LOGINNang bahagya akong magpalinga-linga ay napansin kong siya lang mag-isa. Tinitigan ko siya at kita sa kanyang mga mata na inaantok na siya marahil ay pagod siya dahil sa kanyang trabaho ngayong araw.
"Hindi ba kasama mo sila Brian at Ysrael kanina? Nakita ko kasi kayo noong dumating ako dito." Sabi ko at bahagya pang napakamot sa batok ko dahil nakita ko ang pagkagulat sa mukha ni Justin matapos kong sabihin iyon. “Ow, nauna na silang umalis sa'kin dahil may pupuntahan pa daw sila," Sabi niya habang may tinatype sa cellphone niya. "Ikaw? Pauwi ka na din ba?" Tanong ko sa kanya kahit halata naman na pauwi na siya. Pinahahaba ko lang talaga ang usapan namin dahil gusto ko pa siyang maka-usap pero busy siya sa pagkalikot ng cellphone niya. Hablutin ko kaya? Pero huwag na hindi naman kami ganoon ka-close para gawin ko iyon. Isa pa baka magalit siya sa'kin kapag ginawa ko iyon. "Pauwi ka na ba?" Pabalik na tanong niya saka lumingon sa'kin. Tumango naman ako bilang sagot sa kanya samantalang siya naman ay ngumiti sa'kin. Gosh! Dahil sa ngiting iyon ay bumilis ang tibok ng puso ko. Ang gwapo naman kasi nitong taong ito. "Sabay ka na sa'min gabi na rin baka wala kang masakyan pero kung may susundo naman sa'yo ay sasamahan ka na lang muna namin hanggang sa dumating na ang taong maghahatid sa'yo pauwi." Saad niya at ibinalik sa bulsa ang kanyang cellphone. "Ahm, walang susundo sa'kin. Siguro maghihintay nalang ako ng masasakyan." Nahihiya kong sagot kahit na gusto ko talagang sumabay sa kanya. Saglit siyang nag-isip bago muling nag-salita,"Ikaw naman parang hindi ka kakilala. Pinsan ka ng girlfriend ni Jayson, hindi ba? Mapapagalitan pa ako no'n kung hindi kita isasabay at hahayaan kitang maghintay diyan." Saad niya sa'kin. Natatandaan niya ako? "Okay lang talagang sumabay ako?" Tanong kong muli sa kanya. "Oo naman kaya tara na." Saad niya at saktong may humintong itim na kotse sa harap namin. Pinagbuksan niya ako ng pinto kaya sumakay na rin ako dahil iyon naman talaga ang nais ko. Magkatabi kami sa upuan ni Justin sa backseat at sobra akong nagpapasalamat dahil medyo madilim sa loob ng kotse. Hindi niya makikita ang pamumula ng mukha ko at hindi niya din makikita na sobra akong nakangiti ngayon na halos mapunit na ang mukha ko habang katabi siya. Baka pagkamalan pa akong baliw kapag nagkataong makita niya ang itsura ko at sa mental ako i-diretso kaysa sa bahay namin. "So, you're a model?" Tanong niya sa'kin kaya napalingon ako sa kanya. "A freelance model." Pagtatama ko sa kanya habang inaaninag ang mukha niya mula sa mumunting ilaw na nagmumula sa labas. "Ow, bakit freelance lang? By the way, sabihin mo sa driver kung saan ka ibababa." Sabi niya at agad namang lumingon ang driver sa'min kaya sinabi ko sa kanya kung saan ako bababa mamaya. "Amm.. Nag-aaral pa kasi ako kaya freelance lang muna ako para hindi ako mahirapan sa schedule." Sagot ko sa kanya at pinilit na pakalmahin ang sarili ko. Pagkatapos ng pag-uusap namin na iyon ay katahimikan na. Nakakapanibago dahil nakakabingi ang katahimikan na mayroon kami ngayon. Nilingon ko siya at nakita kong tulog na siya habang may nakakabit na wireless earbuds sa kanyang magkabilang tenga. Marahil ay pagod talaga siya ngayong araw. Napalunok ako ng hindi ko maiwasang titigan siya kung hindi ko siguro napansin na lumilingon ang driver sa’min ay hinaplos ko na ang kanyang mukha. Napabuntong-hininga na lang ako at napatingin sa labas ng kotse. Napaawang ang labi ko ng maramdaman kong pumatong ang ulo ni Justin sa balikat ko. "J-Justin?" Saad ko at tinapik siya ng mahina sa balikat ngunit umayos lang siya sa pagkakasandal sa'kin. "Sobra po sigurong napagod si Sir kaya ganyan..." Sabi ng driver at tumingin sa rear mirror. "B-Baka nga..." Utal na sabi ko at hinawakan ang mukha niya upang ayusin siya mula sa pagkakasandal sa balikat ko. Napangiti naman ako ng maamoy ko ang strawberry flavor na shampoo niya. Tama lang talaga ang desisyon ko na sumabay sa kanya ngayon dahil kung hindi ako sumabay ay hindi ko