Hindi ko alam kung anong oras na akong nakatulog kagabi. Palagi kasing sumasagi sa isip ko ang mumunting reaksiyon na nakita ko kay Xander kahapon. Kung paano siya natulala pagkatapos nilang marinig ang kwento ng nakaraan ko, ang mga tawa niya, at kahit ang pagsimangot niya.
Sa iksi nang panahon na nakasama ko si Xander, masasabi kong magaan ang loob ko sa kaniya at alam ko na siya 'yong tipo ng kaibigan na andiyan palagi para sa 'yo na handang pakinggan ka sa mga kadramahan mo sa buhay, handang damayan ka lalo na sa mga oras na down na down ka na. Hindi ko pa siya gaanong kakilala. Hindi ko pa alam ang mga strength at weaknesses niya.
Hindi pa ako umaabot sa puntong pinapangarap ko na sana kami na lang, na sana siya na lang ang nakilala ko noon kaysa kay Vince. Pero alam kung humahanga ako sa kaniya, by his physical appearance at sa mga maliliit na bagay na alam ko tungkol sa kaniya— positive or negative.
Isang katok ang nakapagpagising sa diwa ko. Halos kalahating oras na pala akong gising at nakahilata lang sa kama.
"Good morning, anak."
"Good morning, Mom," pabalik na bati ko kay Mommy.
"Governor invited us. May party raw mamaya sa bahay nila and they're expecting us to be there."
"Mom, may klase ako, eh."
"Mamayang gabi pa naman, anak," aniya sa malambing na boses.
Lumabas na si Mommy sa kwarto ko pagkatapos kaya naligo kaagad ako at nagsuot ng cardigan jeans, white blouse at white flat shoes, nalagay na rin ako ng light make-up para naman matago ang pinagpuyatan kong eyebags kagabi.
Walang formal class dahil sa event kahapon. Imbes na ballpen ang hawak namin ngayon, walis at dustpan ang dala-dala't hawak-hawak namin.
"Uy, Xander," tawag ni Keith kay Xander habang pinupulot ang kalat.
"Hmm?"
"Hindi ba may staff naman? Bakit tayo ang pinaglinis dito?"
"Oo nga. Ang daming kalat, oh," nakasimangot na sang-ayon naman ni Franzen.
"Ayon na nga, eh. Maraming kalat at tayo ang may gawa niyan kaya responsibilidad natin 'yan. Hindi niyo ba natutunan sa EsP 'yan? Kapaligiran ay alagaan para suliraning pangkapaligiran ay maiwasan."
"Anong EsP? AP 'yon, shunga," singit ni Jaypee.
"Sabi ko nga, AP," palusot niya pa. "Pero seryoso, kalat natin 'to, kailangan nating maging responsable rito. Hindi 'yong pagkatapos nating gamitin, iiwan na lang natin basta-basta. Boom!" Hinawakan pa niya ang dibdib niya na tila ba nasasaktan siya sa sinabi niya.
Minsan talaga, hindi natin nababasa at hindi natin malalaman ang isang tao kung kailan ito seryoso o hindi. Like Xander, kahapon lang naman ang seryoso niya, palaging nakasimagot at ngayon naman, may pagkaseryoso pero may halong kalokohan na. Mood swings?
"Kanina lang nag-lecture ka... tapos ngayon, hugot na naman? Itigil mo 'yang kabaduyan mo, John Alexander," inis na tugon ni Franzen bago ipinagpatuloy ang pagpupulot ng b****a.
Iiling-iling na pinagmasdan ko sila. Makikita mong wala silang tinatago sa isa't isa. Walang plastik, kumbaga.
Just like before, kumain kami sa cafeteria no'ng nag-lunch, pumunta kami sa mini-forest, pinagmasdan ang araw na unti-unting nawawala.
"Guys, una na ako, ah. May importanteng lakad pa kasi kami nina Mommy't Daddy, eh."
"Hatid na kita," sabay na sabi ni Keith at Xander sa 'kin.
"Ay, kaloko! Haba ng hair," natatawang buyo ni Franzen.
