แชร์

23. Shocking news!

ผู้เขียน: SEENMORE
last update ปรับปรุงล่าสุด: 2025-08-29 00:00:00

Mas lalo akong pinagpiyestahan ng mga katrabaho ko, laman narin ako ng mga balita, kung hindi malandi at mang aagaw ay tinatawag akong ahas. Nag aalalang tinawagan na ako nila Amber at Lorena, nagulat ako dahil nang mag uwian ay nakita ko silang naghihintay sa akin sa labas. Sa tahimik at hindi mataong coffee shop nila ako dinala.

“Sabi ko na nga ba mangyayari ito eh,” nagulat ako sa sinabi ng kapatid ko. Bumuntonghininga ito at agad na nagpaliwanag sa akin. “Ate, hindi naman ako kagaya ni mama na walang alam sa high society, nanonood kaya ako ng balita at mahilig sa social media. Noong nakita ko ang boss mo sa hospital nakilala ko siya agad, ayoko lang gawing big deal ang nalaman ko at pag isipan ka ng masama kung bakit hindi mo sinabi sa amin ni mama ang tungkol sa kanya. Ate kita at may tiwala ako sayo, alam ko naman na alam mo ang ginagawa mo at may dahilan ka kaya naglilihim ka.” Paliwanag nito. “Pero mayaman siya at legal na tagapagmana ng isang malaki at kilalang k
อ่านหนังสือเล่มนี้ต่อได้ฟรี
สแกนรหัสเพื่อดาวน์โหลดแอป
บทที่ถูกล็อก
ความคิดเห็น (5)
goodnovel comment avatar
Neht Vicente
wag m nlng ipaalaam n buntis k.. . lumayu k nlng skanya..
goodnovel comment avatar
Kulot Mo Leysa
ms a wala pa bang update
goodnovel comment avatar
Analiza Vergara Satinitigan
more update po ...
ดูความคิดเห็นทั้งหมด

บทล่าสุด

  • Accidentally Yours, Mr. CEO!   290. Ava pov

    (Ava pov) "Hanggang ngayon ba ay iniisip mo ang kasal ng anak natin?" Tanong sa akin ni Elijah pagkatapos akong bigyan ng isang tasa ng kape. Narito kami sa bahay ngayon, kagagaling lang namin sa judge na aming kakilala ang magkakasal sa anak naming si Annaliza at kay Din. Napagkasunduan namin na simpleng kasal lang ang magaganap. Kung magiging engrande ay magiging maingay pa ang magiging kasal nila, mababatikos lamang ang aming anak. Kaya minadali namin namin ang kasal ng sa gano'n ay matapos agad ang usap-usapan. "Hindi ko man lang nahalata na mahal pala niya si Din. Ikaw, Mahal? Hindi mo ba napansin? All time I thought she love Cally. Talagang hindi na bata ang mga anak natin. Kaya na nila magtago ng kanilang nararamdaman." "Exactly, sweetheart. So, don't worry about your daughter. Mainam ng naging tapat siya sa damdamin niya kaysa makasal siya sa lalaking hindi niya mahal." "Tama ka, Mahal. Nag set ka na ba ng lunch kay Cally? We need to talk to him. Bilang magulang ng nanak

  • Accidentally Yours, Mr. CEO!   289.

    Pagkauwi ay naabutan ko sina Lola at Ate Demi sa sala. Mukhang hinintay ako ni Ate Demi na makabalik para kausapin. Nang makaupo ako ay malakas akong hinampas ni Lola sa braso. "Ikaw na bata ka ano ang ginawa mo! Nakakahiya kina Ava at Elijah!" "Aray ko, Lola!" muli ako nitong hinampas. Parang walang pinagdaanan na panghihina itong si Lola, kung makahampas ay parang maton. "Masasaktan ka talaga sa aking bata ka! Sa dami ng babae na pwedeng ikalantari ay si Annaliza pa!" Nagsawa sa kakahampas sa akin si Lola at hinihingal na umupo sa tabi ni Ate Demi. Gusto kong sabihin na hindi namin sinasadya ang nangyari dahil pareho kaming nalasing ngunit pinili kong itikom ang aking bibig. What's the point? Baka isipin lang nila na naghuhugas-kamay lang ako. Nakapag desisyon na ako, wala ng magbabago kahit magpaliwanag pa ako. "Din, kilala kita, alam kong hindi mo mahal si Annaliza." Bumuntonghininga si Ate Demi. "Mahal kita, Din. Kapatid kita eh. Pero mahalaga din sa akin si Annaliza, p

  • Accidentally Yours, Mr. CEO!   288.

