Patuloy kami sa pagtakas ni Lidagat. Pagdating namin sa labas ng talon ay halos habulin namin ang mga hininga namin. Kasunod naman namin ang spirit ni Arius, ang isa sa dalawampu't dalawang major arcana cards at buhat nito ang katawan kong nag-aagaw buhay lamang kanina.
“Lidagat, anong gagawin natin? Nasa loob pa sina Arius!” ang tanong ko.
“Binibining Ada, magtiwala po tayo sa grupo ni Master Arius. Hindi po sila basta-basta magpapatalo sa kahit sino,” ang sambit nito.
Sumang-ayon naman si Lidagat sa sinabi ng spirit ni Arius. Sa ngayon ay wala naman akong magagawa dahil isa lamang akong pagala-galang kaluluwa. Napahinto naman kami ng pagtakas nang biglang tumigil ang pag-agos ng tubig sa paligid at ang mga puno ay tumigil sa pagsaliw sa dumadaang hangin. Nanatiling nakalutang ang mga dahon sa paligid na para bang pinahinto ang oras sa lugar na iyon. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang isang orasan na nakalutang sa ere. At sa halip n
Matapos magpakilala sa akin ni Father Juan, nagbago ang pananaw ko sa mundo na hindi lahat ng tao ay masama at hindi lahat ng tao ay mabuti. Tinuruan niya ako kung paano mamumuhay ng normal sa kabila ng pagkakaroon ko ng hindi pangkaraniwan na mga mata. Kung tuwing umaga ay nakikita niya akong matatag at tahimik na bata, iba ang ugali ko tuwing gabi. Sa tuwing sumasapit ang gabi, nagpapakita ang mga nilalang na hindi nakikita ng mga mata. “Tasukete! ” ang sigaw ng kaluluwa ng isang sundalong Hapon. Nakakakilabot ang kanyang boses na siyang nagpapanindig ng aking mga balahibo sa katawan. Wala siyang mata at lumuluha siya ng itim na dugo. Yakap-yakap ko ang libro na hiniram ko sa library ng ampunan. Kahit na pilitin kong huwag pansinin ang kaluluwang nasa harapan ko ay naririndi ako sa kanyang salita na hindi ko maintindihan. Nagulat ako nang halos tumapat sa mukha ko ang kaluluwa ng sundalong hapon. “Watashi wa anata ga watashi o miru koto ga dekiru koto o shitteimasu!” ang sigaw
Nakaupo ako sa trono ko habang pinapanood ang mga reaper na kunin ang mga kaluluwang minsang nagpahirap sa anak ko. Kung hindi lang ako ang hari ng kabilang buhay sa mundo ng Vesmir malamang ay nasilayan kong lumaki ang anak ko nang matagal. Mula sa isang marmol na naglalaman ng tubig ay nasisilayan ko ang lahat ng kilos ng aking anak mula sa mundo ng mga mortal. Napatayo ako sa aking trono nang makita kong paulit-ulit na sinaksak ng water elves ang aking anak. “Clay,” ang pagtawag ko sa aking kanang-kamay na reaper. Mula sa anino ko ay lumabas ang isang reaper. Si Clay. Ang isa sa mga bihasang reaper na siyang sumundo sa akin sa mundo ng mga mortal noong minsan akong nagpanggap bilang si Father Juan. Lumuhod si Clay at nagbigay ng paggalang sa akin. “Kamahalan, ipinatawag niyo po ako. May kailangan po ba kayo?” ang tanong ni Clay. Nag-aalala ako sa anak ko. Kahit na kamukha siya ni Athaliah ay kasing ugali ko ang batang iyon. Nais kong masiguradong makakabalik siya sa kataw
Nakasakay sa kanyang kalawit ang reaper na nais kumuha sa kaluluwa ni Ada. Halos habulin namin ang aming mga hininga dahil nasasabayan niya ang aming mga galaw.“Nakakatakot isipin na kayang pigilan ng kwebang ito ang kakayahan ng prinsesa. Hindi ko inakala na may ganitong klaseng lugar sa mundo ng mga mortal,” ang sambit ni Morrigan.Hinigpitan ko ang pagkapit sa aking wand. Hindi ko hahayaang makuha ni Morrigan si Ada! Lalo na’t nangako ako kay ama! Nagpakawala ako ng flame phoenix at agad pinalipad patungo sa direksyon ni Morrigan. Nagulat ako nang biglang may humati sa flame phoenix gamit ang espada. Kahit na si Morrigan ay hindi kayang hatiin iyon kaya isang tao lamang ang kilala kong may kakayahang humati nito.“Clay!” ang sigaw ko.Hindi ko inakalang makikita ko ang lalaking ito dito. Nakahinga naman nang maluwag si Morrigan nang hindi tumama sa kanya ang flame phoenix.“Akala
