Share

Chapter 10-Betrayed by Lover (Act 3)

Hindi ko alam kung anong pumasok sa isipan ng baliw kong kapatid. Ipapartner niya na nga lang ako sa isang kaso, sa babaeng ito pa niya naisip? Noong una kong makita ang babaeng ito ay tila isang bangungot ang naramdaman ko. Sagana sa mana ang babaeng ito at wala siyang kamalay-malay na pwede siyang medium ng mga masasamang nilalang. Kasalukuyan kaming nasa isang coffee shop malapit sa ospital kung saan nakaadmit si Arius.  

“Isa lang lang ang sasabihin ko sa’yo. Huwag kang haharang sa dadaanan ko,”ang sambit ko sa babaeng kaharap ko. 

Napataas naman ang kilay ng babaeng ito at patuloy niyang tinipa ang kanyang laptop. Hindi ko alam kung anong ginagawa niya pero duda ako sa babaeng ito. Mukhang maduming lumutas ng kaso. 

“Hindi mo ako kailangang sabihan. Dahil one step ahead na ako sa kasong ito,” ang sambit niya. 

Napataas naman ang kilay ko sa kanyang sinabi. At anong ibig niyang sabihin d’on?

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status