka man o hindi, labas na ako doon. Ang mabuti pa, maligo ka na kasi iba na ang amoy mo. Yung mga damit na dala ko ay bago. If you want to escape from this prison. Make Vito fall inlove with you. Yan lang ang tulong na maibibigay ko.” Nakangiting sabi ni Lexy sa kanya. Pagkatapos ay nagpaalam na ito. Sinunod niya ang bilin nito dahil kahit siya hindi na niya ma-take ang amoy niya at kailangan na niyang maligo at magpalit ng damit at underwear. Natatakot kasi siya na baka kapag naligo siya ay pasukin siya sa kuwarto kaya ayaw niyang maligo. Inilocked niya ang pinto ng banyo at hinubad niya ang lahat ng saplot niya bago nagbabad sa bath thub. Naalala niya ang sinabi ni Lexy sa kanya. Na kung gusto niyang makatakas ay kailangan niyang paamuhin si Vito. Ngunit hindi yun ang nasa isip niya kundi patayin ito at tumakas. Pagkalabas niya ng banyo ay nasa loob na ulit si Lexy. Nakalatag sa ibabaw ng vanity mirror ang mga mamahaling kolorete sa mukha. “Ako na ang pipili ng susuotin mo. Maupo ka muna dito at aayusan kita. Huwag kang mag-alala walang papasok sa room mo.” Wika ni Lexy sa kanya. Nakasuot lang siya ng roba at walang pagtutol siyang naubo sa harapan ng vanity mirror. "Ang taray ng aura mo, wala pang make up pero napakaganda mo na at natural ang kilay mo. Maganda rin ang kulay ng mga mata mo. Saka ang ilong, lahat nasa tamang posisyon. Siguro maganda ang mommy mo ano?” “Hindi ko alam, hindi ko pa siya nakikita. Sabi ni dad, iniwan daw ako ni mom sa kanya. Pagkatapos hindi na ito bumalik.” Malungkot na saad ni Ambria sa kanya. “Really? Kawawa ka naman pala. Siguro may dahilan naman ang mommy mo kaya siya umalis.” “Hindi ko alam, at ayoko na ring malaman pa. Hindi ko naman naranasan magkaroon ng nanay. Sa ngayon si Yaya Esme lang ang nanay ko. At siguradong alalang-alala na siya sa akin dahil hindi pa ako nakakabalik sa Europe.” Napatingin si Lexy sa salamin at nakita niya ang kalungkutan sa mata nito. “Ganito na lang, ibigay mo sa akin ang number ng yaya mo. Tapos tatawagan ko siya para sabihin nasa maayos ka.” Lumingon si Ambria sa kanya. “Bakit? Bakit mo gagawin yun? Paano kapag nalaman ni Vito—” “Hindi niya malalaman kung hindi mo sasabihin, saka naawa ako sayo eh. Naalala ko ang nanay ko. Kaso kinuha na rin siya ni Lord.” Ani niya sabay singhot at hawak ulit sa buhok ni ambria.” Samantala kakarating lang ni Vito nang makita niya ang kotse ni Lexy sa parking lot. Bumaba siya ng kotse niya at hinagis sa tauhan niya ang susi na magpaparada ng kanyang kotse. Nasalubong niya si Mike sa sala pagkapasok niya. “Nandito si Lexy? Anong ginagawa niya dito?” usisa niya. “Tinawagan ko siya para tulungan si Ambria. Para magkaroon na rin ng kausap. Baka mamaya maisipan niyang kagatin ang dila niya para magpakamatay dahil ilang araw na siyang nakakulong sa kuwarto niya.” Wika ni Mike sa kanya. Tumaas ang kilay ni Vito dahil nahihimigan siyang may paki-alam ito kay Ambria. “Bro, binabawasan ko lang ang problema mo sa babaeng yun. Kung makatingin ka parang kang selosong asawa—” “Shut up, isara mo yang bibig mo kung ayaw mong magalit ako sayo dahil nagdedesisyon ka nang hindi nagsasabi sa akin. Pababain mo si Lexy ngayon din at gusto ko siyang makausap.” Utos ni Vito sa kanya. “Ayan na pala sila eh!” Turo ni Mike sa hagdan nang makita niya si Lexy wearing her red dress at high heels stiletto shoes.” “Hi, Vito!” nakangising sabi ni Lexy sa kanya. Kumunot ang noo niya ngunit lalong kumunot ang noo niya nang