INICIAR SESIÓNPagkauwi ay naabutan ko sina Lola at Ate Demi sa sala. Mukhang hinintay ako ni Ate Demi na makabalik para kausapin. Nang makaupo ako ay malakas akong hinampas ni Lola sa braso. "Ikaw na bata ka ano ang ginawa mo! Nakakahiya kina Ava at Elijah!" "Aray ko, Lola!" muli ako nitong hinampas. Parang walang pinagdaanan na panghihina itong si Lola, kung makahampas ay parang maton. "Masasaktan ka talaga sa aking bata ka! Sa dami ng babae na pwedeng ikalantari ay si Annaliza pa!" Nagsawa sa kakahampas sa akin si Lola at hinihingal na umupo sa tabi ni Ate Demi. Gusto kong sabihin na hindi namin sinasadya ang nangyari dahil pareho kaming nalasing ngunit pinili kong itikom ang aking bibig. What's the point? Baka isipin lang nila na naghuhugas-kamay lang ako. Nakapag desisyon na ako, wala ng magbabago kahit magpaliwanag pa ako. "Din, kilala kita, alam kong hindi mo mahal si Annaliza." Bumuntonghininga si Ate Demi. "Mahal kita, Din. Kapatid kita eh. Pero mahalaga din sa akin si Annaliza, p
"Kuya, tama na! Nakikiusap ako wag mo na siyang saktan!" Humarang ako kay Annaliza ng lapitan ito ni Kuya Eliot sa pag aalala ko na baka ito ay saktan. Namumula ang mukha nito sa galit sa aming dalawa. Sila Ate Demi naman ay hindi makapaniwala at dismayado. "Ikakasal ka na, Annaliza! Nakahanda na ang kasal ninyo ni Cally! Ano na lang ang sasabihin ng mga tao sa ginawa ninyo!" "D-Dad, I'm sorry." Nakayukong hingi ng tawad ni Annaliza sa ama niya. "Anak, paano na si Cally? Hindi ba siya ang ama ng batang pinagbubuntis mo?" "No, Dad. Hindi siya ang ama. Ang totoo hindi ako buntis." amin nito. "Plano kong sabihin sa inyo iyon pero wala akong pagkakataon. Walang kasalanan si Din, Dad. Ako ang may kasalanan sa aming dalawa, inakit ko lang siya. Wag kayong magalit sa kanya." ako nito sa lahat. "Wala kaming relasyon, ngayon lang nangyari ito. Kung mayro'n man na may kasalanan ay ako 'yun." Maang akong tumingin kay Annaliza. Hindi ko akalain na aakuin niya ang lahat ng kasalanan para h
"Ano ba ang nangyari? Bakit umiiyak ka? May nanakit ba sayo?" Naghahalo ang galit at pag aalala sa timbre ng boses na tanong ko sa kanya. Umayos siya ng upo at luhaang tinakpan ang mukha gamit ang kanyang palad. Napansin kong nanginginig ito sa takot at pangamba. Umupo ako sa tabi niya at hinawakan siya sa balikat. Lalo akong nag alala. "Blackwoodss ka hindi ka dapat matakot sa banta. Tama ba ako? May nagbanta sayo?" Nag iwas siya ng mata habang patuloy pa rin ang pagdaloy ng masaganang luha sa maganda at makinis niyang mukha. "Gusto mo ba na tawagan ko si Tito Elijah at si Kuya Eliot?" "W-wag, Din. Hindi nila ito dapat malaman." Kumunot ang noo ko at kinain ng kuryusidad ko. Nang kunin niya ang cellphone at ipakita sa akin ang dahilan ay nawalan ng kulay ang mukha ko. Kuha namin itong dalawa sa ibabaw ng kama na tanging kumot lang ang takip sa katawan namin. "I-Ito ang rason kaya hindi pwedeng malaman ito nila Dad, Din. I-ikaw lang ang tinawagan ko tungkol dito, tungkol sa ati
