Share

Chapter 12

MARAHAS na napabuntong hininga si Tanya matapos madinig ang tawanan ng sa loob ng bahay nila. Sa papa niya galing ang pinaka-malakas na tawa na para bang ngayon lang ito naaliw sa buong buhay nito. A happiest birthday for her father indeed. Mapait siyang napangiti nang mapansin kung sino ang nagpapatawa dito. It was Jeron Ongpauco - son of Senator Theodore Ongpauco. Golf buddy ng papa niya at isa sa nga kaalyado sa pulitika.

Binalik niya ang atensyon sa basong nasa harapan niya at matamang inisip kung iinumin niya ba iyon. The last time she got drunk, may ginawa siyang magpasahanggang ngayon ay hindi pa din niya malimutan. Paulit ulit ba naman kasi pinapaalala sa kanya ni Sixto iyon bilang pang-asar sa kanya.

"I told you not to drink when I'm not around, right?" Baritonong tinig na pumukaw sa kanyang pag-iisip. Lumiwanag ang mukha niya bigla nang masino iyon. It was Sixto and he's wearing a gray three piece suit. Maayos na nakasuklay pataas ang buhok nito at amoy na amoy niya ang pabangong gamot nito na hindi naman masakit sa ilong. Nagsabi ito na hindi pupunta dahil may meeting ito kasama si Alfred kaya naman hinananap ng mga mata niya agad ang pinsan.

When she found Alfred, he nodded at her while Kit waved. Napangiti siya bigla na para bang ang tagal niyang hindi nakita ang dalawa samatalang iisang araw palang naman siya hindi umuuwi sa mansion ng mga ito. Ni-request ng mama niya ang presense niya doon saa party iyon kahit pa pakiramdam naman niya'y ayaw siya makita ng papa niya. Muli niyang binalingan si Sixto na iniinom na ang yung nasa baso niya.

"Akala ko hindi ka pupunta?" tanong niya dito.

"Akala ko matitiis kong hindi ka makita." She glared at him. "It was Alfred's idea. Nag-cancel siya sa meeting ngayon tapos sinundo namin si Kit pumunta na dito agad," paliwanag nito sa kanya. Sixto held her hand and kissed its knuckles. Masuyo siya nitong hinila palapit saka pinatakan ng halik ang noo niya.

"You should great my dad," aniya dito.

Kinulong nito ang mukha niya sa magkabilang kamay saka tiningnan sa mata. "That's actually my plan and Alfred already brief me about your dad,"

"So, you know that he can lash you out once you said something bad to the government," Tumango saka ngumiti na lalong nakadagdag sa kagwapuhan nito. She couldn't believed it, pinuri na niya ngayon ito samantalang dati irita siya sa presense nito. "Tara na tapos alis na tayo after,"

"Bakit kating kati ka umalis dito?" Napatingin siya dito saka kumurap ng ilang beses.

"Have you been in a place you don't belong?" Umiling ito bilang sagot. "Gano'n ang pakiramdam ko ngayon. I don't belong here and these people they're all fake." Napangiti siya ulit dahil sa lahat ng tao doon ito lang, si Alfred at si Kit ang totoo. Her father invited fake people, fake supporters and allies. Soon, her dad will realize that and if that happen she still her daughter.

Sigurado siya doon dahil mahal niya ito kahit failure ang tingin nito sa kanya. Hinila na niya si Sixto papunta sa pwesto ng papa niya at mga kaibigan nito. Pare-parehong natahimik ang mga ito nang sumulpot sila doon. All eyes went to Sixto so she held his hand.

"Tanya, who's this fine man beside you?" tanong ng mama niya. Mukhang napilitan lang ito na tanungin iyon at kitang kita niya paano nawala ang ngiti sa mukha ng papa niya.

"I'm Sixto Achilles Altamirano, ma'am." A loud gasps from the people around them caught her attention. Alam naman niyang kilala si Sixto ng lahat bilang corporate communication officer in training ito ng Morales Steel Corporation ngunit iba yata ang alam nung iba.

