Nabalin naman ang aking tingin sa kanya. "Bukas makalawa na Mike," pangiting sabi ko sa kanya."Ah ganon ba, doon ka pala mag Christmas at magbabagong taon," sabay uminom ng wine."Ganoon na nga, eh ikaw ba?" Tanong ko naman sa kanya habang tinitingnan ang buttered shrimp na in-order ko."Well, dito lang nandito naman ang dad ko," ani pa niya sabay ngumiti ng kunti.Kumuha naman ako ng tissue at ipinahid sa aking labi. "Hindi ba uuwi ang mom mo?""Hindi siguro malabo namang makauwi iyon,""Ah siguro sa susunod uuwi na iyon.""Well,hopefully."Ilang saglit lang ay natapos na kaming kumain ni Mike. Pagkatapos ay nagdesisyon na rin kaming umuwi lalo na at lumalalim na ang gabi.Nang lumabas na kami ng restaurant ni Mike ay hindi ko namalayan na naiwan ko pala sa loob ng restaurant ang binili kong sapatos para sa dad ko.Nang palabas na kami ng mall ay tsaka ko pa naalala na naiwan ko pala ang sapatos na nabili ko sa IV's Restaurant.Sabay napahinto sa paglakad at lumingon sa entrance ng
"Ops ano ba iyan isa-isa lang ang tanong. Mahina ang kalaban," ani pa niya sabay huminga ng malalim."Ano ba talaga ang kailangan mo ha?" Galit na tanong ko sa kanya."Kararating ko pa nga lang mainit na agad ang ulo mo. At tsaka napansin ko, agad-agad naman yata ang paglabas mo ng pinto ng makita mo ako. Siguro inaabangan mo ako nu o di kaya nag-expect kana na ako ang paparating. Oy aminin," pangiting sabi niya habang nagawa pang magbiro sa akin."At nagawa mo pang mabiro ha! Pwedi ba umalis ka na lang dito, wala akong panahon makipag-usap sa'yo okay?" Galit na pagkasabi ko sabay tumalikod at lumakad palayo sa kanya."Sandali lang gusto lang naman kitang makausap eh," sabay sumunod sa akin at hinawakan ng mahigpit ang aking kamay.Napatigil at napahinto namn ako sa aking paglakad."Makausap? For what!?" sabay pag-alis ng kaniyang kamay mula sa pagkahawak sa aking kamay."Baka siguro pweding papasukin mo muna ako sa loob ng bahay mo ng sa ganoon ay maging maayos ang pag-uusap natin da
Natauhan ako sa mga sinabi ni Troy ng mga sandaling iyong kung kaya't pinagbigyan ko na lang siya na magpaliwanag sa akin at sabihin ang mga gusto niyang sabihin."Okay, pagbibigyan kita Troy," wika ko sabay buntong hininga."Pwedi ba akong pumasok?" Tanong pa niya na tila nag-alinlangan pa."Okay come in," sabay pinapasok ko siya sa loob ng aking bahay."Salamat," sabay pumasok."Maupo ka at ikukuha lang kita nang maiinom mo," ani ko pa sabay umalis at tumungo ng kusina.After 5 mins. Matapos kung maiabot sa kanya ang mainit na kape."Okay sabihin mo na ang gusto mong sabihin, 'wag lang pakitagalan sapagkat marami pa akong ililigpitin na mga gamit ko dahil may lakad pa ako bukas," sabay tumingin sa bintana."Bakit saan ka ba pupunta bukas?" Pagtatakang tanong niya sa akin sabay humigop ng kape.Agad naman akong napalingon sa kanya."Wala ka na roon!" "Sege, pasensya kana kung marami pa akong tanong sa iyo," ani pa niya sabay huminga nang malalim."Buti naman at alam mo," wika ko sa
"Troo.. Trooy is that you?" Palakas at pautal kong pagsabi habang hindi mapakali sa aking sarili dulot ng labis na pagkagulat at hindi makapaniwala."Oh bakit parang gulat na gulat ka?" Pangiting tanong ni Troy sabay tumawa dahil sa naging reaskyon ko."Anong ginagawa mo rito bakit ka nandito?" Palakas na boses na tanong ko sa kanya sabay tingin sa ibang pasahero. "Eto sumasakay ng eroplano," maikling sagot ni Troy habang panay lang sa pag-ngiti sa akin."Oo nga . Teka lang bakit nga ba? Saan ka ba pupunta ha? Sinusundan mo ba ako?" gulat at pagatatakang tanong ko sa kanya sabay napapaisip ng husto."Saan ba ang punta eroplanong sinsakyan natin?" Tanong pa niya sabay tinitigan ako sa aking mga mata."Sa Laguna," maikling sagot ko sabay napapaisip."E'di sa Laguna ang punta ko," wika pa ni Troy habang panay lang sa pag-ngiti at pagtawa habang kinakausap ako."Teka lang, hindi ba't isa kang Piloto at nagtatrabaho sa eroplano? Eh bakit_?"Nag-leave muna ako sa trabaho. Dahil magbabakasy
