Naputol ang pagpapantasiya ko ng marinig ko ang inis na boses ni Claire. "Asawa nga po ako ni Ysrael," Nagpameywang siya sa harap ng guard at napakagat labi.
"Hay nako! Miss marami ang nagsasabi niyan na mga fans. Halos lahat naman kayo ay sinasabi na asawa niyo si Sir Ysrael," saad ng guard sa kanya na ikinairap ni Claire. Oo nga at kasal silang dalawa ni Ysrael ngunit private na kasal lang ang naganap sa kanilang dalawa. Mga kamag-anak at malalapit na kaibigan lang sa trabaho ang nakakaalam na kasal na silang dalawa ni Ysrael. "Sumagot na ba si Jayson sa tawag mo?" Tanong ko kay Aurelia at umiling ito. Nangangawit na ako kakabitbit ng mga dala namin. Nakakainis! Bakit kasi ang tagal nilang sagutin? "Hindi pa, eh. Baka nagtatrabaho pa iyon," Kagat-labing sabi ni Aurelia sa'kin. "Kasi naman itong si Manong guard na ito, ayaw pang maniwala sa akin. Kainis!" Inis na sabi ni Claire at sumimalmal. "Wala ba kayong number ng ibang katrabaho nila diyan? Lintek naman kasi itong si Claire walang number ng asawa niya." Inis na sabi ko dahil ang bigat-bigat na nga ng dala ko ang init pa. "Ah, oo nga pala may number ako ni Justin," saad ni Aurelia at dali-daling tinawagan ito kaya nakahinga kami ng maluwag. Nagkatinginan naman kaming tatlo ng magsilingunan ang mga tao sa paligid namin matapos banggitin ni Aurelia ang pangalan ni Justin. Dali-dali naming hinila si Aurelia sa sulok upang magtago sa kanila dahil baka harasin pa kami para makuha nila ang number ni Justin. "Hello, Justin? Hindi ko kasi matawagan si Jayson, eh. Busy ba kayo? Ah, kaya pala. May dala kaming pagkain for lunch kaso ayaw kaming papasukin ng guard, eh. Sige Salamat. Nasa labas kami ng Sync Entertainment. Ayaw nilang maniwala na girlfriend ako ni Jayson. Hmp!" Inis na sabi ni Aurelia. Parang ewan lang. Tsk! "Sos! Hahaha. Maraming salamat. Bilisan niyo na. Ang bigat ng mga dala namin. Pasabi kay Jayson dalian niya. Siya nagpadala nito tapos ayaw niyang sagutin ang tawag ko? Grabe, ha?" Kunwaring nagtatampong saad niya. Napailing nalang ako sa pinaggagawa ng pinsan ko. "May number ka naman pala ni Justin. Bakit hindi mo tinawagan agad? Pft." Inis na saad ko at sinipa ng mahina ang batong nakita ko. "Eh, Sa nakalimutan ko. Aysus! Gusto mo lang hingin number ni Justin sa akin kunwari ka pa," pangangantyaw ni Aurelia sa'kin. "Anong pinagsasabi mo? H-Hindi no." Utal kong saad na lalo niyang ikinangiti. "Sus! Umamin ka na kasi ibibigay ko naman sa'yo. Akin na nga iyang cellphone mo," saad niya sabay hablot ng cellphone na hawak ko. Sinubukang kong agawin iyon sa kanya pero tinutulak niya lang ako palayo. Napatigil ako sa pakikipag-agawan ng cellphone ko sa kanya ng marinig namin ang malakas na sigawan ng mga tao. Hinihiyaw nila ang pangalan nila Ysrael at Justin na kasalukuyang naglalakad papalapit sa'min. "Justin, I love you!" Hiyaw ng isang babae kay Justin saka nagflying-kiss. 'Tss, He's mine guys! Back off!' Sabi ng mumunting tinig sa utak ko. Akin siya kahit hanggang tanaw pa lang ako ngayon. Napatitig naman ako sa kanya at nakasuot siya ng isang plain t-shirt at jagger habang naka sunglasses. Kasabay niya sa paglalakad si Jayson na ngayon ay nasa harap na ni Aurelia. "Kungju!" Sabi ni Jayson pagkalapit kay Aurelia at kinuha ang mga dala nito. Napuno naman ng hiyawan sa buong paligid at hiniling na sana sila na lang ang masuwerteng babaeng kasama nila. Tipid akong napangiti ng ma-realize ko na sana balang araw ay ako ang