"What now?"
Nasa sala na kami ngayon, kakarating lang namin. Kaming lima na lang nina Franzen, Jaypee, Keith at Xander ang magkasama dahil nagpaalam si Daddy na may aasikasuhin pa raw siya, si mommy naman ay pumunta muna sa kusina para maghanda ng pagkain.
"May wine ba kayo rito, Raya?"
"Meron naman. Bakit?" sagot ko kay Franzen.
"Gagamitin sana natin. Since we're bored, bakit hindi tayo maglaro?"
"Anong laro naman?" nagtatakang tanong ni Jaypee kay Franzen.
"Truth or Dare."
"Uy, Game!"
"G!"
Mabilis pa sa alas-kuwatro ang pagsang-ayon ng tatlo. Medyo kinakabahan ako sa larong naisip nila kasi baka may maitanong silang hindi ko masagot o masyadong personal.
Kabado man ay sumang-ayon pa rin ako. Ayoko namang maging kill-joy.
"Ano namang kinalaman ng wine roon?"
"Syempre iinumin, duh. Ang hindi sasagot, iinom ng wine na lalagyan ng suka at toyo," inis na sagot ni Franzen kay Keith.
Hindi ko alam kung tama ba o magiging masaya ba ang larong naisip na 'to ni Franzen pero nakita ko na lang ang sarili kong nagpapaalam kay mommy na kukuha ako ng wine, suka, toyo at pitsel na rin gaya nang mga sinabi ni Franzen kanina. Pumayag naman si Mommy basta't walang maglalasing sa 'min.
Iniabot ko kay Jaypee ang mga kinuha ko dahil siya naman ang pinakamalapit sa 'kin.
"Ibigay mo sa 'kin lahat 'yan, baby."
Halos kaming lahat ay nag-react sa simpleng pagtawag na 'yon ni Franzen kay Jaypee.
"Kung maka-baby naman 'to, akala mo naman 6months old pa lang 'tong si Jaypee," biro naman ni Keith.
"Inggit ka? Maghanap ka, Keith. Hindi 'yong kontra ka nang kontra diyan, nagmumukha ka pang bitter," pabalik na biro rin ni Franzen sa kaniya.
Medyo natawa kami sa simpleng bardagulan na 'yon pero biglang napalitan nang pandidiri ang naramdaman namin nang nakita namin ang ginawa ni Franzen. Ibinuhos niya lang naman ang wine sa pitsel at ibinuhos na rin ang toyo at suka.
"Sugurado ka bang hindi tayo malalason diyan, Franz?" tanong ni Xander.
Aba, marunong palang magsalita 'tong si Xander. Kanina pa kasi tahimik 'to, eh.
"Walang malalason kung sasagot kayo sa tanong at gagawa kayo sa utos. As simple as that, president. At saka, edible naman 'tong mga ginamit natin, ah. Wala ba kayong tiwala sa 'kin?"
"Oo," diretsahang sagot ni Keith sa kaniya.
"Ikaw Keith, ah. Nakakadalawa ka na sa 'kin. Hindi na nakakatuwa."
"Akala ko ba ay maglalaro tayo? Bakit palagi na lang kayong nagsasagutan riyan?" awat ni Jaypee sa dalawa.
Natahimik naman ang dalawa at tumungo. Kami naman ni Xander ay nanatiling tahimik at naghihintay na lang kung kailan magsisimula ang laro na sinasabi ni Franzen.
Napagkasunduan na ang bote ng wine ang gagamitin sa pagpili kung sino tatanungin. Ii-spin iyon at kung sino ang ituturo ng may baba nito ay siya ang tatanungin kung truth ba or dare, tulad ng karaniwang truth or dare lang.
"Ang hindi magsasabi ng totoo o 'di kaya'y hindi gagawin ang dare, iinom ng isang baso nitong pinaghalo kong drinks. Ano, G?"
Tumango na lang kami para masimulan na.
"Truth or Dare?" tanong namin kay Keith nang sa siya naituro ng bote.
"Truth," diretsa at proud na sagot niya.
"Kailan ka aamin kay Jenelle?" natatawang tanong ni Jaypee.
Wala akong alam kung anong meron sa kanila pero alam kung mayro'ng something. Siguro crush ni Keith si Jenelle. Well, I don't know.
Bahagyang natawa rin sina Xander at Franzen sa tanong na 'yon ni Jaypee. Si Keith ay mukhang nagsisi pa na truth ang pinili.
"Sa tamang panahon, hehe."
