Share

Chapter 10

SECOND DAY at the resort was totally different than yesterday. Hindi siya lumabas ng kwarto niya kahit tinatawag na siya ni Alfred para kumain. Kumakalam na din ang sikmura niya ngunit kailangan dahil ayaw niya makita si Sixto. Sariwa pa sa isipan niya ang mga nangyari nang nagdaang gabi at hindi siya nakatulog dahil doon. Nang magtext si Alfred kung nasaan ang mga ito, nagreply na lang siya na susunod na lang pero totoo hindi talaga siya susunod doon.

May nakita siyang convenience store kagabi ng maglakad siya at doon na lang siya bibili ng makakain niya. She stood up and wear her sling bag. Malalim siyang napabuntong hininga bago tuluyang lumabas.

"Finally, lumabas ka din," anang baritonong tinig na siyang gumulat sa kanya. "Akala ko uugatan na ako dito kakahintay sa 'yo,"

"W-why are you here? Hindi ba dapat kasama ka nina Alfred kumain?" Sunod sunod niyang tanong dito.

"Malayo dito ang kinainan nila kaya nagpaiwan ako para sabay na tayong pupunta doon," anito sa kanya. Inignora niya lang ito saka tinalikuran ito. Alam niyang susunod ito kaya bahagya niya nilakihan ang mga hakbang ngunit dahil 'di hamak na mas mahahaba ang biyas nito ay nagawa pa din siya nito abutan. "Magsasakyan tayo papunta doon, Tanya,"

"Hindi ako sasama sa 'yo," wika niya saka mas binilisan ang lakad.

"Saan ka kakain?" tanong nito.

"Kahit saan basta hindi ka kasama," sagot niya.

Hindi na siya lumingon pa dito at matamang tinalunton ang daan papunta sa convenience store na nakita niya kagabi. Madali naman niya nakita iyon kaso natigil siya ng may mga lalaking malalaki ang katawan na nakaharang sa main door. Nakuha niya ang atensyon ng mga ito kaya napatalikod siya at mabilis na lumakad pabalik. Paulit ulit siyang nagdarasal na sana hindi sumunod ang mga ito dahil nadidinig pa din niya ang tawanan ng mga iyon. Saktong nakita niyang pabalik na si Sixto sa resort kaya patakbo siyang lumapit dito at kumapit sa braso nito.

Napahinto ito sa paglalakad at pumihit paharap sa kanya. "Bakit ka bumalik?" tanong nito sa kanya.

"May mga goons doon at feeling ko nasundan nila ako," aniya saka tinuro ang lugar na pinanggalingan niya. "Saan ka ba kakain? Sasama na ako sa 'yo," mahina niyang sabi dito.

"Ngayon sasama ka na dahil may nakita kang mas nakakatakot kaysa sa akin,"

"Hindi naman ako takot sa 'yo. I'm just... " Hindi niya magawang ituloy ang sasahihin niya dahil tungkol iyon sa nangyari nang nagdaang gabi.

"You're just what Tanya? Tell me."

Takte naman itong lalaki na 'to! Gusto pa talaga alamin, aniya sa isipan.

"I'm just pissed because you stole my first kiss." Napatunganga ito sa harap niya na dahilan ng pag-ikot ng mga mata niya. "Bahala ka nga dyan, gutom na ako at wala ako lakas makipagtalo sa 'yo,"

Bumitaw siya sa braso nito saka nauna na ulit maglakad pabalik sa resort. Doon na lang siya sa loob hahanap ng makakainan. Nag-ikot ikot siya sa kabuuan ng resort hanggang sa mapadpad siya sa isang coffee shop kung saan tanaw pa niya yung villa nila. Kaunti lang ang tao doon kaya mabilis siyang naka-order ng pagkain niya. Pinili niyang maupo sa may dulo malapit sa mga book shelf. Kumuha siya ng isa doon saka binasa ang teaser sa likod.

"Is this seat taken?" Hinayon niya ang tingin sa nagtanong at awtomatikong napasimangot siya nang masino iyon.

"Madami bakante doon." Tinuro niya ang ibang pwesto malayo sa kanya.

Nilapag ni Sixto ang hawak nitong tray na may pagkain. "Ayoko doon malayo sa crush ko,"

"Korny mo," naiirita niyang sabi.