(Din pov) "Ayos ka lang ba, apo? Kanina ko pa napapansin na malalim ang iniisip mo. May problema ba?" Inayos ko ang nagkalat na bubog ng baso sa sahig bago sinagot ito. "Ayos lang ako, wag niyo akong intindihin, dumulas lang ito sa kamay ko." Pagkatapos linisin ang bubog sa sahig ay nagpaalam ako kay Lola na lalabas sandali. Ilang beses akong bumuga ng hangin ng maalala ang naganap sa amin ni Annaliza. Dalawang araw na ang nakalipas ng huli kaming magkita at magkasama sa Motel. Hanggang ngayon ay malinaw pa sa isip ko ang eksenang namulatan ko ng mata. Pareho kaming hubo't hubad sa ibabaw ng kama. Tumanggi dapat ako uminom ng gabing iyon. Wala sanang naganap sa amin kung hindi nalasing. Bilang lalaki ay malaking apak ito kay Cally. Malaki ang magiging epekto nito sa kanila kapag lumabas ang nangyari sa amin. "Relax, Din. Walang makakaalam ng nangyari kaya ipalagay mo ang loob mo. Walang may gusto na mangyari iyon, pareho kayong lasing at nakainom kaya nangyari ang hindi dapat,
Mas masikip mas maganda. Ibig sabihin mas maliit ang espasyo para sa aming dalawa. Tumawag ako sa nangangasiwa ng Motel ang nagpahatid ng bagong rova at tuwalya dahil isa lang ang nasa bathroom. Nagpasabay na rin ako ng pagkain at pinasamahan ko ng alak. Pagkatapos kong mag hot shower ay si Din naman ang naligo. Kinuha na rin ng staff ng Motel ang mga damit namin para labhan at i-dryer para may masuot kami bukas pagkauwi. Nagbigay na lang kami ng karagdagang bayad sa extra service na inutos namin. Pagkatapos maligo ni Din ay humiga siya sa sofa para matulog. Pero hinila ko ito sa kamay at inaya na kumain. Pero paraan ko lang iyon para maalok itong mag inom. "Sige na kahit ubusin lang natin itong isang bote. Wag kang kill joy, Din. Pagbigyan mo na ako, ngayon lang naman." Alam kong hindi ito nag iinom kaya hard ang alak na pinadala ko. Plano ko itong lasingin ngayon gabi. Magkakaroon na ako ng dahilan para magawa ang plano ko. "Natatakot ka ba?" Kumunot ang noo nito sa tanong
"Sabay na tayo, Din!" Hinabol ko ito ng magpaalam ito na aalis na. "Ate Demi, Kuya, sasabay na ako kay Din.""Akala ko ba dito ka matutulog ngayon?" Nagsabi kasi ako kay Ate Demi kanina na dito ako matutulog sa kanila ngayon. "Next time na lang. Nakalimutan ko na may gagawin pa nga pala ako!" Palusot ko. Pinugpog kong muli ng halik ang mga pamangkin ko bago hinabol di Din. Hinihingal na umabrasiyete ako sa braso niya ng maabutan ko ito. "Tara date tayo.""Gabi na, umuwi ka na.""Ayoko pa. Hindi ako uuwi hangga't hindi tayo lumalabas.""May bukas pa.""Puro ka bukas hindi ka naman nagpaparamdam." Pumara ako ng taxi para sa aming dalawa. "Kapag sumama ka sa condo ko hindi kita kukulitin ng tatlong araw. Ano deal?" Pinigilang ngumiti ng hindi ito tumanggi at hindi rin tumango. Aaminin ko na makulit talaga ako kaya naririndi ito. Pero sa kanya ko lang ginagawa iyon. "Doon na lang tayo sa bahay. Baka ano pa ang isipin ng ibang tao kapag nakita nila na nagsama ka ng lalaki sa condo mo."N