"Naku, Xander, huwag na. Si Keith na lang, nasa iisang village lang naman kami kaya... siya na lang maghahatid sa 'kin... sa kaniya na lang ako sasabay."
"Ahh, sige. Ikaw bahala."
Ilang minuto lang ang itinagal bago kami nakarating sa bahay. Hindi na pumasok si Keith sa bahay dahil nagmamadali raw siya't may gagawin daw siya.
"Your gown is in your room na, darling. Magbihis ka na dahil on the way na make-up artist dito."
Tumango lang ako kay Mommy at dumiretso sa kwarto ko. Tama nga si Mommy, nando'n na at nakalapag sa kama ang gown na susuotin ko. Isa lang simpleng dress lang ito na kulay puti. Dumiretso ako sa banyo para mag-prepare na. Ito ang unang party na pupuntahan ko na kasama sina Mommy't Daddy.
"Alam mo, hija, ang ganda mo."
"Naku, salamat po," tugon ko sa isang make-up artist na inaayusan ako.
"Anong pakiramdam na nasa politika pareho ang mga magulang mo?"
Hindi agad ako nakasagot sa kaniya. Anong pakiramdam?
"Masaya po na ewan."
"Haha, bakit naman?"
Sasagot na sana ako nang biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko at biglang pumasok sina Mommy't Daddy.
"Matagal pa ba iyan, Brenda?" tanong kaagad niya sa make-up artist na nag-aayos sa 'kin.
"Malapit na po ito, kapitana," magalang na sagot naman nito.
Matiim na tinitigan ako ni Daddy, tila ba sinusuri ang suot at ayos ko ngayon.
"Anong meron sa titig mo, Daddy?"
Mahina siyang natawa at lumapit sa 'kin.
"You're big na, princess. I hope na hindi magbago."
"Ayon na nga, Daddy, eh. I'm big na pero princess pa rin tawag niyo sa 'kin. Don't call me princess, please. Pati po mga kaibigan ko tinatawag ako ng princess, eh."
"Eh, princess ka naman talaga ng mommy mo. Pero sige, I will stop calling you princess in one condition," nakangising sabi ni Daddy.
"Ano po 'yon?"
"Kapag pumayag kang pakasalan ang anak ng governor kapag nasa legal age ka na," diretsahang sagot niya.
Natigilan ako. Literal na natigilan sa narinig ko kay Daddy.
"Rome!" napataas ang boses ni Mommy nang sinuway niya si Daddy.
"Okay, I'm sorry but... Fine! Mamaya na natin 'to pag-uusapan. Please be quick, Raya. Baka ma-late tayo roon," ani Daddy at umalis na.
"Kausapin ko lang Daddy mo, ah. Tapos sunod ka na rin sa baba para makaalis na tayo," sabi ni Mommy at nagmamadaling sumunod kay Daddy palabas.
Hindi pa rin maalis sa sistema ko ang mga narinig ko kanina kay Daddy. I'm too young for that at marami pa akong gustong maabot at gustong tuparin na matagal ko nang pinapangarap. At higit sa lahat, ayokong matali sa lalaking hindi ko naman mahal o gusto man lang.
Siguro ay napansin ng make-up artist na nakatulala lang ako kaya hindi na rin siya nagsalita pa at binilisan na lang ang kilos. Hindi naman gaanong nagtagal at natapos na rin ang pag-aayos sa 'kin. Pagbaba ko, naabutan kong nakaupo lang ang parents ko sa sala at walang nagsasalita.
"Tara na po?"
I'm trying to light up the mood kasi ayokong masira ang gabi nila na pwedeng madala pa nila sa party. Tumayo naman kaagad silang dalawa at iginaya pa ako palabas ni Daddy habang nakasunod naman si Mommy sa 'min.
Medyo malayo ang pinuntahan namin at minsan ay tahimik lang kami sa biyahe pero gaya ng ginawa ko kanina, pilit kong pinapagaan ang mood nila. Palagi ko silang tinatanong about sa mga trabaho nila pero ang titipid lang ng kanilang mga sagot kaya wala na rin akong magawa kung hindi ang manahimik na lang.