    "Kuya, tama na! Nakikiusap ako wag mo na siyang saktan!" Humarang ako kay Annaliza ng lapitan ito ni Kuya Eliot sa pag aalala ko na baka ito ay saktan. Namumula ang mukha nito sa galit sa aming dalawa. Sila Ate Demi naman ay hindi makapaniwala at dismayado. "Ikakasal ka na, Annaliza! Nakahanda na ang kasal ninyo ni Cally! Ano na lang ang sasabihin ng mga tao sa ginawa ninyo!" "D-Dad, I'm sorry." Nakayukong hingi ng tawad ni Annaliza sa ama niya. "Anak, paano na si Cally? Hindi ba siya ang ama ng batang pinagbubuntis mo?" "No, Dad. Hindi siya ang ama. Ang totoo hindi ako buntis." amin nito. "Plano kong sabihin sa inyo iyon pero wala akong pagkakataon. Walang kasalanan si Din, Dad. Ako ang may kasalanan sa aming dalawa, inakit ko lang siya. Wag kayong magalit sa kanya." ako nito sa lahat. "Wala kaming relasyon, ngayon lang nangyari ito. Kung mayro'n man na may kasalanan ay ako 'yun." Maang akong tumingin kay Annaliza. Hindi ko akalain na aakuin niya ang lahat ng kasalanan para h

  • Accidentally Yours, Mr. CEO!   287.

    "Ano ba ang nangyari? Bakit umiiyak ka? May nanakit ba sayo?" Naghahalo ang galit at pag aalala sa timbre ng boses na tanong ko sa kanya. Umayos siya ng upo at luhaang tinakpan ang mukha gamit ang kanyang palad. Napansin kong nanginginig ito sa takot at pangamba. Umupo ako sa tabi niya at hinawakan siya sa balikat. Lalo akong nag alala. "Blackwoodss ka hindi ka dapat matakot sa banta. Tama ba ako? May nagbanta sayo?" Nag iwas siya ng mata habang patuloy pa rin ang pagdaloy ng masaganang luha sa maganda at makinis niyang mukha. "Gusto mo ba na tawagan ko si Tito Elijah at si Kuya Eliot?" "W-wag, Din. Hindi nila ito dapat malaman." Kumunot ang noo ko at kinain ng kuryusidad ko. Nang kunin niya ang cellphone at ipakita sa akin ang dahilan ay nawalan ng kulay ang mukha ko. Kuha namin itong dalawa sa ibabaw ng kama na tanging kumot lang ang takip sa katawan namin. "I-Ito ang rason kaya hindi pwedeng malaman ito nila Dad, Din. I-ikaw lang ang tinawagan ko tungkol dito, tungkol sa ati

  • Accidentally Yours, Mr. CEO!   286. Din pov

    (Din pov) "Ayos ka lang ba, apo? Kanina ko pa napapansin na malalim ang iniisip mo. May problema ba?" Inayos ko ang nagkalat na bubog ng baso sa sahig bago sinagot ito. "Ayos lang ako, wag niyo akong intindihin, dumulas lang ito sa kamay ko." Pagkatapos linisin ang bubog sa sahig ay nagpaalam ako kay Lola na lalabas sandali. Ilang beses akong bumuga ng hangin ng maalala ang naganap sa amin ni Annaliza. Dalawang araw na ang nakalipas ng huli kaming magkita at magkasama sa Motel. Hanggang ngayon ay malinaw pa sa isip ko ang eksenang namulatan ko ng mata. Pareho kaming hubo't hubad sa ibabaw ng kama. Tumanggi dapat ako uminom ng gabing iyon. Wala sanang naganap sa amin kung hindi nalasing. Bilang lalaki ay malaking apak ito kay Cally. Malaki ang magiging epekto nito sa kanila kapag lumabas ang nangyari sa amin. "Relax, Din. Walang makakaalam ng nangyari kaya ipalagay mo ang loob mo. Walang may gusto na mangyari iyon, pareho kayong lasing at nakainom kaya nangyari ang hindi dapat,

  • Accidentally Yours, Mr. CEO!   285.

    Mas masikip mas maganda. Ibig sabihin mas maliit ang espasyo para sa aming dalawa. Tumawag ako sa nangangasiwa ng Motel ang nagpahatid ng bagong rova at tuwalya dahil isa lang ang nasa bathroom. Nagpasabay na rin ako ng pagkain at pinasamahan ko ng alak. Pagkatapos kong mag hot shower ay si Din naman ang naligo. Kinuha na rin ng staff ng Motel ang mga damit namin para labhan at i-dryer para may masuot kami bukas pagkauwi. Nagbigay na lang kami ng karagdagang bayad sa extra service na inutos namin. Pagkatapos maligo ni Din ay humiga siya sa sofa para matulog. Pero hinila ko ito sa kamay at inaya na kumain. Pero paraan ko lang iyon para maalok itong mag inom. "Sige na kahit ubusin lang natin itong isang bote. Wag kang kill joy, Din. Pagbigyan mo na ako, ngayon lang naman." Alam kong hindi ito nag iinom kaya hard ang alak na pinadala ko. Plano ko itong lasingin ngayon gabi. Magkakaroon na ako ng dahilan para magawa ang plano ko. "Natatakot ka ba?" Kumunot ang noo nito sa tanong

บทอื่นๆ
สำรวจและอ่านนวนิยายดีๆ ได้ฟรี
เข้าถึงนวนิยายดีๆ จำนวนมากได้ฟรีบนแอป GoodNovel ดาวน์โหลดหนังสือที่คุณชอบและอ่านได้ทุกที่ทุกเวลา
อ่านหนังสือฟรีบนแอป
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status