Share

Chapter 7.3

Parehong nakalaglag ang mga panga naming apat. Tatanungin ko na sana sila pero obvious na obvious sa mga reaction nila na wala silang kaalam-alam sa nangyayari.

"Totoo ba 'yong narinig ko?" tanong bigla ni Keith.

Halo-halong emosyon ang makikita ko sa mata ni Keith. Naguguluhan, nasasaktan at tampo. Well, naiintindihan ko siya. Matagal na niyang kaibigan si Xander at matagal na siyang may gusto kay Jenelle, at alam ni Xander 'yon pero sa isang iglap, malalaman niya na lang na mag-jowa na ang dalawa? Kahit saang banda, masakit 'yon. Masakit na masakit 'yon. Walang sumagot sa tanong niya dahil wala naman talagang may alam.

"Jaypee."

Napaangat kaming apat nang may biglang dumating sa table namin at tinawag si jaypee. May pagka-mestisa ito, singkit at siguro, kaedad lang ni Mommy.

"Tita," bati ni Jaypee.

Tumayo si Jaypee, gano'n na rin ang ginawa namin. Unang b****o si Jaypee na sinundan ni Franzen, Keith at ako ang panghuli.

"Where's Xander?"

Medyo may pagka-korean ang accent niya. Ito siguro ang Mommy ni Xander. Nabanggit niya kasi sa 'kin before na may lahing Korean siya.

"Ahm," napakamot si Jaypee sa batok, nawawalan ng masabi. "Umalis po, Tita... kasama po si Jenelle."

"Al gess-eoyo. gamsa haeyo."

"Cheonman-eyo, ajumma."

Nakanganga lang kaming apat dahil wala naman kaming naintindihan. Umalis na ang babae sa harap namin kaya may pagkakataon na akong itanong kung tama ba talaga ang hinala ko.

"Mommy ba ni Xander, 'yon?"

Tumango lang si Jaypee kaya hindi na ako nagngulit pa. Bumalik na lang kami sa pagkakaupo. Hanggang ngayon ay parang hindi pa rin maka-get over ang tatlo sa nasaksihan nila kanina. Well, ako, okay na naman sa 'kin. That's their life. Wala na kaming magagawa sa kanila. Eh, sino ba naman ako? Isa lang akong hamak na kaibigan na palihim na may pagtingin sa kaniya.

"Oh my God!"

Napatingin kaming apat kay Franzen. Mukhang nataranta pa si Jaypee nang nakita niyang naiiyak ang girlfriend niya.

"Bakit? Anong nangyari? Okay ka lang?"

"Totoo ba 'yong nakita ko? Totoo ba 'yon?"

"Ang alin?" singit ko. Medyo nag-aalala na rin ako kay Franzen dahil nanginginig siya.

"Iyong cake kanina. Ang sarap kasing tingnan. Gusto ko nang gano'n, baby. Pwede ba akong manghingi? Please?"

Pareho kaming napatunganga ni Jaypee dahil sa sinabi ni Franzen. Akala ko naman kung anong napaka-importante dahil nanginginig pa talaga siya. Cake lang naman pala.

Umalis si Jaypee sandali dahil kukuha raw siya ng cake para sa girlfriend niya. Biglang tumayo si Keith at nakapamulsang humarap sa 'ming dalawa ni Franzen.

"Una na ako, guys."

Hindi na niya kami hinayaang sumagot at pigilan siya. Tumalikod siya sa 'min at diretsong naglakad palabas. Hindi ko masasabing alam ko ang nararamdaman niya pero naiintindihan ko siya. Gano'n na lang ba talaga ka-importante si Jenelle sa buhay niya? Eh, halata namang wala siyang puwang sa buhay nito, eh.

"Alam ko ang nararamdaman ni Keith."

Nakuha ni Franzen ang buong atensyon ko. Hindi ako sumagot kaya ipinagpatuloy niya ang dapat niyang sabihin.

"Gan'yan din kasi kami ni Jaypee noon. Naalala mo no'ng sinabi ko sa 'yo noon? 'Yong sinabi ko sa 'yong sinagot ko kaagad siya no'ng nangligaw siya sa 'kin?"

"Ahm, oo."

"Sinagot ko siya noon kasi nanghingi siya ng tulong sa 'kin. Sinabi niya sa 'kin na may girlfriend na siya pero hindi niya naman mahal 'yon. Ang parents niya lang ang may gusto sa babaeng 'yon kasi anak 'yon ng business partner nila. Syempre no'ng nalaman ko 'yon, nasaktan ako, crush ko siya, eh."

"Sinabi niya sa 'king kailangan niyang humanap ng babae na handang magpanggap na jowa niya para ipakilala sa parents niya... para mahiwalayan niya 'yong babaeng anak ng business partner nila. No'ng una, ayaw niyang ako ang gamitin, kasi hindi ko raw deserve 'yon. Mas deserve kong mahalin ng totoo... hindi ko raw deserve na gamitin lang ng isang katulad niya. Eh, kung kasing gwapo niya lang naman ang gagamit sa 'kin, why not, 'di ba?"

Medyo natawa ako sa huling sinabi ni Franzen. Halata sa mukha niyang nasasaktan siyang balikan ang nangyari noon sa pagitan nila ni Jaypee pero nakuha niya pang tumawa.

"So, 'yon. In the end, sa 'kin pa rin ang bagsak niya. Ako ang ginamit niya. Sabi pa niya sa 'kin noon na kahit hanggang isang buwan lang 'yong pekeng relasyon namin kasi hindi ko naman daw siya gusto... hindi ko raw siya mahal. Gusto ko nga siyang sagutin noon na kung alam niya lang na palagi ko siyang pinagnanasahan sa isip ko, eh. Pero hindi pa kasi gano'n kakapal ang mukha ko noon. Pero luckily, hindi lang kami hanggang isang buwan, kasi habang tumatagal, napamahal na kami sa isa't isa."

