Bumili muna ako ng prutas at chocolate para sa mga anak ni Jea. Gusto ko rin namang may pasalubong kahit papaano—hindi puwedeng bigla na lang akong susulpot doon na walang dala.
Ah, right. It's Saturday. Bukod doon, napag-isipan ko na rin—bukas, magsisimba ako sa Manila Cathedral. Matagal-tagal na rin mula nung huli akong nakapunta doon. Gusto kong ayain si Jea with her kids. Masarap sa pakiramdam ‘yung may kasama kang kaibigan habang nasa loob ng simbahan. Tahimik, solemn, at siguro doon ako makakahanap ng kaunting clarity sa gulo ng utak ko ngayon. “Doon na lang kaya kami magsimba,” bulong ko habang nakasakay sa taxi. Madali lang naman ang biyahe papunta sa address niya. Sinabi ko lang kay Manong driver ‘yung complete location at hindi na siya nagtanong. Swabe ang takbo. Wala rin gaanong traffic—swerte siguro ngayon. Nag-focus na lang ako sa labas ng bintana. Pinagmasdan ko ang mga tao, ang mga building, at ang mga pamilyang naglalakad sa sidewalk. How ironic, I thought. Ngayon ko lang talaga naisipan bisitahin si Jea na malapit na akong babalik sa probinsiya tapos may dalang chocolate para sa mga bata. Napangiti ako kahit papaano. Nakakabaliw. Nakakatawa rin. After ilang minuto, tumigil ang taxi sa tapat ng low-rise condo building ni Jea. Binayaran ko si Manong, saka bumaba habang hawak-hawak ‘yung paper bag ng pasalubong. Let’s just hope she's home… and that she’s ready to listen. Dahil kung hindi, baka mabaliw na talaga ako kakaisip sa nangyari. I should happy you know, because finally my dream come true. Pero, paano ko masisigurong mabuntis ako sa isang gabi lang? Napakagat ako ng labi. Isang gabi lang? Pero nakailan kami sa isang gabi? Bahagyang namula ang pisngi ko sa tanong. Tinampal ko ang pisngi ko para mapatingin sa akin ang guard. Nahiya tuloy ako. "Miss, okay ka lang po?" tanong bigla ng guard na nasa tapat ng building. Muntik na akong mapaatras sa gulat. Napalingon ako agad sa kanya at napangiti ng pilit. "Ah, yes po, Kuya. Okay lang ako." Aniko habang inaayos ang buhok ko para matakpan ang pamumula ng mukha ko. Tumango lang si Kuya Guard. Great. Kahit siya, napansin na akong parang baliw sa labas. Ngumiti ako sa kanya bago pumasok sa loob ng building. Her family living in condo for now dahil di pa raw tapos nabayaran ang binili nilang house and lot sa isang subdivision. Huminga ako ng malalim nang mahanap ang room niya bago pinindot ang doorbell. Ilang segundo lang ang lumipas bago bumukas ang pinto. Lumabas si Jea—nakabun pa ang buhok, naka-house dress, at may kargang baby sa kaliwa. Isang batang lalaki rin ang nakasilip sa likod niya, mukhang curious kung sino ang bisita. “Ay, himala! Nakadalaw ka rin sa wakas. Pasok ka, Ging,” bungad niya, sabay ngiti. Hindi ko agad sinagot. Tumitig muna ako sa baby niya, naka-smile ako habang tinatanaw siya sa braso ni Jea. “Siya ba yung bago mong baby? Ang ganda, ah. Hindi mana sa’yo.” Napasimangot agad si Jea. “Aba, hindi ka na welcome dito. Sige, alis ka na,” sagot niya, sabay hawi ng balikat na kunwari’y pinapaalis ako. Napatawa ako. “Bahala ka sa buhay mo,” sabi ko at tuloy-tuloy nang pumasok sa condo nila. Agad namang nagmano sa akin ang panganay niya, saka tumakbo papunta sa sala. Ako na muna ang nagbantay sa dalawang bata habang abala si Jea sa kusina. Binigay ko na rin ang pasalubong kong prutas at tsokolate para sa mga bata. Pagbalik niya, dala na niya ang meryenda. “I’m glad you came. Halatang wala kang ginagawa. You should try visiting some tourist spots around Makati. Ang dami kaya. Kesa naman magmukmok ka lang sa hotel.” Uminom ako ng juice bago nagsalita. “Actually, balak kong magsimba bukas sa Manila Cathedral. Wala ka bang lakad? Sama kayo ng mga bata.” Napaisip siya sandali bago ngumiti. “Hindi naman ako busy. Okay nga ‘yan, makalabas din kami. Family day na rin. Game ako. Okay lang ba sa’yo?” “Syempre. Pero ang tanong, okay ba sa asawa mo?” “Of course! Matutuwa pa ‘yon knowing may kasama kami. At least may kalaro ang mga bata habang kami ni mister, alam mo na, makakapag-spend ng konting time together.” Sabay tawa ng malandi ang loko. Pabiro akong umirap. “Ew. Date pa talaga kayo. Hoy, mahal ang pagiging babysitter ko