Share

278.

Author: SEENMORE
last update Last Updated: 2026-01-01 22:15:19

Hindi ako makapaniwala na pati ang bunso namin na kapatid ay magagawa niyang saktan. Siya pala ang taong sumagasa sa kapatid namin... planado pala ni ate ang lahat. Akala ko ako lang ang kaya niya saktan, pati pala sila Lola ay kaya niyang saktan.

Walang patid ang pagdaloy ng luha namin habang pinapanood ang kabaong ni ate na unti-unti ng binabaon sa kailaliman ng lupa.

"Paalam, Ate Dixie. Hindi ka man naging mabuting kapatid noong lumaki na tayo, ikaw pa rin ang nag iisang ate namin at kapatid na maaasahan noong mga bata pa tayo. Sana kung nasaan ka man ngayon ay maging payapa pa kasama ang lalaking minamahal mo." Kahit sa huling sandali lang siya nagsisi, nagpapasalamat pa rin ako dahil naramdaman ko na kahit sa huli lang ay bumalik ang dating ate na minahal at nakikala ko. Sayang nga lang dahil hindi na nito makikilala ang mga anak ko.

"A-Ate, pinapatawad na kita... mahal na mahal ka namin. P-Pero inaamin ko nasasaktan pa rin ako. K-kasi hindi ko talaga akalain na magagawa mo
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Kulot Mo Leysa
thank you ms a happ ending na cla eliot at dimi happy new year ms a
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Accidentally Yours, Mr. CEO!   278.

    Hindi ako makapaniwala na pati ang bunso namin na kapatid ay magagawa niyang saktan. Siya pala ang taong sumagasa sa kapatid namin... planado pala ni ate ang lahat. Akala ko ako lang ang kaya niya saktan, pati pala sila Lola ay kaya niyang saktan. Walang patid ang pagdaloy ng luha namin habang pinapanood ang kabaong ni ate na unti-unti ng binabaon sa kailaliman ng lupa. "Paalam, Ate Dixie. Hindi ka man naging mabuting kapatid noong lumaki na tayo, ikaw pa rin ang nag iisang ate namin at kapatid na maaasahan noong mga bata pa tayo. Sana kung nasaan ka man ngayon ay maging payapa pa kasama ang lalaking minamahal mo." Kahit sa huling sandali lang siya nagsisi, nagpapasalamat pa rin ako dahil naramdaman ko na kahit sa huli lang ay bumalik ang dating ate na minahal at nakikala ko. Sayang nga lang dahil hindi na nito makikilala ang mga anak ko. "A-Ate, pinapatawad na kita... mahal na mahal ka namin. P-Pero inaamin ko nasasaktan pa rin ako. K-kasi hindi ko talaga akalain na magagawa mo

  • Accidentally Yours, Mr. CEO!   277. Demi pov

    (Demi pov) "H-hindi.... D-Dixie!" Ang bilis ng pangyayari. Nagimbal na lang kami ng matumba si Ate Dixie habang hawak ang leeg. Marami ang dugo na dumadaloy mula sa sugat nito galing sa tama ng baril na naggaling sa lalaking dumating. Binaril nito si Lola pero nahila ito ni Anya kaya si Ate Dixie ang tinamaan ng magpaputok ito. Sa leeg ni Ate Dixie tumama ang bala niyon. Napaluhod si Ate Dixie habang hawak ang leeg. Nawalan ng kulay ang mukha ng lalaking nakabaril dito. Gimbal na gimbal ito at parang natuod ng makita ang babae nitong minamahal na duguan ng dahil sa kanya. Nakarinig kami ng isa pang putok. Nanlaki ang mata ni Ate Dixie. Tumulo ang luha niya ng makita niyang bumagsak si Theodore. Binaril ito ni Eliot sa dibdib. "T-Theodore..." naghihingalo na tawag ni ate dito. Lumuluhang tumakbo si Lola kay Ate na duguang bumagsak. Lumalabas na ang dugo sa bunganga ni Ate ng mga oras na 'yon. Hindi ako makagalaw. Nabigla din ako sa bilis ng nangyari. Sa isang iglap lang ay

  • Accidentally Yours, Mr. CEO!   276.

