Pagkapasok ko ng school kinabukasan, nahagip kaagad sa paningin ko si Jaypee na nakaupo lang sa isa sa mga bench malapit sa building namin at mukhang may malalim na iniisip. Alam na kaya ng mga magulang nila?
"Hi, morning," bati ko sa kaniya at umupo sa tabi niya.
Bahagya lang siyang tumango pero hindi siya nag-angat ng tingin sa 'kin.
"Si Franzen?"
Nanatili siyang nakayuko at hindi nagsasalita kaya bigla akong kinabahan.
"Wala na. Umalis na siya, R-Raya," naiiyak na aniya.
Hindi ko alam ang gagawin ko nang unti-unting nalaglag ang mga luha niya.
"H-Ha?"
"Alam na ng parents niya... kaya sila umalis. N-nalaman ko lang... kanina no'ng susunduin ko na dapat siya."
<Maginhawa ang buhay ko noon sa Laguna kasama ang mga magulang ko. Iyong tipong binibigay nila lahat ng gusto ko, mga pangangailangan ko at kahit ang mga bagay na hindi ko naman hinihingi sa kanila. Maraming naiinggit na mga kaedad ko sa kung anong meron ako.Pero ang hindi nila alam, hindi ako masaya sa buhay kong ito. Hindi batayan sa 'kin ang materyal na nabibigay sa 'kin ng mga magulang ko para maging masaya. Ang tanging bagay lang na gusto ko ay magkaroon kami ng bonding nina Mommy't Daddy, pero wala eh.Hanggang dumating 'yong puntong kinailangan kong lumipat sa puder ng Lola ko dahil sa mga trabahong tinahak nila. Pareho silang politicians, Mayor si Daddy habang kapitana naman si Mommy. Busy sila masyado at hindi nila ako nabibigyan ng sapat na oras at atensyon... mas pinili nilang kay Lola na lang ako manirahan pansamantala.Kaya heto ako ngayon, after a couple of years, babalik sa puder nila dahil sa isang pangyayaring gusto kong kalimutan.
Raya Digo "Bakit ka ba lumipat dito sa Laguna?" anang kaibigan kong si Keith. Almost 2 months na akong nandito sa Laguna. Simula no'n, nakasanayan na namin ni Keith ang lumabas every Sunday. Bonding na rin, gano'n. Nandito kami ngayon sa paborito naming coffee shop na malapit lang sa village namin. Linggo ngayon kaya lumabas kaming dalawa. Wala rin naman akong ginagawa sa bahay at siya naman ang kasama ko kaya okay lang. Sumimsim pa muna ako ng kape bago ko siya sinagot. "Because I want to." "Naku! Kung ako ikaw, do'n na lang ako sa Batangas, maganda rin naman do'n, hindi ba?" "Kung naranasan mo lang ang mga pinagdaanan ko sa Batangas, Keith... sigurado akong aalis ka rin do'n at dito rin ang bagsak mo." Iyan sana ang isasagot ko sa kaniya pero huwag na lang pala, baka kasi tanong lang siya nang tanong. Mahal pa naman laway
Kinabukasan, maaga akong nagising. Pagtingin ko sa orasan na nasa side table ng kama ko, 5:11 am pa lang. Hindi pa siguro umalis sina Mommy't Daddy. Hindi na ako nagsayang pa ng oras kakahilata sa kama, agad akong naligo at ginawa ang iba ko pang ritwal. Wala pa akong school uniform so nagsuot muna ako ng white t-shirt tucked inside my high-waisted mom jeans, partnered with white sandals.Pababa ko sa hagdan, nakita ko si Keith na nakaupo na sa sala kasama si Daddy."Hi Raya. Good morning," nakangiting bati sa akin ni Keith nang nakita niya ako."Good morning din."Lumapit ako gawi nila at umupo sa tabi ni Daddy."Good morning, Dad." Hinalikan ko pa sa pisngi si Daddy."Good morning too, Baby. How's your sleep?""Hindi ko po alam, tulog po ako, eh."Narinig ko pang mahinang tumawa si Keith habang si Daddy naman.
