Share

2. Family problem

Author: SEENMORE
last update Last Updated: 2025-08-06 08:05:03

(Ava pov)

Magulo na nga ang buhok ko, magulo pa ang isip ko. Hindi ko alam kung paano ko haharapin ang boss ko pagpasok ko. Naalala ko ang mga halinghing ko kagabi habang sinisigaw na "Ohhh, Sir, more! Bilisan mo pa!" Diyos ko nakakahiya talaga!

Nahuli kong tinitingnan ako ng driver ng taxing nasakyan. Iniisip siguro nito na nababaliw na ako dahil kanina pa ako bulong ng bulong habang sabunot ang buhok ko.

"Miss, nandito na tayo." Sabi nito ng makarating kami sa tapat ng hospital. Dito naka-confine ang mama ko. May sakit kasi ito sa puso.

"Heto po ang bayad. Salamat ho!" Nagmamadali akong bumaba pagkatapos ibigay ang bayad ko. Ang sakit ng katawan ko, lalo na ang perlas ko, parang nalamog yata ng husto 'to ni Sir ang perlas ko.

Pagdating sa ward kung nasa'n si mama ay inayos ko ang lakad ko, baka kasi tanungin ko nito kung ano ang nangyari sa akin. Nakita ako ng kapatid ko, si Amber, ang sunod sa akin, kumaway ito at binati ako.

"Ate, bakit ngayon ka lang? Kanina pa kita gustong makausap tungkol sa kalagayan ni mama." Binulong lang niya para hindi marinig ni mama. Kinabahan tuloy ako. Mukhang may problema. "Puntahan mo muna si mama, mamaya nalang tayo sa labas mag usap. Bibili lang ako ng kape. Mukhang naparami yata ang nainom mo."

Inamoy ko ang hininga ko. Oo nga amoy alak pa.

Pagkaalis nito ay nilapitan ko si mama, dumilat ito ng hawakan ko siya sa kamay. Ang payat na ni mama, ang bilis bumagsak ng katawan nito dahil sa heart decease. Napakaputla na rin nito. Nang makita nitong malungkot ako ay pinatong nito ang kamay sa kamay ko.

"Kung bumuntonghininga ka naman ay parang mawawala na ako. May sakit lang ako, anak. Gagaling din ako." Napansin ni mama ang ayos ko. Hindi ito sanay na makita akong nakasuot ng sexy o revealing na damit kaya alam kong nagulat ito. Mas mahilig kasi ako sa mga old fashion outfit. "Nag enjoy ka ba sa lakad mo kagabi kasama ang mga kaibigan mo?" Ang paalam ko kasi sa kanya ay lalabas muna ako kasama ng mga kaibigan ko. Nagulat nga ito dahil hindi ko naman gawain 'yon. Hindi din kasi ako mahilig sumama sa mga night out. Gusto ko lang talagang lumabas kagabi para mag enjoy at kalimutan ang ginawa ni Vale.

Nagsalita si mama, nagulat ako ng marinig sinabi niya. "Hiwalay na ba kayo ni Vale, Ava?"

"Po? Paano niyo nalaman, ma?" Gulat kong tanong rito. Wala kasi akong sinasabi rito tungkol sa hiwalayan namin ni Vale. Ayoko kasi alalahanin niya ako. Ang gusto ko ang kalagayan nalang niya ang isipin niya.

"Malamang ina mo ako, kaya alam ko kung nasasaktan ang anak ko o hindi."

Naantig ang damdamin ko sa sinabi ni mama. Kahit hindi kami palaging magkasama ay nababasa parin ako nito. Noong nakaya ko na kasing tumayo sa sarili kong paa ay bumukod na ako. Kahit ayaw ni mama ay umalis ako sa poder niya. May nakita na kasing mamahalin si mama, limang taon na kasi itong biyuda. Ayoko na maging hadlang o maging pabigat kaya nagsarili nalang ako.

"Anak, kahit hindi mo sabihin nababasa ko sa mata mo na malungkot ka."

Yumuko ako at mapait na ngumiti. Akala ko matatago ko, hindi pala. Makikita parin sa mata ko ang lungkot.