    (Demi pov) Pawis na pawis ako ng magising ako. Naghahabol ako ng hininga habang sapo ang dibdib ko. "Mhie, may masakit ba?" Nag aalalang tanong ni Eliot. Pipindutin sana nito ang emergency button doon ng pigilan ko ito. "Ayos lang ako. Dhie. Nanaginip lang ako ng masama." Pawis na sagot ko. Niyakap niya ako. Nanginginig pa ako sa takot ng yakapin niya ako. Hinigpitan niya ang yakap sa akin ng umiiyak na nagsumbong ako. "Dhie, namatay daw kayo ng mga bata sa panaginip ko. P-Parang totoo kaya takot na takot ako." "Shhh, it was just a dream. Ligtas ako at ang mga bata kaya wag kang mag alala." "Paano ako hindi mag aalala. Hindi ko alam kung kailan darating ulit si Ate Dixie para guluhin ang pamilya natin. Hindi natin alam kung kailan ulit siya magpapakita para saktan ako." Naalala ko ang karumal-dumal na ginawa ni Ate Dixie sa mga anak ko sa panaginip ko. Binaril daw nito ang mga anak ko sa dibdib, sa tapat mismo ng kanilang puso. Muling dumaloy ang luha ko. "D-Dhie, pwed

  • Accidentally Yours, Mr. CEO!   275. Dixie pov

    (Dixie pov) Hinintay ko muna na umalis sila Annaliza bago ako bumaba ng sasakyan. Hindi ko magawa ang plano ko dahil ang dami ng nagbabantay sa kapatid ko. Bago ako makababa ay hinawakan ako ni Theodore sa braso ko. "Mag ingat ka. Hindi ka pwedeng pumalpak dahil mabubuko tayo kapag pumalpak ka sa plano. Bago matapos ang buwan kailangan na natin makaalis ng bansa. Mainit na tayo masyado sa batas. Kapag nagtagal pa tayo sa Pilipinas ay sigurado ako na mahuhuli tayo. Wag ka magpadala ng init ng ulo mo sa kapatid ni Eliot. Imposible ang sinasabi mo na pinagdududahan ka ng babaeng 'yon. Hindi ka naman niya kilala at hindi rin niya personal na kilala si Katty." "I know what I feel, Theodore. Malakas ang kutob ko na may alam ang babaeng 'yon!" giit ko. Hindi naman ako babarahin palagi ng Annaliza na 'yon kung hindi ito nagdududa sa akin. Binanggit pa nito na baka nadukot sila Din. Nakita ko na hindi siya naniniwala sa sinasabi ko. Kumulo ang dugo ko ng maalala ulit ito. Gusto ko itong

  • Accidentally Yours, Mr. CEO!   274.

    Paano niya nagawa iyon sa amin na kadugo niya at kapatid? "Apo, tumahan ka na. Wala na tayong magagawa pa. Hindi na magbabago ang ate mo kahit ano pa ang gawing pakiusap natin. Nilamon na siya ng inggit at galit." "Alam ko, Lola. Pero ganon na lang ba 'yon? Pipiliin niya na mapahamak kami kaysa ang pakawalan ang inggit sa puso niya? Lola, wala naman akong inaagaw sa kanya. Waka akong kasalanan sa kanya." "Iha, tama na. Magpahinga ka muna." singit ni Mommy. Napansin nito na bigla nag iba ang kulay ng labi ko. Sumenyas ito kay Eliot. Nang makita ni Eliot ang kulay ng labi ko ay sinabi niya kay lola. Ngumiwi ako dahil sobra ang sakit ng dibdib ko. Hindi pa hilom ang sugat ko kaya sumasakit pa din ito. Narinig ko na sinabi ng Doktor kanina na aabutin daw ito ng buwan bago tuluyang maghilom. Kaya kailangan ko ng dobleng pag iingat sa sarili ko. Dinala nila Mommy sila Eliana sa labas at iniwan kami ni Lola. Nang makalabas sila ay umiiyak na hinawakan ni lola ang kamay ko. "Sa tin

  • Accidentally Yours, Mr. CEO!   273. Demi pov

    (Demi pov)Si Eliot agad ang unang nakita ko ng magmulat ako ng mata. Nakita ko ang pagdaloy ng luha ng asawa ko. Naramdaman ko may mainit na likido din na umagos sa pisngi ko. Akala ko hindi na ako magigising at hindi ko na sila makikita."Shhh." pinahid niya ang luha ko pero hindi ko pa rin magawang huminto. Nang yakapin niya ako ay pareho kaming emosyonal. Alam kong masaya si Eliot na makita na gising na ako at ligtas. Luminga ako sa paligid. Ang mga bata ang agad na hinanap ko. "They are safe, nasa bahay sila kasama si Mommy."Tumulo ang luha ko. Hindi ko mapigilang umiyak habang nasa dibdib niya ako. "I'm glad you're awake, Mhie.""Ako din, Dhie... ako din. Akala ko hindi na ako magigising." Para akong nasa isang mahabang panaginip noong natutulog ako. Wala ako kasama at nag iisa kaya kinain talaga ako ng lungkot at takot na baka hindi ko na sila makasama. Kaya thanks god dahil nagising ako at makakasama ko pa ang mag ama ko.Napangiwi ako ng kumirot ang dibdib ko. Naalala ko n

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status