Share

7

Author: sammilyna
last update Last Updated: 2025-08-02 00:42:00

Binigyan naman sila ng plato ni Claire at ako naman ay inabutan sila ng kutsara. Napasulyap ako kay Justin na kasalukuyang naglalagay ng maiinom sa baso samantalang ang iba naman ay busy sa pagkuha ng sarili nilang pagkain. Masiyadong mabagal kumilos ang tadhana kaya't uunahan ko na ulit ito kumilos.

"Sakto ang dating niyo dahil gutom na ako," sabi ni Justin at inabutan kami isa-isa ng juice na hawak niya.

"Luto 'yan ng Kungju ko. Huwag niyo akong ubusan ako ang nagrequest niyan." Buong pagmamalaki na sabi ni Jayson. 

"Justin, ito pagkain mo," Sabi ko at nahihiyang iniabot sa kanya ang pagkaing hawak ko.

"Salamat, nag-abala ka pa. Nakakahiya naman sa'yo." Saad niya at kinuha ito mula sa aking kamay.

"Wala iyon. Ano ka ba? Lahat may pagkain na tapos ikaw wala pa. Mahirap na baka maubusan ka," pabiro kong saad sa kanya na ikinatawa niya. Ang gwapo niya!

"Huwag kang madamot, Jayson. Pahingi rin naman kami," rinig kong sabi ni Claire at pilit na kumukuha mula sa tupperware na inilalayo ni Jayson.

"Hindi ito relief goods pero makakakain ang lahat!” Pabirong sigaw ko sa kanila kaya napalingon sila sa'kin. Nanag magtama ang paningin namin ni Justin ay napaiwas ako ng tingin dahil tila ba nanlalambot ang tuhod ko sa mga titig niya.

"Hoy! Jayson at Aurelia. Huwag kayong magsubuan ng pagkain sa harap ko baka itulak ko kayo dyan," nakangusong sabi ni Justin sa kanila ngunit hindi naman siya pinansin ng dalawa. May sariling mundo na ata ang mga ito.

Ang cute naman. Subuan din kita Justin, you want?

"Sabi sa inyo nagseselos 'yang si Justin kay Aurelia, eh!" Pang-aasar ni Ysrael kaya tinignan siya ng masama ni Justin.

"May lihim na pagnanasa talaga ito sa akin, eh!" Nakangising sabi naman ni Jayson.

Napatawa ako dahil ang cute nilang tignang dalawa. Kapag napapanood ko nga sila sa mga video nila tuwang-tuwa na ako at para bang may kumikiliti sa puso ko kaya maghapon nang maganda ang araw ko. Magkakaibigan kasi ang mga iyan at makikita mo sa videos na malalapit ang loob nila sa isat-isa kahit na sa mismong CEO nila na si Javier.

"Bakit hindi ka kumakain?" Tanong ni Justin ng makalapit siya sa'kin.

"Natutuwa kasi ako sa inyo dati sa mga online videos at sa mga live ko lang kayo napapanood tapos ngayon personal na." Sabi ko at hindi mapigilang ngumiti ng malapad.

"You seem very happy. Lahat kaya ng fans namin ganyan ang nararamdaman?" Saad niya at inabutan ako ng pagkain. Napalingon ako sa kanya. Ngayon ay nakatingin na siya kay Jayson at hindi pa rin nawawala ang malapad niyang ngiti.

'Yes, I'm very glad that finally I'm in Sync Entertainment and I'm with you.' Saad ko sa isip ko at muling tumingin kay Justin.

-

Magkakasama kaming nakaupo ngayon sa sahig at sabay-sabay na kumakain. Napapaiwas na lang ako ng tingin kapag nagsusubuan sila Aurelia at Jayson na para bang walang single na nakakakita sa kanila. Hustisya nama!

"Alam mo ba, Ysrael?  Si Kie ang nagluto ng mga pagkaing iyan," nanlaki ang mga mata ni Ysrael matapos marinig ang sinabi ni Aurelia at wala sa sariling binuga ito.

"Ysrael!" Malakas na sigaw ni Justin at halos maging isang linya na ang kilay niya. Ibinuga kasi ni Ysrael ang pagkain at napunta lahat sa mukha ni Justin.

"I’m dead!" Napapalunok naman na sabi ni Ysrael sabay takbo papalayo kay Justin, dahil alam niyang malalagot siya dito.

Kunot-noo na hinabol ni Justin si Ysrael. Samantalang si Justin naman ay pinigilan si Ysrael sa pagtakbo kaya nahuli siya ni Justin. Kiniliti ni Justin si Ysrael hanggang sa magpagulong-gulong silang dalawa sa sahig.

"Waah! Justin, Tama na! Sorry na!" Mangiyak-ngiyak na sabi ni Ysrael sa pagitan ng mga tawa niya.

"Parusa mo ito sa pagpapaligo mo ng pagkain sa'kin." Tatawa-tawang sabi ni Justin at binigyan siya ng sunod-sunod na mahihinang suntok. I find myself taking picture of them.