Ipinarada ni Kuya Dan ang sasakyan sa harap ng isang malaking bahay. Hindi ko gaanong kita ang disenyong nito dahil medyo madilim na rin. Habang papasok sa malaking bahay na iyon, lagi lang akong nakayuko dahil sa nakakasilaw na mga ilaw galing sa mga camera ng mga reporter na nasa gilid. Hindi ko alam na covered by media pala itong party na ito. Kung nalaman ko lang, sana hindi na ako sumama pa. "Are you okay?" biglang tanong ni Mommy habang nakahawak ako sa kanilang dalawa ni Daddy. "Hindi ko naman po alam na may media po pala. Sana hindi na lang po ako sum—" "Good Evening, pare. Buti naman at nakapunta ka, kakalimutan ko na sanang magkaibigan tayo, eh." Isang baritonong boses ang sumalubong sa aming tatlo. May edad na rin siguro ito dahil halos kulay puti na rin ang kaniyang bigote at ang buho
Parehong nakalaglag ang mga panga naming apat. Tatanungin ko na sana sila pero obvious na obvious sa mga reaction nila na wala silang kaalam-alam sa nangyayari."Totoo ba 'yong narinig ko?" tanong bigla ni Keith.Halo-halong emosyon ang makikita ko sa mata ni Keith. Naguguluhan, nasasaktan at tampo. Well, naiintindihan ko siya. Matagal na niyang kaibigan si Xander at matagal na siyang may gusto kay Jenelle, at alam ni Xander 'yon pero sa isang iglap, malalaman niya na lang na mag-jowa na ang dalawa? Kahit saang banda, masakit 'yon. Masakit na masakit 'yon. Walang sumagot sa tanong niya dahil wala naman talagang may alam."Jaypee."Napaangat kaming apat nang may biglang dumating sa table namin at tinawag si jaypee. May pagka-mestisa ito, singkit at siguro, kaedad lang ni Mommy."Tita," bati ni Jaypee.Tumayo si Jaypee, gano'n na rin ang ginawa namin. Unang bum
Tulad nang nakasanayan, maaga akong pumunta sa school pero parang late pa rin ako. Hindi ko alam kung saan ang may problema. Advance lang siguro ang oras ng school kaysa sa bahay kaya gano'n.Pagkababa ko ng sasakyan, sinalubong kaagad ako ng isang maganda at fresh na preggy."Good morning, Raya.""Good morning, Franz," pabalik na bati ko sa kaniya. "Oh, bakit ka pa nandito at saka nasaan si Jaypee?" tanong ko nang napansin kong siya lang mag-isa."Nauna na siyang pumasok sa 'kin, sabi niya, kakausapin niya raw si Keith at Jaypee about doon sa nnagyari kagabi at sasabihin niya raw 'yong hinala natin about sa nangyari sa 'tin."Oo nga pala. Siguro ay mayro'n pang tampo si Keith about sa nangyari kagabi. Siguro nga ay tama ang gagawin ni Jaypee para hindi rin kami mahihirapang makisama sa kanila. Mahirap rin nama
Kinabukasan ay nagising ako dahil sa ingay ng phone ko. Pagtingin ko sa caller ID, dali-dali ko itong sinagot. Ni-loud speaker ko na lang ito para marinig ko pa rin habang nagbibihis ako."Uy, Thalia. Good morning!""Good morning, Raya. Kumusta ka na?""Okay naman. Ikaw ba?""O-Okay naman," medyo may pag-alinlangang sagot niya.Napaupo tuloy ako sa kama... nag-aalala kung talagang okay siya. Alam ko kung okay ba talaga ito o hindi kasi hindi naman ito nag-aalangan kapag tinatanong ko ito noon."Okay ka ba talaga?"Natahimik siya sa kabilang linya. Hindi ko siya kinulit dahil alam kong ayaw na ayaw niya no'n. Kalaunan ay nakarinig ako ng mahinang hikbi."W-Wala akong k-kwenta, Raya. I'm useless. Nang dahil sa 'kin... nag-away sina Mama'
