Share

Chapter 3

Father, Daughter Conversation 

"SO, I am expecting you to come here next month, my dear daughter." Ani ng taong kausap ko sa harap ng webcam thru skype online chat.

"Sure, d-dad." Sagot ko rito. Minsan ko lang itong hinahayaang kausapin ako. I always refused his calls, ang laging dahilan ko ay busy ako sa negosyo ko. And also, it is so awkward to speak with him. Dahil siguro hindi ako nasanay.

"Oh, Anak. How I'm excited to see you. I'm sure, your Auntie Cell will also be excited to see you soon." Ang sabi nito na ikinangiti ko ng bahagya.

Dad married an American citizen woman. Cell Lacson is a pure Filipina, isa itong nurse sa New York at doon sila nagkita ng Dad ko at nagpakasal, without knowing na may mag-ina itong tinakbuhan noon dito sa Pilipinas.

Noong bata pa ako, galit ang pinairal ko dahil sa ginawa nito sa amin ng Mommy ko. But the past is past, I slowly accept his sorry. Hindi naman pala kasi nito alam na nabuntis nito ang ina ko noon. I don't know if he's telling me the truth, kasi ang tatlong tiyahin ko ay hindi naniniwala rito.

Lumaki man akong may galit rito, ngunit inaasam ko pa rin ang makita ito ng personal. My dad is not a perfect father like others, ngunit ng mabalitaan niya na may anak siya kay mommy noon ay hindi naman ito naging pabayang ama sa akin. Kahit hindi tanggap ng dalawang Tita ko noon ang sustento na nanggaling sa kanya, pilit paring dinidiin ni Mama Joan na obligasyon nito na sustentohan ako. Si Mama Joan ang nagipon ng lahat ng perang padala ni Daddy sa akin. Sa tatlo magkakapatid, ito ang lubos na nakakaintindi ng lahat. While my two tita's, masyadong mataas ang kanilang pride para sa ama ko. And I don't blame them too, nasaktan sila ng lubos sa sinapit ng bunso nilang kapatid noon.

Walang naging anak ni Daddy kay Auntie Cel, so the couple wants to adopt me, syempre at hindi pumayag ang tatlo kong mga tiyahin. And I also refused when my dad said that he wants to adopt me, hindi ko kayang iwanan ang mga tiyahin ko na simulang pagsilang ko pa lang ay sila na ang tumayong mga Nanay at Tatay ko.

Sa halos buong kabataan ko, galit ako kay Daddy. But when I reached my secondary school, doon ako unti-unting naliwanagan until I reached college. Isa si Daddy ang nag pursigi sa akin kung ano ang gusto kong kurso na kukunin. He said, mana talaga ako kay Mommy because my mom is also a fine arts graduate. Passion ni mommy ang arts.

Bago mawala si mommy noon, nangarap itong magtayo ng isang Antique shops. Kaya nang magtapos ako, ako mismo ang umabot ng pangarap ni Mommy. Ang perang naipon sa sustento ko galing kay Daddy noon ay siyang ginamit ko para itayo ang sarili kong negosyo ngayon.

I'm glad that my father supports what I want after I graduate. Inilihim namin pareho na isa ito sa tumulong na maitayo ko ang Ambrosia's Antique Shop. Nag-abot ito ng tulong pinansyal na kahit hindi ko na kailangan dahil sa malaki-laki rin yung naipon na pera niyang sustento sa akin noon.

"And I am also excited." Sagot ko sa aking ama.

"Hija, may problema ka ba?" biglang nagalala ang boses nito.

Umiling ako. "Wala ho."

"You sure?" bumuntong hininga ako. "You can tell it to me, Anak. Makikinig ang Daddy."

For a second time, bumuntong hininga muli ako. "I am tired," he scowled. "I'm tired obeying their rules, Dad. I'm tired of listening to them, and I'm tired of following what they want! I'm tired, Dad. I'm tired."

"Oh, my poor daughter. Pasensiya ka anak kung wala si Daddy sa tabi mo. But, look, kung ako siguro sa sitwasyon nila baka ganyan din ang mangyayari. Why? Because I want the best for my daughter, that's why gagawin ko ang lahat maging maayos lang ang kalagayan mo."

"But it's different, Dad. Iba kasi sila, lahat-lahat pinapakealam na nila. Even my personal life, my personal decision. Wala akong laya sa puder nila, Dad."

"That's why you have already decided to come over to my place, hija?"