"Korny mo," he mocked at her and laugh. "What book is that?" tanong nito sa kanya.

"How to kill a nosy guy?"

"Ah.. what?" bulalas nito matapos ma-process ang sinabi niya. "Minsan brutal ka pero crush pa din kita,"

Iningusan niya lang ito saka pinagpatuloy na ang pagkain habang nagbabasa. Napukaw lang atensyon niya nang maging maya't maya ang lapit ng crew sa pwesto nila at panay abot ng papel kay Sixto. Kumunot ang noo niya bigla saka inayos ang upo niya. Sa paglapit ulit ng crew, tinawag niya ito at siya na kumuha ng mga papel.

Lumipat sa tabi niya si Sixto dala ang iba pang papel na naunang ibigay dito. Gusto niyang mag-sign of the cross ng mabasa ang laman ng mga iyon. Each papers contains sex invitations, villa number and cellphone number. Hinayon niya ang tingin sa mga babaeng nagpadala noon. Binukas niya ang sling bag at kumuha ng ballpen doon. Isa isa niyang sinulatan ng reply ang mga papel na iyon.

"Hey, tapon mo na lang 'yan kaysa nirereply mo pa," ani Sixto sa kanya. Sinilip nito ang sinusulat niya at natahimik ito nang mabasa iyon.

"Siguro naman titigil na sila dyan," aniya saka tumingin dito.

"I didn't expect you to be this possessive, Tanya Margarette." Sinampal niya ng sticky note ang noo nito ngunit imbis na masaktan ay tumawa pa ito. Gustong gusto talaga nito na niloloko siya. Tinawag niya ang crew at pinadeliver ang mga reply niya sa mga babaeng kanina pa tumitingin kay Sixto. Hinila niya ito palapit saka sinadig ang ulo sa braso nito. "You're dangerous, Tanya Margarette,"

"H'wag kang assuming, okay? Walang meaning 'to at para lang sa ikatatahimik ko kaya ko ginagawa ito," aniya dito.

"Tell me h'wag mag-assume," Napatingin siya dito at kinurap kurap ang mga mata niya. Wrong move yata na lumipat si Sixto sa tabi niya at ginawa niyang pagpapanggap na girlfriend nito. Napalunok siya saka tinulak ito palayo sa kanya. "I didn't regret kissing you last night just so you know," Hindi niya pinansin iyon at tinuon ang buong atensyon sa pagbabasa. Ngunit ang mga sumunod pa nitong sinabi ang tuluyang kumuha sa atensyon niya. "In fact, I want to kiss you more,"

MAS LALONG naging awkward ang lahat sa pagitan nila ni Sixto at alam niyang pinagtataka na iyon ni Alfred at Mike. Sabay sabay silang nagdi-dinner ngayon sa dampa restaurant at puro kain lang ginawa niya habang yung tatlong lalaking kasama niya panay ang kwentuhan. Nakikinig naman siya sa pinag-uusapan ng tatlo pero mas pinili niyang huwag na lang makisali sa mga ito. Only Mike asked him once in a while and she answered it. Panay lang tingin sa kanya ni Sixto buong dinner nila. Tila ba gusto nito makipag-eye contact sa kanya kaso hindi niya pinatulan.

"Hi Mike, join us later sa beach front. Isama yung dalawang kaibigan mo." Napatingin sa kanya yung babaeng nag-aya kay Mike. "H'wag na yung bata. See you!" Tinaas niya ito ng kilay at tila nabahag naman ang buntot nito at tinalikuran na sila.

"Nakaka-cause talaga ng heart attack yang kilay mo, Tanya." Natatawang sabi ni Mike sa kanya. "Sama ka sa amin mamaya?"

"H'wag na." Si Sixto ang sumagot para sa kanya.

"Sige sama ako," sanlasa niya saka nakipatagisan nang tingin kay Sixto. Binalingan niya si Alfred saka nginitian ito. Approval lang naman nito ang kailangan niya at hindi naman siya nahirapan dahil pinayagan siya nito. Napapalakpak si Mike dahil sa pagpayag ni Alfred.

