Share

Chapter 4

Disappointed

Nasa hapag-kainan kami at pinagsasaluhan ang masaganang hapunan.

"Hija, how's Ambrosia's shop?"

Nag-angat ako ng tingin kay Mama Flor. Ibinaba ko ang kutsara't tinidor ko. I also drink my pineapple juice and wipe my mouth using the table napkin.

"So far, okay naman ho."

"Ang sales?"

Lumingon naman ako kay Mama Joan at ngumiti. "Ayon ho, mas okay siya ngayon kesa noong nagdaang buwan," Sagot ko rito.

"That's good, hija," nakangiting wika ni Mama Shirley. "If your mom is still with us, siguro katulad namin ng mga Mama mo, masaya siya at napaka-proud sa 'yo."

Ngumiti ako ng matamis sa tatlo. "Yeah, how I wish she is with us. Um, so... Kumusta rin ho ang flower farm at shop ninyo, Ma?" Tanong ko rin sa tatlo, iniligaw ko ang usapan dahil siguradong malulungkot na naman sila sa pagkaalala kay mommy.

"The farm," napatingin kaming tatlo kay Mama Joan. "Yung Cactus na ikaw ang nagtanim, Anak, tumubo na at may maliit na siyang bulaklak."

"Wow, talaga ho?"

"Yes, even our orchids and our Bonsai Fortune and others. Namumulaklak na sila, hIja." Pagbibigay alam rin ni Mama Flor.

"Hep, ako rin. Yung tinanim nating Bogonvilla at Gumamela, hija, ayon namulaklak na rin sila ng napakaganda." bida rin ni Mama Shirley.

"Wow, dadalawin ko sila bukas na bukas rin at magdadala ako ng mga personalize vases and clay pots ko. Tamang tama at pwede ng gamitin ang mga paso na inihanda ko para sa Farm."

"That's great, Anak, dahil kailangan na namin ang mga 'yon. Ang dami na kasi ng Buyer natin sa Abrosia's Botanic Farm. Marami na tayong nagmamahal sa mga bulaklak." Masayang wika nilang tatlo.

I am glad that they are busy with their business. Lumago kasi ang Botanic Garden ni Mama Joan. Simula ng mag retiro sa pagiging guro ang dalawa kong tiyahin ay ibinuhos naman nila ang sarili sa paghahalaman. Kaya silang tatlo na ang nangangalaga niyon sa ngayon.

Kinaumagahan ay dinalaw ko kaagadnang mga tiyahin ko sa Farm dala-dala ko ang mga paso na ako mismo ang gumagawa para sa antique shop's business ko.

"There they are. They are so beautiful, right?" I said while looking at my vases full of flowers. "May bago na ho kayong palamuti rito sa Botanical Farm ninyo.

"Perfect." They respond in unison.

"Your hands are very talented, hija." Ani ni Mama Joan.

"And she has an artistic mind." Ani naman ni Mama Flor.

"And of course, a wonderful heart for us. Salamat sa vases at paso mo, hija. We appreciate your efforts. Siguradong tatangkilikin 'yan ng nga buyers dito, at siguradong dederetsyo sa Shop mo ang mga buyer natin dito."

"You are so much welcome mga, Mama ko. Thank you rin kay Mommy sa talent na ipinamana niya sa akin." Masayang nagyakapan kaming apat.

Hindi na ako nakabalik pa sa shop dahil sa paglalambing ng tatlo sa akin. Pinagbigyan ko naman silang tatlo, I ordered a snack for us at sa tatlo nilang trabahante sa Farm na iyon. Pagkatapos ay tumawag nalang ako sa Shop upang ipaalam na hindi na ako babalik doon.

Sumilong kaming apat sa bahay kubo nang dumating na ang mga snacks na in-order ko.

"Malapit na ang ika 25th birthday mo, Ija. Ilang tulog na lang" Panguna ni Mama Shirley. "What's your plan?"

I'm in my deep thought while having our snacks. Hindi ko pansin na tinatanong pala ako ng tatlo kung ano ang mangyayari sa darating kong kaarawan.

"Hija..."

"H-huh? Ano ho 'yon, Mama Flor?"

"Ang tanong ng mga ate, kung ano ang balak mo sa darating mo na kaarawan." Aniya ni Mama Joan.

"Ah..." Napatango ako saka napalunok. "Um, meron na ho akong plano. That's after I celebrate my birthday."

Kumunot ang mga noo nila sa akin. "Plano?" Ang nagtataka at sabay nilang tanong.

Napalunok akong muli, huminga ng mariin at saka sila tinitingnan. "Um- I, I talk to Dad the last w-weekend."