"Kung hindi si Vale ang lalaking para sayo, alam kong may darating na mas nararapat at higit pa sa kanya, yung lalaking mamahalin ka ng totoo at hindi ka sasaktan. Kaya wag ka ng malungkot, Ava. Maganda at mabuting tao ka kaya siya ang dapat manghinayang na pinakawalan ka niya."

Napangiti ako. Tama si mama, hindi kawalan si Vale sa buhay ko. Balang araw ay makakahanap din ako ng tapat na lalaking hindi gaya nito.

"Sandali, ano 'yang nasa leeg mo?" Puna ni mama habang nakatingin sa leeg ko.

Humawak ako sa leeg ko. Namula ako. Naalala ko na pinanggigilan ni Sir Elijah ang leeg ko, nilagyan niya ito ng maraming kiss mark.

"K-kagat lang ng lamok ito, ma!" Namumulang palusot ko. Buti nalang dumating si Amber kaya napunta sa ibang paksa ang usapan namin. Bago painumin ng gamot si mama ay pinakain ko muna ito ng prutas. Nang makatulog ito mayamaya ay sumenyas sa akin si Amber na lumabas sandali para makapag-usap kaming dalawa.

"Ate, kailangan na daw ni mama na maoperahan agad sa susunod na linggo."

"Ano?! Pero akala ko ba madadaan pa sa gamutan ang kalagayan ni mama?" Iyon kasi ang sinabi ng doktor noong nakaraan sa amin.

"Iyon na nga, ate. Dumating na ang iba pang resulta ng test kay mama. Malubha na daw ang sakit sa puso ni mama kaya kailangan na niyang sumailalim sa operasyon. Ang sabi ng doktor aabutin ng limang milyon ang gastusin ni mama dito sa hospital, hindi pa kasama ang babayaran natin sa mga gamot, kailangan din siyang malipat sa private room."

"Amber, paano na 'to? Kahit pagsamahin natin ang ipon natin ay hindi kakasya sa mga gastusin dito sa ospital. Saka limang milyon? Saan naman tayo kukuha ng gano'n kalaking halaga?" Nanlulumong tanong ko.

"Ate, pasensya ka na ha, wala akong masyadong maitulong sayo. Alam mo naman na kakasimula ko palang sa trabaho kaya hindi pa gano'n kalaki ang naiipon ko. Nakokonsensya tuloy ako dahil hindi ako masyadong nakakatulong sayo." Nakokonsensyang sabi nito.

Pinagalitan ko ito at sinabihan na wag magsalita ng gano'n. Ang mahalaga ay naging masunurin ito sa amin ni mama. Lahat kasi ng tinuro ko at binilin habang nag aaral ito ay sinunod nito. Naka-graduate nga ito na matataas ang grado. Bilang ate ay proud ako sa kanya. Hindi pa ito nakakaipon kasi kakapasok lang nito bilang guro sa isang pampublikong paaralan. Namatay na ang stepfather namin, wala ng ibang aasahan si mama kundi kami. Pareho lang naman kami na nagsisikap na makatulong kay mama kaya hindi siya dapat makonsensya.

Tumitig si Amber sandali sa akin. "May dumi ba ako sa mukha?"

"Alam mo ang ganda at ang sexy mo ngayon, ate. Ang sabi nila blooming daw ang babae kapag nadiligan. Nagkabalikan ba kayo ni Kuya Vale?"

"S-sinong blooming ako? S-saka akong nadiligan, hindi noh! K-kung ano-ano ang iniisip mo, buti pa aalis na ako. Ikaw na muna ang bahala kay mama, aalis na ako. Hahanap ako ng paraan para makalikom ng limang milyon. Saka for your information, wala akong balak na balikan ang manlolokong 'yon! Hindi ako kumakain ng tira-tira!" Nandidiring ani ko pa bago lumabas ng ward.

Namula na naman tuloy ako ng maalala ang nangyari sa amin ni Sir. Bumuga ako ng hangin. Lagot paano na 'to? Kaya ko bang umarte na parang walang nangyari pagnagkita kami sa trabaho?