"Walang tamang panahon, Keith. If you really love or like her, hindi ka dapat nag-aaksaya ng oras at panahon mo kakatago sa nararamdaman mo," payo ko sa kaniya.
"Aba, Aba. Nag-mature na nang talaga, Raya. Hindi na kita kilala," pang-iiba niya sa topic.
Hindi ko na lang siya pinansin, gano'n na rin ang tatlo at ipinagpatuloy na lang namin ang laro. Sunod namang tinanong namin ay si Xander.
"Truth."
"Sino crush mo?" tanong kaagad ni Franzen. "Xander, ah, forth year na tayo hindi mo pa rin sinasabi ang crush mo. Paano ka namin matutulungan?"
"Wala naman kasi akong crush," tanggi niya.
Dapat ba akong magsaya dahil wala naman pala siyang crush, so it means, wala rin siyang girlfriend, tama ba?
"Wala kang crush pero may mahal ka?" diretsahang tanong ni Jaypee at nakangisi.
Napatingin ako kay Xander na ngayon ay masama na ang tingin sa pinsan niya.
"Isang tanong lang. Sumusubra na kayo, ah."
Wala nga ba siyang nagugustuhan pero may mahal na siya kaya hindi niya sinagot ang tanong o ayaw niya lang talagang sagutin?
Pinaikot na naman nila ang bote at saktong sa 'kin nahinto.
"Truth or Dare?"
Truth. Gusto kong sumagot ng 'Truth' pero takot ako sa kung ano man ang maisip nilang tanong.
Dare. Hindi ko alam ang mga takbo ng isip ng mga 'to baka mahirap at hindi maganda ang ipapagawa nila sa 'kin.
"Truth."
"Bakit ka lumipat dito sa Laguna?"
Ang tanong na 'yon ang nakapagpabara ng kung ano sa lalamunan ko't wala nang salitang nailabas ang bibig ko. Ito ang pinakakaiwasan kong tanong sa lahat.
Tumingin ako sa may bandang hagdanan kung saan naroon sina Mommy't Daddy, nanonood sa 'min. Lumapit sa gawi namin si Mommy habang dala-dala ang hinanda niyang pagkain at inumin bago siya bumalik kay Daddy. They give me an assuring smile, tila sinasabing okay lang at nasa akin na ang desisyon kung sasabihin ko ba o hindi.
Naguguluhang tinitigan ako ng mga kasama ko. Naguguluhan sila sa reaction ko at binigyan nila ako ng nagtataka't naguguluhang tingin.
Isinandal ko ang sarili ko sa sofa, handa nang ikuwento sa kanila ang sagot sa tanong ni Keith.
***
Kakatapos lang ng klase namin noon. Sinalubong kaagad ako ni Vince— boyfriend ko.
"Babe, may lakad kami mamaya, gusto mong sumama?"
"Sino ba mga kasama mo?"
"Mga kaklase natin, birthday ni Rome ngayon at may party raw mamaya sa kanila," aniya't inakbayan ako
"Sige."
Pumayag na rin ako dahil wala rin naman akong gagawin mamaya sa bahay, sakto namang wala kaming schoolworks dahil weekends na.
Umuwi muna ako sa bahay ni Lola na tinutuluyan ko ngayon. Pinayagan naman ako ni Lola dahil alam naman niyang kasama ko si Keith at panatag siya roon. Bandang 6:30pm ako sinundo ni Keith sa bahay. Nilakad lang namin iyon dahil hindi naman kalayuan 'yon sa bahay.
"Buti naman at pumunta ka, Raya. Magtatampo na sana ako sayo, eh," ani Rome nang nakarating kami sa kanila.
Galing sa mayamang pamilya si Rome kaya hindi na kataka-takang ang gara ng party niya kahit kaming magkaklase lang naman ang naroon. May isang mataas na table sa gilid ng pool na punong-puno ng pagkain. Hindi naman daw pool party 'yon pero mas gusto nilang doon kumain at mag-celebrate. Marami rin ang lights, iba't ibang kulay iyon.
"Kaya nga sinama ko, eh, kasi alam kong magtatampo ka," singit naman ni Keith.
Hindi naman ako sumagot sa kaniya't ngumiti lang. Hindi kami close kaya medyo naiilang ako sa kanila. Iginaya ako ni Vince papunta sa isang table kung saan walang nakaupo.
"Okay ka lang? Kung gusto mong umuwi, sabihan mo lang ako, ha?"
"Okay lang naman ako, don't worry," ngumiti ako sa kaniya para ipakitang okay lang talaga ako.