"Hey, anong pinag-uusapan niyo?"

Hindi namin namalayan ang pagdating ni Jaypee habang may dala-dalang 4 na slices ng cake. Medyo nakatuon lang kasi kami sa isa't isa ni Franzen.

"Sinabi ko lang kay Raya 'yong nangyari sa 'tin noon. Ganito rin kasi tayo noon, 'di ba? Crush kita tapos nalaman kong may girlfriend ka na. Ang sakit lang."

"Oh, I'm sorry, baby. Hindi ko naman sinasadya 'yon, eh."

"Eh, ano pa nga ba? Mahal kita, eh."

Tumukhim ako dahil parang hindi na ako maka-relate sa kanila. Tumawa lang ang dalawa.

"By the way, where's Keith?"

"Ayon, umalis na. Hindi yata kinaya ang nga revelations ngayon, eh," sagot naman ni Franzen.

"Loko 'yon, ah."

"Hayaan mo na, sadboy, eh."

Hindi na kumibo pa si Jaypee at iniabot na lang sa amin ni Franzen ang tig-iisang slice ng cake.

"Thank you."

"Pwe! Bakit ganito 'yong amoy? Ang pangit naman ng amoy na 'yan, baby. Ilayo mo sa 'kin 'yan. Please."

Inamoy ko ang cake pero hindi naman pangit ang amoy. Gano'n na rin ang ginawa ni Jaypee.

"Hindi naman, ah."

Tinakpan na lang ni Franzen ang bibig niya at patakbong umalis. Hindi ko alam kung saan ang punta niya pero nagmamadali kaming sumunod sa kaniya ni Jaypee. Parehong nag-aalala kung ano ang nagyayari sa kaniya.

Napahinto kaming pareho ni Jaypee nang narinig naming dumuduwal na si Franzen sa loob ng powder room. Nanlaki pa ang mata ni Jaypee na nakatingin sa 'kin bago nagmamadaling pumasok sa loob. Sumunod na rin ako sa kaniya.

Naabutan naming nagkalat na sa buong lababo ang idinuwal niya. Inalis ko ang tingin ko roon kasi feeling ko, anytime ay masusuka na rin ako.

"What happen?"

"I don't know, bigla na lang... bigla na lang kasi akong nasuka no'ng naamoy ko 'yong cake. Hindi ko rin maintindihan, eh. Alam mo namang paborito ko 'yon, 'di ba? Kaya ewan ko kung paano at bakit nangyari 'yon."

Bigla na lang akong natulala. Hindi ako ipinanganak kahapon para hindi malaman kung ano ang posibleng nagyayari kay Franzen. Nilingon ko ang dalawa na ngayon ay magkayakap na.

"Buntis ka ba, Franzen?"

Biglang napahiwalay si Franzen kay Jaypee at tiningnan ako ng masama.

"Raya, bakit mo nasasabi 'yan? Pino-point mo bang gano'n akong babae? Pino-point mo bang pabaya ak—"

Hindi ko alam pero biglang nanlaki ang mga mata ni Franzen at bumaling sa boyfriend niya na ngayon ay parang naubusan na ng dugo dahil sa putla.

"Oh my god! Ito na nga ba ang sinasabi ko sa 'yo, eh. Bakit ba kasi hindi ka nakinig sa 'kin, Jaypee?" naiiyak na sabi ni Franzen at hinahampas pa ang d****b ni Jaypee.

"Hindi ko alam na mangyayari 'to, okay? I'm sorry."

Hindi man nila sabihin pero alam ko kung ano ang pinag-uusapan nila. I can't believe this. They're too young para sa bagay na 'yon. Grade 10 pa lang kami for God's sake.

Hindi kami nagtagal sa powder room kasi pare-pareho na kaming nadidiri sa amoy roon. Bumalik kami sa table namin. Walang nagsasalita.

"Raya, I hope you don't judge us."

"Bakit ko naman kayo huhusgahan, Jaypee? Hindi niyo nga ako hinusgahan no'ng nalaman niyong pinagsamantalahan ako, 'di ba?" ngumiti pa ako sa kanila.

"Hindi ko naman kasi alam na ganito pala ang mangyayari, eh," tila nagsisising tugon ni Jaypee.

"So pinagsisisihan mo ang nangyari sa 'tin, gano'n ba, Jaypee?"

"Of course, not. Masyado kasing mabilis ang pangyayari."

"Siguro mas better kung magpa-check up muna kayo para naman sure, 'di ba?"

"Uh, Pwede mo ba kaming samahan sa sabado, Raya?" ani ni Jaypee.

"Ha? Eh, sige. Wala rin naman akong gagawin, eh."

"Salamat."

Todo bantay si Jaypee kay Franzen buong magdamag. Kinukuha niya lahat ng gustong kainin Franzen kahit pa palagi na lang na hindi nito kinakain ng girlfriend. Nagpaalam na rin ako sa kanila no'ng nag-text si Mommy na uuwi na raw kami at late na. Nangako na lang ako sa kanilang sasamahan ko silang dalawa bukas para magpa-check up.

Madaling araw na siguro ako nakatulog dahil puno ang isip ko. Hindi ko kaagad naproseso ang mga nangyari kanina sa party. Iyong nalaman naming magjowa pala si Jenelle at Xander, 'yong nakwento ni Franzen ang nangyari sa kanila ni Jaypee noon at 'yong hinala naming buntis nga si Franzen.

What a day!

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status