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Accidentally Yours, Mr. CEO!   278.

    Hindi ako makapaniwala na pati ang bunso namin na kapatid ay magagawa niyang saktan. Siya pala ang taong sumagasa sa kapatid namin... planado pala ni ate ang lahat. Akala ko ako lang ang kaya niya saktan, pati pala sila Lola ay kaya niyang saktan. Walang patid ang pagdaloy ng luha namin habang pinapanood ang kabaong ni ate na unti-unti ng binabaon sa kailaliman ng lupa. "Paalam, Ate Dixie. Hindi ka man naging mabuting kapatid noong lumaki na tayo, ikaw pa rin ang nag iisang ate namin at kapatid na maaasahan noong mga bata pa tayo. Sana kung nasaan ka man ngayon ay maging payapa pa kasama ang lalaking minamahal mo." Kahit sa huling sandali lang siya nagsisi, nagpapasalamat pa rin ako dahil naramdaman ko na kahit sa huli lang ay bumalik ang dating ate na minahal at nakikala ko. Sayang nga lang dahil hindi na nito makikilala ang mga anak ko. "A-Ate, pinapatawad na kita... mahal na mahal ka namin. P-Pero inaamin ko nasasaktan pa rin ako. K-kasi hindi ko talaga akalain na magagawa mo

  • Accidentally Yours, Mr. CEO!   277. Demi pov

    (Demi pov) "H-hindi.... D-Dixie!" Ang bilis ng pangyayari. Nagimbal na lang kami ng matumba si Ate Dixie habang hawak ang leeg. Marami ang dugo na dumadaloy mula sa sugat nito galing sa tama ng baril na naggaling sa lalaking dumating. Binaril nito si Lola pero nahila ito ni Anya kaya si Ate Dixie ang tinamaan ng magpaputok ito. Sa leeg ni Ate Dixie tumama ang bala niyon. Napaluhod si Ate Dixie habang hawak ang leeg. Nawalan ng kulay ang mukha ng lalaking nakabaril dito. Gimbal na gimbal ito at parang natuod ng makita ang babae nitong minamahal na duguan ng dahil sa kanya. Nakarinig kami ng isa pang putok. Nanlaki ang mata ni Ate Dixie. Tumulo ang luha niya ng makita niyang bumagsak si Theodore. Binaril ito ni Eliot sa dibdib. "T-Theodore..." naghihingalo na tawag ni ate dito. Lumuluhang tumakbo si Lola kay Ate na duguang bumagsak. Lumalabas na ang dugo sa bunganga ni Ate ng mga oras na 'yon. Hindi ako makagalaw. Nabigla din ako sa bilis ng nangyari. Sa isang iglap lang ay

  • Accidentally Yours, Mr. CEO!   276.

    (Demi pov) Pawis na pawis ako ng magising ako. Naghahabol ako ng hininga habang sapo ang dibdib ko. "Mhie, may masakit ba?" Nag aalalang tanong ni Eliot. Pipindutin sana nito ang emergency button doon ng pigilan ko ito. "Ayos lang ako. Dhie. Nanaginip lang ako ng masama." Pawis na sagot ko. Niyakap niya ako. Nanginginig pa ako sa takot ng yakapin niya ako. Hinigpitan niya ang yakap sa akin ng umiiyak na nagsumbong ako. "Dhie, namatay daw kayo ng mga bata sa panaginip ko. P-Parang totoo kaya takot na takot ako." "Shhh, it was just a dream. Ligtas ako at ang mga bata kaya wag kang mag alala." "Paano ako hindi mag aalala. Hindi ko alam kung kailan darating ulit si Ate Dixie para guluhin ang pamilya natin. Hindi natin alam kung kailan ulit siya magpapakita para saktan ako." Naalala ko ang karumal-dumal na ginawa ni Ate Dixie sa mga anak ko sa panaginip ko. Binaril daw nito ang mga anak ko sa dibdib, sa tapat mismo ng kanilang puso. Muling dumaloy ang luha ko. "D-Dhie, pwed