"Justin at Ysrael, tama na 'yan. Kumain na kayo dito dahil masamang pinaghihintay ang pagkain," sabi ni Jayson kaya nilubayan ni Justin si Ysrael. Umupo si Justin sa tabi ko at masamang tumingin kay Ysrael kaya napalunok ito ng sunod-sunod.

"Cute," wala sa sariling sabi ko kaya napalingon siya sa'kin ng nagtataka.

"This plate is cute..." Kunwaring sabi ko at iniwasan ang mga tingin niya. Pinagpatuloy ko naman ang pagkain ko habang pasimple siyang tinitignan.

"Hoy! Kainin mo iyong niluto ko para sa'yo." Sabi ni Claire at nag-pout pa sa harap ng asawa niya habang pilit siyang sinusubuan.

"Ayoko baka mamatay ako bigla," sabi ni Ysrael sa seryosong tono at inilalayo ang mukha niya sa kutsara.

"Ang harsh!" Natatawang sabi ko na sana pala ay hindi ko na lang sinabi dahil parehas nila akong tinignan ng masama.

"Masarap kaya ang luto ni Claire. Nag-improve na siya! ." Sabi naman ni Aurelia at sumubo ng pagkain.

"Try mo! Si Aurelia ang nagturo sa kanya kaya paniguradong masarap 'yan," Rinig kong sabi ni Jayson at marahang ginulo ang buhok ni Aurelia.

"See? Sila nga nasasarapan sa luto ko tapos ikaw ayaw mong kainin? Ang arte mo, ha? Kainin mo na please," sabi ni Claire at nag-puppy eyes pa sa harap ng asawa niya. Yak, ah.

"Ayaw mo? Ako na lang ang kakain lahat." Sabi ni Jayson at kinuha ang baunan na hawak ni Claire na agad din namang inagaw sa kanya ni Claire.

"Bakit kinuha mo? Ayaw niya naman, eh!" Pagmamaktol ni Jayson sa kanya dahil inilayo sa kanya ni Claire ang pagkain na hawak niya. Ang sarap nilang yakapin ang cute nila. Para silang mga bata na ang sarap kurutin.

"Here," napalingon ako sa nag-abot ng juice at nakitang kasalukuyang nagsasalin si Justin sa baso niya. Sinalinan niya palang muli ang baso ko. Sweet.

"Thank you," saad ko at kinuha ang baso saka uminom doon.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • That Night With Him   Chapter 56: Pag-asa

    Nandoon siya samantalang ako bored na bored na dito. Kukuhanin ko na sana ang vodka sa harap ko nang biglang tapikin ng kung sino man ang kamay ko. "What?" Inis kong sambit. "Anong what? Huwag mong sabihin na iinumin mo iyan? Masama iyon para kay baby." Sambit ni Justin at umupo sa tabi ko. Hindi ko napansin na nakabalik na pala siya. "Tsk! Alam ko naman iyon. Hindi ko naman iinumin, eh.” Nakangusong sambit ko. “Sus! Hindi daw,” sambit niya at inayos ang damit niya. “Nakakainip naman dito." Reklamo ko at inikot ang paningin ko sa buong lugar. "Gusto mo bang magsayaw?" Tanong niya sa'kin at nilahad ang kamay niya. Ayiee! Sige, na nga. Inabot ko ang kamay niya saka ngumiti. Wait! Kinikilig ako. Nagpalit ang musika. Slow dance na ito ngayon. Pumunta kami sa gitna, inilagay niya ang kamay ko sa kanyang balikat, ang isang kamay naman ay nasa aking beywang. Nangibabaw sa musika ang malakas na tibok ng puso ko. Napapaisip tuloy ako kung naririnig din ba niya ito? "Nabobored ka na b

  • That Night With Him   Chapter 55: Party

    Sumakay kami sa sasakyan ni Hiro at agad niyang binuksan ang music player at nagplay ang isang masiglang tugtog. “Kamusta maganda ba?” Tanong niya kaya napalingon ako. “Gawa mo?” Curious kong tanong sa kanya. “Oo, ipapasa ko next week kay Javier once na natapos ko ang lyrics at natapos ang track. “Ang ganda! Buhay na buhay ang tugtog. Mapapasayaw ka kapag narinig. Iba talaga kapag may kaibigan na sikat nauuna ka makinig bago i-release,” humahagikgik na saad ko. “Naku! Ikaw talaga. Hindi pa nga naaprubahan release na agad nasa isip mo,” natatawang saad niya rin. “But seriously, maganda siya. Sikat kaya lahat ng gawa mo. Kaya proud na proud ako sayo, eh,” saad ko sa kanya na taos sa puso ko. “Nga pala…” seryosong saad niya kaya napalingon ako sa kanya. “Bakit ganon? Kanin sa bahay niyo napakatahimik? I mean ang gara ng atmosphere,” sambit niya ng hindi tinatanggap ang paningin sa daan. Napatingin ako sa bintana,”Ganon ba?” Baka dahil ako lang mag-isa…” huminto ako sa pagsasalit