"V-Vince?" Paano ako natunton ng lalaking 'to?Nagtangka siyang lumapit sa 'kin kaya dali-dali akong naglakad papalayo sa kaniya. Pero dahil nga matataas ang biyas niya, ay naabutan niya pa rin ako at marahas na hinawakan ang braso ko. Bakit ba kasi nandito 'to? Paano niya ba ako napuntahan? Taena naman."Raya, please. Kausapin mo naman ako," pagmamakaawa niya."Wala na tayong dapat pag-usapan, Vince. Pwede ba, bitawan mo ako?"Imbes na bitawan ako ay mas lalo pa niyang hinigpitan ang pagkakahawak sa braso ko."No. May dapat tayong pag-usapan, Raya. Bumiyahe ako galing Batangas para sa 'yo tapos hindi mo ako kakausapin?"Aba, ang kapal nga naman ng kalyo sa mukha nitong lalaking 'to."Eh, sino bang may sabi sa 'yong pumunta ka rito?" na
Pagkapasok ko ng school kinabukasan, nahagip kaagad sa paningin ko si Jaypee na nakaupo lang sa isa sa mga bench malapit sa building namin at mukhang may malalim na iniisip. Alam na kaya ng mga magulang nila?"Hi, morning," bati ko sa kaniya at umupo sa tabi niya.Bahagya lang siyang tumango pero hindi siya nag-angat ng tingin sa 'kin."Si Franzen?"Nanatili siyang nakayuko at hindi nagsasalita kaya bigla akong kinabahan."Wala na. Umalis na siya, R-Raya," naiiyak na aniya.Hindi ko alam ang gagawin ko nang unti-unting nalaglag ang mga luha niya."H-Ha?""Alam na ng parents niya... kaya sila umalis. N-nalaman ko lang... kanina no'ng susunduin ko na dapat siya."
Maginhawa ang buhay ko noon sa Laguna kasama ang mga magulang ko. Iyong tipong binibigay nila lahat ng gusto ko, mga pangangailangan ko at kahit ang mga bagay na hindi ko naman hinihingi sa kanila. Maraming naiinggit na mga kaedad ko sa kung anong meron ako.Pero ang hindi nila alam, hindi ako masaya sa buhay kong ito. Hindi batayan sa 'kin ang materyal na nabibigay sa 'kin ng mga magulang ko para maging masaya. Ang tanging bagay lang na gusto ko ay magkaroon kami ng bonding nina Mommy't Daddy, pero wala eh.Hanggang dumating 'yong puntong kinailangan kong lumipat sa puder ng Lola ko dahil sa mga trabahong tinahak nila. Pareho silang politicians, Mayor si Daddy habang kapitana naman si Mommy. Busy sila masyado at hindi nila ako nabibigyan ng sapat na oras at atensyon... mas pinili nilang kay Lola na lang ako manirahan pansamantala.Kaya heto ako ngayon, after a couple of years, babalik sa puder nila dahil sa isang pangyayaring gusto kong kalimutan.
Raya Digo "Bakit ka ba lumipat dito sa Laguna?" anang kaibigan kong si Keith. Almost 2 months na akong nandito sa Laguna. Simula no'n, nakasanayan na namin ni Keith ang lumabas every Sunday. Bonding na rin, gano'n. Nandito kami ngayon sa paborito naming coffee shop na malapit lang sa village namin. Linggo ngayon kaya lumabas kaming dalawa. Wala rin naman akong ginagawa sa bahay at siya naman ang kasama ko kaya okay lang. Sumimsim pa muna ako ng kape bago ko siya sinagot. "Because I want to." "Naku! Kung ako ikaw, do'n na lang ako sa Batangas, maganda rin naman do'n, hindi ba?" "Kung naranasan mo lang ang mga pinagdaanan ko sa Batangas, Keith... sigurado akong aalis ka rin do'n at dito rin ang bagsak mo." Iyan sana ang isasagot ko sa kaniya pero huwag na lang pala, baka kasi tanong lang siya nang tanong. Mahal pa naman laway