Share

Chapter 20 Priority

“Nagkabalikan na naman kayo?” si Jandy habang sabay kaming kumakain ng pananghalian sa isang sikat na fast food chain. 

Isang beses akong tumango at nagpatuloy sa pagkain. Natagpi ko na kung alin ang tinutukoy niya. 

“Kailan kayo ulit maghihiwalay?”

Tinapunan ko siya ng masamang tingin dahil hindi nagustuhan ang biro niya. 

“Alam ba ni . . .”

Maagap akong umiling kaya hindi na niya naituloy ang pagbanggit ng pangalan. 

“Siyempre hindi ko sinabi,” tugon ko sa mahinang boses. 

“And for sure hindi rin alam ni Ryker ang tungkol kay . . .”

Umiling ulit ako. “Ayaw kong magkagulo pa. Matatapos din naman ang kung anumang ugnayan meron kami ni . . . Mr. Chua.”

Ngumuso lang si Jandy at hindi na nagbigay komento pa. Sawa na rin yata siya na paulit-ulit akong paalalahanan sa pinasok na bagay. 

Mas naging abala ako sa huling semester. Maski natapos na ang in

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status