After dinner, bumalik sa kani-kanilang room para magpalit ng damit. Himalang pumasok sa kwarto niya si Dessa at sinabing aattend din ito sa pupuntahan nilang party. Pinahiram siya nito ng damit kaso nag-alangan siya suotin dahil baka bigla na lang siyang ibalot ni Alfred kapag nakita siya.

"Kung ayaw mo nito, eto na lang. Bagay sayo 'to tapos taas natin buhok mo." Inabot sa kanya mo Dessa ang isang white floral ruffle tank mini dress. Kinuha niya iyon kaysa sa super short dress na may sobrang baba na neckline.

Gaya ng sabi ni Dessa pagkabihis niya, inayusan siya nito at tinaas nga nito ang buhok niya. Nag-iwan ito ng ilang piraso para maganda tingnan saka nilagyan siya ng light make up. Nang matapos sila, sabay na sila tumungo sa beach front. Nauna na doon sina Alfred, Sixto at Mike na nakita niyang may mga katabing babae na. Nagtama ang mga mata nila ni Sixto pero una siyang umiwas.

"Girl, yung bebe mo nilalandi ng iba," bulong sa kanya ni Dessa.

Maang siyang napatingin dito. Simula nang malaman nitong pinopormahan siya ni Sixto, naging instant shipper nila ito. Araw araw siya nitong tinatanong tungkol kay Sixto dahil nga sa paghatid sundo nito sa kanya palagi sa school. Inabutan siya ng tequila ni Dessa at pinainom iyon sa kanya saka inabutan ng lemon. Halos masuka siya sa pait noon at imbis na huminto, inabutan siya ulit ng kaibigan niya ng isa pang shot. Sa pang anim shot niya, nakaramdam siya ng init kaya lumayo siya sandali pwesto ni Dessa.

"Are you okay?" Napatingin siya sa nagtanong. Naningkit ang mga mata niya nang masino iyon.

"Bakit mo iniwan yung babae mo doon?" Tinuro pa niya ang pwestong pinanggalingan nito pero naibaba naman iyon agad ni Sixto at nahila siya nito palapit. "Mas maganda ako doon," aniya dito.

"I know," tugon nito. Iningusan niya ito saka sinubukang bawiin ang kamay niya. May dumaang waiter sa harap nila kumuha siya ng cocktail drink sa dala nitong tray. "Anim na shot lang tequilla lasing ka na agad," tukso nito sa kanya. Humawak siya sa braso nito inisang lagok hawak na cocktail.

"Bakit gano'n ang anghang nung ininom ko?" She heard Sixto asked for water and pulled her closer. She felt his hands on the small of her waist. Inabot nito agad sa kanya ang tubig na siya namang ininom agad bago sumandig sa dibdib nito. "Uwi na tayo, Sixto,"

"Fine, let's go now," bulong nito sa kanya. Inalalayan siya nitong lumakad pabalik sa villa nila. Marahan siyang inupo ni Sixto sa kama tapos naupo naman ito sa kabila. "Babalikan ko doon yung dalawa kaya matulog ka na,"

"H'wag mo ako iwan dito. If I know babalikan mo yung babae mo,"

"Stop saying that, Tanya," anito sa kanya.

Tumayo ito ngunit mabilis niya nahawakan ang kamay nito. Hinidi niya maintindihan ang sarili niya. Madaming beses na niyang sinabi na hindi siya mag-bo-boyfriend pero nagseselos siya kapag may lumalapit kay Sixto na iba. Kanina sa restaurant, ilang beses niya siniksik sa isipan niya na gusto lang niya makatulong kaya sinulatan niya ng reply ang mga notes na natanggap nito nung nasa coffee shop sila. Sixto looked piss back then but he tried to conceal it.

She must have admitted that he's too hot that's why other woman wants to be with him in bed. Braso palang nito ulam na at idagdag pa ang magandang hubog ng katawan nitong hindi niya sinasadyang makita kanina nung naligo ito sa beach. Hindi pa din maalis sa isipan niya ang paghalik nito sa kanya kagabi. Sobrang gulat lalo na sa reaksyon niya. That kiss means nothing supposedly but it just add colors to her mind.

"Kiss me again," pakiusap niya dito. That's what she wanted right now, to be kissed.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status