maging mapalad na babae sa buhay ni Justin. "What are you doing here?" Rinig kong bulong na sabi ni Ysrael kay Claire. Mukhang mainit pa rin yata ang ulo niya dahil wala siyang matinong makain sa mga niluluto ni Claire. "Baka mag-o-audition sa Sync Entertainment ng may dalang lunch box?" Parang tang*ng sagot niya sa asawa niya. "So, iniisip mo na nakakatawa ka na nyan?" Saad niya at naunang maglakad kay Claire. "Hindi. Iniisip ko kung magiging ganoon ka din ba ka-sweet tulad ni Jayson," saad ni Claire kay Ysrael at hinabol siya. Napailing nalang ako sa kanilang dalawa dahil nakakainggit silang tignan. "Hoy! Ysrael!" Tawag ni Claire sa asawa niya at kumapit sa kanang balikat nito kaya naghiyawan sa inggit ang mga taong nasa paligid nila. "It's a double kill. Jayson and Ysrael with their girls is too much for now." Naiiyak na sabi ng nadaanan kong babae. This time, I feel them dahil isa din ako sa naiinggit tulad nila. Nilibot ko naman ang paningin ko sa paligid upang hanapin si Jayson at nagulat ako ng makitang nasa likuran ko na pala siya. "Tulungan na kita diyan sa mga bitbit mo," nakangiting sabi ni Jayson at kinuha niya ang mga dala kong paper bags. Nang magdikit ang mga kamay namin ay para bang may kuryenteng dumaloy doon kaya nilayo ko agad ang kamay ko. "Okay ka lang ba?" Tanong niya sa'kin. "Ayos lang ako. Ako na ang magbibitbit niyan. Magaan lang naman," sabi ko at akmang kukunin na ang paper bag sa kanya ng ilayo niya ito. "Ano ka ba? Ayos lang iyon. Tara na at nauuna na sila sa'tin," sabi niya at sumunod na siya kay Jayson. Dali-dali ko naman siyang sinundan habang tinititigan ang likuran niya. Muntik pa nga akong mauntog sa likod niya ng bigla siyang huminto, mabuti na lang at napigilan ko ang sarili ko. Tinignan ko kung ano ang tinitignan niya at nakita ko si Jayson na nakikipag-usap sa guard. Ipinakilala niya si Aurelia at si Claire sa guard. Napailing na lang ako ng ngisian ni Claire ang guard at inasar ito na para bang batang pinagmamalaki ang kending nakuha niya. Isip batang talaga! Pagkapasok namin sa loob ng building ay hindi ko mapigilang ilibot ang paningin ko dahil maraming mga kilalang artista ang narito. Nagulat pa nga ako ng hilahin ako ni Jiro dahil muntik na akong mabangga sa isang poste. Nakakahiya ka, Isabella? Nang makarating kami sa training room ay hinanda na namin ang mga pagkain sa mesa. Mukhang magiging isang mahalagang araw ito sa’kin dahil makakasabay kong kumain si Jayson.Nang tumingin ako sa kanyang mukha ay siyang pagtibok ng mabilis ng aking puso. Damn! I miss that voice. I miss you. Do you feel the same, Justin?"Ah, hello?" Sambit ko sa kanya at halos matuod sa kinatatayuan ko.I look straight into his eyes. Gaya dati ay gano'n pa din ang nakikita ko sa mata niya. Nothing more, nothing less. My heart is wishing for something new, something new with us. We sat at our table as the party started. Maraming guest si Miguel ngayong araw pero bakit parang dalawa alng kaming nandito ni Justin? Nanonood lang kami ngayon matapos namin mag-kamustahan ay nanahimik kaming muli. Hanggang nakisayaw sila sa gitna at kaming dalawa na lang ni Justin ang naiwan sa mesa."Oh, bakit ayaw mong makisaya doon?" Tanong ko para basagin ang katahimikan sa pagitan namin saka ako lumingon sa kanya."I just don't like it. Isa pa, kaninang umaga pa ako nakatayo." Napatitig ako sa mga mata niya ng sabihin niya iyon. Kalaunan ay binawi ko rin dahil tila hinihigop ako ng mga ito.