Natigil ang pag-nguya ang mga ito at sabay tumitig sa aking direksyon.

Ang tagal ko ring pinag-isipan kung kailan ako magsasabi o di kaya'y magpaalam sa mga ito na hindi sila tututol sa naging decision kong pagbabakasyon sa lugar ni Daddy.

"M-may ticket na ho ako papunta kay Dad next month, after my birthday celebration here. M-mabilis ang tourist visa ko dahil noon pa man iyon na aprobahan. U-um-"

"Nagdedesisyon ka na naman ng ikaw lang?" Mama Shirley's against voice.

"Hindi mo man lang kami tinanong kung okay sa amin o hindi?" Segunda naman ni Mama Flor.

"Hija, hindi na ba kami importante sa 'yo? Kaya hindi mo na lang pinaalam sa amin bago ka nag desisyon ng ganyan?" Mama Joan look disappointed that time.

"A-alam ko naman kasing tututolan ninyo ako. K-kaya, nag desisyon na ho ako bago pa ako magpapaalam sa inyo. I'm so sorry–"

"But it's still wrong, Iya. Pumayag man kami o hindi kailangan alam pa rin namin. Kaylangan din namin malaman 'yon." Unti-unting nagtaas ang boses ni Mama Shirley.

"Hindi mo man lang isinaalang-alang ang pagiging ina namin sa 'yo?" Mama flor also said.

"Sinulsulan ka ba ng Ama mo? Sinasabihan ng magagandang plano kaya agad kang nag desisyon ng para sa sarili mo?"

"Ate Shirley,"

"No, Joan. Do not defend her now to us. Kaya nagkakasungay 'yang batang 'yan dahil sa pangungunsinti mo at ng ama niya!"

"Hindi ho ako kinukunsinti ni Dad, at mas lalong hindi ako suwail. Sarili ko hong gusto ang makarating sa bansang iyon. You knew it, since I was a child dream ko ring ang makarating sa bansang 'yon, Ma." Sagot ko rito.

"See, sumasagot ka na talaga saakin, Iya."

Umiling ako rito. "Ang laki ng utang na loob ko sa inyo at respeto, Ma. Hindi ko kayo sinuway sa mga gusto ninyo na gawin ko, right? But I'm sorry if I make this decision all alone. Hindi naman ho dahil dito ay wala na agad akong respeto sa inyo." Paliwanag ko. "Sana maintindihan n'yo ako na minsan ay kailangan ko ring magdesisyon para sa sarili ko."

Napapailing ang tatlo sa akin.

"Maiintindihan kita Anak kung sinabi mo man lang sa amin ito. This time, I feel so disappointed in you, Amber..." Mama Joan said and left.

Napalunok ako at nanubig ang mga mata ko sa pagtayo at pagtalikod sa akin ni Mama Joan. Masakit, kasi yung akala ko na siya ang mas makakaintindi sa akin, siya pala ang mas unang hindi sasang-ayon sa aking gusto.

"We did our best to be your guardian, Iya. Nagmamalasakit lang kami para sa 'yo. Kung minamasama mo, We're sorry, pero ginawa lang namin ang sa tingin namin ay makakabuti para sa 'yo. Now that you want your freedom, get it. Wala na akong magagawa, ikaw na mismo ang may gusto." Sabi naman ni Mama Shirley sabay tayo at talikod sa akin.

Doon na tuloyan tumulo ang mga luha ko. Lumingon ako sa nagiisang kaharap ko.

"Ma-"

She stops me to speak. "Masakit para sa amin na mga magkakapatid ang unti-unting paglalayo ng loob mo sa amin. Pilit ka namin inuunawa, Amber. Pilit ka rin namin inunawa sa mga pagsuway mo sa amin. But this...?" umiling-iling ito. "Ito na siguro ang desisyon mo na pinakamabigat para sa amin na tanggapin. You know that- that your father is the main reason kung bakit nawala sa amin ang pinakamamahal naming bunsong kapatid. Now, he is also the reason why you want to leave us. Yung takot namin noon na mawawala ka sa pangagalaga namin ay mangyayari na sa ngayon."

"M-ma, please-"

"I am also disappointed, Amber, so much. Ikaw na ang kusang lumalayo ngayon. Wala na kaming magagawa doon." Sabi nito saka rin ako tinalikuran.

I couldn't stop my tears to fall habang nakatanaw sa papalayo ng mga ito sa kinaroroonan ko.

Mali bang sarili ko muna bago kayo? It's my Dad. Kadugo ko naman 'yon. Mali bang sundin ko muna ang minimithi ng puso ko na makita man lang ang ama ko? Sana maintindihan ninyo rin ako...

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status