Binigyan naman sila ng plato ni Claire at ako naman ay inabutan sila ng kutsara. Napasulyap ako kay Justin na kasalukuyang naglalagay ng maiinom sa baso samantalang ang iba naman ay busy sa pagkuha ng sarili nilang pagkain. Masiyadong mabagal kumilos ang tadhana kaya't uunahan ko na ulit ito kumilos."Sakto ang dating niyo dahil gutom na ako," sabi ni Justin at inabutan kami isa-isa ng juice na hawak niya."Luto 'yan ng Kungju ko. Huwag niyo akong ubusan ako ang nagrequest niyan." Buong pagmamalaki na sabi ni Jayson. "Justin, ito pagkain mo," Sabi ko at nahihiyang iniabot sa kanya ang pagkaing hawak ko."Salamat, nag-abala ka pa. Nakakahiya naman sa'yo." Saad niya at kinuha ito mula sa aking kamay."Wala iyon. Ano ka ba? Lahat may pagkain na tapos ikaw wala pa. Mahirap na baka maubusan ka," pabiro kong saad sa kanya na ikinatawa niya. Ang gwapo niya!"Huwag kang madamot, Jayson. Pahingi rin naman kami," rinig kong sabi ni Claire at pilit na kumukuha mula sa tupperware na inilalayo ni
Terakhir Diperbarui : 2025-08-02 Baca selengkapnya