ha. Sa dami ba naman ng pamangkin ko, pati ba naman sa’yo?” “Tingin ko talaga nabuhay ka sa mundo para lang maging Tita of the Year. Rich Tita ang datingan!” “Anong rich tita? Hindi ako mayaman, no.” “Hindi nga, pero may aura kang rich tita. Parang pag nasa café ka, ang lakas ng ‘I’m just here to take a break from my stressful life’ energy.” Napatawa na lang ako habang umiiling. Kung alam mo lang, Jea. If you only knew what kind of break I really need right now… Pagdating ng hapon, tsaka ako umuwi. Nag-enjoy ako kasama ang mga bata at nakipagdaldalan kay Jea. Kung kasama namin si Cristel, mas lalong maingay sa condo. Pag-uwi ko, may taong nakatayo sa harap ng unit ko. Napahinto ako. Umawang ang labi ko habang unti-unting lumalakas ang kabog ng dibdib ko. Hindi ako agad nakagalaw. Ang mga kamay ko, biglang nanlamig habang ang pakiramdam ko'y parang binuhusan ng malamig na tubig. Hindi ito hallucination. It was really him. Atticus. Nakasandal siya sa pintuan ng unit ko, naka-black long sleeves at dark jeans, parang wala lang. Pero ang presensya niya—ibang klase. Nakakatindig balahibo. Parang kakatok siya, pero naunahan ko. "Anong ginagawa mo rito?" tanong ko, hindi sigurado kung galit ba ako, naguguluhan, o kinakabahan. Lumingon siya sa direksyon ko. Walang emosyon sa mukha niya. Cold as ever. Pero yung mata niya… parang may gustong sabihin. "Waiting for you." Tila tinamaan ako sa dibdib sa sagot niya. Diretso. Walang paligoy. "Bakit? Sinong nagsabi sayong nandito ako?" tanong ko ulit habang lumalapit. He shrugged, like it was nothing. “You told me. Last night. You gave your address. Your number. Everything.” Napangiwi ako. Ay, putik. Lasing nga ako. "Nandito ako kasi… we need to talk." "Talk? About what? Tapos na 'yon, Atticus. Nangyari na, kalimutan na lang natin." "No." He took a step forward. "I don't forget." Napaatras ako nang bahagya. Sht. Bakit parang siya pa 'yong galit? “Look, I don’t remember everything. And I don’t want drama, okay?” sabay kuha ko ng susi sa bag para makapasok na sa loob. Pero bago ko pa maipasok sa doorknob, inagaw niya ang susi. "Let’s talk inside. You’re not running away from this." Nanlaki ang mata ko. "Atticus, ibalik mo ‘yan! You can’t just—" "Watch me." Binuksan niya ang pinto at pumasok na parang siya ang may-ari ng unit. Napakamot ako sa ulo habang nakatingin sa pintuan. Anong ginawa ko sa buhay ko?Tahimik ang buong bahay, ngunit sa bawat hampas ng hangin sa bintana ay tila may kasamang bulong na hindi ko mawari. Nasa kwarto ako, yakap ang unan, habang nakatingin sa kisame. Hindi pa rin ako makatulog.Mula sa crib sa tabi ng kama, nakasabit ang maliit na mobile na may mga bituin at buwan, marahang umiikot sa ihip ng hangin mula sa bukas na bintana. Ilang oras na ang lumipas mula nang umalis si Atticus, ngunit ang kaba sa dibdib ko ay tila hindi lumuluwag.Pinilit kong ipikit ang mga mata ko, pero bumabalik-balik ang mga imahe kanina. Ang malamig na metal ng bar*l sa kamay niya, ang matalim na tingin niya habang inilalagay iyon sa loob ng jacket, at ang paraan ng kanyang pagsabi.“Kailangan ko ito, Ceila.”Ano bang mundong ginagalawan mo, Atticus? Ano bang hindi mo sinasabi sa akin?Huminga ako nang malalim at hinaplos ang tiyan ko.“Baby… Daddy will come home. He promised.” Mahina kong bulong, bagama’t ang boses ko’y nanginginig. Hindi ko alam kung para bang ipinaaalala ko iyon
“Mga taong may atraso sa pamilya namin. Mga taong hindi sumusunod sa batas na alam mo. Ang batas nila, dugo at arm*s.” Pinikit niya ang mga mata, huminga nang malalim. “Hindi ko pinili na maging bahagi nito, pero pinanganak ako sa mundong ‘yon. Ang nag-iisa kong magagawa ngayon ay siguraduhin na kahit anong mangyari, ligtas ka at ligtas ang anak natin.”“Atticus…” humikbi ako, nilapitan siya at hinawakan ang kamay niya. “Hindi ko alam… hindi ko alam kung paano ko matatanggap na ganito pala kabigat ang dinadala mo.”Hinaplos niya ang pisngi ko gamit ang marumi pang kamay na kanina lang ay may hawak na bar*l.“Huwag mong tanggapin kung ayaw mo. Ang hiling ko lang… pagtiwalaan mo ako. Huwag mong isipin na dahil sa mga ito, magiging masama akong ama o asawa pagdating ng panahon. Ginagawa ko ‘to dahil wala akong ibang alam na paraan para protektahan kayo.”Napatingin ako sa mga mata niya, at doon ko nakita ang katotohanang ayaw kong aminin, ang mundong ginagalawan niya ay hindi basta-basta