"Yes, for a vacation. To refresh my mind and to be free with their eyes. Gusto kong mamuhay ng magisa muna malayo sa kanila. I'm not saying this dahil gusto ko na silang iwanan, I just want to make them realize that I won't be the baby Amber anymore. Malaki na ako at kaya ko nang tumayo sa sarili kong mga paa. I hope they will realize that, dad."

"Yeah, of course. Ilang araw na lang at 25 years old kana. You are not our baby anymore. Sayang at hindi ko man lang nasilayan ang kabataan mo. You see, 25 ka na sa pagkikita natin next months."

I pout. "Sorry, if I always refused your invitation-"

"No, it's okay, my daughter. I understand you. Kaya nga mas hihintayin ko na lang ang araw na magkikita tayo kesa ang ipilit sa 'yo na pumunta ka rito para mag bakasyon. And I'm sorry if Daddy won't have time to visit you this time, Hija. Noon sa paguwi ko diyan, pinagdadamot ka sa akin palagi ng mga tita mo. I'm very sorry kung hindi ko pinilit ang sarili ko na magpakita noon sa 'yo. Nahihiya ako sa kanila sa nangyari sa amin ng Mommy mo noon. Yes, I didn't mean to leave your mother while she's pregnant. But still, inaamin ko ang mali ko noon."

Tumango lang ako rito at yumuko.

"Hija, look at me." Nag-angat naman ako ng mukha at tiningnan ito sa mata. "Are you still mad at me?"

Tinitigan ko lang ito ng matagal sa mga mata niya habang nakatikom lang ang aking bibig.

"Speak. Let me hear your answer."

"Yes. Kaonti," deretsyong sagot ko. "Hindi ho dahil maayos akong nakikipag-usap sa inyo this past few years ay okay na ho ang lahat para sa akin. No! I'm still mad at you, Dad..." My tears began to fall. Agad ko iyong pinahid. "...Kasi dahil sa 'yo nawalan ako ng mommy. Yung totoong mommy ko. Oo may tatlong Mama ako sa tabi ko, pero may kulang pa rin Dad. Plus you are not here, yung feeling ko na nagiisa lang ako sa mundo. Tatlo ang nagmamahal sa akin, pero hindi sapat 'yon, Dad. Noon, sa tuwing nakikita ko ang mga kaklase ko na may totoong Mommy at Daddy ay naiinggit ako, kasi gusto ko ako meron din."

Matagal itong nakatitig sa akin bago bumuntong hininga. "I'm sorry, anak. Alam ko ako ang puno't dulo ng lahat sa pangyayari ngayon sa buhay mo. I'm really sorry, Anak..."

"Noon, palagi kong iniisip. Paano kung hindi kayo lumayo kay mommy noon? Magkakaroon kaya ako ng masaya at buong pamilya?" My tears fall again. "B-buhay kaya si mommy kung hindi niya dinamdam ang paglayo mo noon sa amin? Mararanasan ko kayang sumaya katulad ng mga schoolmates ko kapag sinusundo sila ng mga ito sa school?" I sob silently. "Ang malas ko dahil isa ako sa maraming bata na walang wastomhh pamilya, na ulilang lubos at bata na kabilang sa broken family."

"Anak-"

"Kung magkakaroon man ako ng sariling pamilya, pipili ako ng maayos na lalaking magiging ama ng anak ko. Yung lalaking may paninindigan at isang salita. At lalalaki na hindi ho katulad ninyo, na minsan ay naging isang pabayang ama."

I saw his tears fall on the side of his eyes. "I'm sorry, anak dahil naging isang pabayang ama ako sa 'yo. I accept your anger towards me. But, no matter what happens nandito lang si, Daddy, okay? I love you so much even if you are angry with me."

After our long conversation ay parang nawala ang isang mabigat na bagay na nakadagan sa aking dibdib. I don't know what happened, basta ang paguusap naming iyon ni Daddy ay siyang nagbigay ng kaginhawaan ng puso ko.

Ilang araw din ng hindi ako pinapansin ng mga tiyahin ko, except Mama Joan. Ngunit normal pa rin sa akin na humalik at magmano sa kanila bilang isang gumagalang na anak at pamangkin.

Hindi ko sila matiis, kaya bilang anak-anakan nila ay ako na ang gumawa ng paraan na magkaayos kami. That's my Mother Flordeliz, and Shirley, masyado silang matampuhin. Ngunit sa isang masuyong sorry ko lang, okay na sila. At sa isang ngiti lang nila sa akin. Masaya na ako at guminhawa na ang pakiramdam ko.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status