mararanasan ito. "S-Sorry, dapat ginising mo na lang ako." Sabi niya ng magising siya at agad umayos ng upo. Napaiwas naman ako ng tingin sa kanya para hindi niya makita ang paghihinayang sa mukha ko. "A-Ayos lang naman iyon," Sabi ko sa kanya at hindi mahanap ang mga salita na nais ko pang sabihin, "Dito niyo nalang ako ibaba malapit na rin naman po ito sa bahay namin." Biglang saad ko dahil nakaramdam ako ng awkwardness sa pagitan naming dalawa. Matapos kong magpaalam sa kanila ay agad na din naman silang umalis. Nang makalayo na sila ay dali-dali akong tumakbo papunta sa bahay at agad na pumasok sa loob saka nagsisigaw sa kilig. Si Justin ata ang magiging dahilan ng maaga kong pagkamatay. **** Rinig ang malakas naming tawa sa apat na sulok ng sala dito sa bahay dahil sa kinuwento ni Claire tungkol sa honeymoon nila ni Ysrael sa Japan. "Huwag ka na kasi magluto baka maaga mong mapatay si Ysrael. Mabyuda ka kaagad," sabi ko sa kanya na halos maiyak na sa kakatawa. Kawawang Ysrael dahil masasabi kong hindi mo pa nangunguya ang pagkain na niluto ni Claire ay iluluwa mo na kaagad. "Che! Mga walang hiya. Mamatay sana kayo kakatawa," inis na sabi ni Claire at nginusuan kami na aabot ata hanggang labas ng bahay. "Turuan ka nalang namin magluto." Suhestiyon ni Aurelia ng mapakalma niya ang sarili niya mula sa pagtawa. "Bright idea!" Tuwang-tuwa na sabi ni Claire na kulang nalang ay magningning ang mga mata. Ginayak na muna namin ang mga kakailanganin namin sa pagluluto. Ang napagdesisyunan naming lutuin ay ang spaghetti, carbonara, at fried chicken. After naming magluto ay pumunta na kami sa Sync Entertainment dahil nirequest ni Jayson na magpadala ng pagkain kay Ren. May trabaho kasi siya ngayong araw doon at ang modelo niya ay sila Justin at Ysrael. Makikita ko na naman si Justin ngayong araw. Anong approach naman kaya ang gagawin ko para makausap siya? Kakausapin ko ba siya kung anong nangyari sa kanya nitong mga nagdaang araw? Kakamustahin? Tatanungin anong kinain niya kaninang umaga? O aalukin ng pagkain mamaya? Hays! Bahala na nga.Nandoon siya samantalang ako bored na bored na dito. Kukuhanin ko na sana ang vodka sa harap ko nang biglang tapikin ng kung sino man ang kamay ko. "What?" Inis kong sambit. "Anong what? Huwag mong sabihin na iinumin mo iyan? Masama iyon para kay baby." Sambit ni Justin at umupo sa tabi ko. Hindi ko napansin na nakabalik na pala siya. "Tsk! Alam ko naman iyon. Hindi ko naman iinumin, eh.” Nakangusong sambit ko. “Sus! Hindi daw,” sambit niya at inayos ang damit niya. “Nakakainip naman dito." Reklamo ko at inikot ang paningin ko sa buong lugar. "Gusto mo bang magsayaw?" Tanong niya sa'kin at nilahad ang kamay niya. Ayiee! Sige, na nga. Inabot ko ang kamay niya saka ngumiti. Wait! Kinikilig ako. Nagpalit ang musika. Slow dance na ito ngayon. Pumunta kami sa gitna, inilagay niya ang kamay ko sa kanyang balikat, ang isang kamay naman ay nasa aking beywang. Nangibabaw sa musika ang malakas na tibok ng puso ko. Napapaisip tuloy ako kung naririnig din ba niya ito? "Nabobored ka na b
Sumakay kami sa sasakyan ni Hiro at agad niyang binuksan ang music player at nagplay ang isang masiglang tugtog. “Kamusta maganda ba?” Tanong niya kaya napalingon ako. “Gawa mo?” Curious kong tanong sa kanya. “Oo, ipapasa ko next week kay Javier once na natapos ko ang lyrics at natapos ang track. “Ang ganda! Buhay na buhay ang tugtog. Mapapasayaw ka kapag narinig. Iba talaga kapag may kaibigan na sikat nauuna ka makinig bago i-release,” humahagikgik na saad ko. “Naku! Ikaw talaga. Hindi pa nga naaprubahan release na agad nasa isip mo,” natatawang saad niya rin. “But seriously, maganda siya. Sikat kaya lahat ng gawa mo. Kaya proud na proud ako sayo, eh,” saad ko sa kanya na taos sa puso ko. “Nga pala…” seryosong saad niya kaya napalingon ako sa kanya. “Bakit ganon? Kanin sa bahay niyo napakatahimik? I mean ang gara ng atmosphere,” sambit niya ng hindi tinatanggap ang paningin sa daan. Napatingin ako sa bintana,”Ganon ba?” Baka dahil ako lang mag-isa…” huminto ako sa pagsasalit