"Oh ganoon ba, bakit ka nga pala nandito. Tila para yatang nababasa ko na mayroon kang sasabihin sa amin ng Dad mo?" Sambit pa ni Mom na tila napapaisip ng husto."Um, sa katunayan po Mom ay magpapaalam po sana ako sa inyong dalawa ni Dad sa aking gagawing pagra-ride mamaya. Kung iyon po ay ayos lang sa inyo, total matagal tagal din namang akong hindi nakapag-ride hindi po ba?" Ani ko pa na tila may pag-aalinlangan.Napatigil naman sa pagbabasa ng dyaryo si Mom. "Hay nako ikaw talagang bata ka. At Sino naman ang kasama mong mag-ride samantalang wala na naman dito ang mga kaibigan at barkada mo," wika pa ng Mom ko sabay huminga nang malalim."Ako lang po Mommy. Simula pa naman nu'ng una ay nakasanayan ko nang mag-ride mag-isa,""At saan na naman ba iyang destinasyon mo ha?" Tanong niya habang napapaisip."Maglilibot libot lang naman po ako Mommy. Siguro doon pa rin sa lugar kung saan palagi kong pinupuntahan noon," ani ko pa."Osya mag-ingat ka ha at hinay-hinay lang sa pagda-drive. Ma
"Ayos lang, sanay naman akong makisabay sa anong trip," maikling sagot ko sabay ngumiti ng kunti."Tubong Laguna ka rin ba Kristina?" Tanong pa ni Joshua sa akin habang kanina pa nakatitig sa akin."Ah yes, tubong Laguna ako," pangiting sagot ko sa kanya."Anyway matagal na ba kayong magkakilala nitong kaibigan namin na si Troy?" Tanong naman ni Ivan sabay tinitigan si Troy."Um, actually_" biglang naputol ang aking pagsasalita dahil sa biglang sumulpot si Troy sa aming pag-uusap."Actually matagal tagal na rin kaming magkakilala nitong si Kristina. Honestly we meet in General Santos where she is currently working as Nurse roon," sulpot pa ni Troy sabay tiningnan ako."Kaya naman pala. Siguro hindi alam iyan ni Careen," sambit pa ni Lynx na siya namang binanggit ulit ang pangalan ni Careen."Who's Careen?" Palakas na tanong ko sabay nagtaka at napapaisip.Palihim naman na binunggo ni Joshua si Lynx sa kaniyang balikat na siya namang ikinabalisa nito."Careen? May sinabi ba akong ganoo
"At paano naging hidden forest ito?" Dagdag pa hi Ivan na tila naguguluhan dahil sa ibang-iba namang ang lugar na sinasabi ko sa kanila kanina."Ito na ba 'yung paborito mong lugar Kristina? Sigurado ka ba?" Tila nagdadalawang isip pa si Troy na sabihin ito sa akin.Napakamot naman ako sa aking ulo dahil sa kanilang pagkalito at pagtataka. "Alam kong nagtataka kayo sa ngayon. Sumunod lang kayo sa akin at makikita niyo rin ang hinahanap niyo," wika ko sa kanila sabay napataas ang aking dalawang kilay.Nagsimula akong lumakad papasok ng gubat habang nakasunod naman sila sa akin.Sa unang pagkakita mo ng gubat ay talagang magtataka ka nga dahil sa masalimuot ang lugar na ito at bukod pa roon ay madilim at parang nakakatakot ang lugar.Ilang minuto lang nang paglalakad namin ay nakarating na kami sa hidden forest na siyang tinutukoy ko. "So, ito na ang talagang hidden forest," sabay buntong hininga.Makikita mo ang lawak ng ilog, mga magagandahang tanawin, malalaking puno, sari-saring tun
"Paalam at salamat sa pagsama sa amin sa hidden forest Kristina. Nextime ulit," ani pa ng inang kaibigan ni Troy sabay na kumaway sa akin."Sege papaano Kristina aalis na kami, magkita na lang tayo ulit. Paalam at mag-iingat ka," mahinahon na pagsabi ni Troy habang ngumingiti sa akin na tila parang may kunting lungkot sa kaniyang mata na makikita."Walang ano man. Sege, mag-ingat din kayo, til' nextime," pangiting sabi ko sa kanila sabay kumaway.At umalis na sila ni Troy pauwi sa kanila, ganoon din ako ay bumyahe na rin pauwi sa bahay ko.Pagdating ko ng bahay ay insaktong naabutan ko pa na kumain sina mom at dad sa mesa."Hi mom, hi dad, good evening to the both of you," masayang bati ko sa kanilang dalawa sabay hinalikan sila isa-isa sa kani-kanilang pisngi."Oh kamusta naman ang ride mo at bakit ginabi ka na yata sa pag-uwi?" Pagtatakang tanong pa ni Mommy Neneth habang napatigil sa kaniyang pagkain."Mabuti naman at nakauwi ka ng ligtas," sambit pa ni Daddy Tony sabay pahid ng ti