kasunod na bumaba si Ambria sa hagdan. Suot ang hangang hita nitong floral off shoulder dress, naka-fresh look make up, doll shoes at naka-water fall hair braid ang buhok sa likod. “Introducing! Your little Bride, Ambria!” Bulalas ni Lexy. “Nice, ang galing talaga ng mga kamay ni Lexy, napaganda pa niya lalo si Ambria.” Mahinang sabi ni Mike na umabot lang sa pandinig ni Vito. “Sinong may sabing gawin mo yan?!” bulyaw ni Vito na ikinagulat ni Lexy. “Tinulungan ko lang ang magiging asawa mo, hindi mo ba nagustuhan?” Napakuyom ng kamao si Ambria at pagkatapos niyang suminghap ay tumalikod na siya at umakyat sa taas. “Ayan, nagtampo tuloy. Ikaw kasi” Paninisi ni Lexy. Napasapo na lang si Vito sa pinagagawa ng dalawa. Hindi sa ayaw niya ang ayos nito. Pero sa tuwing nakikita niya si Ambria. May kakaiba siyang pakiramdam na hindi niya maipaliwanag. “Sumunod kayong dalawa sa akin.” Matalim ang tingin na utos ni Vito kay Mike at Lexy at pumasok sila sa opisina nito.AMBRIA “Welcome home!!!” salubong sa amin nila Manang Fely at ni Inday. Kakarating lang namin mula France kaya medyo lutang pa talaga ako. Pero kahit paano nabawasan ang pagod ko nang makita ko sila ulit. Ang dating taga-silbi ni daddy. Sinuklian ko ng yakap ang pagsalubong nila sa akin. Ayoko na kasing kumuha pa ng panibagong kasama sa bahay dahil gusto kong sila pa rin ang magsisilbi sa akin kagaya ng pagsisilbi nila sa aking ama noon. “Hindi ako makapaniwalang, bumalik ka para kunin kamin ulit. Ang laki na nang pinagbago mo hija, mas maganda ka na ngayon at mas matangkad!” papuri niya sa akin.“Salamat po, pero nagugutom na kasi ako—”“Tamang-tama naghanda na kami ng makakain niyo. Tara sa kusina!" akay niya sa akin. Sabay-sabay naming pinagsaluhan ang masaganang hinanda nila sa aming pagbalik. Halos wala na ngang paglagyan ang tiyan ko sa kabusugan. Nagkuwentuhan din kami ng naging buhay ko sa Europe, mga lugar na pinuntahan ko yung mga naging training ko as Psychological
VITO“Sinigurado mo bang nakasakay siya sa eroplano bago ka umalis?” Usisa ko kay Mike nang nakabalik ito sa mansyon. Naupo ito sa tapat ko at matagal niya akong tinignan kaya nilapag ko ang tablet na hawak ko at sumandal ako sa swivel chair. “Why you look at me like that? Hindi ka pa rin ba makapaniwala na pinalaya ko si Ambria?” Napabuntong hininga siya at sumandal din sa upuan. “I don’t know, hindi ko mabasa ang isip mo, Vito. I’m just wondering kung bakit mo siya pinaalis samantalang alam ko naman na may pagtingin ka sa kan—”“Cut the crap, Mike. Na-realize ko lang na mas dapat hindi ko siya pakasalan dahil sa ginawa ng kanyang ama sa aking mga magulang at kay Myla.”Umiling siya sa akin at tumayo. Nagsalin ng alak sa dalawang baso at inabot sa akin ang isa. “Hindi yun ang tingin ko, natatakot ka lang na baka hindi mo mapigilan ang sarili mo na mahulog sa kanya kaya mo siya pinaalis na lamang.” Ako naman ang napasinghap at buntong hininga sa sinabi niya. Kahit ano talagang ga
AMBRIAMabigat pa ang talukap ko nang magising ako sa pamilyar na kuwarto. Ngunit mas nagulat ako nang makita ko si Vito nakaupo sa sofa na nasa tapat ng kuwarto ko. Napabalikwas ako ng bangon at ini-akap sa sarili ang makapal na comforter ng kama. “Mabuti gising ka na…magpapahain na ako ng pagkain.” Sambit niya sa malamig na tinig. “Hindi mo ako papatayin? Tumakas ako hindi ba? Si Ace? Pinatay mo na rin ba siya?” sunod-sunod na tanong ko sa kanya. “Bakit? Gusto mo pa rin bang tumakas kasama siya kahit muntik ka na niyang halayin?” Bumalik sa alaala ko ang nangyari sa kubo. Kung hindi sila dumating baka nagtagumpay na si Ace sa masamang balak niya. At paniguradong tinapos na rin niya ang buhay nito dahil nagawa niya akong bawiin ulit kay Ace. “Anong plano mo ngayon sa akin? Nasisiguro mo ba na hindi nga ako nagalaw ni Ace?” Hindi nakaligtas sa akin ang pagalaw ng kanyang panga. “It doesn’t matter anymore, I have my ways to proved it.” Wika niya sa akin. Kinuha nya ang ph