Isabella’s POVNaririnig ko ang mga hakbang ni Justin sa labas ng pintuan, pero hindi ko alam kung pagbubukaan ko ba siya o hindi. Huminga ako ng malalim saka iyon binuksan. Nakita kong naglalakad na siya papunta sa kanyang silid.“Justin?” mahina kong sambit. Wala tugon at patuloy pa rin siya sa paglalakad. Pinikit ko ang mga mata ko at hinaplos ang tiyan ko. “Okay lang marahil ay hindi niya ako narinig,” bulong ko. Subalit kahit paulit-ulit kong sinasabi, ramdam ko ang luhang gustong lumabas sa aking mga mata.Hindi ko alam kung anong nasa isip niya—galit ba? Pagod? O ginagampanan lang niya ang mga iniutos sa kanya?“Isabella,” napasinghap ako ng marinig ang tinig niya. Bumalik siya?“Hindi nga ako nagkamali na gising ka pa. Narito lang ako para siguraduhin kung natutulog ka, marahil ay naninibago ka. Heto ang gatas upang makatulog ka,” seryoso ang boses niya at hindi ko mabasa ang nasa utak niya.“Salamat,” mahina kong sambit. Kinuha ko ang gatas mula sa kanya at tulad kanina ay hi
Napatigil ako sa narinig ko. Hindi ko alam kung bakit mas masakit ang salitang “Act” kaysa sa malamig niyang asal kanina sa bahay. Pilit akong ngumiti sa harap niya ng maka-recover.“Ah—oo,” sambit ko habang sinisikap na magmukhang kalmado. Nararamdaman ko ang mga matang nakatingin sa’min. May mga bulungan. May mga nakataas na cellphone para kunan kami. May mga taong nagtilian din dahil sa ginawa ni Justin.“Kalalabas mo lang ng ospital gumala ka kaagad,” kumunot ang kilay niya saglit bago siya ngumiti ulit. Pilit na ngiti bago niya nilapit muli ang mukha niya sa akin para bumulong.“Naabutan ko pa ang Tito mo sa bahay at pinagalitan ako dahil hindi ko masagot ang tanong niya,” may inis sa boses niya at pa-simpleng tumingin sa akin ng masama. Hinawakan niya ang likod ko, marahan pero may distansya. Para bang sapat lang para magmukha kaming magkasama, pero kulang para maramdaman kong totoo. Pagkaraan ay humarap siya na nakangiti sa mga taong nanonood sa amin.Tsk! Akala ko pa naman! R
Lumabas ako ng silid at nadama ang pag-iisa dahil tahimik ang buong lugar. Hindi ko alam kung bakit ngunit naramdaman kong namasa muli ang aking pisngi. Mabilis ko iyong pinunasan at pilit na ngumiti.“Sanay naman ako dati mag-isa pero bakit ngayon parang ang bigat sa pakiramdam?” Sambit ko sa sarili pagkaraan ay kinuha ang cellphone ko sa bulsa.Si Tito tumatawag…“Isabella,” sambit ni Tito sa kabilang linya ngunit di ako sumagot. Nanatili lang akong nakikinig sa kanya hanggang sa muli siyang magsalita.“Hindi ko ginagawa ’to para parusahan ka,” sabi niya. “Ginagawa ko ’to para hindi ka mag-isa.” Napatigil ako sa narinig ko. Totoo ba? Pero bakit ngayon ay nag-iisa ako?“Naiintindihan ko po,” tanging saad ko sa tawag bago ito tinapos. Napabuntong hininga aoo pagkaraan ay naglakad papunta sa sala."Ano na ngayon ang mangyayari sa amin? Hays!" Kinuha ko ang shoulder bag ko sa sofa bagk muling bumalik sa kwarto ko.Inayos ko ang mga gamit ko pagkaraan ay naligo na upang mahimasmasan. D
Isabella's Pov:Nagising ako nang makaramdam ako ng gutom ngunit paglingon ko sa gilid ay nakita ko si Justin. Kasalukuyan siyang natutulog sa sofa, napakurap-kurap pa nga ako at mahinag tinampal ang mukha ko upang siguraduhin na hindi ako nananaginip. Dali-dali akong tumayo at lumapit sa kanya ng hindi gumagawa ng kahit na anong ingay. Hindi ko napigilang hindi ngumiti ng makita ang guwapo niyang mukha. Totoo ngang nandito siya at hindi ito panaginip. Mas lalong hindi ako namamalikmata. Kanina pa kaya siya dito?Dama ko ang malakas na kabog ng dibdib ko habang dahan-dahan kong nilalapit ang kamay ko sa mukha niya. Nais ko kasing haplusin ang pisnge niya. Pagdating talaga sa kanya ay para bang nagkakarera ang puso ko sa pagtibok. Nakakainis.Malapit na sana dumampi ang kamay ko sa mukha niya nang bigla siyang gumalaw at dahan-dahan dumilat."Anong ginagawa mo?" kunot-noo niyang tanong sa'kin."Ah! Ano... Hehe... Ewan?" patanong na sambit ko dahil hindi ko na malaman ang sasabihin ko.