"Sige, teka lang, ah. Pupuntahan ko lang sila Rome," paalam niya sa 'kin.
Hindi niya hinintay ang sagot ko't iniwan na lang ako mag-isa roon. Naghitay ako nang halos isang oras roon, kumuha na lang ako ng pagkain at pagkatapos no'n ay wala na akong magawa kung 'di ang pagmasdan na lang ang maingay at magulong paligid.
"Raya, kumusta ka naman dito? Nag-enjoy ka ba?" biglang sulpot na tanong ni Rome sa 'kin.
"Okay lang naman."
May dala-dala siyang dalawang wine at iniabot niya sa 'kin ang isa.
"No, hindi na. Hindi ako umiinom, eh."
"Grabe ka naman, 'wag ka namang kj, Raya. Wala ka na ngang regalo sa 'kin, hindi mo pa iinumin 'to para sa 'kin," kunwaring nagtatampong aniya.
Kung sana sinabihan ako kahapon, nakabili sana ako ng regalo't hindi niya ako susumbatan. Hindi na lang ako nag-reklamo, kinuha ko ang wine na 'yon galing sa kaniya at ininom iyon. Nakita ko pa siyang ngumisi nang malaki habang pinagmamasdan ako.
Bigla kong naibaba ang baso, bigla kasing umikot ang paningin ko't bigla akong nahilo. Napakapit ako sa braso ni Rome, nababakasalaking makakuha ako ng lakas roon pero nabigo ako. Nabigo ako dahil bigla siyang tumayo at lumayo sa 'kin dahilan para matumba ako.
Unti-unting nilamon ng dilim ang paningin ko habang humihina naman ang pandinig ko. Papikit na nang tuluyan ang mga mata ko nang nakarinig ako ng mahihinang boses.
"Tumalab na ba ang pinainom mo, bro?"
"Ako na ang mauna, guys. Total girlfriend ko naman 'yan,"
Malabo man ay pinalibot ko ang paningin ko sa paligid. May mga lalaking nakapalibot sa 'kin at isang babae na hindi ko kilala wala rin naman kasi akong nakitang babae kanina pagpasok ko.
Hindi ko gaanong naaninag ang mga mukha no'ng mga lalaki pero kilala ko ang mga boses nila. Hindi ko rin naaninag nang maayos ang mukha no'ng babae pero matangkad siya at sexy.
"Sige na, Vince. Simulan mo na para kami naman."
Hindi ko na alam ang nangyari, nagising na lang ako dahil sa sakit ng hita ko. Pagtingin ko doon, may dugo na. Pati ang hinihigaan ko ay may bahid ng dugo na rin. Nakasuot pa rin naman ako ng damit pero mukhang basahan na dahil sa sobrang dumi at gusot-gusot na. Hindi ako makatayo dahil sa sakit. Wala akong magawa kung 'di ang umiyak na lang. Pagtingin ko sa labas, tirik na tirik na ang araw. Nagpalinga-linga ako, pilit inaalam ang lugar na 'yon.
Hindi ko alam kung ilang minuto o oras ang nasayang sa kakaiyak ko. Nabigyan lang ako ng pag-asa nang biglang bumukas ang pinto no'n at patakbong lumapit si Thalia sa 'kin.
"Raya, anong nangyari sa 'yo?" naiiyak na tanong niya.
"Thalia... hindi ko alam. Hindi ko alam, nagising na lang ako na... ganito na. Thalia..."
Napatingin si Thalia sa may bandang hita ko at dahan-dahang nanlaki ang mga mata niya.
"Sino ang gumawa sa 'yo nito, Raya?" niyugyog niya pa ang balikat ko. "Raya! Sinong gumawa sa 'yo nito? Raya!"
Naiiyak na umiling ako dahil wala rin naman akong alam. Siguro ay ang mga kaklase ko ang gumawa nito pero ayokong mangbintang kaagad gayong wala naman akong sapat na ebidensiya.
Hindi na ako kinulit ni Thalia. Tinulungan niya akong tumayo at maglakad papalabas doon. Doon ko lang na-realize na nasa isang bodega pala ako. Hindi ko alam kung sino ang may-ari no'n pero malapit lang iyon sa 'min. Hindi ko alam kung paano ako nahanap ni Thalia pero malaki ang pasasalamat kong dumating siya.
***
"I'm sorry, Raya."
"Naku, okay lang, Keith," sagot ko kay Keith bago ako bumaling sa ibang kasama ko na ngayon ay parehong natahimik at nakatulala.
"Alam kong may mga ideya nang pumasok sa isip niyo ngayon. And I hope na hindi niyo ako huhusgahan," ani ko na medyo naiiyak na rin.