"How are you related to Atty. Apollo Luis Altamirano?" tanong ng papa niya. Napatingin siya sa kay Sixto at nakita niya ang pagkagat nito sa ibabang labi nito.

"I'm his son, sir,"

"I see. Sa pang-ilang pamilya?" Her eyes widened upon hearing that question. Humigpit ang hawak niya sa kamay ni Sixto. "Your dad has a four families, right? Saan siya nakatira ngayon?"

"He's with my mom, sir,"

"Dad, he just want to greet you. Hindi mo na kailangan banggitin pa 'yon at aalis na din kami," aniya sa ama saka hinila na paalis si Sixto doon.

Nasalubong nila si Alfred na kinausap niya sandali bago nagpaalam din dito. Aalis na din pala ito dahil nakatulog na si Kit kaya sabay sabay na silang lumabas ng mansion nila. She really hates her dad's attitude. Malayong malayo sa ugali ng daddy ni Alfred. Wala naman kaso kung anak sa ibang babae si Sixto dahil ang tatay din naman niya, anak sa iba ng lolo niya. No one in that place were clean and have good family background.

"You should stay there, Tanya," ani Sixto sa kanya. Tumigil ito sa paglakad papunta sa sasakyan nito. Humarap ito sa kanya saka sinapo ang ulit ang kanyang mukha. "Its your dad's birthday and your presense is important inside,"

"You need me and I feel guilty for dad's trashy attitude towards you." Napangiti ito saka pinisil ang tungki ng ilong niya. "Are you okay?"

"You're making it hard not to fall for you, Tanya," anito sa kanya. Sinalubong nito ang mga tingin niya. She gulped and pursed her lips. Sinubukan niyang iwasan ang tingin nito pero hindi siya hinayaan ni Sixto "Go back there. Bukas na lang tayo magkita,"

"Can't I go with you?" She tried to posses a convincing look and Sixto couldn't resists it. Hinila siya nito papunta sa kotse saka pinasakay doon bago ito umikot papunta sa driver's seat.

Pinag-seatbelt siya nito at saka mineobra ang sasakyan paalis doon. Hindi niya alam kung saan sila pupunta ni Sixto pero hindi na mahalaga iyon. She received a text message from Alfred asking her to text him where will they go. Alam niyang concern lang ito kaya naman nagreply siya na tawagan na lang si Sixto. Hindi naman siya naghintay nang matagal dahil nag-ring nga ang cellphone ni Sixto.

"Your second father is calling. Answer it and put him on loud speaker mode." Sinunod niya ito. Tinanong agad ni Alfred kung saan sila pupunta na dalawa. "Pakakainin ko lang ng dinner si Tanya tapos ihahatid ko na siya pabalik dyan." Tugon ni Sixto kay Alfred.

"Can I stay with Sixto for tonight, Alfred?" Hindi magawang lumingon sa kanya ni Sixto ngunit nakita niya ang paghigpit ng hawak nito sa manibela. They both heard Alfred cleared his throat before speaking.

"Just come home tomorrow morning. Ako na bahala mag-explain kay mama," sagot ni Alfred. Nagpasalamat siya dito bago nito tinapos ang pag-uusap nila. Dumirecho sila sa penthouse nito pagkagaling nila sa convenience store malapit doon kung saan sila bumili ng pagkain.

"Sure ka na ayos lang sa 'yo ang ganyang pagkain?" tanong nito sa kanya. "I can cook for us,"

"Okay na ito hindi naman ako maarte," aniya habang tinatali pataas ang kanyang buhok.

She's wearing Sixto's shirt that almost become a dress for her. Naupo siya sa sahig saka binukas ang mga pagkain na binili nila. "Upo ka na dito," aya niya dito saka tinapik yung pwesto sa tabi niya.

Naupo naman ito pero malayo sa kanya na kinataka niya. Para siyang may sakit kung iwasan nito na kanina pa niya pilit na iniignora. She tried to focus her attention the food in front of her. Madami iyon dahil lahat ng tinuro niya, binili ni Sixto. Spoiled siya dito at mas galante ito kaysa kay Alfred.

