Share

Chapter 65

last update Huling Na-update: 2025-08-07 10:11:35

Lumabas ako ng sala na parang may mabigat na batong nakapatong sa dibdib ko. Tahimik lang ang paligid, tanging mahinang tunog ng orasan sa dingding ang naririnig ko. Hindi ko alam kung saan siya pwedeng nagpunta, pero para bang may humihila sa akin pataas.

Hanggang sa makita ko ang hagdang bakal na umaakyat sa rooftop.

Mabagal ang bawat hakbang ko. Pag-angat ko ng ulo, una kong nasilayan ang malamlam na ilaw ng buwan, saka ang matikas na likod ni Atticus. Nakatalikod siya, nakahawak sa railing, at tila nakikipag-usap sa katahimikan ng gabi.

“Atticus…” mahina kong tawag.

Bahagya siyang lumingon, at sa liwanag ng buwan ay nakita ko ang pagod sa kanyang mga mata. Hindi iyon pagod sa katawan kundi sa puso.

Lumapit ako, inilapat ang kamay ko sa malamig niyang braso. “Bakit hindi mo sinabi sa akin?”

Tahimik siya sandali, bago bumuntong-hininga. “Because I didn’t want you to see me as… this. A man who’s had to kill to survive. A man who carries blood on his hands.”

Pinisil ko a
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter

Pinakabagong kabanata

  • Accidentally Yours, Mr. Billionaire!   Chapter 69

    Pagsapit ng alas tres, naisipan kong paglutuan ang mga bata ng meryenda. Ayaw ko ring puro yaya o kasama lang ang nag-aasikaso sa kanila, gusto ko maramdaman nilang may ibang nag-aalaga rin at nagmamahal.Pagbukas ko ng kusina, sinalubong ako ng sari-saring rekado at mga gamit na tila handa para sa kahit anong putahe. Napangiti ako. Siguro ito ang isa sa mga bagay na kaya kong i-contribute dito, ang simpleng kaligayahan sa pagkain.Nagdesisyon akong gumawa ng pancakes at mainit na tsokolate. Simpleng bagay pero paborito ng mga bata. Habang hinahalo ko ang batter, napansin kong nakasilip sa pinto si Ares.“Tita Ceila, can I help?” tanong niya, nangingislap ang asul na mata.“Of course,” sagot ko sabay abot ng whisk. “Pero bawal ka dumikit sa kalan, ha?”Tumango siya agad, seryosong parang batang chef. Maya-maya ay sumunod na rin ang dalawa pa, bitbit ang kani-kanilang laruan pero nakatingin sa ginagawa namin. Unti-unti, napuno ng halakhakan at tawanan ang kusina. May nagkalat na harina

  • Accidentally Yours, Mr. Billionaire!   Chapter 68

    Maagang umalis sina Atticus, ang alam ko ay tataposin nila ang laban simula ngayong araw. May iilang lalaki ang nandito upang bantayan hindi lang ako pati na ang mga kasama ko. Napakurap akong nakipagtitigan sa batang nasa harap ko ngayon. Sa kulay ng kanyang mga mata, alam ko na agad kung sino ang ama niya. "Are you tita Ceila?" Tanong pa nito. Tumango ako at ngumiti. "Ako nga. Ano pangalan mo?" Sumimangot ito bago sumagot. "I'm Ares." "I love your eyes, color blue." I praised him. Nanlaki ang mga mata nitong kulay asul at namula ang tenga. Natawa ako. Ang cute niya. Gusto kong pisilin ang pisngi niya pero nahihiya ako. Napahimas ako sa aking tiyan habang nakatitig pa rin sa kanya. Dumako ang tingin nito sa tiyan ko. Excited na akong makita ang panganay ko. Kamukha kaya ko ito o kay Atticus? Gusto kong kamukha ni Atticus. "You have big belly." Gulat nitong ani. Tumawa ako at hindi sinandyang napatingin sa gawi ng ibang bata. Nasa sofa sila abala sa paglalaro ng ka