Natapos ang pang-umaga naming klase na puro ako pagpapakilala sa mga lecturer ko. Masasabi kong maganda naman silang makitungo sa mga estudyante rito.Actually, lahat ng nandito ay naaayon sa plano ko. Gusto ko kasing mag-aral nang mapayapa at sa tingin ko... nasa tamang paaralan ako.Iyong mga estudyanteng nakakasalubong namin ay ngumingiti sa 'kin, which is strange for me. Hindi naman kasi ganito ang mga estudyante sa former school ko.Tinatahak namin ngayon ni Keith ang pasilyo patungong canteen. Dito raw kami kakain para ma-try ko ang mga pagkain nila rito.Punong-puno ng estudyante ang canteen pagkapasok namin ni Keith. Lahat ng tables ay occupied na rin.Hinawakan ako ni Keith sa kamay at hinila papunta sa kanang bahagi ng canteen. Huminto kami sa table kung saan nakaupo na do'n sina Franzen at Jaypee— iyong dalawang nagpakilala sa 'kin kanina."H
Kapag nabo-bored ako, kadalasang ginagawa ko ay gumagawa ako nang blog kung ano ang mga ginagawa ko ngayong araw at pinopost ko sa social media accounts ko para memories na rin.Andito kami ngayon sa room, 1:41 pm na pero wala pa ring pumapasok na Lecturer. Walang nakakaalam kung bakit pero mukhang pabor naman sa lahat. Halos lahat ng classmates ko ay busy. May mga naglalaro ng video games, may mga kumakain, may mga natutulog, may naghaharutan, nag-aasaran at may iba din na parang may sariling mundo.Si Keith ay busy. Hindi ko alam kung ano ba 'yong ginagawa niya, ayaw niya kasing magpa-distract.Si Jaypee at Franzen naman, parang ayaw mahiwalay sa isa't isa. Buti naman at hindi pa sila nilalanggam sa kasweetan nilang dalawa. Sana all lang, noh?Si Xander? Hanggang ngayon ay wala pa siya rito. Siguro ay importante ang pinag-usapan nila ni Dean. Napag-alaman ko lang naman na siya pala ang President ng
Lumingon ako nang may tumawag sa 'kin. Si Alexander lang pala."Ikaw na lang daw ang mag-represent sa section natin sabi ni Sir Leron," saad niya."Hala. Ba't ako?" nanlaki ang mga mata ko dahil sa gulat.Ako? Parang hindi naman yata bagay."Ang adviser daw kasi natin ang mag-oorganize no'ng event kaya si Sir Leron ang naatasang mag-manage sa section natin. At siya na rin ang nagpili sayo," paliwanag niya."Raya, payag ka na. Total, maganda ka naman tapos matalino," singit naman ni Franzen na nakikinig din pala.Well, hindi lang siya ang nakikinig, pati 'yong dalawa— si Keith at Jaypee."Oo nga. Beauty and brain din kasi 'yang Ms. Campus kaya ka siguro pinili ni Sir Leron dahil matalino ka," sang-ayon naman sa kaniya ni Jaypee.Kahit kailan talaga, supportive itong si Jaypee kay Franz
Medyo late na akong nagising. May eyebags pa ako dahil siguro sa iyakan kagabi. Nah, I wanna forget about what happened last night. Ayoko sa lahat ay nakikitang umiiyak ang parents ko dahil nasasaktan din ako.Mas maigi sigurong mag-focus ako sa present dahil ayoko rin namang mabuhay sa nakaraan. Pinalaki akong masayahin ni Lola... 'di ko raw dapat problemahin ang mga problema. Sabi rin sa 'kin ni Mommy dati noong bata pa ako na hindi ko raw dapat tambayan ang mga problema.Kaya heto ako ngayon at ngiti nang ngiti na para bang walang nangyari kagabi.Nagsuot lang ako nang isang plain white long sleeves at tinucked-in sa high-waisted mom jeans ko at white sandals. Naglagay na rin ako ng light make-up para matago ko ang maitim at malaki kong mga eyebags.Sinalubong ako ng mga nag-aalalang mukha nina Mommy at Daddy."Good morning, Dad," nakangiting bati ko kay Daddy at hinalikan siy
Napalingon kaming lahat nang may biglang galit na sumigaw. Iyong adviser lang pala ni Jenelle— mukhang pinapagalitan siya. Dahil siguro sa kasabihan niya? We don't know.Hindi na kami nakinig sa usapan ni Jenelle at ng adviser nila. Nagbihis na rin ako. Nagsuot lang ako ng isang blue formal dress. Iyong mga kasama ko naman ay suot-suot pa rin ang white t-shirt na may print ng mukha ko pero nagdagdag sila ng denim jacket para match daw sa blue dress ko.Kinabahan ako nang nagsimula na ang talent portion. May mga kumanta, sumayaw, tumula, at umarte. Pang-sampo ako kaya medyo nape-pressure ako dahil nakita ko na ang mga pinagmamalaking talent ng ibang mga contestant.Mas dumoble ang kaba ko nang ako na ang tinawag. Matagal bago kami nagsimula dahil sinet-up pa ang mga instrument na gagamitin namin.Todo cheer ang mga classmate namin nang nagsimula na si Keith sa pagtipa sa piano. Iwinagayway pa ni