Shit! Bakit nandito sila? Baka kasama din nila si Justin? Anong gagawin ko? Hindi pa ako handang makita siya.Waah! Ayoko pang magkita kaming dalawa. Dahil sa pagkataranta ko ay umalis na ako doon at tinext si Hiro. Nagdahilan nalang ako na sumama ang pakiramdam ko kaya umuwi na ako ng maaga. Sa bahay namin nila Glyren ako umuwi dahil ayoko munang magpakita kay Justin dahil natatakot ako. Natatakot ako na malaman ang reaksyon niya ukol sa nangyari sa aming dalawa. Natatakot ako na baka wala lang iyon sa kanya. Natatakot ako na baka magbago ang pakikitungo niya sa' kin ngunit may parte sa ‘kin na umaasa na ito na siguro ang simula para magkaroon kami ng malalim na ugnauan.Ano bang magiging reaction niya pagnagkita kami ulit? Maraming konklusyon na pumapasok sa utak ko ngunit nangingibabaw ang kaba. Argh! Ano ba kasi itong pinasok ko! Bakit ba kasi ang rupok mo, Isabella? Napasabunot ako sa sarili ko dahil sa halo-halong emosiyon na nadarama ko.Napaka-gaga ko kasi!"Oh? Isabella! Hima
Maaga akong nagising ng maramdaman ko ang sinag ng araw na tumatama sa aking mukha. Napatingin ako sa gilid ko at nakitang mahimbing na natutulog si Justin sa tabi ko. Panandalian akong napatigil dahil naalala ko ang nangyari kagabi at bahagya pang napailing.Dahan-dahan akong tumayo at naramdaman ko ang pananakit ng aking pagkababae. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o malulungkot ako dahil sa nangyari sa amin na sanhi lang ng kalasingan. Agad kong pinunasan ang mga luha na tumutulo sa aking pisngi at pilit na tumayo kahit parang binugbog ang aking katawan. Ayokong makita niya ako. Ayokong makita na magbago ang pagtingin niya dahil sa nangyari. Hindi ko na alam. Natatakot ako.Nang makatayo ako ay agad na akong nagbihis at iniwan siya sa lugar na iyon. Sinabi ko rin sa isa sa mga staff doon, kung sakali man na hanapin niya ako ay sabihin sa kanya na umuwi na ako dahil may pasok pa ako.-"Hoy! Isabella, kanina pa kita kinakausap, ah! Tulala ka?" Tanong ng kaklase ko at kumaway pa sa
Pagpasok ko sa VIP room ay napakunot ang noo ko ng wala na ang mga kasama namin. Tanging si Justin na lang ang nandoon. "Oh? Asan na sila?" Tanong ko kay Justin pagkalapit sa kanya."Wala na nag-uwian na sila ang tagal mo kasi sa restroom," Sabi niya at inubos ang alak sa bote."Tss... Kasalanan ko bang parang binabaliktad ang sikmura ko? Ang panget kaya ng lasa ng alak paano niyo nagagawang inumin’ yan?" Tanong ko sa kanya at napahawak pa sa tiyan ko dahil para bang hinahalukay iyon."Ayan kasi, wala namang pumilit sa 'yo na uminom ng marami. Oh!" Sabi niya at may inabot sa'kin na inumin na nakalagay sa maliit na bote parang yakult ang itsura nito."Ano ito yakult?" Tanong ko ng makuha ito sa kanya."Tangek! Sabi no'ng lalaki na crew dito pampatanggal lasing daw 'yan. Nakailan nga niyan si Ms. Lee bago umuwi, eh." Saad ni Justin sa mapungay na mga mata. Napatingin naman ako sa mesa at ang dami ngang gano'ng bote na nagkalat."Halata nga. Teka! Naiihi na naman ako," Sabi ko at nagmad
Nakatingin ako sa labas ng kotse ng magtanong ako kay Justin, “Dito ang venue?”"Oo, bakit?" Balik na tanong niya sa'kin."Wala naman madalas kasi kami dito dati dahil pagmamay-ari ito ng magulang ng dati kong kaklase." Sabi ko at bumaba na sa kotse niya. Pumasok na kami sa loob ng restaurant at masasabi kong malaki ang pagbabago ng lugar na ito. Nagmukha na itong magarbo at mamahalin hindi tulad dati na maliit at gawa lamang sa kahoy ang mga haligi."Sorry po nalate kami." Sabi ko pagkarating namin sa table nila Mr. Jung. Nasa isa kaming VIP room dito. Nakipagkamustahan pa nga ako kay Lea kanina ng magkasalubungan kami."Ayos lang iyon, Isabella. Mabuti nga at nagkasabay na kayo ni Justin papunta dito, eh." Sabi ni Mr. Jung sa' amin."Dito na kayo maupo, oh." Turo ni Ms. Lee sa dalawang magkatabing upuan at agad naman kaming pumunta doon."Kamusta naman ang exam mo?" Tanong ni Mr. Jung sa 'kin at inabutan ako ng kutsara't tinidor."Okay naman po." Nakangiti kong sagot sa kanya at ina
After ng event na pinuntahan namin ni Justin ay umuwi na rin kami. Napagod na daw siya basta ako masaya na ‘di na sila magkasama ni Sheena. Si Sheena ang bagong babae ng Justin ko sa kanyang drama. Basta ako ang original na asawa huwag nga sila. Ako ang kasama niya sa bahay so ako ang original. Naglevel-up na pagiging ambisyosa ko. Sorry, self pero sa tingin ko malala ka na. Huwag ka na magpa-admit susukuan ka lang ng mga taga-mental. Hahaha… "Nakakapagod!" Sabi ko saka umayos ng upo at sumandal sa inuupuan ko. "Tsk! Napagod ka? Eh, puro pagtulala lang ang ginawa mo? Akala ko ba nag-aaral ka?" Sabi ni Justin at binalik ang librong hawak niya sa shelves. "Hoy, nag-aaral ako, hanu," Saad ko sa kanya. Nandito kasi ako sa mini library niya kaya ayan magkasama kami haha. Chareng! Pinayagan niya lang ako na gumamit nito dahil may assignment ako sa literature. Ayaw niya nga akong pahiramin ng libro akala mo naman sisirain ko ang mga gamit niya. Pumayag lang siyang gamitin ko ang mini libr