Share

Chapter 7.2

Ipinarada ni Kuya Dan ang sasakyan sa harap ng isang malaking bahay. Hindi ko gaanong kita ang disenyong nito dahil medyo madilim na rin.

Habang papasok sa malaking bahay na iyon, lagi lang akong nakayuko dahil sa nakakasilaw na mga ilaw galing sa mga camera ng mga reporter na nasa gilid. Hindi ko alam na covered by media pala itong party na ito. Kung nalaman ko lang, sana hindi na ako sumama pa.

"Are you okay?" biglang tanong ni Mommy habang nakahawak ako sa kanilang dalawa ni Daddy.

"Hindi ko naman po alam na may media po pala. Sana hindi na lang po ako sum—"

"Good Evening, pare. Buti naman at nakapunta ka, kakalimutan ko na sanang magkaibigan tayo, eh."

Isang baritonong boses ang sumalubong sa aming tatlo. May edad na rin siguro ito dahil halos kulay puti na rin ang kaniyang bigote at ang buhok nito.

"Oh, pare, makakalimutan ba kita? Happy Birthday!"

Governor? 

"Haha, Thank you, Thank you!"

Nakuha ni Mommy ang atensyon ko nang hinawakan niya ang kamay ko't ngumiti siya sa 'kin.

"Ito na ba si Raya?" biglaang tanong ni Governor at tumitig sa 'kin.

Lumingon lang sa 'kin si Daddy at binigyan ako ng pilit na ngiti bago niya hinarap si Governor.

"Ahm, yes," mabilis pa sa alas-kuwatro ang sagot ni Daddy. "At siya ang mapapangasawa ng panganay mo."

Bigla akong nanghina. Hindi naman kasi ito ang Daddy na nakilala ko noon. Oo, minsan ay ayokong nakikita siyang galit o naaasar kasi parang naging ibang tao siya. Siguro nga nagbabago talaga ang tao, ang Daddy na nakilala ko kasi noon ay hindi niya ako dinidiktahan kung ano ang dapat kong gawin, hinahayaan niya lang ako.

"Hahaha. Naku, mukhang hindi matutuloy ang deal nating iyan, pare. Ayaw ng anak ko, ayon nga at naglayas, eh. Pero kung gusto talaga ng anak mo, pwede naman nating pilitin ang panganay ko."

Wait, What? Kung gusto ko talaga? Eh, hindi ko naman kagustuhan 'yan, ah. Bakit mukhang ako pa ang nagmumukhang desperada rito?

Nanlilisik na mga mata ang ibinaling ko kay Mommy na ngayon ay nakayuko na lang.

"Ahm, Dad."

Napalingon kami doon sa tumawag at nanlalaki ang mga mata nang nakilala kung sino 'yon.

"Jaypee?"

"Uy, Raya. Good evening! Nandito ka na pala."

"Ahm, oo. Halata ba?"

Tawa lang ang sinagot niya sa 'kin at naapakamot pa sa ulo.

"Do you know each other, son?" biglang tanong ni Governor.

"Ahm, yes, dad. We're classmate."

Tumatango-tango lang si Governor sa sinabi ni Jaypee. 

"Btw, Dad, hinahanap na kayo ni Mommy."

"Okay! Okay!" sagot niya kay Jaypee bago humarap sa amin. "Just enjoy the party, alright?"

"Yeah, sure, governor. We will," sagot ni Mommy.

Lumapit sa 'kin si Jaypee. "Kanina ka pa hinihintay ni Franzen. Nalaman niya kasing pupunta kayo."

Magpapaalam na sana ako kay Mommy't Daddy pero tinanguan kaagad nila ako.

Inalalayan ako ni Jaypee papunta sa kinaroroonan ni Franzen. Akala ko ay si Franzen lang ang naroon pero nandoon din pala si Keith, Xander at wait... Jenelle? Nasa isang malaking bilog na lamesa sila at may dalawang upuan na lang ang wala pang nakaupo, siguro ay para sa amin talaga iyon.

"Hi, Raya!" masiglang bati ni Franzen na para bang antagal na naming hindi nagkita.