  • Accidentally Yours, Mr. CEO!   275. Dixie pov

    (Dixie pov) Hinintay ko muna na umalis sila Annaliza bago ako bumaba ng sasakyan. Hindi ko magawa ang plano ko dahil ang dami ng nagbabantay sa kapatid ko. Bago ako makababa ay hinawakan ako ni Theodore sa braso ko. "Mag ingat ka. Hindi ka pwedeng pumalpak dahil mabubuko tayo kapag pumalpak ka sa plano. Bago matapos ang buwan kailangan na natin makaalis ng bansa. Mainit na tayo masyado sa batas. Kapag nagtagal pa tayo sa Pilipinas ay sigurado ako na mahuhuli tayo. Wag ka magpadala ng init ng ulo mo sa kapatid ni Eliot. Imposible ang sinasabi mo na pinagdududahan ka ng babaeng 'yon. Hindi ka naman niya kilala at hindi rin niya personal na kilala si Katty." "I know what I feel, Theodore. Malakas ang kutob ko na may alam ang babaeng 'yon!" giit ko. Hindi naman ako babarahin palagi ng Annaliza na 'yon kung hindi ito nagdududa sa akin. Binanggit pa nito na baka nadukot sila Din. Nakita ko na hindi siya naniniwala sa sinasabi ko. Kumulo ang dugo ko ng maalala ulit ito. Gusto ko itong

  • Accidentally Yours, Mr. CEO!   274.

    Paano niya nagawa iyon sa amin na kadugo niya at kapatid? "Apo, tumahan ka na. Wala na tayong magagawa pa. Hindi na magbabago ang ate mo kahit ano pa ang gawing pakiusap natin. Nilamon na siya ng inggit at galit." "Alam ko, Lola. Pero ganon na lang ba 'yon? Pipiliin niya na mapahamak kami kaysa ang pakawalan ang inggit sa puso niya? Lola, wala naman akong inaagaw sa kanya. Waka akong kasalanan sa kanya." "Iha, tama na. Magpahinga ka muna." singit ni Mommy. Napansin nito na bigla nag iba ang kulay ng labi ko. Sumenyas ito kay Eliot. Nang makita ni Eliot ang kulay ng labi ko ay sinabi niya kay lola. Ngumiwi ako dahil sobra ang sakit ng dibdib ko. Hindi pa hilom ang sugat ko kaya sumasakit pa din ito. Narinig ko na sinabi ng Doktor kanina na aabutin daw ito ng buwan bago tuluyang maghilom. Kaya kailangan ko ng dobleng pag iingat sa sarili ko. Dinala nila Mommy sila Eliana sa labas at iniwan kami ni Lola. Nang makalabas sila ay umiiyak na hinawakan ni lola ang kamay ko. "Sa tin

  • Accidentally Yours, Mr. CEO!   273. Demi pov

    (Demi pov)Si Eliot agad ang unang nakita ko ng magmulat ako ng mata. Nakita ko ang pagdaloy ng luha ng asawa ko. Naramdaman ko may mainit na likido din na umagos sa pisngi ko. Akala ko hindi na ako magigising at hindi ko na sila makikita."Shhh." pinahid niya ang luha ko pero hindi ko pa rin magawang huminto. Nang yakapin niya ako ay pareho kaming emosyonal. Alam kong masaya si Eliot na makita na gising na ako at ligtas. Luminga ako sa paligid. Ang mga bata ang agad na hinanap ko. "They are safe, nasa bahay sila kasama si Mommy."Tumulo ang luha ko. Hindi ko mapigilang umiyak habang nasa dibdib niya ako. "I'm glad you're awake, Mhie.""Ako din, Dhie... ako din. Akala ko hindi na ako magigising." Para akong nasa isang mahabang panaginip noong natutulog ako. Wala ako kasama at nag iisa kaya kinain talaga ako ng lungkot at takot na baka hindi ko na sila makasama. Kaya thanks god dahil nagising ako at makakasama ko pa ang mag ama ko.Napangiwi ako ng kumirot ang dibdib ko. Naalala ko n

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status