Lately, kahit magkasama sila nito maghapon, nakakaramdam siya ng pagka-miss dito. Nagsearch pa nga siya at nagbasa ng ilang article online para lang ma-kumpirma na may crush siya dito. Ang dami niyang kinonsiderang mga bagay bago umamin sa sarili na tinatamaan na siya dito. Nanghingi pa siya ng advise sa kaibigan niyang si Dessa na wala din naman natulong.

Lalo lang nito pinagulo ang isip niya noon kaya naisip niya na i-test ang sarili niya. She tried to ignored him for a day without a reason. Kahit tanong ng tanong ito ay hindi niya sinasagot at doon napagtanto niyang totoo ngang may crush na siya dito.

Sixto was annoying but the past few months and weeks he became her rock. Ito ang kasama niya habang nag-re-review siya, kapag may kailangan siya palagi itong mabilis tawagan at kahit nung seminar na dinaluhan niya sa Quezon City ay pinagdriver siya nito.

Sobra siyang abala dito kung tutuusin pero hindi kailanman pinadama nito na pabigat siya. Kahit pagod na ito sa opisina, araw araw pa din siya nitong hinahatid at sinusundo sa school. He also cooks for her just like his promise back when they had a date there. Pumangalumbaba siya saka tinitigan ito pero umiwas lang ito.

"What?" tanong niro sa kanya.

"Hindi ka ba talaga lalapit dito?" balik tanong niya dito. Kamot ulo itong tumayo saka naupo sa tabi niya. Napangiti siya dahil sa itsura nitong parang under na under sa kanya. "Kain ka na."

"Hindi mo ba kayang ubusin 'yan?"

"Syempre hindi kaya nga pinapakain na kita." Wala itong nagawa kung ang kumain na lang. "Sorry about my dad's trashy attitude. Gano'n yata talaga kapag buong pagkatao'y nabalutan na ng katiwalian,"

"He just wants what's best for you, Tanya,"

"Tss, hindi niya alam iyon dahil 'di naman niya ako tinatanong." Pinagpatuloy niya ang pagkain sa maubos niya iyon lahat. Konti lang kinain ni Sixto dahil nagdinner na pala ito kasama si Alfred kanina. She went to the bathroom in Sixto's room to brush her teeth. Habang nagto-toothbrush, ginala niya ang tingin sa kabuuan ng banyo.

Sobrang linis noon at pati mga tuwalya at iba pang gamit maayos na nakalagay sa mga racks sa loob noon. Saktong pasok ni Sixto doon at nag-toothbrush din. Pagkamumog niya, naupo siya sa ibabaw ng sink at pinanood ito sa ginagawa.

"Ang organize ng bahay mo pero bakit ang kalat mo sassa ibang bahay,"

"Nagkataon lang na naabutan mo kami ni Kit na nagkakalat." Hindi niya matanggap ang paliwanag na iyon dahil sobra siyang na-stress sa kalat noon sa bahay nung dumating siya galing sa labas. Tumayo ito sa harap niya saka lumapit pa hanggang sa nasa pagitan na ito ng hita niya. "Tomorrow, talk to your parents and say sorry, hmm?"

"Ayoko dahil wala naman akong kasalanan," giit niya.

"Weather its your fault or not, you still need to say sorry. Parents mo sila and they love you, hindi lang sila showy,"

"Bakit mo ba sila kinampihan? My father mocked your father, hindi ba dapat magalit ka?"

"Wala naman sila sinabi na masama at hindi ko naman kinahihiyang anak ako mula sa pangatlong pamilya. Iniisip ko na lang na masyadong mapagmahal si papa kaya dumami kami," a smile flashed on his face. "Don't worry about me. Okay lang ako at gusto ko gano'n ka din pagdating sa parents mo,"

"Now, its hard to hold back, Sixto Altamirano,"

"What?" Takang tanong nito.

"I might do something stupid again," aniya saka sinapo ang mukha nito.

"What are you -" She didn't let him finished what will say. Tinawid niya ang natitirang pagitan ng mga mukha nila at pinaglapat ang kanilang mga labi. Sixto was the only guy she let kissedl her. Iba kasi talaga ito sa lahat and she fall in love with him despite of their differences.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status