Lumapit sa 'kin si Franzen at niyakap ako nang mahigpit.
"Biktima ka rito, Raya. Never kitang huhusgahan," ani Franzen sa naiiyak na boses. "I love you."
Wala akong narinig na masasama o masasakit na komento galing sa kanila. Hindi nila ako hinusgahan. Palagi nga lang silang humihingi ng tawad at palagi nilang sinisisi ang mga sarili nila dahil sila pa raw ang dahilan kung bakit naalala't nabalikan ko na naman ang masalimuot kong nakaraan.
Lumapit na rin ang tatlo sa 'kin at nakiyakap na rin. Ito ang kailangan ko ngayon. Kailangan ko ng karamay na si Thalia lang ang nakapagbibigay sa 'kin noon.
"We're always here for you, Raya."
Ang mga salitang huling sinabi sa 'kin ni Xander bago sila magpaalam at umalis na.
Hindi ko alam kung anong oras na akong nakatulog kagabi. Palagi kasing sumasagi sa isip ko ang mumunting reaksiyon na nakita ko kay Xander kahapon. Kung paano siya natulala pagkatapos nilang marinig ang kwento ng nakaraan ko, ang mga tawa niya, at kahit ang pagsimangot niya. Sa iksi nang panahon na nakasama ko si Xander, masasabi kong magaan ang loob ko sa kaniya at alam ko na siya 'yong tipo ng kaibigan na andiyan palagi para sa 'yo na handang pakinggan ka sa mga kadramahan mo sa buhay, handang damayan ka lalo na sa mga oras na down na down ka na. Hindi ko pa siya gaanong kakilala. Hindi ko pa alam ang mga strength at weaknesses niya. Hindi pa ako umaabot sa puntong pinapangarap ko na sana kami na lang, na sana siya na lang ang nakilala ko noon kaysa kay Vince. Pero alam kung humahanga ako sa kaniya, by his physical appearance at sa mga maliliit na bagay na alam ko tungkol sa kaniya— positive or negative.
Ipinarada ni Kuya Dan ang sasakyan sa harap ng isang malaking bahay. Hindi ko gaanong kita ang disenyong nito dahil medyo madilim na rin. Habang papasok sa malaking bahay na iyon, lagi lang akong nakayuko dahil sa nakakasilaw na mga ilaw galing sa mga camera ng mga reporter na nasa gilid. Hindi ko alam na covered by media pala itong party na ito. Kung nalaman ko lang, sana hindi na ako sumama pa. "Are you okay?" biglang tanong ni Mommy habang nakahawak ako sa kanilang dalawa ni Daddy. "Hindi ko naman po alam na may media po pala. Sana hindi na lang po ako sum—" "Good Evening, pare. Buti naman at nakapunta ka, kakalimutan ko na sanang magkaibigan tayo, eh." Isang baritonong boses ang sumalubong sa aming tatlo. May edad na rin siguro ito dahil halos kulay puti na rin ang kaniyang bigote at ang buho
Parehong nakalaglag ang mga panga naming apat. Tatanungin ko na sana sila pero obvious na obvious sa mga reaction nila na wala silang kaalam-alam sa nangyayari."Totoo ba 'yong narinig ko?" tanong bigla ni Keith.Halo-halong emosyon ang makikita ko sa mata ni Keith. Naguguluhan, nasasaktan at tampo. Well, naiintindihan ko siya. Matagal na niyang kaibigan si Xander at matagal na siyang may gusto kay Jenelle, at alam ni Xander 'yon pero sa isang iglap, malalaman niya na lang na mag-jowa na ang dalawa? Kahit saang banda, masakit 'yon. Masakit na masakit 'yon. Walang sumagot sa tanong niya dahil wala naman talagang may alam."Jaypee."Napaangat kaming apat nang may biglang dumating sa table namin at tinawag si jaypee. May pagka-mestisa ito, singkit at siguro, kaedad lang ni Mommy."Tita," bati ni Jaypee.Tumayo si Jaypee, gano'n na rin ang ginawa namin. Unang bum