VITO“Malayo pa ba?” inip na tanong ko sa kanila. Halos dalawang oras na kaming nasa byahe, until now hindi pa rin kami nakakarating sa sinasabi nilang resort.“Malapit na tayo, Vito. Huwag kang mainip. Tama lang na by land tayo pumunta doon dahil kapag gumamit tayo ng chopper baka mas mahirapan tayong ma-corner sila.” Wika ni Mike. “By land or air, I don’t care. All I want is to see that bloody face of Ace and take it back, Ambria.” Walang emosyon na sagot ko sa kanya habang nakatingin sa mga nadadaanan naming kasukalan.”Tumunog ang phone ko at sinagot ko ang tawag ni Lexy. “What happen?”“Pabalik na ako sa mansyon, dala ang importanteng black book ni Richard.” Narinig kong sambit niya. “Black book?” usisa ko na pati Mike at Raul ay napatingin sa akin. “Oo, lahat ng mga illegal transaction ni Richard ay nandito at maraming involved na personalidad. Bukod doon may nakita din akong pangalan ng isang sikat na cargo shipping lines. Hindi ko mabasa dahil naka-code at chinese ang sula
AMBRIAHindi ko alam kung nasaan kami ngayon. Basta malayo kami sa siudad at matatarik na daan ang tinatahak ng sasakyan namin. Tumigil din kami sa isang drugstore kanina upang bumili ng gamot na panghupa sa sugat ni Kuya Ace. “Kumusta ang pakiramdam mo?” usisa ko sa kanya nang dalawin ko siya sa kanyang kubo. Nasa isang malaking resort kami sa gitna ng bundok. Tahimik, may mga pailan-ilan na bisita at bukod sa tatlong malalaking swimming pool may ilog din doon sa bandang itaas ng resort. Kubo din ang cottage kaya masarap sa pakiramdam at nakakahinga ako ng maluwag kaysa sa city dahil malago ang mga puno sa buong paligid. “Mabuti naman ako, Ms, Ambria. Salamat sa pagtulong mo sa akin.” Sagot nya. Naupo ako sa kawayan na upuan nasa tapat ng papag niyang may kutson na hinihigaan para makapag-pahinga na din siya. “Ako nga dapat ang magpasalamat sa’yo dahil pumayag kang isama ako. Alam kong labas na ako sa obligasyon mo at lalong mas mapanganib pa sa inyo dahil hinahanap din ako ni Vit
VITO“Boss, nakatakas si Ace at kasama niya si Ms. Ambria—”“FVCK!!!” umalingawngaw ang malakas na mura ko sa narinig kong sinabi ng isa sa mga tauhan kong nakaligtas sa pinagbantay ni Mike sa bahay nila Ambria. “Sorry boss—”“Vito—huwag!” harang sa akin ni Mike nang tutukan ko ng baril ang tauhan kong nakaluhod ngayon sa harapan ko. Masamang tingin ang ipinukol ko kay Mike. “It’s all your fault! Naging kampante kayo sa babaeng yun! At kasama niya ngayon si Ace! Ang lalaking matagal ko nang gustong ibaon sa lupa!” igting ang panga na sigaw ko sa kanya. “Alam ko, alam kong kasalanan ko. Kaya kung gusto mo siyang tapusin unahin mo na ako! Alam mong si Ambria lang ang hinahanap natin dahil akala natin naka-alis na ng bansa si Ace hindi ba? Kaya nga kulang anmg puwersa natin at natakasan tayo ng hayop na yun. Kaya hindi niya din kasalanan at lalong hindi mo dapat siya patayin.” sagot niya sa akin. Suminghap ako at napasabunot sa sarili. Kinalma ko ang sarili at inabot ko sa k