LOGINMas idiniin pa ni Adonis ang katawan nito sa kanya. Ramdam niya ang init ng katawan nito pati na ang mabilis na kabog ng dibdib. Hinaplos niya ang kaliwang dibdib ni Adonis at marahang pinakiramdaman ang tibok nun. "What, Mandy..narinig mo ba ang bulong ng aking puso? Humihinga lang iyan para sayo.." malambing na sabi ni Adonis. Nag-init bigla ang pagkababae ni Amanda. Matagal na nang huli silang magsiping. Hindi n'ya akalain na ganito pa rin sila kasabik sa isa't-isa. Nakikiliti siya sa ginagawa ni Adonis . Marahan kasing hinahaplos nito ang parte ng balakang niya pataas sa likuran n'ya habang gumuguhit ng pabilog ang hintuturo nito roon. Napaigtad siya ng siilin ni Adonis ng halik ang kanyang baba papunta sa kanyang leeg. Mukhang balak pa nga nito gumawa ng chikinini roon.. Ngunit nasa ulirat pa naman s'ya kaya marahan niya itong pinigilan."Hmmm... Asonis.. huwag d'yan... tutuksuhin ako ni Jhea kapag nakita nya," ungol ni Amanda. "Ahhh!! Ammmm.."Napaungol siya ng bigla nitong
Bumukas ang pinto ng opisina ni Tyrone nang malakas. Walang katok. She burge inside the office, looking smugly. Si Issa. Naka-white dress na hapit na hapit na, hindi pa rin halata ang tiyan niya. Namumula ang mata pero dahil sa concealer hindi ito kapansin-pansin, hawak ang isang brown envelope na nanginginig."See it for yourself, Tyrone, kung hindi ka pa naniwala sa pregnancy test, kung hindi ka naniwala sa medical paper mula sa St. Luke's na buntis ako... pwes ito na ang ultrasound results ko!"Nilapag niya sa desk ni Tyrone nang malakas ang ultrasound. Tatlong kopya. May black and white na bilog sa gitna.Tumingin si Tyrone, pero hindi niya hinawakan."Issa, what are you doing here? I told you to wait for my call.""Wait? Maghihintay na naman ako? Ilang beses mo na akong pinaghintay, Tyrone! Nung sinabi mong hihiwalayan mo si Amanda, naghintay ako! Nung sinabi mong ayusin mo si Lola Rosa, naghintay ako! Tapos ngayon malalaman ko sa secretary mo na magbu-book ka ng flight pa-B
Makati City. 38th Floor, Montenegro Holdings Tower.Tahimik ang opisina ni Tyrone Montenegro, pero yung katahimikan na parang bago sumabog ang bulkan. Aircon na sobrang lamig, malaking glass window na tanaw ang buong Makati skyline, pero si Tyrone nakatayo, nakasandal sa desk niya, pawis ang noo kahit naka-aircon.Hawak niya ang phone."What do you mean Adonis is in Bukidnon?!" Halos mabasag ang boses niya. Lumitaw ang ugat sa leeg niya, sa noo, sa kamay.Sa kabilang linya, si Boyet — yung pinagkakatiwalaan niyang tao, ex-military, na inutusan niyang i-track si Amanda simula nung umalis ito sa party niya at hindi umuwi ng mansion. "Sir, kaninang umaga lang yan. I was following Mr. Evangelista when I heard about his boarded a plane last night and it took me two hours before I confirmed about his departure. So it happened just today, Mr. Montenegro.""And Amanda? Si Amanda?""Yes sir, please check the files that I sent..."Habang nakikipag-usap, binuksan ni Tyrone ang laptop niya. Nag
Naiwan silang dalawa sa harap ng Casa Blanco Manor.Si Jhea at Harold malayo na, pero ramdam pa rin ni Amanda yung kaba. Hawak ni Adonis yung bag niya na parang hindi niya alam kung ibababa ba o tatakbo ulit pabalik sa Range Rover."Amanda," ulit ni Adonis. Boses niya mahina na, wala na yung selos kanina. "Pwede ba tayong umupo muna? Please."Hindi sumagot si Amanda. Pero naupo siya ulit sa bench na iniwan nina Jhea. Sumunod si Adonis, pero may isang dangkal ang pagitan nila. Parang dati, nung hindi pa sila magka-away.Tahimik ng ilang segundo. Ang naririnig lang ay yung hangin at yung kaluskos ng dahon ng avocado."Sorry," sabi ni Adonis. "Sa nangyari kanina. Kay Harold. Hindi ko alam na pinsan mo.""Sanay ako," sabi ni Amanda, malamig. "Sanay ako na ganyan ka. Mabilis magalit, mabilis maghinala."Tumingin si Adonis sa kanya. "Hindi lang yun yung dahilan kung bakit ako nandito."Hindi sumagot si Amanda. Nakatingin sa malayo. "Amanda, yung nangyari three days ago sa party ni Tyrone..
Alas sais ng hapon sa Casa Blanco Manor.Si Jhea at Amanda nasa labas, nakaupo sa lumang wooden bench sa ilalim ng puno ng avocado. Hawak nila ang kape nilang barako, medyo malamig na dahil puro chismis ang inatupag nila. Si Harold, nakasandal sa fence, katatapos lang painumin si Cielo, suot pa rin yung black long sleeves niya, pero basa na sa pawis.Tahimik ang bukid, yung tipo ng katahimikan na naririnig mo yung hangin sa mga dahon ng pine.Tapos, narinig nila ang ugong ng makina.Hindi yung Hilux ni Harold. Hindi yung owner-type jeep ni Manong Eddie.Isang black Range Rover, maalikabok, parang galing pa sa mahabang byahe mula Cagayan de Oro. Huminto sa tapat mismo ng manor.Bumukas ang pinto ng driver.At bumaba si Adonis.Naka-white polo, sleeves na nakatupi, maong, at yung pamilyar na relo niya. Pero mukhang pagod, may dalang maliit na leather bag, at ang mga mata niya — diretsong nakatingin sa tatlong tao sa labas.Natulala si Amanda. Nalaglag halos yung kape niya.Si Jhea, na
(Bago dumating si Adonis)Maingay ang umaga sa Rancho.Si Amanda nasa kitchen pa lang, nagtitimpla ng kape, si Jhea naman nasa labas na, suot na ulit yung checkered polo na may price tag pa rin, at pilit na sumasakay kay Cielo."Jhea! Marahan lang! Hindi motor yan!" sigaw ni Manong Eddie, yung caretaker."Manong, hindi ba to may break? Paano prumeno nito?!" pabirong sigaw pabalik ni Jhea habang nakakapit nang mahigpit sa lubid ni Cielo.Tatawa-tawa si Amanda mula sa veranda. Si Cielo, sanay na sa mga baguhan, dahan-dahan lang naglalakad sa paddock, paikot-ikot sa green na damuhan na basa pa sa hamog. Ang lamig ng hangin sa Fortich Greenhills at Impasugong ay 18 degrees, amoy pine at damo."Girl, wag mo hilahin! Haplos lang!" sigaw ni Amanda."Eh natatakot ako! Baka tumakbo!"At parang narinig ni Cielo yung takot ni Jhea, bigla itong huminto sa gitna ng paddock at ayaw nang gumalaw. Kahit anong hila ni Jhea, ayaw."Ayaw niya sa akin! Amanda, ayaw niya sa akin!"Doon mismo, may narinig