  • Accidentally Yours, Mr. Billionaire!   Chapter 67

    Mabigat ang paligid. Tahimik ang buong pasilyo, tanging maririnig lang ay ang mahinang ugong ng air conditioning at ang marahas na tibok ng puso ko.Si Thanos ay nanatiling nakatayo nang tuwid. Matangkad, malapad ang balikat, at parang may halong malamig na bakal ang aura niya. Nakakatakot. Hindi ko alam kung sa kulay ng mga mata niyang bughaw na parang nagyeyelong dagat o sa paraan ng pagtitig niya na parang binabasa ang kaluluwa mo.“Let’s not waste time,” malamig niyang sambit, hindi man lang tumitingin sa akin, pero ramdam ko ang presyensya niyang mabigat at mapanganib. “We have a meeting to attend, Thena.”Umangat ang kilay ni Athena ngunit hindi sumagot agad. Sa halip, tumingin siya kay Atticus, parang may sinasabi sa pamamagitan ng mata.Napatingin ako kay Atticus, naghahanap ng kahit kaunting paliwanag, pero ang sagot lang niya ay isang mabigat na buntong-hininga.“This meeting…” bulong ko kay Atticus habang naglalakad kami, “is this about me?”Hindi siya sumagot kaagad. Hawak

  • Accidentally Yours, Mr. Billionaire!   Chapter 66

    Pagbaba namin, agad sumalubong ang boses ni Athena.“Get ready, Ceila. We need to leave now,” malamig pero matatag niyang sabi. “May meeting tayo at kasama ka, Ceila.”Parang biglang bumigat ang paligid. Napatingin ako kay Atticus na agad lumapit sa akin, hinawakan ang kamay ko na para bang sinasabi niyang, I’m here.“Meeting?” mahina kong ulit, pilit pinapakalma ang boses ko. “What kind of meeting?”“You’ll know once we get there,” sagot ni Athena, diretso ang tingin sa akin, walang bahid ng alinlangan. “Pero kailangan mong marinig ang lahat… mula mismo sa bibig ng mga taong dapat mong makilala.”Hindi ko alam kung anong ibig niyang sabihin pero ramdam ko, hindi ito basta-basta.Habang bumababa kami sa hagdan, mahigpit pa rin ang kapit ni Atticus sa kamay ko. Ramdam ko ang init ng palad niya na para bang iyon na lang ang pumipigil sa akin para hindi tuluyang lamunin ng kaba.Sa bawat hakbang pababa, parang lalong bumibilis ang tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung dapat ba akong matak

  • Accidentally Yours, Mr. Billionaire!   Chapter 65

    Lumabas ako ng sala na parang may mabigat na batong nakapatong sa dibdib ko. Tahimik lang ang paligid, tanging mahinang tunog ng orasan sa dingding ang naririnig ko. Hindi ko alam kung saan siya pwedeng nagpunta, pero para bang may humihila sa akin pataas. Hanggang sa makita ko ang hagdang bakal na umaakyat sa rooftop. Mabagal ang bawat hakbang ko. Pag-angat ko ng ulo, una kong nasilayan ang malamlam na ilaw ng buwan, saka ang matikas na likod ni Atticus. Nakatalikod siya, nakahawak sa railing, at tila nakikipag-usap sa katahimikan ng gabi. “Atticus…” mahina kong tawag. Bahagya siyang lumingon, at sa liwanag ng buwan ay nakita ko ang pagod sa kanyang mga mata. Hindi iyon pagod sa katawan kundi sa puso. Lumapit ako, inilapat ang kamay ko sa malamig niyang braso. “Bakit hindi mo sinabi sa akin?” Tahimik siya sandali, bago bumuntong-hininga. “Because I didn’t want you to see me as… this. A man who’s had to kill to survive. A man who carries blood on his hands.” Pinisil ko a

  • Accidentally Yours, Mr. Billionaire!   Chapter 64

    "Ate, can Ceila rest first? Wala pa siyang tulog, ate, kagabi pa. Masama sa kanya," nag-aalalang pakiusap ni Atticus habang banayad na nakapatong ang kamay niya sa bilog kong tiyan, para bang sinisigurong kalmado ang lahat. Ako, ang anak namin, at pati ang paligid. Katatapos lang naming kumain. Masarap ang pagkain pero hindi ko masabing kumain ako nang maayos. The weight of everything happening was heavier than any meal. Ngayon, nasa sala na kami. Tahimik. Tahimik ang buong bahay, pero sa loob-loob ko, ang dami kong gustong itanong, gusto kong sigawain ang katahimikan para lang marinig ang totoo. Athena was standing a few feet away from us, arms crossed, her expression unreadable. Ang posture niya, parang isang heneral na sanay mag-utos at hindi sanay tumanggi. Pero sa likod ng malamig niyang tindig, may mga mata siyang tila masyadong maraming alam. She studied us for a moment before she sighed, then nodded once. "Fine. She can rest tonight. But tomorrow, I’ll talk to her whether

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status