Tulad nang nakasanayan, maaga akong pumunta sa school pero parang late pa rin ako. Hindi ko alam kung saan ang may problema. Advance lang siguro ang oras ng school kaysa sa bahay kaya gano'n.Pagkababa ko ng sasakyan, sinalubong kaagad ako ng isang maganda at fresh na preggy."Good morning, Raya.""Good morning, Franz," pabalik na bati ko sa kaniya. "Oh, bakit ka pa nandito at saka nasaan si Jaypee?" tanong ko nang napansin kong siya lang mag-isa."Nauna na siyang pumasok sa 'kin, sabi niya, kakausapin niya raw si Keith at Jaypee about doon sa nnagyari kagabi at sasabihin niya raw 'yong hinala natin about sa nangyari sa 'tin."Oo nga pala. Siguro ay mayro'n pang tampo si Keith about sa nangyari kagabi. Siguro nga ay tama ang gagawin ni Jaypee para hindi rin kami mahihirapang makisama sa kanila. Mahirap rin nama
Kinabukasan ay nagising ako dahil sa ingay ng phone ko. Pagtingin ko sa caller ID, dali-dali ko itong sinagot. Ni-loud speaker ko na lang ito para marinig ko pa rin habang nagbibihis ako."Uy, Thalia. Good morning!""Good morning, Raya. Kumusta ka na?""Okay naman. Ikaw ba?""O-Okay naman," medyo may pag-alinlangang sagot niya.Napaupo tuloy ako sa kama... nag-aalala kung talagang okay siya. Alam ko kung okay ba talaga ito o hindi kasi hindi naman ito nag-aalangan kapag tinatanong ko ito noon."Okay ka ba talaga?"Natahimik siya sa kabilang linya. Hindi ko siya kinulit dahil alam kong ayaw na ayaw niya no'n. Kalaunan ay nakarinig ako ng mahinang hikbi."W-Wala akong k-kwenta, Raya. I'm useless. Nang dahil sa 'kin... nag-away sina Mama'
"V-Vince?" Paano ako natunton ng lalaking 'to?Nagtangka siyang lumapit sa 'kin kaya dali-dali akong naglakad papalayo sa kaniya. Pero dahil nga matataas ang biyas niya, ay naabutan niya pa rin ako at marahas na hinawakan ang braso ko. Bakit ba kasi nandito 'to? Paano niya ba ako napuntahan? Taena naman."Raya, please. Kausapin mo naman ako," pagmamakaawa niya."Wala na tayong dapat pag-usapan, Vince. Pwede ba, bitawan mo ako?"Imbes na bitawan ako ay mas lalo pa niyang hinigpitan ang pagkakahawak sa braso ko."No. May dapat tayong pag-usapan, Raya. Bumiyahe ako galing Batangas para sa 'yo tapos hindi mo ako kakausapin?"Aba, ang kapal nga naman ng kalyo sa mukha nitong lalaking 'to."Eh, sino bang may sabi sa 'yong pumunta ka rito?" na
Pagkapasok ko ng school kinabukasan, nahagip kaagad sa paningin ko si Jaypee na nakaupo lang sa isa sa mga bench malapit sa building namin at mukhang may malalim na iniisip. Alam na kaya ng mga magulang nila?"Hi, morning," bati ko sa kaniya at umupo sa tabi niya.Bahagya lang siyang tumango pero hindi siya nag-angat ng tingin sa 'kin."Si Franzen?"Nanatili siyang nakayuko at hindi nagsasalita kaya bigla akong kinabahan."Wala na. Umalis na siya, R-Raya," naiiyak na aniya.Hindi ko alam ang gagawin ko nang unti-unting nalaglag ang mga luha niya."H-Ha?""Alam na ng parents niya... kaya sila umalis. N-nalaman ko lang... kanina no'ng susunduin ko na dapat siya."
Maginhawa ang buhay ko noon sa Laguna kasama ang mga magulang ko. Iyong tipong binibigay nila lahat ng gusto ko, mga pangangailangan ko at kahit ang mga bagay na hindi ko naman hinihingi sa kanila. Maraming naiinggit na mga kaedad ko sa kung anong meron ako.Pero ang hindi nila alam, hindi ako masaya sa buhay kong ito. Hindi batayan sa 'kin ang materyal na nabibigay sa 'kin ng mga magulang ko para maging masaya. Ang tanging bagay lang na gusto ko ay magkaroon kami ng bonding nina Mommy't Daddy, pero wala eh.Hanggang dumating 'yong puntong kinailangan kong lumipat sa puder ng Lola ko dahil sa mga trabahong tinahak nila. Pareho silang politicians, Mayor si Daddy habang kapitana naman si Mommy. Busy sila masyado at hindi nila ako nabibigyan ng sapat na oras at atensyon... mas pinili nilang kay Lola na lang ako manirahan pansamantala.Kaya heto ako ngayon, after a couple of years, babalik sa puder nila dahil sa isang pangyayaring gusto kong kalimutan.