Share

Chapter 18 His Woman

Sinubukan ko ang mag-move on at iginugol ang mga oras sa internship sa isang maliit na ospital. Nagkikita man kami ni Ryker minsan sa campus sa tuwing may lectures ako na dinadaluhan, hindi naman siya lumalapit sa akin. Nahirapan ako sa unang buwan simula nang hiwalayan namin. 

Pagod mula sa limang oras na pag-duty sa ospital, nakaidlip ako sa loob ng sinasakyang traysikel pauwi ng bahay. Kailangan ko pang maligo kaagad pag-uwi dahil may duty na naman ako sa restaurant. Naalimpungatan ako mula sa pagkakaidlip nang huminto ang traysikel sa tapat ng luma naming gate. Kumuha ako kaagad ng pambayad mula sa bag at iniabot ito sa drayber. Nagpasalamat ako at bumaba na ng traysikel. 

Pabukas pa lang ako ng tarangkahan nang makita ko ang nagmamadaling paglapit sa akin ni Aling Hilda. Bitbit pa niya ang mga damit na kinuha niya sa sampayan. Halatang galing sa kanilang bakuran at lumapit lang nang makita ako. Natigilan ako sa ginagawa at hinarap na siy

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status