Tyra Reign’s POV. Mukhang nagulat si Akisha sa sinabi ni Alistair. Maging ako ay nagulat din dahil hindi ko akalain na ipangangalandakan niya ang hindi planadong kasal namin na ito. “Ohh...” tanging nasabi niya. Bahagyang nakaawang ang kaniyang labi, siguro ay hindi makapaniwala sa narinig. Nang hindi na muling magsalita si Alistair ay matalim niya akong tinitigan. Nababasahan ko pa rin ng pagtataka ang kaniyang ekspresiyon, marahil ay hindi pa rin siya makapaniwala sa sinabi ng lalaking kaharap ko. “Uh... may we excuse ourselves for a while?” nag-aalinlanagang sabat ko. Alistair looked at me sharply. Kumalabog ang puso ko dahil sa kaniyang mga matang nakatuon sa akin, tila binabasa niya ang bawat kilos at ekspresiyon na pilit kong isinasawalang-bahala. “Baka kasi importante ang sasabihin ni Akisha, don’t worry babalik din naman agad ako.” Paliwag ko dahil mukhang hindi siya kumbinsido sa aking sinabi kanina. Umiwas siya ng tingin at nilagok ng diresto ang kaniyang wine. N
Tyra Reign's POV. "Do you know how powerful Prescott's are?" maya-maya'y tanong niya. Tumango ako. I've made an enough research about them. Pero napaka-private talaga nila. Common informations lang ang nasa internet, pictures were taken in several big occasions. And of course, hindi rin nawawala ang mga babaeng nali-link sa kanila. Maliit lang ang pamilya nila Alistair, siguro wala nga sa sampo ang pinsan niya eh. Well, base sa lumabas sa internet, hindi ko alam kung totoo iyon. "How come did you think that I am your ex-boyfriend's people? I'm more powerful than him, so how'd that idea came across your mind?" seryoso ang kaniyang pagkakasabi nito. "Anyways, I'm just saying that do not be too judgemental." Parang sinampal ako ng taong hindi ko nakikita. I would admit that I judged him easily. Una ay tinawag ko siyang bodyguard nang dahil sa kaniyang suot, ikalawa ay pinagbintangan ko siyang maniyak kahit wala naman akong ebidensiya, ikatlo ay kinulit ko siya kung kidnapper siya kah
Tyra Reign's POV. Mr. Billionaire: Meet me at Sweet Cafe, 8 pm sharp. Paulit-ulit kong binasa ang message na na-receive ko galing kay Alistair. Hindi ko alam kung pinaglalaruan lang ba talaga ako ng tadhana o talagang co-incidents lang ang lahat. Hindi na ako nag-abalang mag-reply. Halos isang oras ang ginugul ko sa pag-iisip kung sisiputin ko ba siya o hindi. Subalit sa huli ay napag-desisyunan kong pumunta sa takot na baka ipapatay niya na lang ako basta-basta kapag napikon o nagalit siya sa akin. "Aki, kahapon ba ay pumunta riyan si Alexander?" tanong ko sa aking kaibigan na ka-trabaho ko rin sa Cafe na pinagta-trabahuan ko. Matagal bago sumagot si Akisha. Naririnig ko sa kaniyang background na parang may kausap siya, marahil ay mayroong customer kaya hindi ko muna siya inistorbo. "Oo... And actually, nandito siya ngayon," nag-aalinlangang sagot ng aking kaibigan. Pagkatapos kong makapag-isip-isip kanina ay naisipang kong tawagan si Akisha at magtanong. Takot ko na lang na
Tyra Reign’s POV. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. The marriage certificate looks so real. Pirmado pa ng judge! The F, Tyra! What a mess! Halos mapatalon ako sa gulat nang mag-ring na naman ang telepono ko. The F, unknown number! Hindi kaya… “Hello?” sagot ko. Tumikhim ng isang beses ang nasa kabilang linya. “Tyra…” hesitant na sabi nito. Biglang nawala ang kaba ko. I thought it was Alistair. “What do you need, Alexander?” Huminga siya ng malalim. Parang hirap na hirap siyang iparating ang gusto niyang sabihin. At kahit hindi niya ipakilala ang kaniyang katauhan ay kilalang-kilala ko na ang kaniyang boses. The way he calls me was just too familiar to even forget this fast. “Magsasalita ka pa ba? Ibababa ko na ‘to?” Agad kong narinig ang pagpa-panic sa kaniyang boses. I feel sorry for him. Masiyado siyang sunud-sunuran sa kaniyang ina. He's too coward to fight for our love. Sounds cringe, right? But that was the truth. Alexander can't be a man for me. He can't even
Tyra Reign's POV.Hindi ko alam kung paano ako nakauwi sa aking apartment. Sinubukan kong alalahanin ang nangyari kahapon at kagabi ngunit tanging ang nangyari lamang sa hotel ng mga Carter ang naaalala ko. Masakit ang ulo ko pero pinilit ko pa ring tumayo. I will resign to the cafe I am working with right now. Napagdesisyunan ko nang maghanap ng ibang trabaho dahil paniguradong puro si Alexander lang ang maiisip ko roon. Well, we met there. Saksi ang cafe na iyon kung gaano ako nagpakatanga sa lalaking iyon.Biglang nag-ring ang cellphone ko kaya pinulot ko iyon at pikit-matang sinagot. Hindi na ako nag-abalang silipin ang tumatawag dahil tinatamad ako at ramdam ko pa rin ang sobrang pagkirot ng aking sintido.“Hello?” walang gana kong bati sa tao na naroon sa kabilang linya.I heard a man chuckled. Bigla akong nabuhayan at kumalabog ang aking puso sa kaba. Is this Alexander? But why the hell he will call at me this early?“S-Sino ‘to?” utal kong tanong nang hindi pa rin nagsasalita
Tyra Reign’s POV. Napailing ako at walang lingon na lumabas ng hall. I swear to God, this will be the last time that Alexander may lay his hands of me. Hindi na rin ako aasang susundan niya pa ako. Coward puppy. Sunud-sunuran sa ina. Walang sariling isip at desisyon sa buhay. Poor him. Wala sa sarili akong napaupo sa isang convenient store na malapit lamang sa hall na pagmamay-ari nila Alexander. Ngayon ko naramdaman ang pagod at sakit nang dahil sa nangyari kanina. I didn't expect though, that Alexander’s mother would do that on her special occasion. What an effort. “May beer kayo? Tatlong bote nga,” wika ko sa dumaang sales boy ng store. Tumango ang chinitong lalaki sa akin at pumanhik sa loob. Pagbalik niya ay may dala-dala na siyang tatlong beer. “Heto po, miss.” Tumango ako at bumuntong hininga. “Magkano ‘to lahat?” tanong ko sabay kuha ng wallet sa aking maliit na bag. I'm still wearing a tight black dress. Pinaghandaan ko talaga ang kaarawan ni Mrs. Carter. Sayang ng p