Tahimik ang buong penthouse. Tanging mahinang hampas ng hangin mula sa bukas na bintana at ang pag-ikot ng ceiling fan ang maririnig. Mag-iika-apat na ng madaling-araw pero hindi ako makatulog. Siguro dala na rin ng bigat sa tiyan ko at ng mga salitang naiwan sa isip ko kagabi.Dahan-dahan akong bumangon mula sa kama, siniguradong hindi ako makakagising sa kahit sino man. Alam kong nasa kabilang kwarto si Emma, mahimbing ang tulog, at si Atticus, sinabi niyang babalik lang siya sandali sa opisina. Pero mahigit dalawang oras na ang lumipas.Lumabas ako ng kuwarto, dala ang maliit na baso ng tubig. Habang pababa ako sa hagdan, napansin ko ang bahagyang bukas na pinto ng isa sa mga silid na bihira kong makita na ginagamit, ang study room ni Atticus.Kumunot ang noo ko. Karaniwan itong nakasara, at madalas niyang sabihin na may mga confidential na papeles doon. Pero ngayong bukas… hindi ko alam kung bakit parang may pumipilit sa akin na silipin.Lumapit ako, maingat ang bawat hakbang. At
After that happened, mas lalong mahigpit si Atticus lalo na sa seguridad. Hinayaan ko siya dahil alam kong sa pakanan namin ito lalo na sa akin. He's calm, serious, and frighteningly focused sa bawat galaw ng mga tao niya sa paligid. Makikita ko kung paano niya pinaplano ang lahat mula sa dagdag na mga bodyguard na pumuwesto sa bawat sulok ng building, hanggang sa mga security camera na bigla na lang nadagdagan sa hallway at sa parking area. Hindi na siya katulad ng dati na palaging may biro, palaging may lambing. Ngayon, tahimik siyang nakaupo sa isang sulok ng opisina niya sa penthouse, hawak ang cellphone at may kausap na mga tao na kahit hindi ko marinig ang mga salita ay ramdam ko ang bigat ng bawat utos niya. Lumapit ako nang dahan-dahan, suot ang maluwag kong bestida at may hawak na baso ng gatas.“Atticus?” mahina kong tawag, ayaw ko siyang gambalain pero ramdam ko na kailangan niyang malaman na nariyan lang ako. Paglingon niya sa akin, saglit na nabura ang seryosong
Wala akong imik na uminom ng tsaa habang nasa sala, nakatanaw sa malayong bintana kung saan unti-unti nang lumulubog ang araw. Mainit ang tasa sa aking mga palad, pero mas malamig pa rin ang pakiramdam sa dibdib ko. Hindi mawala sa isipan ko ang mga salitang binitawan ni Ate Athena. “You know what kind of family Atticus came from. You know what kind of world he runs, right?” Alam ko… oo, alam ko na hindi basta-basta ang pamilya ni Atticus. Noon pa man ay may naririnig na akong mga usap-usapan. Mga aninong bumabalot sa apelyidong Koznetsov, mga lihim na hindi basta naibubunyag sa publiko. Mula sa kwento ni Atticus noong minsang naglakas-loob akong magtanong, nalaman kong ang pamilya niya ay hindi ordinaryong negosyante. Ang kanilang yaman ay galing sa mga kumpanyang mahirap pasukin, mga kontratang para bang pinipilit manatiling nasa dilim. Ang mga Koznetsov ay kilala sa larangan ng real estate, shipping, at high-end investments pero may mga bulung-bulungan din tungkol sa underg
Lumalim ang gabi ngunit hindi pa rin kami umaalis sa nursery. Tahimik lang kami ni Atticus habang magkatabi sa maliit na sofa roon. Nakasandal ako sa kanya, at ramdam ko ang mahinhing paghinga niya sa may ulo ko. Paminsan-minsan ay hinahaplos niya ang tiyan ko na para bang kinakausap niya si Lily sa pamamagitan ng dulo ng kanyang mga daliri. “Alam mo,” mahina niyang simula, “hindi ko akalaing darating sa buhay ko ‘tong ganito. I thought I’d spend my days drowning in board meetings and contracts… walang kahit anong bagay na mas mahalaga kaysa sa kompanya.” Napatingin ako sa kanya. “Pero?” “Pero dumating ka.” Huminga siya nang malalim, saka ngumiti. “And suddenly, none of those things mattered as much as this. As much as you… and her.” Pinisil ko ang kamay niya. “Atticus… hindi rin naging madali sa’kin ‘to. You know that. Pero ngayon… ngayon ko lang naramdaman na may lalaking totoong handang sabayan ako sa kahit anong mangyari.” Umiling siya, seryoso ang mukha. “Hindi lang sabay, C