  • That Night With Him   54

    Isabella’s POVNaririnig ko ang mga hakbang ni Justin sa labas ng pintuan, pero hindi ko alam kung pagbubukaan ko ba siya o hindi. Huminga ako ng malalim saka iyon binuksan. Nakita kong naglalakad na siya papunta sa kanyang silid.“Justin?” mahina kong sambit. Wala tugon at patuloy pa rin siya sa paglalakad. Pinikit ko ang mga mata ko at hinaplos ang tiyan ko. “Okay lang marahil ay hindi niya ako narinig,” bulong ko. Subalit kahit paulit-ulit kong sinasabi, ramdam ko ang luhang gustong lumabas sa aking mga mata.Hindi ko alam kung anong nasa isip niya—galit ba? Pagod? O ginagampanan lang niya ang mga iniutos sa kanya?“Isabella,” napasinghap ako ng marinig ang tinig niya. Bumalik siya?“Hindi nga ako nagkamali na gising ka pa. Narito lang ako para siguraduhin kung natutulog ka, marahil ay naninibago ka. Heto ang gatas upang makatulog ka,” seryoso ang boses niya at hindi ko mabasa ang nasa utak niya.“Salamat,” mahina kong sambit. Kinuha ko ang gatas mula sa kanya at tulad kanina ay hi

  • That Night With Him   53

    Napatigil ako sa narinig ko. Hindi ko alam kung bakit mas masakit ang salitang “Act” kaysa sa malamig niyang asal kanina sa bahay. Pilit akong ngumiti sa harap niya ng maka-recover.“Ah—oo,” sambit ko habang sinisikap na magmukhang kalmado. Nararamdaman ko ang mga matang nakatingin sa’min. May mga bulungan. May mga nakataas na cellphone para kunan kami. May mga taong nagtilian din dahil sa ginawa ni Justin.“Kalalabas mo lang ng ospital gumala ka kaagad,” kumunot ang kilay niya saglit bago siya ngumiti ulit. Pilit na ngiti bago niya nilapit muli ang mukha niya sa akin para bumulong.“Naabutan ko pa ang Tito mo sa bahay at pinagalitan ako dahil hindi ko masagot ang tanong niya,” may inis sa boses niya at pa-simpleng tumingin sa akin ng masama. Hinawakan niya ang likod ko, marahan pero may distansya. Para bang sapat lang para magmukha kaming magkasama, pero kulang para maramdaman kong totoo. Pagkaraan ay humarap siya na nakangiti sa mga taong nanonood sa amin.Tsk! Akala ko pa naman! R

  • That Night With Him   52

    Lumabas ako ng silid at nadama ang pag-iisa dahil tahimik ang buong lugar. Hindi ko alam kung bakit ngunit naramdaman kong namasa muli ang aking pisngi. Mabilis ko iyong pinunasan at pilit na ngumiti.“Sanay naman ako dati mag-isa pero bakit ngayon parang ang bigat sa pakiramdam?” Sambit ko sa sarili pagkaraan ay kinuha ang cellphone ko sa bulsa.Si Tito tumatawag…“Isabella,” sambit ni Tito sa kabilang linya ngunit di ako sumagot. Nanatili lang akong nakikinig sa kanya hanggang sa muli siyang magsalita.“Hindi ko ginagawa ’to para parusahan ka,” sabi niya. “Ginagawa ko ’to para hindi ka mag-isa.” Napatigil ako sa narinig ko. Totoo ba? Pero bakit ngayon ay nag-iisa ako?“Naiintindihan ko po,” tanging saad ko sa tawag bago ito tinapos. Napabuntong hininga aoo pagkaraan ay naglakad papunta sa sala."Ano na ngayon ang mangyayari sa amin? Hays!" Kinuha ko ang shoulder bag ko sa sofa bagk muling bumalik sa kwarto ko.Inayos ko ang mga gamit ko pagkaraan ay naligo na upang mahimasmasan. D

  • That Night With Him   51

    Isabella's Pov:Nagising ako nang makaramdam ako ng gutom ngunit paglingon ko sa gilid ay nakita ko si Justin. Kasalukuyan siyang natutulog sa sofa, napakurap-kurap pa nga ako at mahinag tinampal ang mukha ko upang siguraduhin na hindi ako nananaginip. Dali-dali akong tumayo at lumapit sa kanya ng hindi gumagawa ng kahit na anong ingay. Hindi ko napigilang hindi ngumiti ng makita ang guwapo niyang mukha. Totoo ngang nandito siya at hindi ito panaginip. Mas lalong hindi ako namamalikmata. Kanina pa kaya siya dito?Dama ko ang malakas na kabog ng dibdib ko habang dahan-dahan kong nilalapit ang kamay ko sa mukha niya. Nais ko kasing haplusin ang pisnge niya. Pagdating talaga sa kanya ay para bang nagkakarera ang puso ko sa pagtibok. Nakakainis.Malapit na sana dumampi ang kamay ko sa mukha niya nang bigla siyang gumalaw at dahan-dahan dumilat."Anong ginagawa mo?" kunot-noo niyang tanong sa'kin."Ah! Ano... Hehe... Ewan?" patanong na sambit ko dahil hindi ko na malaman ang sasabihin ko.

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status