Nakatulog na si Ada dahil sa sakit ng kanyang ulo. Wala ni isa sa amin ang gustong bumasag ng katahimikan nang dahil sa biyahe. Ayon kay Amaranthine, nangyayari ang pagkawala ng alaala dahil sa trauma na idinulot ng isang pangyayari sa katawan ng tao. Nalaman rin namin na tumama sa ibabang parte ng stalagmite ang ulo ni Ada kaya nawalan ito ng alaala.Pumindot naman sa kanyang telepono si Arius at may tinawagan siya doon.“Hello, Lola. Magtungo kayo ngayon sa Pilipinas. Ngayon na! May masama akong balita tungkol kay Ada. Alam kong isa kayo sa makakatulong sa amin ngayon,” ang sambit ni Arius at nawala na ang komunikasyon niya sa kanyang kausap.Tiningnan naman siya ni Gray na kasalukuyang nagmamaneho. Alam kong nagagalit din siya sa sarili niya dahil sa nangyari kay Ada. Napalingon ako sa paligid at napansin kong hindi pamilyar sa akin ang daan.“Saan ba tayo pupunta?” ang tanong ko kay Gray.Tanging
Nakaupo ako sa isang opisina. Ang kwento sa akin nina Arius ay dito namin kikitain ang tutulong sa amin. Hindi ko alam kung anong klaseng tulong ang kailangan namin. Nagtataka nga ako dahil wala akong maalala tungkol kay Arius o kahit sa ibang kasama namin. Wala akong maalala sa mga panahon na kasama sila. Kahit na ang sarili kong pangalan hindi ko maalala. “Ano bang nangyayari, Arius? Bakit kailangan nating hintayin si Seraphine?” ang tanong ng isang madre. “Ada, ano bang nangyayari?” ang tanong ng isa pang madre ngunit mas bata pa ito sa naunang madre na nagsalita. Napatingin ako sa kanila na tila hinihintay magsalita. Ada? Sino ba ang tinutukoy nila? Pangalan ko ba ang Ada? Naiiyak na ako dahil hindi ko alam ku
Naglalakad ako sa kadiliman ng isang kweba. Ramdam ko ang lamig na nagmumula dito at halos matalakid ako ng mga batong nakapalibot dito. Nang maabot ko na ang liwanag ng kweba ay nakita ko ang isang ataul. Sumilip ako at laking gulat ko nang makita ko ang sarili ko doon. Niyakap ko ang sarili ko dahil sa natatakot ako. Nakakadena ang mga kamay at paa nito. Napalingon naman ako nang makita ko ang isang salamin. Nakita ko ang repleksyon ko sa salamin ngunit may kakaiba dito. Lila ang buhok nito at pula naman ang kulay ng kanyang mga mata. May umakbay sa balikat ko at unti-unti akong lumingon. Nagulat ako nang makita ko ang babaeng nahihimlay sa ataul ay nakatayo na sa tabi ko. “Kahit na anong mangyari, huwag mong pakakawalan ang nilalang na nasa salamin. Kamatayan lamang ang maghihintay sa
Muling nakatulog si Ada pagkatapos nang nangyari kanina. Nagiging lapitin talaga ng mga kaluluwa sa pagkakawala ng alaala niya. Napatingala naman ako sa langit at sinilip kung makikita ko ang senyales na nagbalik na si Reyna Athaliah. Ngunit wala akong makita marka sa buwan.“Nasaan ka na ba? Naghihintay na sa’yo ang anak mo,” ang sambit ko.Dinamdam ko ang hangin na siyang dumadampi sa aking balat. Muli kong kinuha ang octahedron crystal sa aking bulsa. Tinapik ko iyon ng dalawang beses at muli kong napakinggan ang musikang nilikha para sa akin ni Athaliah.Muling nanumbalik sa aking alaala ang naging pamumuhay sa mundo ng Vesmir. Nahahati sa dalawang kontinente ang Vesmir. Ang Edoris at ang Tobria. Sa Edoris, matatagpuan ang mga Celestial Mage at samantalang sa Tobria naman ang mga Astral Mage. Magkaiba ng prinsipyo ang dalawang lahi kaya ilang milenyo na ring naglalaban ang dalawang kontinente. Tanging si Athaliah lamang ang nakapagpatigil sa dalawang lahi.Isa siyang diyosa kahit n
Simula nang makilala ko ang reyna ay sumumpa ako nang katapatan sa kanya. Susundin ko siya kahit na anong mangyari. Sa bawat araw na kasama ko ang reyna ay pansamantala kong nalilimutan ang tungkol sa pagkamatay ko. Gaya nga ng sinabi ng reyna ay isinantabi ko ang pagkakaiba namin ng ibang spirit. Ngayong araw ay bumisita ang hari ng kabilang buhay. Si Haring Euthymius. Itim ang kanyang buhok na umaabot hanggang bewang kahit na nakatali ito. Lila naman ang kulay ng kanyang mga mata at matipuno ang pangangatawan nito. Baritono ang kanyang boses kaya damang-dama mo ang lamig at awtoridad sa tuwing nagsasalita siya. Bagamat malaki ang pagkakaiba ng hari at reyna, iisang layunin naman ang kanilang pinaiiral. Ang kapayapaan sa pagitan ng buhay at ng mga sumakabilang buhay. Sino