"Franzen, nagkita lang kayo kanina, huwag kang umasta na para bang ilang taon kayong hindi nagkita," pambabara ni Keith bago tumayo at nagbeso sa 'kin.

Exactly!

"Hoy, Keith, huwag mo akong pinakikialaman. Ang atupagin mo ay kung paano mo mapapasagot ang isa diyan."

Biglang tumikhim si Xander kaya hindi na nakasagot si Keith kay Franzen. Inalalayan pa ako ni Jaypee paupo sa katabing silya ni Xander. Bali nasa gitna ako ni Xander at Keith ngayon.

Babatiin ko na sana si Xander nang biglang tinapunan ako ni Jenelle nang masamang tingin. Nasa tabi siya ngayon ni Xander. At kung makadikit ay parang magnet na.

"Let's all welcome, the birthday celebrant, Governor Jaycee Licardo!" masiglang sigaw ng emcee.

Umakyat si Governor sa stage na ginawa nila habang malalakas na palakpak ang iginawad ng mga naroon.

"Good evening, everyone. First of all, thank you coming! This really mean a lot for me. I don't want to be emotional here so iiklian ko lang ang speech ko. I just want everyone to enjoy the party and the rest of the night. Thank you everyone! Cheers to 50 years and more years to come!" itinaas niya ang wine na dala-dala at gano'n na rin ang ginawa ng lahat at sabay-sabay na ininom iyon.

Ang iba ay pumunta na sa buffet area para kumuha ng pagkain habang kami naman ay hindi na pumila pa para kumuha ng pagkain dahil ang pagkain na mismo ang lumapit sa amin. Utos daw kasi iyon ng Governor, sabi ni Jaypee.

Habang kumakain kami, tahimik lang pareho si Xander at Jenelle. Kung kaninang umaga lang ay nagbibiro itong si Xander, ngayon ay parang hindi maipinta ang mukha.

"Buti na lang talaga, ininvite mo ako, Jaypee."

"Bakit naman?"

"Kasi wala sila Mommy sa bahay dahil may business trip."

"Ano namang ikinasaya mo roon?" naguguluhan at tila naiinis na tanong ni Franzen.

"Kasi ang mga kasambahay lang ang kasama ko. Puro tuyo lang naman niluluto nila kapag wala ang parents ko."

"Masarap naman ang tuyo, ah," singit ko.

"Oo nga. Masarap nga. Pero hindi naman nila ako binibigyan. Sabi nila, may pera naman daw ako kaya mag-order na lang daw ako o kaya ay mag-take out."

"Buti nga."

"Anong buti nga? Kung ikaw kaya ilagay sa posisyon ko, ha, Franzen?"

"Can you please shut up? Can't you see? Kumakain tayo, oh," maarteng suway ni Jenelle.

"Can you please shut up, too? Can't you see? Nag-uusap kami, oh. And as far as I know, hindi ka kasali roon kaya huwag kang sumisingit diyan. Epal," sagot sa kaniya ni Franzen at ginagaya pa ang paraan ng pagkakasabi niya.

"Franzen," may diing tawag ni Jaypee kay Franzen.

"What? Bakit? Totoo naman, ah!" matapang na tugon ni Franzen bago isinubo ang buong fried chicken sa harap mismo ni Jenelle dahil magkatabi lang naman sila.

"You're unbelievable, Franz."

"Oops. Don't call me Franz. Close ba tayo? Ha? Close tayo?"

Tiningnan ko si Keith na ngayon ay parang may sariling mundo habang kinakain ang sarili niyang pagkain. Si Jaypee naman ay nakatingin lang sa dalawa. At syempre si Xander, na parang wala man lang narinig o nakitang sagutan sa harap niya.

"Ugh!" maarteng singhal ni Jenelle.

"Ugh!" nag-roll eyes pa si Franzen habang ginagaya niya ito.

Biglang hinawakan ni Jenelle si Xander sa braso at biglang hinila patayo.

"Let's go, babe. Ang to-toxic ng mga tao rito."

WHAT????

Duraneous

Hello, guys. Please drop your thoughts about this chapter/book. I'm open for criticism. Please help me to do better! Thank you!

| Like

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status